You are on page 1of 37

YUNIT 4: MGA ISYUNG PANLIPUNAN, PAMPOLITIKA, PANG-

EKONOMIYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

ARALIN 1: PATAKARAN SA REPORMANG PANG-AGRARYO SA PILIPINAS


Oras na Ilalaan: 4.5 oras
Panimula

Ang Pilipinas ay nabibilang sa agrikultural na bansa sa kalakhang Timog-


Silangang Asya dahil sa mga likas na yaman na matatagpuan dito. Ang agrikultura ay
matagal ng pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino
simula pa noong panahong Neolitiko.

Ang usapin sa repormang panlupa sa Pilipinas ay masasabing panlipunang isyu


mula pa noong panahon ng mga Espanyol hanggang sa panahon ng mga Amerikano.
Ang sistema ng agrikultura sa bansa ay nagdulot ng iba’t ibang isyung pang-ekonomiya
at lumikha rin ng panlipunang isyu sa kabila ng mga programang ipinapatupad ng
pamahalaan.

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kaligirang pangkasaysayan ng mga patakaran


sa repormang pang-agraryo sa Pilipinas mula sa panahong pre-kolonyal tungo sa
kontemporaryong panahon. Makikita sa sa pagtalakay na ito ang transisyon ng iba’t-
ibang programang may kinalaman sa repormang panlupa at ang mga natatanging
katangian ng bawat programa sa iba’t ibang pitak ng panahon. Tatalakayin din ang mga
pangunahing batas na naging saligan ng pagkakabuo ng kasalukuyang programa sa
repormang pang- agraryo na mas kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform
Program Extension with Reforms o CARPER.

Layunin

Matapos mong mapag-aralan ang mga piling usapin o kontrobersiya sa kasaysayan,


marahil ay handa ka na upang tumungo sa susunod na yunit. Ang yunit na ito ay
nakatuon sa pagkilatis at pagtingin sa mga isyung panlipunan, pampolitikal, at pang-
ekonomiya sa kasaysayan ng Pilipinas. Titingnan ang mga isyung tatalakayin sa
historikal na pamamaraan. Inaasahan na ang sumusunod ay iyong matutuhan;

1. Natutunton ang kasaysayan ng patakarang pang-agraryo sa Pilipinas


2. Natutukoy ang mga natatanging katangian ng mga repormang pang-agraryo sa
Pilipinas
3. Naipaliliwanag ang layunin at natatanging katangian Comprehensive Agrarian
Reform Program Extension with Reforms sa bansa
4. Nakagagawa ng kritikal na ebalwasyon sa Comprehensive Agrarian Reform
Program Extension with Reforms sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulat ng
akademikong papel (pamanahong papel)

1
Paunang Pagtataya
Bago ka magsimula sa pagtahak ng kaalaman tungkol sa araling ito, sagutan mo
ang gawain sa ibaba.

1. Lapatan mo ng mga konsepto o ideya ang salita na nasa bilog. Tandaan na walang
maling sagot at lahat ng ilalagay mo ay iyong sariling pang-unawa sa salita.

Reporma

Gawain

Gawain 1: Larawan Suri!

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa patlang sa ibaba ng larawan ang
iyong analisis. Tandaan: Sa bahaging ito ng gawain ay walang maituturing na tamang
sagot at ito ay nakabase sa iyong sariling pang-unawa.

2
_

3
Matapos mong mabigyan ng sarili mong interpretasyon ang mga larawan, subukin
mong sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

