You are on page 1of 42

Batayang Kaalaman sa

Panunuring Pampanitikan
Ikatlong Linggo
Ano ang Panunuring Pampanitikan?
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng
iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ano ang Panunuring Pampanitikan?

Ito ay matalinong pagsusuri sa akda,


pagbibigay pakahulugan sa mga
simbolong nakapaloob sa mga
talinhaga.
Ano ang Panunuring Pampanitikan?

Ang mga akdang pampanitikan o literari ay mga


kathang sinulat upang sa pagbasa nito ay
maunawaan ang mga mensaheng nais iparating ng
may akda sa kanyang obra maestra. Tungkulin ng
mambabasa na maging mapanuri sa kanyang
akdang binabasa.
PANUNURI (Critique) o KRITISISMO (Criticism)
PANUNURI KRITISISMO

NAGHAHANAP NG ESTRUKTURA NAGHAHANAP NG MALI

NANGHAHANAP NG KUNG ANONG PWEDE NAGHAHANAP NG KULANG

NAGTATANONG UPANG MALIWANAGAN NAGBIBIGAY AGAD NG HATOL SA HINDI


NIYA MAUNAWAAN
NAKALAHAD SA MABUTI, MATAPAT AT NAKALAHAD SA MALUPIT AT MAPANUYANG
OBHETIBONG TINIG TINIG
POSITIBO NEGATIBO

KONGKRETO AT TIYAK MALABO AT MALAWAK

NAGPAPATAWA RIN SERYOSO AT HINDI MARUNONG


MAGPATAWA
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko
✔ Ang kritiko ay matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining.
✔ Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
✔ Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan.
✔ Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko ng patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng lingguwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
✔ Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
Kasaysayan ng Kritisismo sa Pilipinas at Pananaw ng
mga Pangunahing Kritiko

Ang kritisismo ay bahagi ng edukasyong kolonyal na dala ng


mga Amerikano. Kasama sa edukasyong dala-dala nila ay
ang mga panitikang nagmula sa kanilang bansa. Kaya naman
ang panitikang inaaral ng mga Pilipino noon ay malayo sa
mga personal nilang karanasan. Kasama rito ay ang
kritisismong ginagamit sa panitikan na nagmula rin sa mga
kanluraning bansa
TEORYANG KANLURANIN: DAHILAN KUNG
BAKIT NAGKAKAROON NG KONTRAPELO

Wika: Filipino vs. Ingles


Tagisan ng mga Kritiko: Elitista vs. Bakya
Pamamaraan ng Kritiko: Formalismo vs. Marxismo
Pambansang Alagad ng Sining “Bienvenido Lumbera”

“The universalist approach has been used,


time and again, as a substitute for the
genuine cross-cultural study that delineates
and seeks to explain not only the
correspondence but also the differences
between the experience of one society and
another. As a tendency in the Philippine
criticism, it had set aside social and historical
data that world otherwise preclude valid
Soledad Reyes
Sa mga akdang naisulat sa unang hati ng ikadalawampung dantaon,
bihira ang kritiko o iskolar na matiyagang nagpapaliwanag ng
teoretikal na batayan ng kanyang analisis/ pagsusuri at pagtaya (kung
bakit maganda o hindi magandang ang isang aklat). Hindi malinaw
kung ano ang pinag-ugatan ng pagsusuri ni Regalado sa nobela, ni
del Mundo ng maikling kuwento, ni Abadilla ng tula, o ni de los
Reyes ng dula. Kalimitan ay maluwag sa kaloobang tinatanggap
bilang isang di-matitinag na elemento ang superyor na posisyon ng
kritiko bilang isang taong may karapatang sumuri at mabigay ng
pagpapahalaga sa panitikan. Subalit hindi naisip ng mga naunang
kritiko na ipabatid kung ano ang kanilang posisyong vis-a-vis sa akda.
Waring ipinalagay nila na ang kanilang oryentasyon ay isang
unibersal na pananaw na walang ugat sa kasaysayan o sa kultura ng
Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario

