You are on page 1of 26

KALAGAYAN AT

KATANGIAN NG
PANITIKAN NG
BAWAT PANAHON
Ang panitikang Pilipino ay sumasakop
sa panahon ng ating mga ninuno,
hanggang sa panahon natin ngayon.
Nagsimula ang ating panitikan bago
pa masakop ng Imperyong Madjapahit
ang Pilipinas.
Panahon ng Kastila
Pinalaganap ang Panitikang Europeo
na nakapaloob sa mga awit, korido,
comedia, senakulo, pasyon at zarzuela.
Panahon ng Kastila
Sa panahong ito, a ng unang naging manunulat ay ang
mga pari na sumulat ng mga nobena, buhay ng mga santo,
maikling kwento at nobela.

Sa panahon ding ito nabantog sina Jose dela Cruz, na


kilala sa tawag na Huseng Sisiw at ang mag-aaral niyang si
Francisco Balagtas sa kanilang mga awit at korido.
Kapansin-pansin ang pagbabagong-anyo ng panitikan ay
kasabayan din ng pananakop ng ibang lahi sa ating bansa.

Ang mga dating awiting-bayan, bugtong at mga alamat ay


napalitan ng maikling, tula, awit at korido, nobela at pasyon,
senakulo at zarzuela.
Panahon ng Amerikano
Namayani ang akdang romansa.
Nahati ang mga manunulat sa tatlong pangkat .

1. Manunulat sa wikang kastila (Manuel Bernabe, Jesus


Balmori, Claro M. Recto, Fernando Ma. Guerero, Cecilio
Apostol at iba pa.
Panahon ng Amerikano
2. Manunulat na nagsipagsulat sa Tagalog.
Kayraming katawagan ang ikinapit sa kanila
(Makata ng Puso, Makata ng Buhay, Makata ng Dulaan)
Lope K. Santos. Iñigo Ed Regalado, Aurelio Tolentino,
Juan Cruz Balmaceda, Valeriano Hernandez Peña, Rosalia
Aguinaldo, Juan Laya, Thomas Remigio, Roman Cruz de
Guzman, Patricio Mariano, Hermogenes Ilagan at iba pa.
Panahon ng Amerikano
3. Manunulat sa Ingles.
Nakilala sina Jose Garcia Villa, NVM Gonzales, Paz
Marquez Benitez, Oreto Paras, Nick Joaquin, Casiano
Calalang, Jose Dayrit, Jose Villa Panganiban at iba pa.
Panahon ng Hapon

Dulang- Tagalog
Maikling-Kwento
Panahong Kasalukuyan
Masasabing Malaki na ang iniunlad ng ating panitikan.
Bagama’t may bahid pa rin ng romantisismo.

Rogelio Sicat, Rogelio Ordonez, Efren Abueg, Virgilio,


Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob, Domingo
Landicho, Clemente Bautrista at iba pang manunulat sa
realism ng buhay.
YUNIT II
MGA SALIGAN SA
PANUNURING
PAMPANITIKAN
PANGANGAILANGAN NG PANUNURI AT
KAHALAGAHAN NG PAGSUSURI
Ang isang kritiko/mambabasa ay nararapat
magsuri upang makatulong sa lalong ikaliliwanag at
ikauunlad ng panitikan at gayundin ng manunulat ng
anumang likhang- sining mga akdang tulad ng
maikling kwento, dula, tula, nobela atbp.
SA PAGPAPAHALAGA, ANG
MANUNURI AY DAPAT NA
1. Magkaroon ng likas na kuru-kuro. Hindi siya nadadala ng kabantugan
ng may-akda. Kailangan din na bukod sa pagiging matatag ay maging
tiyak din sa ginawang pagpapahalaga o pamumuna.
2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may-akda ay
kailangang maliwanag sa manunuri upang lubos niyang maabot ang
mensahe, mga pangyayari at mga damdaming taglay ng katha.
3.Ang manunuri ay kailangan maging tapat, nagtataglay siya ng
obhektibong pananaw - walang kinakatigan.
KAHALAGAHAN NG PAGUSURI
Ang gawang pagsusuri ay hindi madali ngunit
mahalaga. Madalas na ang manunuri ay nagtitimbang -
timbang muna ng kanyang sasabihin o isusulat tungkol
sa anumang tekstong nais bigyang pansin. Alam ng
matalinong manunuri na nakasalalay ang kinabukasan,
kaunlaran ng akda at maging ng manunulat sa
gagawing pagpapasiya.
BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG PAG SUSURI?
APAT NA DAHILAN:

