You are on page 1of 12

PANUNURING

PAMPANITIKA
N
KABANATA II
 Ito ay isang malalim na paghihimay sa
mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha.
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO
 

 Ang kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.
 
 Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan
at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
 
 Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
 
 Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig
sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
 
 Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
 
 Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang
pamimili.
PAGKAKAIBA NG CRITIQUE (PANUNURI) AT CRITICISM
(KRITISISMO)

CRITIQUE (PANUNURI) CRITICISM (KRITISISMO)


1. Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali
1. Naghahanap ng kung ano ang
Naghahanap ng kulang
pwede
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi
1. Nagtatanong upang maliwanagan
niya naunawaan
1. Naglalahad sa mabuti, matapat at Nakalahad sa malupit at mapanuyang
obhektibong tinig tinig
1. Positibo Negatibo
1. Kongkreto at tiyak Malabo at malawak

1. Tumitingin lamang sa kung ano Naghahanap ng pagkukulang sa


ang nasa pahina manunulat at sa akda
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

 Teoryang Klasismo/Klasisismo - Ang layunin ng


panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring
payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay
ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan
 Teoryang Humanismo –

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao


ang sentro ng mundo ay binibigyang tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya
ng talino, talento at iba pa.
(Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga
taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.
 Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya.)
 Teoryang Romantisismo –

Ang layunin ng teoryang ito ay


ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig s a kapwa, bansa at
mundong kinalakihan.
 Teoryang Realismo –

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksihan ng mag-akda sa kanyang
lipunan, Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagka-epektibo ng kanyang isinulat.
 Teoryang Pormalistiko –

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan, Samakatuwid, kung
ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan
ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa–
walang labis at walang kulang. Walang simbolismo
at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pag-unawa. (Tanging pisikal na katangian
ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito.Tunguhin ng
teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.)
 Teoryang Eksistensyalismo –

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may


kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).
 Teoryang Feminismo –

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala


ng mga kalakasan at kakayahang pambabae
at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. (Ang mga babae ng panitikan ay
inilarawan ng ilang manunulat bilang mahina,
marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin,
emosyonal, pantahanan at masama.)
 Teoryang Markismo/Marxismo –

Ang layunin nito ay ipakita na ang tao o


sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.

You might also like