You are on page 1of 16

FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL

Pag-aaral ng Wika

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
IKALAWANG SEMESTRE - Akademikong Taon 2022-2023

FIL166 KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA (TFr 2:30 – 4:00)

WIKA AT SIKOLOHIYANG PILIPINO


ULAT-PAPEL

Delvo, Ivan Josh


Digoma, Ivy Grazell
Dialawi, Bai Raiyyan
Dionero, Kenneth
Duarte, Nissy Kyle
Fabroa, Christian
Flores, Farrel
Galvan, Rheven Charles
Guianan, Nathaniel
Kudarat, Melisa
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Kurso Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika

Paksa WIKA AT SIKOLOHIYANG PILIPINO

Mga Layunin Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo


ang mga sumusunod na layunin:
1. Makapagpaliwanag ng kahulugan ng wika at Sikolohiyang
Pilipino.
2. Matutukoy ang kahalagahan ng wika at ugnayan nito sa
pag-aaral ng sikolohiyang Pilipino.
3. Magkakaroon ng sapat na kaalaman sa Anyo, Konsepto,
Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino, mga Karaniwang Kaugaliang
Pilipino at Sikolinggwistika o Sikolohiya ng Wika.

Pagganyak Word Puzzle

Hanapin lamang ng bawat miyembro ang mga salita sa loob ng kahon.


Mayroong apat na salita ang kailangang hanapin at ang mga salitang ito
ay may kaugnayan sa paksa.

Paglalahad ng Paksa Wika at Sikolohiyang Filipino

Kahulugan ng Wika

Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang


binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao. (Tumangan, Sr.
et al, 1997).

Kahulugan ng Sikolohiya

Ang Sikolohiya ay isang disiplina na naglalayong pag-aralan ang


mga proseso ng pag-iisip at pag-uugali ng tao at ang kanilang
pakikipag-ugnayan sa panlipunang at pisikal na kapaligiran. Ang
salitang "sikolohiya" ay nagmula sa Greek psycho o psykhé, na
nangangahulugang 'kaluluwa', 'psyche' o 'mental activity', at mula sa
logía , na nangangahulugang 'pag-aaral' o 'treatise'. Samakatuwid, ang
sikolohiya ay nangangahulugang pag-aaral o treatise ng psyche.

Ang simula ng Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology)

Mula sa simula ng mga panahon na ang Pilipinas ay nasakop ng


Espanya, at pagkatapos ay ang bansang Amerika, ang sikolohiyang
pang-akademiko, o ang sikolohiyang itinuturo sa mga paaralan, ay higit
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

sa lahat ay Kanluranin sa teorya at sa metodolohiya. Maraming mga


Pilipinong intelektuwal, lalo na ang dalawang bayani ng Pilipinas na sina
Jose Rizal at Apolinario Mabini, ang nagpahayag ng
kawalang-kasiyahan sa mga nakakasira na interpretasyon ng
pag-uugaling Pilipino ng mga taga Kanluran. Ang kawalang-kasiyahan
na ito ay nagpatuloy habang ang mga Pilipino ay nagpupumilit na igiit
ang kanilang pambansa at kultural na pagkakakilanlan. Noong dekada
ng 1960, maraming mga Pilipinong intelektuwal at iskolar ang naging
sensitibo sa kakulangan gayundin sa hindi patas na pagdulog ng mga
taga-kanluran pagdating sa sikolohiya.

Ano ang Sikolohiyang Pilipino o Filipino Psychology?

● Ito ay isang makatutubong sikolohiya.

● Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng kahulugan ng lahi, lipunan,


kultura ng mga tao at aplikasyon sa makasikolohiyang
pagsasanay ng kaalaman sa ugat, kamalayan at pamana ng
ating lahing Pilipino.

Karagdagang Impormasyon

Ito ay isang nilalayong anyo ng sikolohiya kung saan


ipinaliliwananag ang karanasan, pag-iisip, pagkilos, at damdaming
maka-Pilipino, na kung saan ay may malaking kaibahan sa mga
pananaw ng iba pang anyo, batay sa buong paggamit ng wika at
kulturang Pilipino. Ito ay pinamamahalaan ng Pambansang Samahan
sa Sikolohiyang Pilipinona itinatag noong Disyembre 19, 1975 ni Dr.
Virgilio Enriquez, ama ng Sikolohiyang Pilipino. Ang pangunahing
layunin ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagyamanin ang pambansang
pagkakakilanlan at kamalayan, pakikilahok sa lipunan, at sikolohiya ng
wika at kultura.