UNA: Pantay na paghuhusga


PANGALAWA: Mensahe at Layunin
PANGATLO: Sandigan ng higit pang pagpaplawak at
pagsulong ng manunulat at ng panitikan.
PANG-APAT: Natutuklasan ang istilo.
• Lapp at Flood(1978)
Pagbabasa ay paraan ng pagkilala ng nakalimbag na sagisag at
pagbibigay kahulugan nito.
• Dr. Lydia P. Lalunio (1985)
Ang pagbabasa ay isang proseso na nangangailang ng pag iisip,
pagpapahalaga, pagpappasaya, pag wawangis at paglutas ng suliranin.
• Lorenzo et. al (1997)
Ang pagbabasa ay ang tiyak at madaling pagkilala ng ayos at
pagkakasunud-sunod ng mga salita, pagsasama-sama ng mga salita para
,makabuo ng ideya at kahulugan.
Dr. Paquito B. Badayos (1999) nagsasaad na ang pagbabasa ay isang proseso ng
pag-iisip at ito'y prosesong interktibo.
Samakatwid, habang nagbabasa ang isang tao,siya'y nag-iisip, nagsusuri,
nagpapahalaga, nagiging kritikal na palatandaang siya'y gumagawa ng mapanuring
pagbabasa.
Ang mapanuring pagbabasa ay ang pagbabasa ng isang artikulo, pahina ng
babasahin, akdang pampanitikan na maaring maikling kwento, nobela, dula at iba pa.
Pinag iisipan ang nilalaman at mensahe ng manunulat. tinitingnan ang bawat detalye o
bahagi ng isang akda at ang ibubunga nito sa mga mambabasa. Sa mapanuring
pagbabasa ay maaring ilahad ng mambabasa ang kanyang pagsang-ayon o kaya'y
pagtutol sa punto ng may-akda. Sa ganitong paraan, higit na makatulong ang
mambabasa sa lalong ikauunlad ng panitikan. Ang mapanuring mambabasa ay
malayang nakapaglalahad ng mga reaksyon, sariling pananaw tungkol sa nais ipabatid
ng manunulat.
MATALINONG PAMUMUNA
Hindi natin maiiwasan angt pamumuna kung
tayo'y magbabasa. ito'y nararapat na matalinong
pamumuna. Ang matalinong pamumuna ay isang
magandang hakbang tungo sa ikaliliwanag ng
mga akdang pampanitikan.
ANG SUSUNOD AY PALIWANAG O IDEYA TUNGKOL
SA KUNG ANO ANG TINAGURIANG MATALINONG
PAMUMUNA.
• Ito ay pagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa at
ginagamitan ng talas ng pag-iisip.
• Pagsusuri o pag aaral ng bawat detalyeng binabasa
• Pagbibigay ng balanse at makatwirang pamumuna sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga positibo
at negatibong punto sa binasa
• Walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinapahayag ang pagsang-ayon at kung
nararapat tumututol ay ipinapahiwatig ang pagtutol
• Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat
• Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda.
• Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para sa ikaliliwanag at ikagaganda
nito tungkol sa paghabi ng mahahalagang balyus.
• Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o pagtutol at pagtuturo o pagsasabi ng mga kanais-nais na
katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang. (Diksyunari ng Wikang Filipino 1998)
MGA AKDANG NABIBILANG SA MATAAS NA
ANTAS, DAKILA AT WALANG KAMATAYAN:

• Jose Rizal (Noli Me Tangere at el Filibusterismo)


• Modesto Castro (Urbana at Feliza)
• Francisco Baltazar (Florante at Laura)
• Padre Bustamante de Andrade (Tandang Bacio Macunat)
• Lope K. Santos (Banaag at Sicat)
AYON KAY PROPESORA NENITA PAPA, ANG
MGA AKDANG SUMUSUNOD AY DAPAT
TANDAAN:
• Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung ito'y nobela, maikling kwento, tula o
dula;
• Basahin ito ng masinsinan at igawa ng lagom. Ito ay ang buod ng nilalaman, kung ganoon maikli lamang
ang lagom;
• Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang istilo o paraan ng pagkakasukat ng katha;
• Bukod sa pagbanggit ng kahusayan atkahinaan ng katha mag-ukol din ng karampatang
pagpapakahulugan;
• Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-kahulugan sa ginagawang panunuri at samahan ng maikling
pagbibigay-katuturan;
• Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasiyahan nang walang lakip na batayan o patunay; at
• Kailangang nababatay din ang anumang pagpapasya sa takdang pamantayan, bagamat maaaring isama
rin ang sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang paniniwala.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
PORMAT NA MAAARING GAMITIN SA MGA PAGSUSURI/PAGPUNA SA
MGA AKDANG PAMPANITIKAN.

• Pamagat ng akda:
• May-Akda: (Ilahad ang talambuhay kung mayroong nalimbag)
• Mga tauhan: (Bigyang paglalarawan)
• Buod/Lagom ng Katha: (Maikli Lamang)
Pagsusuri:
• 1. Panahong kinabibilangan
• 2. Sariling Puna
• 3. Gintong Kaisipan/Balyus na Nakapaloob sa Katha
• 4. Mga Mungkahi (kung mayroon upang lalong mapaganda at mapaunlad
ang katha)
BALANGKAS B
I. A. Pamagat ng Katha- May-Akda
B. Sanggunian o Aklat ng Pinagkuhanan
II. Buod
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
B. Istilo ng Paglalahad
C. Mga Tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa kathang sinuri.
2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw.
• D. Sariling Reaksyon
1. Pananaig Pampanitikan/Teorya
2. Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
b. Galaw ng Pangyayari
3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
d. Bisa sa Lipunan
BALANGKAS C- Ayon kay Nenita Papa
I. Sanligan
II. Buod (maikli lamang)
III. Kahulugan ng Pamagat
IV. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman
WAKAS O IPAGPAPATULOY?

You might also like