1. Tungkol saan ang mga larawan?


2. Kung bubuo ka ng isang ideya, anong ideya o konsepto ang tinutukoy ng
mga larawang iyong sinagutan?

Linangin
Kaligirang Pangkasaysayan ng Repormang Pang-agraryo sa Pilipinas

Lubhang napakahalaga na tuntunin ang kaligirang pangkasaysayan ng mga


patakarang may kinalaman sa repormang pang-agraryo upang lubos na maunawaan
ang mga naging epekto nito sa kasalukuyan. Magandang dalumatin ang mga sistemang
namamayani noon tungkol sa pagmamay-ari, paglilinang at pag-aangkin ng mga lupain
bago pa man dumating ang mga dayuhan sa bansa. Makikita rin dito ang mga
pangyayari na naging dahilan ng mga suliraning kinakaharap natin sa kasalukuyan na
may kinalaman sa usaping pang-agraryo. Sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga
sinaunang sistemang ito, makikita natin na ang pamumuhay ng mga naninirahan sa
kapuluan ay masasabing nakadepende sa lupa.

Panahon ng Pamayanan

Ang sinaunang pamayanang umusbong sa kapuluan ay masasabing nakaayon


sa kapaligiran na kanilang kinabibilangan. Ayon kay Boquiren (2001) sa aklat na
Kasaysayang Bayan, binanggit niya; 23

Kung ating susuriin,


Nabuo ang atmalaking bahagi
pinagyabong angang ginagampanan
tradisyong kultural ng
ng lupa
bayansahabang
pamumuhay
ng mgaumaangkop
sinaunang angtao sa kapuluan.
pangkat sa kalagayanNakasentro
ng kapaligiranang halos lahat
sa panahong ng aspeto ng
Austranesyano,
pamumuhay ng ang
mahigpit pamayanan
pagkadikit sa lupa na naging
ng tradisyong dahilan
pangkultura ng pagbibigay
sa lupa at mga yamannila
na ng mataas na
makikita
dito. Ayon sa mga kwentong bayan, walang
pagrespeto rito. Dagdag pa ni Boquiren, aniya; katiyakan
24 ang direksyon ng paglilipat-lipat
ng pangkat dahil sa paghahanap ng mainam na lugar.
Sentral ang lupa sa pag-inog ng buhay ng pamayanan. Halos lahat ng mga
umiiral Sa mga gawi,
na mga Ibaloypaniniwala,
ng Timog relihiyon
Benguet atatistrukturang
Kankanan panlipunan
ng Hilagangay bahagi
umukit ng
sa
probinsya
sistemang maging sa kanluranrisikulturang
pang- agrikulturang ng Mountain Province,ng
pagtatanim nagsimula diumano na
palay. Halimbawa ang mga
lamang
pamayanan nang matagpuan
ay ang sabay-sabay ng ilang
ang panahon ng mangangaso
pagtatanim atang mas produktibong
pag-aani ng palay. Salupa o kaya
ilang mga
ay mainam na daloy ng ilog sa pagtatanim. Yumabong ang mga malalaking
pamayanan, binubuksan muna sa isang dasal at ritwal na kung saan nilalahukan ito ng
pamayanan, lumikhaupang
buong pamayanan at napaunlad
matiyak nanila ang mga payoh
magkakaroon (ricemasaganang
ng isang terraces) saan.Benguet,
Maging
sa pagpapatubo o irigasyon ay may maayos na sistemang sinusunod.

23
Adhika ng Pilipinas, Inc, Kasaysayang Bayan, (Manila: National Historical Institute, 2001), 99
24
Ibid. p. 103

4
Mapapansin na malaki ang naging impluwensya ng agrikultura o pagtatanim sa
buhay ng pamayanan dahil nagkaroon ito ng malaking epekto sa paraan ng kanilang
pamumuhay. Ngunit mayroong natatanging katangian ang sistema ng agrikultura noon.
Sa kaparehong aklat binangggit;25

