You are on page 1of 27

Kung Bakit Higit Kailanman, Ngayon Natin

Pinakakailangan ng mga Manunulat: Poetika


at Politika ng Pagsulat at Pagtuturo ng
Filipino at
Panitikan
GEROME NICOLAS DELA PEÑA, MAFIL
Katuwang na Propesor, Kolehiyo ng mga Sining at mga Agham, Manila Tytana Colleges

Ikalawang Pangulo sa Publikasyon, Kataga (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas)


PAGLILINAW

Ako lang ito. Makitid. Kapos.


Sumusubok. Natututo.
Nasasaktan. Pero nagmamahal pa rin.
Paulit-ulit. Pero alam ko kung bakit.

Kung handa ka pa ring makinig, tara, G.


ANG MALIKHAING PAGSULAT

• Ano ang malikhain o makathaing pagsulat? Ano-ano


ang mga kaibahan nito sa iba pang anyo ng pagsulat
tulad ng teknikal o akademikong pagsulat?”
PAGKAKAIBA NG MALIKHAING PAGSULAT AT
TEKNIKAL O AKADEMIKONG PAGSULAT

• Ang malikhaing akda ay isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at


bigyan sila ng pag-unawa sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang
ginagalawan. Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng malikhaing sulatin:
• Memoir, awtobiyograpiya, nobela, nobeleta (mahabang maikling kuwento
o maikling nobela), maikling kuwento, dagli o flash fiction (“maikling”
maikling kuwento na binubuo lamang ng ilang daang salita);
• Tula, personal na sanaysay, epiko, komiks o graphic novel, dula (panteatro,
pampelikula, pantelebisyon), kanta o awit.
ANG PANITIKAN AT MALIKHAING PAGSULAT

• Kasiya-siya ang pagbasa ng mga malikhaing akda. Isa itong sining na


pumupukaw sa ating damdamin at isipan habang binibigyan tayo ng iba’t
ibang anggulo upang sipatin ang ating sarili at ang ating kapaligiran.
PAGHAHAMBING

Iba ang malikhaing pagsulat sa teknikal o akademikong pagsulat. Karaniwang


layunin ng mga teknikal na sulatin ay magtalakay ng paksa, magpakita ng datos,
at magbigay-kaalaman. Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng teknikal na
sulatin:
• akademikong sanaysay, artikulo sa diyomal, akademikong rebyu (ng aklat,
pelikula, atbp.), tesis o disertasyon, pamanahong papel;
• manwal o aklat na naglalaman ng mga gabay o tuntunin, report,
korespondensiya opisyal, konseptong papel, posisyong papel, memorandum,
mungkahing saliksik.
ANG MALIKHAING PAGSULAT AT PANITIKAN

Magkaiba ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat sa


paggamit ng wika. Maoobserbahang sa malikhaing pagsulat, lalo
na sa mga akda ng kabataan o bagong henerasyon ng manunulat
sa Filipino, karaniwang hindi pormal ang wikang ginagamit.
ANG MALIKHAING PAGSULAT AT PANITIKAN

Sa maikling kuwentong “Dilang Anghel” ni U Z. Eliserio, sambit ng


tagapagsalaysay, “Miss na kita, kung alam mo lang. Siguro nga alam mo.
Ba’t di ka sumasagot sa text, e, noong Pasko di ba nagbati na tayo?”
Mapapansin ang ganitong gamit ng mga salita sa mga akda nina Jun Cruz
Reyes, Eros Atalia, Mayette Bayuga, Bebang Siy, Norman Wilwayco, Mes
de Guzman, at iba pa.
ANG MALIKHAING PAGSULAT AT PANITIKAN

Gumagamit sa malikhaing pagsulat ng mga talinghaga, tayutay, at


iba pang malikhaing salita. Sa teknikal na pagsulat, pormal ang
wikang ginagamit at iniiwasan ang paggamit ng mga balbal,
bulgar, at kolokyal. Sa halip, gumagamit sa mga ito ng mga
jargon o espesyal na bokabularyo ng isang propesyon o grupo.
ANG MALIKHAING PAGSULAT AT PANITIKAN