Ito ang problematika na dapat harapin at lutasin ng


kritisismong Filipino. Nangangahulugan ito ng paglabas
kung hindi man pagtatakwil sa bilangguan ng
panunuring Kanluranin. Nangangahulugan din ito ng
paglikha ng mga bagong kasangkapan at pamamaraan sa
pagsusuri, isang napakabigat na trabaho kapag
ikinompara sa naganap at nagaganap na paghiram
lamang ng teorya’t makinaryang pansuri sa Europa at
Estados Unidos. Kapag nangyari, isang maluwalhating
yugto ito sa kritisismo at sa wikang Filipino. Hindi
Samu’t saring pananaw at mungkahi ang nagmula sa mga kritiko at nasa
akademya. Ayon kay Propesor Nicanor Tiongson ng Unibersidad ng
Pilipinas ay may limang katanungang dapat mabatid at masagot ng
sinumang nais maging kritiko.

1. Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng likhang-sining?


2. Paano ito ipinararating?
3. Sino ang nagpaparating?
4. Saan at kailan sumupling ang likhang-sining na ito?
5. Para kanino ang likhang sining na ito?
1. Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng
likhang-sining?

Sa katanungang ito ay nais malaman kung anong anyong


pampanitikan ang binasang akda, matapos nito ay nais
palalimin ang kaalaman ng mambabasa kung ano sa tingin
niya ang mensahe nito. Ano ang nais nitong ipadama sa
sinumang babasa? Ano ang pinalulutang na paksa?
2. Paano ito ipinararating?
Ang katanungang ito ay sumasagot o tumutukoy sa paraan o teknik na
ginamit ng manunulat upang maisulat ang akda. Maaaring kasama sa
pagtalakay nito kung anong uri ng pananalitang ginamit (antas ng wika).,
anu-ano ang tayutay na ginamit kung ito ang tula, balangkas ng kuwento
kung ito’y nobela o maikling kuwento, tono o ritmo rin ay maaaring
bigyang-pansin. Ayon kay Tiongson, “mahalagang ang pagsusuri sa porma
ng likhang sining upang malinawan natin ang kasiningan o artistry ng
sinusuri”.
3. Sino ang nagpaparating?

Sino ang may-akda? Ano ang kanyang kasarian? Ano ang


estado ng kanyang buhay? Maaaring manaliksik sa kanyang
talambuhay. Sino-sino ang kanyang impluwensya sa panulat? Ang
mga katanungang gaya nito ay magsisilbing gabay para sa
ikatlong katanungan. Ang pag-alam sa mahahalagang detalye o
datos ng kanyang buhay at pagsusuri nito ay makatutulong upang
lalong higit na maunawaan ang akda.
4. Saan at kailan sumupling ang likhang-sining na ito?

Nais malaman sa bahaging ito kung ano ang pangkasaysayang


kahalagahan ng akda. Anong kaisipan ang dominante nang maisulat ito na sa
tingin ninyo ay nakaapekto sa pagkakasulat ng akda. Mahalaga ring
malaman ang lugar na pinagmulan upang mas malalim nating maunawaan
ang kultura at katutubong kulay na mababakas sa akda. Mahalagang
masagot ang saan at kailan para sa mas magandang panunuri.
5. Para kanino ang likhang-sining na ito?
Ito raw ang pinakamahalagang katanungan, dito ay nais tukuyin kung
sino ang target reader ng manunulat ngunit hindi lamang ito literal na
audience sapagkat kakambal ng audience ay saang antas ng lipunan sila
kabilang o nagmula. Mula sa antas ng lipunan ng mababasa ay mahihinuha
na natin kung ano ang gustong ipabatid ng manunulat. Nais ba niyang
magmulat? Manuligsa? Pag-isipin ang sinumang makababasa ng akda?
Ano ang gusto niyang gawin ng mambabasa ng akda? Ano ang gusto
niyong gawin ng mababasa matapos siyang basahin? Magrerebolusyon?
Tulad ng epekto ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal?
MGA DOMEYN O SALIK ayon kay Dr. Rolando Tolentino
a.) Uri
Ekonomikal ang pagsipat sa unang domeyn. Sa kuwentong binasa mababakas ang uri ng mga
tauhan batay sa kakayahang ekonomikal nila. Ilan sa mga makatutulong na katanungan ay ang
mga sumusunod:
• Bakit kumikilos at nag-iisip ang mga karakter sa kuwento nang ganoon?
• Paano naapektuhan ng pagkakaroon at kasalatan ng yaman ang kanilang pagiisip,kamalayan at
aksyon?
• Paano ito nag-iiba batay sa kung sino ang mayroon at wala sa lipunan at panahon ng kuwento?
• May relasyon ba ang kakayahang ekonomikal ng tauhan sa kaniyang pagdedesisyon?
• Ano ang namamayaning ugali ng uring pinanggalingan ng tauhan?
• Paano napaigting ng tunggalian ng uri ang kuwento?
b.) Lahi at Etnisidad
Ang pinagmulan ng kapwa ang pangunahing nais alamin ng salik na ito at
relasyon nito sa paggalaw ng lipunan.