Ang paggamit at pagmamay-ari ng lupa ay nakadepende sa katutubong


Sa Bontoc, ang Tumona (taong may pinakamalawak na lupain) ang nauunang
sistema nakikinabang
ng batas nasanagpapakita naman
irigasyon sa mga naatmayroong
payoh saka lamangpagkakapantay-pantay sa mga
susunod ang ibang kamag-
lipunanganakan.
nabuo Sasa kapuluan
Sagada, may ngunit kakikitaan
organisasyon ng naman ito ng pagkakaiba-iba
mga gumagawa depende
ng patubig, sa payoh na sa
pinamamahalaanan ng lampisa upang 26magtiyak na lahat ng may tanim ay
pamayanan. Sa kaparehong aklat binanggit;
nabebenipisyuhan ng irigasyon.
Ayon sa katutubong sistema ng batas, may tiyak na kaayusan sa paggamit at pagmamay-
ari ng lupa,
Angsubalit
mga hindi
tagaito Cordillera
magkakatulad sa lahat
noong ng pamayanan.
ika-16 hanggangSaika-17
mga nasa na kapatagan,
dantaon mayay
pribadong pagmamay-ari ng lupa ang mga pamilya lalo na sa mga pook
magkakaugnay ang mga wika, paniniwala, mga gawi sa agrikultura at materyalna may aktibong kalakalan
na
atkultura.
labis naGayunpaman,
produksyong agrikultural. Gayunpaman,
higit na malalaki ang ilang bahagi
ang permanenting na sakopsa
pamayanan ngmga
pamayanan
lugar na ay
itinuturing na kolektibo (o komunal). Karaniwang mga pamilya ng datu at
may payoh. May malinaw na tunguhin na sila sa pribadong pagmamay-ari ng lupangrajah ang may sariling
lupang pribado ang pagmamay-ari. Sa lipunang Tagalog, maging ang aliping namamahay ay may
agricultural partikular sa mga payoh. Kung gayon, ang mga baknang at kadangyan (ang
sariling lupang sinasaka habang ang bahagi ng kanilang lakas paggawa ay nakalaan sa mga
namumunong indibidwal o angkan) ang may pinakamalawak na lupain at
sakahan ng kanilang datu. Kahalintulad din ito ng kaayusan sa Kabisayaan: ang tumataban,
pinakamaraming bilang ng umaasang populasyon. Sa bahagi ng timog at silangang
tumarampuk at ayuey (mga antas ng pagka-oripun o alipin) ay may magkakaibang bilang ng araw ng
Benguet pati na sa kanluran at sentral na bahagi ng Mountain Province at Ifugao, umiiral
paninilbihan sa kanilang datu. Ang natitirang araw naman ay para sa kanilang sariling produksyon.

Sa iba't ibang pamayanang nakabatay sa lupa sa Cordillera tulad ng Aplay ng hilagang


Kankanay (Sagada, Biula, -Tamboan), Timog Kankanay (Bakun, Mankayan, Buguias ng Benguet),
Maeng o Tinggian (ng Tubtuba sa Abra) at Kinali ng Besao (sa Mountain Province), maaaring hatiin
sa tatlo ang batayan ng pagmamay-ari at paggamit sa lupa at yamang likas dito: pribadong
pagmamay- ari, karapatang gamitin ng hindi aariin at pagmamay-aring komunal.

1. Pribadong pagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ng tahanan (homelot) at halamanan


(home garden) sa paligid nito, gayundin sa mga permanenteng sakahan na natutubigan
(o Inga payoh). Pribado ang ganitong mga gamit at pagmamay-ari dahil pinagbuhusan ng
lakas paggawa ang paglinang sa kalupaan sa 100b ng maraming salinlahi, kaya't
naipapamana (tawid). Gayunpaman, pinananatili sa 100b lamang ng angkan (partikular
sa Ifugao) at pamayanan (ili, sa Mountain Province at Kalinga) ang pagmamay-ari ng
lupa: hindi maaaring ipagbili sa mga hindi mamamayan ng lugar (o taga-ibang lugar). Sa
mga bulubunduking lugar at kagubatan gaya sa Cordillera ng hilagang Luzon, nasa
kuwentong bayan at mga panalangin kung may ritwal ang naging kasaysayan ng
pagmamay-ari ng lupa ayon sa paggamit nito. Ang mga unang nanirahan ang
karaniwang naglilinang sa bahagi ng kabundukan na permanenteng sakahan (mga payoh
o natutubigang palayan). Sa paglipas ng panahon, itinuring itong pribadong pagnlamay-
ari. Samantala, ang lupang kinatitirikan ng bahay at paligid na natatamnan ng pagkain ay
pribadong pagmamay-ari ng pamilya. Paggamit ng lakas paggawa ang saligang
"puhunan" ng pagrnamay-aring pribado ng pamilya.

