You are on page 1of 3

ISANG PAG- AANALISA SA MGA ELEMENTO AT MENSAHE NA NAKAPALOOB

SA AWITING “ BAYAN KO ” NI JOSE CORAZON DE JESUS

Tarenz Joash W. Lesaca


MAY-AKDA
Panunuring pampanitikan
Uri ng Publikasyon: Di Nalathalnag Pananaliksik
Jasaan Senior High School

Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay maipaalam ang iba't ibang elemento
at mensahe ng awitin na aming napili. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng
pamamaraang Focus Group Discussion o FGD.

Sa unang kabanata nakapaloob dito ang pambungad na naglalaman ng


introduksiyon ng pag-aaral kung saan binigyan ng mas malawak na kahulugan ang
panunuring pampanitikan, panitikan at ang buod ng napili naming pag-aaralan.
Nakapaloob din dito ang Balangkas Konseptwal na naglalaman ng outline at
konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na aming isinagawa. Iskematik
Dayagram ay nakapaloob din sa kabanatang ito kung saan nagpapakita ng isang
ilustrasyon batay sa inaral. Paglalahad ng suliranin dito makikita ang mga tanong
na nabuo namin. Nakapaloob din dito ang Kahalagahan ng Pag-aaral na kung
saan dito ipinaliwanag ng mga mananaliksik ang importansya o signipikans ng pag-
aaral na ito at kung saan ito mahalaga. Ang Saklaw at Limitasyon ay parte ng
kabanatang ito kung saan nakasaad ang hangganan ng ginawang pagsusuri. At
ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang Katuturan ng mga Terminolohiya dito
nakasulat ang mga malalim na terminolohiya na binigyang kahulugan upang mas
maintindihan ang salita.

Sa pangalawang kabanata dito makikita ang mga kaugnayan na literatura at


mga pag-aaral. Isa sa mga pinakamabigat na nasuri namin tungkol sa Kaugnayan
na Literatura ay ang Ayon sa aklat ni Rivadelo (1986), na ang musika daw ay
paraan na kung saan ipinapakita ang ating nararamdaman na kasiyahan,
kalungkutan, pag-ibig sa bayan, pagsisisi at papuri. Ito ay tumutukoy din sa
mahinahon, kalugud-lugod, nakagagaling na musika at naaayon sa pagkakasunod-
sunod at patuloy na gumaganap hanggang sa katapusan. Sa Kaugnayan na Pag-
aaral naman ay ang tisis ni Calacal (2010) na may pamagat na Effects of
Background Music, nakasaad na ang musika ay nakakaapekto sa kalagayan ng
isip ng isang tao. Ito ay nagbibigay ng “balm-like effect” sa ating katawan na
nagdudulot upang muli itong buhayin, nakapagpapaluwag o nakakapagpataas sa
napakalalim na karanasan ng isang tao. Sa nakababahalang isipan at lumiliit na
tensyon, takot at pagkabigo. Maaari nitong pagalingin ang sakit at magbigay ng
panibagong inspirasyon sa kanila. Maaari din nitong mabawasan ang kahirapan o
paghihirap ng buhay at gawin itong mas mahalaga. At kaya din nitong lutasin ang
lubos na pagkadismaya.

Sa pangatlong kabanata makikita dito ang mitodolohiya kung


saannagpapaliwanag ng mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik upang
maisakatuparan ang isang pag-aaral. Sa mitodolohiya nito nakapaloob ang Disenyo
ng Pananaliksik, Instrumento ng Pananaliksik, Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol,
Ang mga Taga-tugon o Respondante sa pag-aaral, Pagsusuri ng nga Datos at ang
Panukatan at Krayterya ng Pagsusuri.

At sa pang-apat na kabanata, dito pinaliwanag at pinakita kung paano inilahad


ang mga datos, paano isinuri at binigyang interpretasyon ang mga datos na aming
nakalap.
Mga Natuklasan
Sa aming pananaliksik, ang kantang “Bayan ko” na nilikha noong 1928 ni
Constancio de Guzman. Ang awit na ito ay maituturing na kontribusyon sa naganap na
Rebulusyon, sa pang-aabuso, ang kantang ito ay sumisimbolo sa tuluyang pagkamit sa
bansang Pilipinas.

Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na kongklusyon:
A. Natuklasan namin na ang awiting 'Bayan Ko' ay hindi lamang ordinaryong
kanta kundi may mas malalim pa itong mensahe lalong-lalo na sa mga kawani ng
gobyerno para maisip nila ang pagmamahal sa bayan hindi ang pagnanakaw ng
kaban ng bayan, at dapat mapagtanto nila na maraming nagbuwis ng buhay para
makamit natin ang kalayaan at 'yun ang tunay na pagmamahal sa Pilipinas.

B. Na ang 'Bayan Ko' na awitin ay naririnig natin siya kapag nagluluksa ang
ating bayan, kapag may krisis sa bansa at kapag may nanganganib sa kalayaan
ng Pilipinas.

C. Sa pag-aaral naming amin napagtanto na itong bansa natin ay isang


lugar na maraming likas na yaman, at marami ring mga pagkakataon para matupad
ang pangarap. Hindi na kailangan na palaging mangarap umalis sa ibang bansa
para umunlad.

Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyon ay buong pagpakumbaba na mabigyang pansin
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Mga Taong Bayan. Ang bansang Pilipinas ay parang isang sanggol na


nangangailangan ng pag-aaruga, pagmamahal at pagpapahalaga. Dapat itong
pahalagahan upang hindi tayo gumawa ng hakbang upang tayo ay tangkilikin.
Dapat mahalin natin ang sariling atin dahil wala ng iba pang magmamahal dito
kundi tayo lamang. Kaya dapat mas intindihin pa natin ang awit na ito at bigyang
pansin para sa ganoon mas maintindihan pa natin ang mga mensahe nito na
gustong iparating sa atin.

Mga Mag-aaral. Dapat isaisip ng mga mag-aaral ang mga mensahe ng


kanta para mailagay nila sa kanilang isipan na dapat talagang ipagmalaki ang
sariling atin. Kailangan ipapakita nila ang mga kakayahan nila bilang isang mag-
aaral o kabataan dahil sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal 'Ang mga kabataan ang pag-
asa ng Bayan'. Sa pamamagitan din ng pananaliksik na it ay para sa panahong
sila ay magkakaroon ng ganitong pananaliksik ay mas maintindihan nila ang mga
bahagi nito at kung paano ito gawin.

Mga Magulang. Kinakailangan na ibahagi nila sa kanilang mga anak ang


mga makasaysayang pangyayari noong kasagsagan ng EDSA Revolution at sa
rehimeng Marcos para sa gano'n ito ay makakatulong na sariwain sa mga isipan
ng kanilang mga anak kung ano talaga ang nangyari sa ating bansa.

You might also like