You are on page 1of 17

ANG PANULAAN AT KALUSUGANG

PANGKAISIPAN: PAGSIPAT SA DISKURSO


AT ESPASYO NG PANITIKAN SA
PAGGALING NG BAYAN
(National Conference on Integrated Mental Health)
Gerome Nicolas Dela Peña, MAFil
Guro ng Filipino at Panitikan, Manila Tytana Colleges
at Our Lady of Fatima University – Antipolo
ANG MANANALIKSIK
• Ang mananaliksik ay guro ng Filipino at
Panitikan. Nakapagbasa/nakapagpresenta
na ng mga pananaliksik sa mga lokal,
rehiyonal, pambansa, at internasyonal na
kumperensiya sa wika, panitikan,
sosyolohiya, pilosopiya, at iba pang
kaugnay na larang. Awtor ng anim na
libro ng tula at sanaysay sa Filipino.
KALIGIRAN NG PAG-AARAL
• Sa pagdalumat ni Spruce (2016), sinasabi niyang ang pagbabasa ng
anumang uri ng akdang pampanitikan ay naging isang popular na anyo
ng therapy. Ang mga taong may suliraning pampag-iisip mula sa
moderate depression at anxiety ay maaaring gumamit ng mga
pamamaraan gaya ng bibliotheraphy para mapayapa at mapabuti ang
kanilang isip at damdamin. Mula sa pagbabasa at pagsusuri ng
mananaliksik, preliminaryo niyang natisod ang antolohiyang “Sauti:
Poems of Healing” na inilathala ng United Nations System Workplace
Mental Health and Well-Being (2021).
KALIGIRAN NG PAG-AARAL
KALIGIRAN NG PAG-AARAL
• Ang koleksiyong ito ng mga tula ang naging sentrong materyal ng
pananaliksik. Binasa at sinipat ang mga tulang nakapaloob dito bilang
isang umiiral na penomenong pampanitikan at pangkultura—higit, sa
kung paano ito makatutulong na maisulong o maitampok ang mga
adbokasi sa kalusugang pangkaisipan sa bayang tila unti-unting
nakalilimot sa halaga ng isyu o usaping ito.
MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL
• Primaryang layunin ng pag-aaral na ito na maitampok ang diskurso at
espasyo ng panulaan (poetry) sa posibleng paggamit dito sa lumalalang
krisis ng kalusugang pangkaisipan (mental health) sa Pilipinas.
• Inaasahang sa pagbasa ng mga tula sa koleksiyong “Sauti: Poems of
Healing” ng UN ay mataya ang kanila mismong tindig na nagiging
wika umano ng kalusugang pangkaisipan ang panulaan at
nakapagbibigay-daan din sa laksang posibilidad ng paggalíng sa
anumang pagdurusa (United Nations, 2021).
MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL
• Higit pa, nilalayon din ng pag-aaral na ito na makapagtala ng
mahahalagang punto ng inspirasyon mula sa nasabing antolohiya upang
sa hinaharap, makalikha ng mga lokal, rehiyonal, at pambansang
panitikan (partikular ang panulaan) na papaksa rin at babaka sa
diskriminasyon, muli, sa isyu at usapin ng kalusugang pangkaisipan sa
Pilipinas.
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
• Ginamit ng mananaliksik ang pagsusuring tekstuwal (textual analysis)
bilang metodo sa pagbasa ng nilalaman ng nasabing antolohiya o
koleksiyon ng mga tula.
• Ang pagsusuring tekstuwal o textual analysis ay isang metodolohiyang
nakatuon sa pag-unawa ng wika, simbolo, at/o mga larawan na nasa
teksto upang makakuha ng mga impormasyon sa kung paano
binibigyang-halaga ng mga tao ang teksto; o sa kung anumang paraan
nila ito naiuugnay sa buhay o danas sa araw-araw (Allen, 2017).
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Bansa Estado ng Mental Health

