You are on page 1of 3

PAGSASAKATUTUBO

-Ito ay ang proseso ng pagbubuo ng isang katutubong sikolohiya.

-Pagbabago ng isang imported na sikolohiya tungo sa isang disiplinang


mas angkop sa kultura (Adair, 2004)

-Layunin nitong tuklasin at patibayin ag katutubong teolohiya ng Pilipino


na natabunan ng teolohiyang kanluranin
2 uri ng pagsasakatutubo
1.Pagsasakatutubo mula sa labas
“indigenization from without,” (pagsasakatutubo-mula-sa-labas)
-ito ay ang paggamit ng banyagang sikolohiya ng lokal na damit,
ngunit sa huli, ang pagsasalin ng teorya ay hindi sapat dahil pumapalya ito
sa pagpapahayag ng isang maka-Pilipinong Sikolohiya.
-(Nang simulan ang Sikolohiyang Pilipino, ang mga naunang kilos
upang subukan magkaroon ng sikolohiyang angkop sa kulturang Pilipino ay
ang pagsalin ng iba’t ibang konsepto, metodo, at mga teorya sa Pilipino.
Ang nilalaman ng mga sikolohikal na pagsusulit ay isinalin at ibinago,
ngunit sa paggawa nito ay masasabing bersyong Pilipino lamang ito ng
hiniram na pagsusulit. Ito ay ang tinatawag na “indigenization from without,”
(pagsasakatutubo-mula-sa-labas) Ito ay ang tinatawag ni Enriquez na
“angat-patong,” ito ay malayo sa karanasan at oryentasyon ng Pilipino.)

-Paggamit ng kulturang banyaga o panlabas na binabago at isinasalin


upang mag mukhang sa atin.
(Ito ay ang pagdamit ng banyagang sikolohiya ng lokal na damit,
ngunit sa huli, ang pagsasalin ng teorya ay hindi sapat dahil pumapalya ito
sa pagpapahayag ng isang maka-Pilipinong Sikolohiya.)

2.Pagsasakatutubo-mula-sa-loob (Cultural Revalidation)


-Ginagamit ang ating sariling kultura upang mapagkukunan sa paghahanap ng
mga konsepto at pamamaraang pinaniniwalaang mas makabuluhan sa Filipino
at mas angkop sa pagpapaliwanag ng ugali at karanasan ng mga Pilipino.
-Binibigyang pansin nito ang mga katutubong kultura at pinanggalingan ng
ating konsepto. Layunin nitong lumikha ng mga bagong kagamitan sa
pagsusuri at balangkas para sa mga konsepto.

-pagtuklas ng konsepto ng kapwa, itong konseptong na ito ay hindi


mahahanap sa ibang bansa, tanging manggagaling lang ito sa loob ng
kulturang Pilipino.

(Ang Sikolohiyang Pilipino ay nakabase sa pagsusuri ng historikal at


sosyo-kultural na mga katotohanan, mahalaga dito ang wika at katangiang
Pilipino kung saan ito ay dapat ipaliwanag sa pamamagitan ng mata ng
Pilipino.)

PAG- AANGKOP
Ang pag-aangkop' o pagbagay ay isa sa mga proseso ng ebolusyon. (Adaptation)
Ang wikang Filipino ay patuloy na nagkakaroon ng pagbabago
dahil narin marahil sa pagkakaroon ng mga makabagong karagdagan sa
wika. Isa na rito ang mga salitang balbal tulad ng Gay Lingo/Language.

Totoo nga na, malaki ang epekto ng makabagong teknolohiya sa


ating wika. Ni hindi natin alam ang mga malalalim na salita at
kinahihiligan na ng mga kabataan ang panonood ng mga koreanovelas at
iba pa. Sa kasalukuyang panahon masakit mang isipin ngunit totoo na
sadyang kakaunti na lamang ang mga taong nagpapahalaga sa wikang
filipino.

Ang wikang Filipino ay ating nagagamit sa iba’t ibang larangan.


Sa larangan ng pagtuturo, mayroong iba’t ibang terminolohiyang
ginagamit sa mga asignatura ang mga iba’t ibang paaralan. Mayroon
ding mga paaralan ang gumagamit ng Tagalog na libro sa pagtuturo sa
mga estudyante sa ilang pangkat. Kung ang mga estudyante naman ay
lumagpas na sa ika 4 na pangkat ay gumagamit na ng ingles ang mga
guro sa pagtuturo. Kadalasang mga paaralan na ito ay ang mga public
elementary school.

Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa


pagitan ng namamahala (ang pamahalaan) at ng pinamamahalaan
(ang mga mamamayan). Hindi lahat ng tao ay mayroong
pagkakataon na mag aral at hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng
ingles. Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa komunikasyon upang
mas magkaunawaan.
SUMMARY : Ang pagsasakatutubo Ito ay ang proseso ng pagbubuo
ng isang katutubong sikolohiya. Mayroon itong dalawang uri ang
"indigenization from without," (pagsasakatutub o-mula-sa-labas) ito ay
ang pagdamit ng banyagang sikolohiya ng lokal na damit, ngunit sa huli,
ang pagsasalin ng teorya ay hindi sapat dahil pumapalya ito sa
pagpapahayag ng isang maka-Pilipinong Sikolohiya.

at Pagsasakatutubo-mula-sa-loob (Cultural Revalidation) ay nakabase


sa pagsusuri ng historikal at sosyo-kultural na mga katotohanan,
mahalaga dito ang wika at katangiang Pilipino kung saan ito ay dapat
ipaliwanag sa pamamagitan ng mata ng Pilipino.

Ang Pag-aangkop o pagbagay ay isa sa mga proseso ng ebolusyon.

You might also like