Ang pinakamahalagang kontribusyon ni Enriquez sa kilusang


Sikolohiyang Pilipino ay marahil ay nasa paglilinaw kung ano ang
Sikolohiyang Pilipino. Sa kanyang artikulo noong 1975 tungkol sa mga
batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa kultura at kasaysayan at isang
artikulo noong 1976 tungkol sa mga pananaw at direksyon ng
Sikolohiyang Pilipino ay inihiwalay niya ang Sikolohiyang Pilipino
(Filipino psychology) mula sa Sikolohiya sa Pilipinas (psychology in the
Philippines – the general form of psychology in the Philippine context) at
Sikolohiya ng mga Pilipino (psychology of the Filipinos – theorizing
about the psychological nature of the Filipinos, whether from a local or a
foreign perspective).
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Pinag-aralan ni Enriquez ang kultura at kasaysayang Pilipino


para sa mga batayan ng Sikolohiyang Pilipino. Tumingin pa siya sa mga
textbook ng kahulugan ng sikolohiya bilang pag-aaral ng pag-uugali at
kaisipan upang suriin kung ano ang sikolohiya para sa mga Pilipino.
Nakaisip siya ng isang kahulugan ng sikolohiya na isinasaalang-alang
ang pag-aaral ng mga damdamin at kaalamang nararanasan (kalooban
at kamalayan), kamalayan sa kapaligiran (ulirat), impormasyon at
pag-unawa (isip), gawi at pag-uugali (isa pang kahulugan ng diwa), at
ang kaluluwa (soul) na siyang paraan ng pag-aaral tungkol sa budhi ng
mga tao.

Pagkakaiba ng Pag-aaral ng Sikolohiya sa Pilipinas

May iba’t-ibang konteksto ang tumutukoy sa kahalagahan ng


sikolohiya sa Pilipinas at Pilipino. Sa kadahilanang matagal na
panahong nasakop ang ating bansa ng iba’t-ibang lahi, mula pa sa
pananakop ng mga kastila, hapon at ng mga amerikano. Kaya
masasabing nagkaroon na rin ng impluwensya sa ating kasanayan,
kamalayan, kultura at pag-uugali ang mga lahing ito.

Batid din natin ang pakikipagkalakalan ng ating bansa sa


iba’t-ibang lahi bago pa man dumating ang mga kastila, dahilan kung
bakit mayroong mga bagay na pinaniniwalaan at mga kasabihang
tumutukoy sa ating bawat gawi na maaaring nanggaling pa sa
impluwensya ng mga malalapit na bansa sa tin katulad ng bansang
China.

Mga Anyo ng Sikolohiyang Pilipino

Sikolohiya sa Pilipinas (Psychology in the Philippines)

Pinakamalaki o ang kabuuang anyo ng sikolohiya sa kontekstong


Pilipino. Ito ay bunga ng sunod-sunod sa kaalamang may kinalaman sa
sikolohiya sa bansang Pilipinas. Lahat ng mga pag-aaral, libro
(textbook), at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o
makapilipino. Sa madaling sabi, tumutukoy ito sa mga kaganapan sa
sikolohiya sa ating bansa. Halimbawa:

● Gaano na ba karami ang pag-aaral na ginawa tungkol sa


sikolohiyang Pilipino?
● Mga pag-aaral o research, aklat, o kahit anong anyo ng
Sikolohiya,Western Psychology o Eastern Psychology, tulad ng
mga pinapabiling Psychology Books ng iyong guro sa National
Book Store.
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Sikolohiya ng mga Pilipino (Psychology of the Filipinos)

Maituturing ang bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol


sa kalikasang sikolohikal ng mga Pilipino, o dayuhan ang sinasabing
mag-aaral. Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa
sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Halimbawa:

● Aklat tungkol sa Filipino Personality na hango mula sa isang


pag-aaral ng isang institusyon.

Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology)

Tinutukoy nito ang sikolohiya batay sa tunay na nararamdaman,


iniisip, kamalayan, at pag-uugali ng mga Pilipino. Dapat na nagmula rin
sa kasaysayan, konteksto, lingwahe, at pamamaraang pinamana ng
ating lahi. Ito rin ang nilalayong anyo, sikolohiyang bunga ng karanasan,
kaisipan, at oryentasyong Pilipino.