United States of America 20.6% of U.S. adults experienced mental


illness in 2019 (51.5 million people)
Lebanon An estimated 17% of Lebanon's population
suffers from mental health problems, yet
almost 90% have no access to treatment.
Uganda Uganda is ranked among the top six countries
in Africa in rates of depressive disorders
(4.6%; Miller et al., 2020), while 2.9% live
with anxiety disorders (WHO, 2017).
MGA RESULTA NG PAG-AARAL
• Ang mga tulang As The Snow, EveryTime!, at Deep Sad Feeling ng mga
makatang sina Silvia Massardi (USA), Nidale Noun (Lebanon), at Ruth
Kemigisha (Uganda), bagaman iba-iba ang estilo/atake ng pagtalakay sa
kani-kaniyang danas/poetika sa tema ng kalusugang pangkaisipan, ay:
• (1) nakalilikha ng mga larawan ng pagdurusa at pag-asa; (2)
nakapaglalagay sa mambabasa sa kapaligirang kanilang pinagmumulan
o tinutulaan; (3) nakapagdaragdag ng bigat o dating sa danas sa pagbasa
(reading experience) at; (4) nakapagtatakda ng politikal-kultural na
halaga na maaaring maghatid ng pagbabago sa kasalukuyang klima ng
kalusugang pagkaisipan sa daigdig.
MGA RESULTA NG PAG-AARAL
Deep Sad Feeling ni Ruth Kemigisha Paglalapat ng Pagsusuring Tekstuwal
(Uganda) (Textual Analysis)

The battle is the culture / • Ang kalaban ay kultura (bagay na


Mental illness is talked about not / nakabaon na sa isip/gawi ng
What will: people say keeps us in bondage / nakararami
But all we need to do is pause, then! / • Imahen ng bondage o tanikala
(estereotipo) ng mga may suliraning
Walk to the therapist and get diagnosed / pampag-iisip (mula sa sinasabi ng
There are God gifted ones / ibang tao)
That will walk with you / • Ang halaga ng therapy o pagkonsulta
The path to livelihood and happiness sa mga eksperto (politikal na tindig ng
tula)
PAGTALAKAY
• Ayon kina Kemp at Fisher (2017), laging may mahalagang gampanin
ang panulaan sa kasaysayan at lipunan ng anumang bansa sa
daigdig. Isinasalin nito ang mga penomenolohikal na danas sa anyo ng
mga salita. Nagiging pamamaraan ito sa paglalahad, paglalarawan, at
pagsisiyasat ng mga kaisipan, damdamin, tradisyon, paniniwala; at
kahit pa, ng mga tunggalian at pagdurusa ng mga mamamayan.
Pinatunayan ang halagahing ito ng antolohiyang Sauti: Poems of
Healing na kinatatampukan ng mga makata mula sa iba’t ibang panig
ng daigdig na nagsulat hinggil sa mental health.
PAGTALAKAY
KONGKLUSYON
• Ayon sa United Nations (2021), nagiging wika ng kalusugang pangkaisipan
(mental health) ang panulaan (poetry) at nakapagbibigay-daan din sa
laksang posibilidad ng paggalíng sa anumang pagdurusa. Dagdag pa, ang
pagbasa at pagsulat ng panitikan ay isang napakamapagnilay na danas; ito
ay maaaring maging daan din sa pakikipag-ugnayan sa iba. Binibigyang-
tinig tayo nito sa mga bagay, sitwasyon, at pangyayaring nananatili lamang
sa isipan. Pinalala ng pandemya ang dati nang krisis sa mental health;
dahilan upang mas higit na kailanganin ang ganitong pagtatangka sa
pag-akda.
REKOMENDASYON
• Bukod sa pagtatampok sa adbokasi sa kalusugang pangkaisipan, maaari
ding siyasatin ng mga susunod na mananaliksik ang espasyong nilikha
ng nasabing antolohiya tungo higit na pagdiriwang ng dibersidad sa
kultura at wika.
• Iminumungkahi din na magtuon sa iba pang koleksiyon/antolohiyang
inilabas sa lokal, rehiyonal, pambansa, at global na antas hinggil sa usapin
ng kalusugang pangkaisipan (partikular ang mga likha ng mga
kababaihan, LGBQTIA+, manggagawa, magsasaka, at iba pang
marhinalisadong sektor sa lipunan na di masyadong naririnig sa parehong
usapin/isyu/paksa.
MGA SANGGUNIAN
• Afolayan, J. A. (1992). Documentary perspective of bibliotherapy in education.
Reading Horizons, 33(2). Retrieved from
http://scholarworks.wmich.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1498&context=reading_horizons
• Allen, M. (2017). Textual Analysis. The sage encyclopedia of communication
research methods (Vols. 1-4). Thousand Oaks, CA: SAGE Publications, Inc doi:
10.4135/9781483381411
• Kemp, A.H., Arias, J.A., & Fisher, Z. (2017). Social Ties, Health and Wellbeing: A
Literature Review and Model.
MGA SANGGUNIAN
• Spruce, H. (2016). Does Reading Affect Your Mental Health?
https://www.highspeedtraining.co.uk/hub/literature-mental-health/
• United Nations (2021). Sauti: Poems of Healing. United Nations System
Workplace Mental Health and Well-Being.
https://www.un.org/en/healthy-workforce/files/Sauti.pdf

You might also like