You are on page 1of 22

Wika at

Sikolohiya
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
maisasagawa ang mga sumusunod:
Mailahad ang maikling kaligiran ng Sikolohiyang Pilipino gamit ang
pagpapunlad ng wikang Filipino;
Maisa-isa ang anyo, konsepto at piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino;
Maipakita ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino.
Makapagsaliksik ng iba’t ibang gawaing Pilipino na magagamit sa
pagsasaliksik.
SIKOLOHIYANG
PILIPINO
SIKOLOHIYANG PILIPINO
Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan,
kaisipan, at oryentasyong Pilipino.
Ito ay para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang
kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang
buhay.
Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanag ang
pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malaki ang kaibahan
sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
3 ANYO NG
SIKOLOHIYANG
PILIPINO
3 ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO
-Dr. Virgilio Enriquez-
Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pa-
aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o
maka-Pilipino.
Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga
pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may
kinalaman sa mga Pilipino.
Ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan at
oryentasyon ng sa Pilipinas.
3 ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO
-Dr. Virgilio Enriquez-
Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa
bahay", Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa bahay,
at Sikolohiyang Pilipino ay "ang 
maybahay.”
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino 
Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino
ay tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa
Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa
mga Pilipino.
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino 
Ang sumunod na lebel sa mga konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino ay ang pagtatakda ng
kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay
galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito ay
banyaga.
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino 
Ang konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang
pagkukuha ng salitang dayuhan at baguhin ang
kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong
kahulugan.
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino 
 Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang
Pilipino ay madali lang intindihan sapagkat ang ibig
sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan
ng kanilang mga sariling kahulugan sa mga salitang
Pilipino.
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino 
Sa Paimbabaw na Asimilasyon pinag-uusapan ang
mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas
ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan
nito.
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino 
Ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino
ay ang Ligaw/Banyaga na mga salita. Tumutukoy ito
sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa
Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong katapat ito.
APAT NA PILIYASYON
NG SIKOLOHIYANG
PILIPINO 
Apat na Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino 
Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon, o
filiation sa Ingles, ang Sikolohiyang Pilipino:
• Sikolohiyang Akademiko-Pilosopika­l
• Sikolohiyang Akademiko-Siyentipik­o
• Sikolohiyang Katutubo
• Sistemang Sikomedikal at Relihiyon
Apat na Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino 
• Sikolohiyang Akademiko-Pilosopika­l:
- Nagsimula ito sa panahon ng mga Amerikano sa Unibersidad
ng Pilipinas, ngunit malaki rin ang papel ng Unibersidad ng
Santo Tomas at Unibersidad ng San Carlos sa pag-aaral
ng ganitong klaseng sikolohiya. Madalas ay pilosopikal at
teolohikal ang piliyasyon na ito.
Apat na Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino 
Sikolohiyang Akademik-Siyentipik­o:
- Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng piliyasyong ito ang
mga akademiko na ituring ang pananaliksik bilang importante
sa sikolohiya. Dito rin naging uso ang pagnanais ng mga
sikolohista na magkaroon ng mga resulta na empirikal.
Apat na Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino 
Sikolohiyang Katutubo:
- Ang sikolohiyang katutubo ay hindi nagsimula sa
isang unibersidad katulad ng nauunang dalawa dahil dati pa
itong pinapraktis ng mga katutubong Pilipino. Nahahati ito sa
dalawa: ang Katutubong Sikolohiya at Kinagisnang Sikolohiya.
Tinutukoy ng katutubong sikolohiya ang mga paniniwala at
karanasan ng mga katutubong Pilipino, habang sakop naman
ng kinagisnang sikolohiya ang wika, kultura, at sining ng mga
Pilipino.
Apat na Piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino 
Sistemang Sikomedikal at Relihiyon:
- Nagsimula ito mula sa medikong relihiyosong gawa ng mga
naunang babaylan at katalonan. Tinatalaka­y rito ang iba’t
ibang sistema ng paniniwala.
Mga Karaniwang
Kaugaliang Pilipino 
Mga Karaniwang Kaugaliang Pilipino 
PAKIKIPAGKAPWA-TAO  TIBAY AT LAKAS 
PAGIGING MALAPIT SA LAKAS NG LOOB
PAMILYA  KASIPAGAN
BIRO PAGGALANG
PAKIKIBAGAY SA
SITWASYON 
PANANAMPALATAYA AT
RELIHIYON 
Wakas . . .

You might also like