25
Ibid. p. 104
26
Ibid. p. 108-
7
2. Karapatan ng pamilya, angkan at dap-ay (o ward) na gamit ngunit •di aariin ang lupang
kaingin (uma) at lupang pastulan ng malalaking hayop. Sa ganitong uri ng lupa, mas may
karapatan ang sinumang naglinis nito. Maaari lamang gamitin ng iba kung hindi na
kailangan ng, o kaya ay may pahintulot mula sag mas nauna sa lugar. Limitado ang
paggamit para lamang sa pamilyang naglinis ng uma sa 100b ng panahong aktibo nila itong
ginagamit. Di maaaring tamnan ang lupa ng mga permanenteng halaman gaya ng mga
punong namumunga nang taunan. Maaaring gamitin ito ng iba pang pamilya kung sa
paglipas ng ilang taon ay naiwang bakante ito. Kung gayon, ang mga pastulan, ilog at gubat
ay kolektibong pagmamay-ari ng buong pamayanan at hindi maaaring solohin ng iilan
lamang na pamilya.

3. Komunal na pagmamay-ari ng buong pamayanan at grupong etnolinggwistiko (maaaring


binubuo ng ilang magkakalapit na pamayanan) ang mga bundok na may gubat at
watershed. Nagmumula sa gubat ang mga hayop, kahoy, tubig at iba pang yamang likas na
ginagamit ng mamamayan ng komunidad. May mga regulasyon sa paggamit ng kalupaan at
pagkuha ng yamang likas mula dito, gaya ng pagtatakda ng panahon para sa pangangaso,
pagtatakda kung saang bahagi ng kagubatan maaaring magputol ng kahoy, at kailan ang
panahon ng pagkuha ng pulot at panghuhuli ng ibon. Hindi rin maaaring magputol ng kahoy
kahit saan o kahit gaano karami kundi para sa gamit lamang ng pamilya o pamayanan.
Ritwal naman ang nagsisilbing instrumento sa pagbabalak (planning tool) upang kolektibong
mabigyang proteksyon ang mga sakahan mula sa peste, o kaya ay tiyakin mabibigyan ng
irigasyon ang lahat, upang sa gayon ay magand ang maging ani.
Mahalagang makita natin na ang pagmamay-ari ng lupa noon sa panahon
ng mga pamayanan ay dumadaan sa iba’t ibang sistema bago ariing ganap. Dahil sa
paniniwalang ang lupa ay likas na bahagi ng kalikasan at walang maaari magmay-ari
nito, malaya ang sinuman sa panahong iyon na magkaroon ng kanyang lupain.
Naapektuhan din ng sistemang pang-agrikultural ang paraan ng pamumuhay ng mga
tao tulad ng mga gawi, paniniwala at relihiyon na nag-ugat sa mga katutubong batas
tulad ng pagrespeto at paggalang sa kalikasan.

Panahon ng mga Espanyol

Sa pagdating ng mga Espanyol sa kapuluan, nagkaroon ng malaking pagbabago


sa pamumuno at pamamalakad ng mga lupain. Sa pagbabahagi ng "sibilisasyon,"
ipinasok nila ang kanilang istruktura ng politika at ekonomiya. Sinubukang baguhin ng
mga Kastila ang sistema ng politika, ekonomiya at panlipunang istruktura, kasama ang
paniniwala ng katutubo. Nagpatupad sila ng mga radikal at mapang-abusong mga
kautusan na mas lalo pang nagpahirap sa mga Pilipino. Binanggit sa aklat na
Kasaysayang Bayan ang mga pagbabagong naganap na ito na may kinalaman sa
usaping
agraryo Ang pagtatatag ng estadong kolonyal ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga
kolonisador na tiyakin ang pagkaltas ng yamang surplus ng kapuluan, na siyang saligang
sa layunin ng Sa umpisa pa, habang ipinapataw angpananakop. kapangyarihang kolonyal sa
bansa. pamamagitan ng sandatahang lakas at relihiyon, itinatag ang mga encomienda upang ilatag
Anito; 27 ang makinaryang administratibo para sa pagkaltas sa yamang surplus.