Sa malikhaing pagsulat, mas malaya ang manunulat sa pag-aayos ng mga


ideya. Halimbawa, maaaring simulan ang kuwento sa wakas at magwakas sa
simula, o magsimula sa gitna, o maaaring walang simula at walang wakas.
Samantala, sa tula, hindi hayagang ipinahahayag ang mensahe bagkus
kailangang isaalang-alang ang mga imahen, tono, tunog, at iba pang
elemento upang maunawaan ito.
PAGSULAT AT KARANASAN

• Ang malikhaing pagsulat ay malikhaing pagsasatitik ng


nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan, at nadarama.
Masasabing nagtagumpay ang manunulat kapag naidadala niya
ang mambabasa sa mundo ng tula o kuwento.
PAGSULAT AT KARANASAN

HALIMBAWA:
• Nakikita ng mambabasa ang mga detalyeng nakikita ng tauhan o persona.
• Napapatakip siya ng ilong sa sangsang ng imburnal na halos magpahimatay sa
tagapagsalaysay sa kuwento.
• Sumasabog ang kaniyang pandinig sa bulung-bulungan sa simbahan na
pinapaksa ng tula.
• Nalulukot ang kaniyang mukha sa manggang kinain ng tauhan sa binasang
dula.
• Dama niya ang luwalhati o pighati sa binasang akda.
PAGSULAT AT KARANASAN

Upang maging kapani-paniwala ang kaniyang akda—ang manunulat (maging


baguhan man o batikan), humuhugot siya sa sariling karanasan o karanasan ng
iba. Nakabatay ang kaniyang karanasan sa realidad kaya nagiging mas
makatotohanan ang mundong nilikha niya. Kaya nga may mga mambabasang
laging iniuugnay ang mga nangyayari sa binasang akda sa buhay ng nagsulat
nito. 
PAGSULAT AT KARANASAN

• Sa kaniyang aklat na Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay, sinabi ni


Rogelio Sicat (1992) na hindi nakukuntento ang mga mambabasa sa pagbasa
lamang; interesado silang malaman kung ano ang inspirasyon ng akda.
Interesado sila sa buhay ng manunulat. Laging may mga tanong na bumubukal
sa kanilang isipan:
• Sino ang manunulat sa kaniyang sinulat?
• Sino kaya ang modelo niya sa bida ng kuwento?
• Ano-ano kayang personal na karanasan ng manunulat ang masasalamin sa
tula?
PAGSULAT AT KARANASAN

• Kung mas malapit sa kaniyang karanasan ang paksa, maaaring mas


mapadali ang pagsulat niya dahil alam na alam niya ito. Kung
malayo naman sa kaniyang karanasan ang paksa, masusubukan ang
kakayahan niyang lumikha ng kapani-paniwalang akda dahil
kailangan pa niyang magsagawa ng karagdagang pananaliksik.
PAGSULAT AT KARANASAN

• Ngunit kailangang linawin na iba ang makata sa persona sa kaniyang


tula, ang kuwentista sa tagapagsalaysay sa kaniyang katha, at iba ang
mandudula sa pangunahing tauhan sa kaniyang dula. Ibang usapin
naman ang personal na sanaysay, awtobiyograpiya, memoir, at mga
katulad na akda na hayagang nagpapakita ng karanasan ng manunulat. 
PAGSULAT AT KARANASAN

• Sabi nga ni Roland Barthes (1997) sa “The Death of the Author,” ang kaisahan
ng teksto ay hindi matatagpuan sa pinanggalingan nito (awtor), kundi sa
destinasyon nito (mambabasa). Kaya para sa mga manunulat na ito, hindi na
mahalaga kung hango ba sa kanilang karanasan ang akda. Ang mahalaga ay
kung paano ito babasahin at tatanggapin ng kanilang mambabasa.
HALAGA NG PAGSULAT NG PANITIKAN