Sa artikulong isinulat ni Alyanna C. Mallari, na may pamagat na


“Sikolohiyang Pilipino: Ang Kakulitan ni Juan”. Ipinakita niya rito ang
isang halimbawa ng kaugalian na mayroon ang mga Pilipino, ang
kakulitan. “Wala Na Bang Bawas ‘Yan? . Sinuri niya ang pagiging
makulit ng mga Pilipino sa konteksto ng merkado at ng konsyumer, ang
haggling o pagtawad. Sinabi niya na malaking bahagi ng kulturang
Pilipino ang pagtawad sa merkado at minsan nga ay kahit na mayroon
nang karatula saan nakasaad na “final price” ay mayroong mga
panahon paring ipipilit ng mga Pilipino ang mas mababang presyo.
Makikita na, isang halimbawa lamang ito ng sikolohiyang Pilipino.

Indigenization

Layunin nitong mapag-aralan muli at mapabuti ang pagbuo ng


iba’t-ibang teorya o kaalaman sa kaisipan sa sikolohiya na matagal
nang nakalimbag at nakalathala na para bang naaangkop ito sa
pangkalahatan. Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, na habang marami at
iba’t-iba ang klase ng makakatubong pamamaraan na maaaring mabuo
at magamit sa pag-aaral ng sikolohiyang Pilipino, mayroong
mananatiling dalawang klase ng pamamaraan. Ito ay ang sumusunod:

● Indigenization from within


● Indigenization from without
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Indigenization from without


- tinutukoy nito ang mga pag-aaral na nag-aaplay ng kanluraning
teorya ng mga modelo at pamamaraan sa local na sitwasyon.

Halimbawa: Classical Conditioning at Operant Conditioning theory.

Indigenization from within


- Tumutukoy ito sa mga pag-aaral na gumagamit ng makalahi o
sariling pamamaraan upang makapagkita at mapag-aralang
Mabuti ang tiyak at makakulturang panlipunan na pag-uugali na
mas nakaka-angat pa kaysa sa kanluraning na paraan.

Virgilio Enriquez: Ama ng Sikolohiyang Pilipino

Ipinanganak sa lalawigan ng Bulacan, si Virgilio Gaspar Enriquez


ay sinanay na ng kanyang ama na magsalita ng katutubong wika mula
pa noong bata pa siya. Laging maghahanap ang kanyang ama ng oras
para makipag-usap sa kanya sa Filipino. Halimbawa, tatanungin niya
ang batang Virgilio na basahin ang papel na nakasulat sa wikang
Ingles, ngunit basahin niya ito nang malakas sa Filipino na parang ito
ang orihinal na nakasulat sa wikang iyon. Kahit sa kanyang Ph.D.
disertasyon kung saan isinulat sa wikang Ingles, kailangan niyang
ipaliwanag ito sa kanyang ama sa Filipino.

Si Enriquez ay pormal na nagsimula sa sikolohiya noong 1963


nang magsimula siyang magturo sa Unibersidad ng Pilipinas (U.P.).
Noon pang 1965, ginagamit na niya ang wikang Filipino sa pagtuturo.
Noong 1966, umalis siya patungong Estados Unidos upang ituloy ang
kanyang Masters, pagkatapos ay isang Doctoral degree sa Psychology
sa Northwestern University sa Evanston, Illinois. Bumalik si Enriquez sa
Pilipinas noong 1971, dala ang yaman ng kaalamang Kanluranin na
hindi niya ipinataw sa kanyang mga kasamahan at estudyanteng
Pilipino. Ang kanyang edukasyon sa Kanluran ay talagang nagtulak sa
kanya upang maging mas Filipino-oriented sa kanyang pagtuturo at
pananaliksik sa sikolohiya.

Itinatag niya ang Philippine Psychology Research House (PPRH)


na kalaunan naging Philippine Psychology Research and Training
House (PPRTH). Ang lugar na ito naging tahanan ng mga materyales
sa Sikolohiyang Pilipino, na lumalago hanggang sa kasalukuyan nitong
sukat na higit sa 10,000 sanggunian. Naging tahanan din ito ng
pananaliksik na may pananaw na Pilipino; pati na rin ang isang tahanan
sa mga indibidwal na inspirasyon ng sigasig ni Enriquez, na kalaunan
ay gumawa ng kanilang sarili kontribusyon sa paglago ng Sikolohiyang
Pilipino.
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Sikolohiyang Pilipino?