Ang encomienda ay mga lupaing iginawad na gantimpala ng monarkiya sa isang


tauhan nito na nakatulong sa conquista. Ang encomendero ang tumayong unang administrador
sibil sa mga sakop. Nang malaon, ang mga encomienda bilang yunit administratibo ay
mapapalitan ng alcaldia, ang naging regular na yunit pulitikal sa mga lalawigan na pinamunuan
ng alcalde Sa pangkalahatan, hindi nagampanan ng mgamayor. encomendero ang mga
tungkulin nila sa mga sakop. Sa gayon, ang encomienda ay naging instrumento lang ng mga
Espanyol sa pagkaltas ng yamang surplus ng bayan--sa anyo ng tributo, taunang quota ng
produkto (bandala) na ipagbibili ng mga lalawigan sa gobyemong kolonyal, at sapilitang
pagpapatrabaho ng mga tao sa mga obras publicas: mga lansangan, gusaling publiko,

27
Ibid. p.
7
Magkasabay na natugunan agad ng encomienda ang dalawang bagay: pamamahala ng mga
sakop habang itinatatag ang mga aueblo at ang higit.na malawak na kaayusang panglalawigan
ng alcaldia. Kaya't ang pagtatatag ng estadong kolonyal ay hindi isang ganap na hakbangin. Ito
ay dumaan sa iba't. ibang yugto ng pagkabuo para sa higit na pagkontrol sa mga sakop at
pagkaltas ng yamang surplus. Ang pagbabagong naganap sa estado ay hindi lamang sa dating
tunguhin ng pagtatayo ng estadong bayan. Ang malaking pagbabago ay ang pagtatayo ng isang
estadong hindi lamang tiraniko kundi parasitiko. Kaya ang posisyon ng mga pueblo, bilang
batayan ng estadong kolonyal, ay mahigpit na nakaugnay sa mga pook ng pagkukunang-yaman.

Ang sistemang encomienda ay ginamit na pamamaraan upang kontrolin ng mga


Espanyol ang mga lupain ng kapuluan at kaltasan ang mga yamang surplus ng mga
katutubo. Sa isang maliwanag na pananalita, masasabing ang patakarang ito ay may
katangiang tiraniko at parasitiko. Ang dating mga lupain na pagmamay-ari ng
pamayanan ay napunta sa mga nasa posisyon na may kontrol ng pueblo. Ang
pagbabagong ito ay nabanggit din sa parehong aklat, anito; 28

