You are on page 1of 24

KAHULUGAN AT

KAHALAGAHAN NG
PAMUMUNANG PAMPANITIKAN
Inihanda ni:
Bb. Rochelle B. Evangelista
MEd Filipino
ANO ANG PANITIKAN?
Ang panitikan ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa
ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
ANO ANG PANITIKAN?
Ang panitikan ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa
ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
ANO ANG PANITIKAN?
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa
salitang "pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an".
At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na
ang literatura ay galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.
ANO ANG PANITIKAN?
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan,
lipunan at mga pananampatalaya at mga
karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng
iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral,


pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
 Isang paraan sa pagsusuri sa kabuuan ng tao – ang
kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at
maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.
CRITIQUE OR CRITICISM
(PANUNURI O KRITISISMO)
Naghahanap ng pagkukulang sa
manunulat at sa akda

KRITISISMO
Tumitingin lamang sa kung ano
ang nasa pahina.

PANUNURI
PANUNURING PAMPANITIKAN
PANUNURI KRITISISMO
Naghahanap ng estruktura. Naghahanap ng mali.
Naghahanap ng kung ano ang pwede Naghahanap ng kulang.
Nagtatanong upang maliwanagan. Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
maunawaan.

Nakalahad sa mabuti, matapat at obhetibong Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig.


tinig.

Positibo Negatibo
Konkreto at tiyak Malabo at malawak
Nagpapatawa rin. Seryoso at hindi marunong magpatawa
Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa Naghahanap ng pagkukulang sa
pahina manunulat at sa akda
PANUNURING PAMPANITIKAN
TANDAAN!
 Ang pamumuna at pagsusuri ay di pamimintas.
 Ito’y pagbibigay-puri sa kagandahan ng akda ng may-akda at
pagbibigay-puna sa kahinaan nito upang lalo niyang mapaganda
ang mga susunod na sulatin.
 Ito’y nagpapahalaga sa lalong ika-uunlad ng manunulat at
panitikan na rin sa kabuuan.
KASAYSAYAN
Ang kritisismo ay bahagi ng edukasyong kolonyal
na dala ng mga Amerikano. Kasama sa edukasyong
dala-dala nila ay ang mga panitikang nagmula sa
kanilang bansa. Kasama rito ay ang kritisismong
ginagamit sa panitikan na nagmula rin sa mga
kanluraning bansa. Sa madaling salita, tinuturuan ang
mga Pilipino sa mga pamamaraang hindi angkop sa
kanila.
Dito sumibol ang pananaw ng Pambansang
Alagad ng Sining na si Bienvenido Lumbera na
nagsilbing isang hamon sa ating mga mambabasa
ng panitikan, gayundin sa mga iskolar na bumuo ng
isang dulog o panunuring tala na masasabing atin
sapagkat lagi na lamang umano tayong nakaangkla
sa kung anumang ididiktang pananaw ng mga nasa
kanluran.
Mayroon na ring mga naunang tala ng pagtatangka ng
panunuring pampanitikan sa Pilipinas noong panahon
ng mga Amerikano. Ayon kay Soledad Reyes, ang mga
ito ay nakasulat bilang mga polemikong sanaysay at
polyeto noon. Ngunit karamihan umano ng mga
naunang pag-aaral at pagsusuri ng panitikan ay walang
malinaw na pamantayan ng pagsusuri.
Isang hamon din ang ipinabatid sa mga mambabasa ni
Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario (1997)
na tayo ay dapat gumawa ng “Bagong Pormalismong
Filipino” na sagot na natin sa kultura ng kritisismo ng
kanluran. Biglang paglilinaw, ninanais niyang makalaya
tayo mula sa istilo ng pagsusuri ng mga dayuhan at
magkaroon tayo ng sarili nating pagkakakilanlan.
Samu’t saring pananaw at mungkahi ang
nagmula sa mga kritiko at nasa akademya.
Ayon kay Propesor Nicanor Tiongson ng
Unibersidad ng Pilipinas, may limang
katanungang dapat mabatid at masagot ng
sinumang nais maging kritiko.
KAHALAGAHAN NG
PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang bunga ng pagsusuri ay bunga ng
paghuhusga sa akda na kung saan ang
mambabasa ay nakalilikom ng higit na kaalaman
tungkol sa likhang sining.
Naipaliliwanag ang mensahe at layuning
napapaloob sa akda.
Ang makatarungang pagsusuri ay
magiging sandigan ng higit pang
pagpapalawak at pagsulong ng manunulat
at panitikan.
Maging ang istilo ng manunulat ay
natutuklasan sa pamamagitan ng
pagsusuri.
SANGGUNIAN:

https
://www.coursehero.com/file/15844363/Panunuring-Pa
mpanitikan
/
https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-a
t-kahalagahan-ng-panunuring-pampanitikan-katangian
-ng-isang-mahusay-na-kritiko?qid=49053508-360e-4a
41-a435-7f8b4943f133&v=&b=&
from_search=1
https

You might also like