Balikan natin kung ano nga ba ang Sikolohiyang Pilipino. Ito ay


ang pag-aaral ng sikolohiya sa konteksto ng kultura, pag-iisip at
karanasan ng mga Pilipino. Ayon kasi kay Enriquez, ang mga pag-aaral
ng sikolohiya ng Pilipino dati o ang Filipino Psychology ay nakabatay o
ginamitan ng metodo ng kanluranin kaya hindi ito maaaring iaplay sa
ating mga Pilipino, dahil ito ay metodo ng kanluranin na sa kanila
lamang maiintindihan. Sinabi ni Enriquez na hindi pwedeng ang ugali ng
Pilipino ay kapareho ng ugali sa kanluranin kaya’t isinulong ni Virgilio
Enriquez ang pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino sa konteksto at
pag-uugali ng mga Pilipino. Sa kanyang akda, mababatid natin na lubos
na tunay ang kahalagahan ng ating wika upang mapayabong at
mapaunlad ang sikolohiyang Pilipino.

Gamit ng Wikang Filipino sa Sikolohiya

● Ituturo ang iba’t-ibang paksa ng sikolohiya gamit ang wikang


Filipino, nang sa gayon ay mas maiintindihan at maisasabuhay
ito ng karamihan.
● Maipapaliwanag nang maayos ang mga katangian ng mga
Pilipino na natatangi sa kanila.
● Magagamit sa pagtulong sa mga taong nahihirapan sa kanilang
mental na kalusugan.

Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino

Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy


sa mga salitang galing at ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito
ay kinuha mula sa mga Pilipino.

Pagtatakda ng kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay


galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito ay banyaga.

- Boondocks
- Cooties
- Yo-yo
- Halo-halo
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Ang pagkukuha ng salitang dayuhan at baguhin ang kanyang anyo


hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong kahulugan.

- Adik (Addict)
- Wais (Wise)
- Bakwit (Evacuate)
- Tambay (Stand By)
- Lobat (Low Battery)
- Pulis (Police)

Pagbibinyag, ay madali lang intindihan sapagkat ang ibig sabihin


nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling
kahulugan sa mga salitang Pilipino

- Lambing - Intense Tenderness and Affection


- Harana - To woo someone by serenading.
- Kilig - To have butterflies in one’s stomach
- Gigil - Uncontrollable urge to squeeze
someone

Sa Paimbabaw na Asimilasyon pinag-uusapan ang mga salitang


banyaga na ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba
ang kahulugan nito.

Ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang


Ligaw/Banyaga na mga salita. Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto
na hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong katapat ito.

- Snow
- Hospitality

“Hospitality”

Ang pagiging “Hospitable” nating mga Pilipino ay matagal nang


parte ng ating kultura. Ang Filipino Hospitality kung tawagin ay kilala sa
buong mundo dahil sa ating pamamaraan ng pagtanggap at pakikisama
sa mga bisita. Ngunit mayroon nga bang katumbas na salita ang
salitang ito sa ating wika?
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Kasaysayan
Ang Hospitality ay nagmula sa mga salitang latin na Hospes
(Guest, Visitor, Stranger o Foreigner) at naging Hospitalitas (The
entertainment and reception of guest). Sa wikang kastila ito ay
Hospitalidad at Hospitality naman sa wikang ingles.

Ayon sa libro na isinulat ni Teodoro A. Agoncillo na pinamagatang


“History of the Filipino People” na inilimbag noong 1969, ang mga Malay
na pinamumunuan ng isang Datu na isa sa mga unang nanirahan at
dumating sa Pilipinas ang nagdala ng kagawiang ito sa Pilipinas bago
pa man dumating ang mga kastila. Ang katumbas ng salitang Hospitality
sa wika ng mga malay ay “Keramahan”

Sa Pilipinas ang salitang Hospitable ay may katumbas na salita


sa wikang cebuano na “Pagkaamabiahon”, sa wikang Hiligaynon na
“Maamomahon” at ayon sa librong “SARANGANI MANOBO
DICTIONARY” ni Carl D. DuBois ng Summer Institute of Linguistics na
nailimbag noong July 11, 2016, ang katumbas ng salitang ito sa wikang
Manobo ay “Sagman” na nangangahulugang “to show hospitality to
someone”

Kung susuriin naman ang wikang Tagalog, dito na makikita na


walang katumbas na salita ang salitang Hospitality, ngunit ito ay may
pariralang naglalarawan sa kung ano ang ipinapakita o katangian ng
salitang ito at iyon ay ang “Mabuting Pakikisama”

Apat Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino

Sino si Zeus Salazar?