KungGinagamit
ating susuriin,
ng estadong makikita
kolonyalang
ang matinding interes
encomienda bilang ng mgangEspanyol
instrumento pagkaltas sang bansa
dahil sa mayamang
yamang likasang
surplus. Ngunit yaman nito. Ang parasitiko
uring panlipunang mga dating lupain na
ay naghahanap dinmalayang
ng yaman mula linilinang
sa ng
lupa sa anyo ng renta. Ito ang dahilan ng paglaganap ng
mga Pilipino ay nagkaroon ng panibagong mukha sa anyo ng pagbabayad ng renta. mga hacienda. Mahalagang
pagbabagong-anyo ng bayan ang transpormasyon ng mga lupain sa pribadong pag-aari. Ang
Ang naging epekto nito
dating produksyong ay kahirapan
panlipunang nakatuonsasapag-ahon dahil ng
pangangailangan sabayan
ipinapataw na sa
ay dumaloy tubo
mgang mga
may- aring maymaylupang
panginoong lupa. Ang mgangganitong
binubuo pangyayari
mga indibidwal na Espanyolang naging
at mga mitsa relihiyoso.
korporasyong ng pakikibaka at
paghihigmasik ng mga Pilipino na may malaking kinalaman sa usaping agraryo sa
Ang mga hacienda ang dahilan ng pagbabago ng istrukturang panlipunan ng bayan. Mula
bansa.sa pagiging tagakolekta ng tributo, ang principalia ay magiging elite na nakabase sa lupa. Ang
hirarkiya ng bayan ay akumulasyon ng renta. Ilan lamang ang magmomonopolyo sa lupa at ang
karamihan ng mga Pilipino ay magiging mga pesante. Mula dahtaon 16 hanggang dantaon 18, ang
Isa sa mga
malaking bahagi mahalagang
ng kapuluan pag-aalsa na ng
ay magkakaroon naganap sa Luzon ay
transpormasyon ngang
mgapag-aalsang agraryonanoong
lupain sa pyudal
1745. Kasangkot ang mga lalawigan sa paligid ng Maynila: Cavite, Laguna, Batangas,
kaayusan. Ibubunga nito ang pagkawala ng mga lupain at pagiging pesante (kasama) sa hacienda Bulacan at
ng maraming Pilipino. Kung ang encoml&nda ang naging instrumento ng estado sa pagkaltas ng dahil
Morong (Rizal). Ang pag-aalsang ito ay itinuring na isa sa pinakamapanganib para sa mga Kastila
sa lapit surplus,
yamang ng rebelyon sa pusodang
ang hacienda ng naging
kolonya.mekanismo
Sa mga lugar na ito matatagpuan
ng pribadong sektor (mga ang malalawak
indibidwal na na
hadenda .na pagmamay-ari ng mga korporasyong relihiyoso at nagsilbing ugat
•Espanyol at ordeng relihiyoso) sa pagkaltas ng yamang surplus. Ang pagsingil ng renta sa sa mga kaguluhan
noong ika-18
hacienda dantaon.
ay batay Nakilala ang
sa kaayusang pag-aalsa
pyudal bilang kauna-unahang
na Europeo; organisadong
sa kaso ng Pilipinas, tuwirangekspresyon ng galit
kalahok dito
ng mga Pilipino laban sa mga prayle.

Ang mga pangunahing dahilan ng pag-aalsa ay ang pangangamkam ng lupa ng mga prayle
na may-ari ng malalawak na hacienda, at ang pagsasara ng lupain sa mga nakagisnang karapatan ng
mga Pilipino. Halimbawa rito ang pagpastol ng mga hayop sa mga malawak na lupain, pagkuha ng
mga produkto mula sa gubat gaya ng kahoy na panggatong, rattan at kawayan, ang pangingisda at
paggamit ng katubigan. Unti-unting isinara ang mga hacienda at nagpabayad ang mga prayle sa
paggamit ng iba't ibang bahagi nito.

28
Ibid. p. 144-
7
Kinilala sa panahon na ito ang isang mahalagang kaganapan na naganap sa Luzon na
kilala sa tawag na, “Kilusang Agraryo ng 1745.

Panahon ng mgaAng
Amerikano
pag-aalsa ay nagsimula sa alitan ng Hacienda Biöan na pagrnamay-ari ng mga
paring Domänikano at ang kalapit bayan ng Silang, Cavite ukol sa ilang libong ektarya ng
Sa tubigan
pagpasok ng mga Amerikano
na matatagpuan sa ng
ngayon sa bayan bansa, sinubukang
Carmona. Ang alitan ayisaayos
nagsimulang kolonyal
nang mas na
pamahalaan
maagaang problema
pa subalit umigtingsa lupa 1740
ito noong sa nang
pamamagitan ng Dominikano
ang mga prayleng pagbili ng mga sa
ay dumulog lupaing
Royal Audiencia upang maangkin ang mga lupaing pinagtatalunan. 29
pagmamay-ari ng mga prayle at ipinagbili naman sa mga kasama o tenants.