• Mayroon bang ipinahahayag na kaisipan ang akda sa usapin ng lahi o


etnisidad?
• Paano ang pagtrato ng mga tauhan sa bawat isa batay sa lahi o etnisidad?
• Ano ang dahilan o pinagmulan ng pagmamaliit sa mga naisantabi?
• Bakit may ibang pagtrato ang mga pribilihiyado? Saan nagmula ang ganitong
pananaw?
• Ano ang pananaw ng akda sa marginalization o marhinilisasyon?
c.) Sekswalidad at Kasarian

Mayaman ang panitikan natin sa mga akdang may isinasatinig na boses ng partikular na
kasarian.
• Ang naratibo ba ng kuwento ay mula kanino? Sa punto de bista ba ng lalake o babae?
• Ano ang pinalulutang na pagtanaw sa kababaihan?
• Analisahin ang mga karakter na babae, paano sila kumilos? Magsalita? Mag-isip?
• Mayroon bang boses ang babae sa lipunan? O wala?
• Tingnan ang kulturang pinagmulan ng manunulat, paano ipinahahayag ang kalakasan at
kahinaan ng kasarian?
• Sino ang mas may boses sa kabuuan ng kuwento?
• Mayroong bang simbolohikal na tagpo ang mga babae?
MGA PANANAW
AT TEORYANG
PAMPANITIKAN
Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at
mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad
sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang Formalismo/Formalistiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais


niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa –
walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Teoryang Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng
may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing
gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na
suliranin.
Teoryang Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may
akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may akda ang
mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa
mga sunod na salinlahi. Ipinapakita rin dito na ang bawat lipi ay
natatangi.
Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan
Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan


ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili
na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo
(human existence).
Teoryang Dekonstruksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto


na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang
mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang
nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagtao at mundo.
Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Teoryang Markismo/Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan
at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng
pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.
Teoryang Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at


kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan
ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang
pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit
ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita
ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita
sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Ang Paglikha ng Kahulugan

TEKSTO MAMBABASA
Ang Paglikha ng
Kahulugan
Konsepto ng “teksto”, ang akda na binubuo ng mga salita.
Batid natin na ang mga salita ay nagtataglay ng maraming
kahulugan batay na rin sa pagkakagamit sa mga ito. Ayon sa
pag-aaral ni Ferdinand de Sassure (1959) at ilan pang eksperto sa
wika, ang mga salita ay sagisag (sign) na binubuo ng dalawang
sangkap: ang sinasagisag (signified) at ang nananagisag
(signifier).
1. Semiotika - Ang semiotics ay ang teorya at pag-aaral ng
mga palatandaan at simbolo , lalo na bilang mga elemento
ng wika o iba pang mga sistema ng komunikasyon.

Halimbawa:
Logo

Emoji at Emoticon
Ang “mambabasa”. Sa kumbensiyonal na pananaw, ang
mambabasa ay tinitingnan bilang pasibo, walang tutol na
tagatanggap lamang ng mga bagay-bagay na taglay ng akda. Siya
ay indibidwal na walang lakas o kapangyarihang tumugon o
sumagot o makipag-ugnayan sa isang malikhaing paraan sa
masalimuot na sistema—ang tula o nobela.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!

Inihanda ni: Rizalyn M. Bautista, LPT


Kintal-Isip

Para maintindihan ang panitikan, kailangang kilalanin ang


lipunang bumuo rito.
Para maintindihan ang lipunan, kailangang basahin ang
panitikang nakapaloob dito.
Maraming Salamat sa
Pakikinig!
Inihanda ni: Rizalyn M.
Bautista

You might also like