- Isang Pilipinong mananalaysay at tagapagtaguyod ng Pantayong


Pananaw, isang self-reflective na pag-aaral sa kasaysayan ng
Pilipinas. Natapos niya ang kanyang kurso na BA History sa
Unibersidad ng Pilipinas Diliman at ang kanyang Ph.D. sa
Ethnolohiya sa Sorbonne University sa Paris, France. Isa sa
kanyang mga pinangunahang mga gawa ay “Ang Pilipino sa
Agham Panlipunan at Pilosopiya: Pantayog Pananaw(1991)”,
“Ugat at Kabuluhan (1997)”, “Liktao at Epiko: Ang Takip ng
Tapayang libingan ng Libmanan, Camarines Sur (2004)”. Siya ay
naging dekana ng Kolehiyo ng Agham at Pilosopiya ng
Unibersidad ng Pilipinas Diliman mula 1991 hanggang 1994.

Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon, o filiation sa


Ingles, ang Sikolohiyang Pilipino:
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal:

- Ito ay isang sanga sikolohiya na kung saan pinag-aaralan ang


mga pilosopikal na mga isyu na naaayon sa isang disiplina at
mga pilosopikal na pagpapalagay na pinagbabatayan ng mga
teorya at metodo nito.

- Nagsimula ito sa panahon ng mga Amerikano sa Unibersidad ng


Pilipinas, ngunit malaki rin ang papel ng Unibersidad ng Santo
Tomas at Unibersidad ng San Carlos sa pag-aaral ng ganitong
klaseng sikolohiya. Madalas ay pilosopikal at teolohikal ang
piliyasyon na ito.

Sikolohiyang Akademik-Siyentipiko:

- Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng piliyasyong ito ang mga


akademiko na ituring ang pananaliksik bilang importante sa
sikolohiya. Dito rin naging uso ang pagnanais ng mga sikolohista
na magkaroon ng mga resulta na empirikal.

Sikolohiyang Kautubo:

- Ang sikolohiyang katutubo ay hindi nagsimula sa isang


unibersidad katulad ng naunang dalawa dahil dapat itong
pinapraktis ng mga katutubong Pilipino. Nahahati ito sa dalawa:
ang Katutubong Sikolohiya at Kinagisnang Sikolohiya. Tinutukoy
ng katutubong sikolohiya ang mga paniniwala at karanasan ng
mga katutubong Pilipino, habang sakop naman ng kinagisnang
sikolohiya ang wika, kultura, at sining ng mga Pilipino.

Sistemang Sikomedikal a Relihiyon:

- Nagsimula ito mula sa medikong relihiyosong gawa ng mga na


unang babaylan at katalonan. Tinatalakay rito ang iba’t ibang
sistema ng paniniwala.

Mga Karaniwang Kaugaliang Pilipino

- PAKIKIPAGKAPWA-TAO
- PAGIGING MALAPIT SA PAMILYA
- PAKIKIPAG BIROAN
- PAKIKIBAGAY SA SITWASYON
- PANANAMPALATAYA AT RELIHIYON
- TIBAY AT LAKAS
- LAKAS NG LOOB
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

- KASIPAGAN
- PAGGALANG

Ugnayan ng Wika at Sikolohiyang Pilipino

Sa artikulong isinulat ni Jayson D. Petras, isang guro sa University


of the Philippines (UP), Diliman, Quezon City, Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas. Na may pamagat na “Sikolohiyang Pilipino,
Sikolohiyang Maka-Filipino: Ang Ambag ni Virgilio Enriquez sa
Pagsusulong Wikang Filipino sa Sikolohiya”. Ayon sa nakasaad sa
artikulong ito, kasabay ng panahon ng makabayang protesta, saksi ang
dekada ’70 sa mainit na usaping pangwika dulot ng nilikhang tensyon
sa nakaraan hinggil sa akusasyon na pagpapalaganap ng “puristang
Tagalog” bilang wikang pambansa (Almario 1997).

Nagbunsod ito ng kamalayan sa higit na bukas at mapagbuong


wikang pambansa na tatawaging “Filipino,” ayon sa atas ng
Konstitusyong 1973. Sa ganitong kaligirang panlipunan, isang maalab
na pagtugon naman sa “Pilipinisasyon ng agham panlipunan” ang
pagsilang sa Sikolohiyang Pilipino sa akademya na ipinakilala ni Dr.
Virgilio G.Enriquez (Rodriguez-Tatel 2008). Mula rito, maituturing na
halos kasintada ng panlahat na konseptwal na “wikang Filipino” ang
isinusulong na mapagpalayang “Sikolohiyang Pilipino”.