1. Pagpapahayag ng damdamin.
• Sinubukan o binalak mo na bang magsulat ng tula para sa iyong
crush? Ibinigay mo ba ito sa kaniya o itinago mo lamang sa iyong
shoebox? Ginagawa mo rin ba ito, o sa social media mo na
inilalabas ang iyong saloobin? Ano pa man ang midyum na
gamitin, naipahahayag natin ang ating damdamin sa pamamagitan
ng pagsulat.
HALAGA NG PAGSULAT NG PANITIKAN

2. PRESTIHIYO.
• May mga nagsusulat ng malikhaing akda na ang layunin ay makilala sa mundo
ng panitikan. Totoo, may prestihiyo sa pagsusulat.
• May mga nangangarap na susunod na Virgilio Almario, Bienvenido Lumbera,
Cristina Pantoja-Hidalgo, Resil Mojares, at iba pang maituturing na
kasalukuyang pundasyon ng panitikang Filipino.
• Isa sa mga paraan upang makilala ay ang pagsali sa mga paligsahang
pampanitikan. Ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang
itinuturing na pinakaprestihiyosong patimpalak sa panitikan sa bansa.
HALAGA NG PAGSULAT NG PANITIKAN

3. KABUHAYAN.
• Ito ang pangunahing kabuhayan ng ilang nagsusulat ng romance
novels, komiks, teleserye, at mga malikhaing akda sa blog at online
writing community. Dahil sa mataas na demand, palagiang
kumakatha ang mga manunulat dahil may mga publikasyong
maglalathala ng kanilang akda.
HALAGA NG PAGSULAT NG PANITIKAN

4. PAGMULAT AT PAGKILOS.
• Isa sa mga dakilang layunin ng ilang manunulat ang imulat ang
mga mambabasa sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Ipinakikita nila sa kanilang mambabasa ang mga bagay na
karaniwang hindi nakikita sapagkat ikinukubli at binibigyan nila ng
boses ang mga tinanggalan ng boses sa lipunan.
KUNG BAKIT HIGIT KAILANMAN, KAILANGAN NATIN NGAYON NG MGA
MANUNULAT

Ang malikhaing pagsulat ay isang sining na hinahango mula sa


karanasan ng manunulat. Pumupukaw ito ng damdamin at isipan
habang binibigyan ng iba’t ibang lente sa pagsipat sa ating sarili at sa
ating kapaligiran. Isang anyo ng politikal na tindig at pamaraan ng
pamumuhay ang pagsusulat ng malikhaing akda.
KUNG BAKIT HIGIT KAILANMAN, KAILANGAN NATIN NGAYON NG MGA
MANUNULAT

• Kung sinasabi nating kailangang “pahalagahan” ang ating panitikan


(sa sarili, kaibigan, mag-aaral), baka naman talaga, sa loob ng
maraming taon, wala pa talaga tayo sa lebel na nagagawa natin iyon
• Isulong ang tamang termino
• Suportahan natin ang mga local artist, kanilang mga grupo o
kolektibo
• Maging kaisa ng mga laban ng mga manunulat o higit, ng mga
aping sektor sa lipunan
KUNG BAKIT HIGIT KAILANMAN, KAILANGAN NATIN NGAYON NG MGA
MANUNULAT

Nagsusulat ng malikhaing akda upang magpahayag ng damdamin at


makilala sa mundo ng panitikan. Sa Pilipinas, patuloy pa rin sa
pagsulat ang mga manunulat dahil sa pangangailangan nilang
mabasa, samantalang ang ilan ay umaasang mamumulat at
mapakikilos nila ang mga mambabasa tungo sa mga pagbabago sa
lipunan.
KUNG BAKIT HIGIT KAILANMAN, KAILANGAN NATIN NGAYON NG MGA
MANUNULAT

“In our time, political


speech and writing are
largely the defense of the
indefensible.”
― George Orwell

You might also like