You are on page 1of 25

PANUNURING

PAMPANITIKAN
Mark James M. Viñegas
DEPINISYON
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa malikhaing manunulat at katha.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral,


pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.

 Isang paraan sa pagsusuri sa kabuuan ng tao – ang


kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at
maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.
CRITIQUE OR CRITICISM
(PANUNURI O KRITISISMO)
PANUNURING PAMPANITIKAN

PANUNURI KRITISISMO
Naghahanap ng estruktura. Naghahanap ng mali.
Naghahanap ng kung ano ang Naghahanap ng kulang.
pwede
Nagtatanong upang maliwanagan. Nagbibigay agad ng hatol sa hindi
niya maunawaan.
Nakalahad sa mabuti, matapat at Nakalahad sa malupit at
obhetibong tinig. mapanuyang tinig.
Positibo Negatibo
Konkreto at tiyak Malabo at malawak
Nagpapatawa rin. Seryoso at hindi marunong
magpatawa
Tumitingin lamang sa kung ano ang Naghahanap ng pagkukulang sa
nasa pahina manunulat at sa akda
PANUNURING PAMPANITIKAN

TANDAAN!
 Ang pamumuna at pagsusuri ay di pamimintas.

 Ito’y pagbibigay-puri sa kagandahan ng akda ng may-akda at


pagbibigay-puna sa kahinaan nito upang lalo niyang mapaganda
ang mga susunod na sulatin.

 Ito’y nagpapahalaga sa lalong ika-uunlad ng manunulat at


panitikan na rin sa kabuuan.
KASAYSAYAN
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang kritisismo ay bahagi ng edukasyong kolonyal na dala


ng mga Amerikano. Kasama sa edukasyong dala-dala nila
ay ang mga panitikang nagmula sa kanilang bansa.
Kasama rito ay ang kritisismong ginagamit sa panitikan na
nagmula rin sa mga kanluraning bansa. Sa madaling
salita, tinuturuan ang mga Pilipino sa mga pamamaraang
hindi angkop sa kanila.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Dito sumibol ang pananaw ng Pambansang Alagad ng


Sining na si Bienvenido Lumbera na nagsilbing isang
hamon sa ating mga mambabasa ng panitikan, gaundin sa
mga iskolar na bumuo ng isang dulog o panunuring taal
na masasabing atin sapagkat lagi na lamang umano
tayong nakaangkla sa kung anumang ididiktang pananaw
ng mga nasa kanluran.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Mayroon na ring mga naunang tala ng pagtatangka ng


panunuring pampanitikan sa Pilipinas noong panahon ng
mga Amerikano. Ayon kay Soledad Reyes, ang mga ito ay
nakasulat bilang mga polemikong sanaysay at polyeto
noon. Ngunit karamihan umano ng mga naunang pag-
aaral at pagsusuri ng panitikan ay walang malinaw na
pamantayan ng pagsusuri.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Isang hamon din ang ipinabatid sa mga mambabasa ni


Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario (1997) na
tayo ay dapat gumawa ng “Bagong Pormalismong Filipino”
na sagot na natin sa kultura ng kritisismo ng kanluran.
Biglang paglilinaw, ninanais niyang makalaya tayo mula sa
istilo ng pagsusuri ng mga dayuhan at magkaroon tayo ng
sarili nating pagkakakilanlan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Samu’t saring pananaw at mungkahi ang nagmula sa


mga kritiko at nasa akademya. Ayon kay Propesor
Nicanor Tiongson ng Unibersidad ng Pilipinas, may
limang katanungang dapat mabatid at masagot ng
sinumang nais maging kritiko.
PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng likhang-


sining?
2. Paano ito ipinararating?
3. Sino ang nagpaparating?
4. Saan at kailan sumupling ang likhang-sining na ito?
5. Para kanino ang likhang-sining na ito?
MGA KILALANG KRITIKO
PANUNURING PAMPANITIKAN

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata


at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at
Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging
kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo


noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng
sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga
buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay
tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang


“Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng
pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay
pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang
“Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon
hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng
pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng


Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong
ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa
mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya
sa salitang kritika:

Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi


uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi
nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
PANUNURING PAMPANITIKAN
Iba pang kilalang kritiko:

Teodoro A. Agoncillo, Virgilio S. Almario,


Lamberto E. Antonio, Isagani R. Cruz, Lope K. Santos,
Federico Licsi, Jr. , Rogelio G. Mangahas,
Fernando B. Monleon, Clodualdo del Mundo,
Ponciano B.P. Pineda
KAHALAGAHAN
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang bunga ng pagsusuri ay bunga ng paghuhusga


sa akda na kung saan ang mambabasa ay
nakalilikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang
sining.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Napaliliwanag ang mensahe at layuning napapaloob


sa akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang makatarungang pagsusuri ay magiging


sandigan ng higit pang pagpapalawak at pagsulong
ng manunulat at panitikan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa


pamamagitan ng pagsusuri.

You might also like