Ang kapwa pagsisimula at pag-iral ng wikang Filipino at Sikolohiyang


Pilipino ay patunay ng pagiging mahahalagang elemento ng mga ito sa
pagsusulong ng kamalayang makabayan. Sa ganitong katunayan, si
“Doc E” ay hindi lamang naging tagapagtaguyod ng Sikolohiyang
Pilipino bagkus maging ng wikang Filipino.

Dahil sa diglosikong sitwasyon sa pagitan ng wikang Ingles at wikang


Filipino kasama ang mga wika sa Pilipinas, naging masigasig si Doc E
sa pagdadalumat, pagbubuo, at pagsasalin ng mga materyales
sikolohikal sa wikang Filipino simula sa kanyang pagdating mula sa
pag-aaral sa Estados Unidos noong 1971 (Pe-Pua at
Protacio-Marcelino 2002). Kasabay nito, dinokumento rin niya at ng
kanyang mga kasamahan ang mga pananaliksik na nasusulat sa mga
katutubong wika at diyalekto.

Tinatayang higit sa 10,000 sanggunian hinggil sa sikolohiya,


kasaysayan, kultura, at sining ng mga Pilipino na nasa wikang Filipino
ang nakalap ng Sikolohiyang Pilipino mula 1976 (Enriquez 1992;
Pe-Pua 2005)

Dito natin makikita ang halaga ng wikang Filipino, na naging


kasangkapan sa pagsusulong ng sariling sikolohiya ng mga Pilipino.
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

Gayundin, pinangungunahan ni Dr. Lilia F. Antonio, propesor sa DFPP,


ang pagtitipon ng mga saliksik tungkol sa sikolohiya ng wika, kaya t
nagsimulang ituro ang Filipino 195 o Sikolohiya sa Wikang Filipino, sa
Unibersidad ng Pilipinas, Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas o DFPP noong Hunyo 1981. Mula sa pagiging seminar, ganap
itong naging regular ng kurso ng DFPP nang marebisa ito noong Agosto
3, 1991 (Antonio 2000). Hindi matatawaran ang naging ambag ni Doc E.
sa pagtataguyod ng wikang Filipino.

Sikolohiya ng Wikang Filipino

Tinataglay o dinadala ng wikang Filipino ang sikolohiya ng mismong


gumagamit nito, ang mga Filipino. Sa kasalukuyan, kinikilala ang
Sikolohiya bilang isang agham na nagsusuri sa pag-uugali at
kamalayan ng tao. Ito rin ang siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao
at fungsiyon nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos; mental na
katangian o aktitud ng isang tao o pangkat. Kaugnay nito, batay na rin
sa naibigay na depinisyon ng sikolohiya, ang Sikolohiya ng Wikang
Filipino ay ang pag-aaral sa karanasan, kaisipan at oryentasyong
Pilipino, ito ang Sikolohiyang Pilipino.

Ang panimulang pagsusuri ni Enriquez sa Sikolohiyang Pilipino batay


sa kultura at wika ng mga Filipino ang siyang nagbunsod upang
matukoy na ang sikolohiya ay tungkol sa kamalayan (tumutukoy sa
damdami’t kaalamang nararanasan), sa ulirat (pakiramdam), sa isip
(kaalaman at pagkaunawa), sa diwa (ugali, kilos o asal) at kaluluwa
(daan upang pag-aralan ang budhi ng tao). Kung kaya matutukoy na
mayroon ngang sikolohiya ang Wikang Filipino sapagkat mamalas ang
mga elementong nabanggit ni Enriquez sa wikang ginagamit ng mga
Filipino, na nagpapakita ng kasaklawan nito.

Sapagkat lubhang pinapahalagahan ang interaksyon o


pakikipagkapwa-tao sa pamumuhay o sikolohiya ng mga Filipino,
kinakailangan nila ang wika upang magsagawa ng komunikasyon,
maging ito ay berbal o di-berbal na pamamaraan.

Ito ang ilang halimbawa na magpapakita ng manipestasyon na


mayroon ngang sariling sikolohiya ang wikang Filipino:

Umpisahan natin sa berbal na komunikasyon, sa puntong ito, isang


katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang, pagpapahalaga sa
kapwa lalo na sa mga nakakatanda. Makikita ito sa paggamit ng “po” at
“opo” tulad ng Saan po ang lakad ninyo?, Ano po ang kailangan ninyo?.
Bata pa lamang ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na
gumamit ng po at opo bilang pagbibigay galang sa mga nakakatanda.
Isa ito sa mga katangian ng ating wika na nagpapaiba mula sa iba pang
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

bansa. Dahil mahalaga para sa mga Filipino ang paggalang, mayroon


ding tinatawag na pasintabi bilang pagpapaalam sa pagdaan sa lugar
na pag-aari ng iba upang hindi makaperwisyo ng kapwa at ng di
masamain ang iyong pagdaan. Nagsasabi tayo ng “Makikiraan lang ho.”
upang igalang ang karapatang magmay-ari ng kapwa. Usong-uso lalo
na sa mga probinsya ang pagbigkas ng pasintabi kapag dumaraan sa
nuno ng punso. Ito ay ang paggalang o paniniwala na mayroong mga
elemento sa kalikasan na makapangyarihan kaysa tao. Maaaring
nauugat ito sa pagiging animistikong paniniwala ng mga katutubong
Pilipino, pagsamba at pagpapahalaga sa kalikasan na itinuturing nilang
diyos o makapangyarihan.

Isa pang magandang patunay na may partikular na sikolohiya ang


wikang Filipino na mauunawaan lamang ng mga Filipino ay ang
kawalan ng katumbas ng pagsasalin ng mga terminong Filipino sa ibang
wika tulad ng Ingles. Ang kawalan nito ng katumbas sa ibang wika ay
nangangahulugan na katangi-tangi ang salita o wikang iyon sa bansang
pinagmulan nito at dinadala nito ang kultura at sikolohiya ng lipunang
pinagmulan nito. Halimbawa, sa Bulacan ay mayroong Singkaban
Festival na nagaganap taun-taon. Ang salitang Singkaban ay tumutukoy
sa arkong kawayan na inilalagay tuwing may kapistahang nagaganap.
Sapagkat ito ay bahagi ng tradisyon o ng sikolohiya ng mga Filipino,
tanging ang mga Filipino lamang ang makapagbibigay nito ng
kahulugan. Ang salitang Singkaban ay walang katumbas sa ibang mga
wika sapagkat hindi ito bahagi o abot ng kanilang sikolohiya.

Ang mga tradisyon at kaugaliang Pilipino ang mga halimbawa kung


saan mahirap matumbasan sa ibang wika ang mga terminong ginagamit
dito sapagkat ang sikolohiya ng mismong Filipino ay nakapaloob din sa
wika nito. Magandang halimbawa din ang konsepto ng rice sa Pilipinas,
maraming katawagan ito sa atin tulad ng palay, bigas, kanin, tutong,
samantalang sa Amerika ang tawag lamang nila dito ay rice. Sapagkat
pangunahing pagkain ng mga Filipino ang bigas, marami silang
katawagan dito.

Sa mga di-berbal na pamamaraan na ginagamit ng mga Filipino


pakikipag komunikasyon, kakakitaan din ito ng kakanyahan sa
sikolohiya na tanging ang mga Filipino lamang syang gumagawa at
makakaunawa. Ang pagmamano, ay isang kaugalian ng
pagbibigay-galang sa mga nakatatanda. Bata pa lamang ay tinuturuan
na ng kanilang mga magulang nang sa gayon ay masanay ang bata na
magbigay galang sa mga nakatatanda. Isa pang yunik o katangi-tangi
sa di-berbal na komunikasyon ng mga Filipino na kapag nagtuturo ng
direksyon ay iminumuwestra pa o kaya ay ininguguso o itinuturo bukod
sa pagsasabi pa g direksyon. Ito marahil ay tanda din ng
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

pagmamalasakit ng mga Filipino sa kanyang kapwa.

Ang mga pagtapik at paghipo ng mga Pilipino ay isang mahalagang


akto ng pakikipag-kapwa. Sa gitna ng mga kalamidad, ang isang tapik
at akbay sa balikat ay sapat na upang mapanatag ang isang tao. Ang
mga simpleng gestures na ito ay tanda ng pagmamalasakit, pagdamay
at pagsalo o pagsuporta sa naturang indibidwal.

Sa kabuuan, batay sa mga ibinigay na halimbawa, masasabi na


mayroon talagang partikular na sikolohiya ang wikang Filipino. Kahit na
mangibang bansa pa ang isang Filipino at makatagpo ng kapwa niya
Filipino doon ay natitiyak na magkakaroon sila ng ugnayan at
magkaunawaan sila sapagkat tinataglay ng wikang Filipino ang
sikolohiya ng mga Pilipino na tanging Pilipino lamang ang makauunawa.

Mga Sanggunian Art and culture in the Philippines - asj.upd.edu.ph. (n.d.). Nakuha noong
Marso 16, 2023, mula
https://asj.upd.edu.ph/mediabox/archive/ASJ-43-02-2007/Art%20and
%20Culture%20in%20the%20Philippines%20-%20Entire%20Issue.p
Df

English to Tagalog: Hospitality: Tagalog translation.


tagalogtranslate.com. (n.d.). Retrieved April 27, 2023, from
https://www.tagalogtranslate.com/en_tl/4257/hospitality

Four filiations in Philippine psychological thought - these experiences


helped imbued and developed. Studocu. (n.d.). Nakuha noong Marso
16, 2023, mula
https://www.studocu.com/ph/document/de-la-salle-university-dasmarina
s/theories-of-personality/four-filiations-in-philippine-psychological-t
hought/21585598

Galang, A. (2014, Oktubre 14). Mga Karaniwang kaugaliang pilipino.


Scribd. Nakuha noong Marso 16, 2023, mula
https://www.scribd.com/document/532307000/Mga-Karaniwang-Kaug
aliang-Pilipino

Halimbawa ng mga Kaugaliang Pilipino? Panitikan.com.ph.


(2021,Marso 2). Nakuha noong Marso 16, 2023, mula
https://www.panitikan.com.ph/halimbawa-ng-mga-kaugaliang-pilipino

How to say hospitality in


cebuanoadvertisement.box-2{text-align:center;padding-top:10px!importa
nt;padding-bottom:10px!important;padding-left:0!important;padding-right
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

:0!important;width:100%!important;box-sizing:border-box!important;back
ground-color:#eee!important;outline:1px solid
#DFDFDF;min-height:285px!Important}if(typeof
ez_ad_units!='undefined'){ez_ad_units.push([[970,250],'indifferentlangu
ages_com-box-2','ezslot_1',117,'0','0'])};__ez_fad_position('div-GPT-ad-i
ndifferentlanguages_com-box-2-0'); Do You Know How to Say
Hospitality in Cebuano? (n.d.). Retrieved April 27, 2023, from
https://www.indifferentlanguages.com/words/hospitality/cebuano

Javier , R. E. (2012, Disyembre 15). Filipino psychology concepts and


methods. Share and Discover Knowledge on SlideShare. Nakuha
noong Marso 16, 2023, mula
https://www.slideshare.net/yanloveaprilbordador/filipino-psychology-cOn
cepts-and-methods

Meaning of maamomáhon. Meaning of maamomáhon - Hiligaynon


Dictionary. (n.d.). Retrieved April 27, 2023, from
https://hiligaynon.pinoydictionary.com/word/maamomahon/

Pe-Pua, R., Marcelino, E. A (2002). Sikolohiyang Pilipino: A legacy of


Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology. Mula sa
https://doi.org

Portuguez, M. A. (2018, Disyembre 5). Sikolohiyang Pilipino.


studylib.net. Nakuha noong Marso 16, 2023, mula
https://studylib.net/doc/25183948/sikolohiyang-pilipino

Rommel. (2021). Sikolohiya ng Wikang Filipino . Studocu. Nakuha


noong Marso 16, 2023, mula
https://www.studocu.com/ph/document/don-honorio-ventura-technolo
gical-state-university/dalumat-ngsa-filipino/sikolohiya-ng-wikang-filipino/
20439020

Sikolohiyang Pilipino Panimula (2021). Youtube. Retrieved March 28,


2023 from https;//youtu.be. /ny4aPynW

Samly. (2020, September 24). Filipino hospitality, a look back to its


origin. Asiancustoms.eu. Retrieved April 27, 2023, from
https://asiancustoms.eu/filipino-hospitality-a-look-back-to-its-origin/#:~:te
xt=Filipino%20Hospitality%20in%20History&text=Agoncillo%2C%20me
ntioned%20in%20his%20book,acquired%20from%20the%20Malayan%
20traditions.

University, R., Psychology, O. S., & OpenStaxCollege. (2014, Pebrero


14). Language. Psychology. Nakuha noong Marso 16, 2023, mula
FIL166 Kalakaran at Tunguhin sa CSSH-ABFIL
Pag-aaral ng Wika

http://pressbooks-dev.oer.hawaii.edu/psychology/chapter/language/

Paglalapat
Maghanap ng isang artikulo na nagpapakita ng mga sumusunod
na mga paksa: Ibigay ang buod ng artikulong nakalap at bigyan ito
ng paliwanag. (30 puntos)

- Sikolohiya sa Pilipinas (Psychology in the Philippines)


- Sikolohiya ng mga Pilipino (Psychology of the Filipinos)
- Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology)

Kaangkupan sa Artikulo- 15
Pagpapaliwanag - 15

Kabuoan- 30

You might also like