Ang suliraning pang-agraryo sa panahong ito ay lalo pang lumalala dahil sa iba’t
ibang mga pag-aalsa na kinasangkutan ng ilang mga katutubo sa kadahilanang nais
nilang maibalik sa kanilang pagmamay-ari ang mga lupain na minana pa nila sa
kanilang mga ninuno (ancestral domain). Ngunit kakikitaan ang panahong ito ng
kakaibang katangian dahil may ilang mga batas na nilikha upang mas lalo pang
mapatibay ang usapin sa lupa. Ito ay ang mga sumusunod;

● Philippine Bill of 1902- itinatalaga nito ang pinakamataas na sukat na pwedeng


ariin ng mga pribadong indibidwal atb mga korporasyon; 16 na hektarya para sa
mga pribadong indibidwal at 1 024 hektarya naman sa mga korporasyon.
● Land Registration Act of 1902 (Act no. 496)- Ang batas na ito ay naglalayong
bumuo ng land registration court na siyang nagpapatupad ng Torrens System sa
lupa at pagmamay-ari ng mga real estate
Ang Torrens System ay ang sistemang itinaguyod sa Pilipinas at isinagawang
naaayon sa batas. Ang sistemang ito ay nakatulong dahil karamihan sa mga lupaing
pagmamay-ari o inookupa ng mga tao sa buong bansa ay hindi pa sakop ng mga
ibinigay na titulo ng pamahalaan.
Pinagtuunan naman ng pansin ng Pamahalaang Commonwealth ang “social
justice” upang mapatigil ang mga nagaganap na pag-aalsa sa Gitnang Luzon at upang
mapababa ang antas ng kahirapan sa mga magsasaka. Ang pagpupunyaging ito ng
pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Manuel Quezon (unang pangulo ng Pamahalaang
Commonwealth sa Pilipinas), ito ay kanyang iniangkop sa probisyon na nakapaloob sa
Artikulo II, Seksyon 5 ng Konstitusyon ng 1935 na; “The promotion of social justice to
insure the well-being and economic security of all the people should be the concern of
the State”. Ipinapakita lamang nito na ang pamahalaan ay gumagawa ng mga paraan
upang mas lalong pagtibayin at paunlarin ang sistemang pang-agraryo sa Pilipinas.

Karagdagan pa rito, nagpatupad din ang pamahalaan ng mga ilang batas tulad
ng Commonwealth Act No. 178, upang amyendahin ang Rice Tenancy Act No. 4045 na
kumokontrol sa relasyon ng may-ari ng lupa at sa mga kasama o tenant ng lupain.
Nalikha din sa panahong ito ang National Rice and Corn Corporation (NARIC) upang
kontrolin

29
Torres Jose Victor, Batis: Sources in Philippine History (Quezon City, C & E Publishing Inc., 2018), 204-205

7
ang presyo ng palay at mais na kung saan magtatamo ng malaking benepisyo ang mga
magsasaka. 30

Panahon ng Republika

Sa panahong ito, natamo ng Pilipinas ang Kalayaan noong 1946 mula sa mga
Amerikano ngunit ang suliranin sa pagmamay-ari ng lupa ay nanatiling malaking
suliranin ng pamahalaan. Upang masolusyonan ito, lumikha ang Kongreso ng mga
pamamaraan upang baguhin ang Tenancy Law na matagal na namayani sa bansa.

Makikita sa talahayanan ang mga batas, kautusan at mga proyekto na ipinatupad


sa Panahon ng Republika na may kinalaman sa usaping pang-agraryo sa bansa.

Pangulo Mga Nagawa ng Administrasyon

Manuel A. Roxas Sa panahon ng administrasyong Roxas, naisabatas ang


(1946-1948) mga sumusunod;

● Batas Republika Blg. 34- Pagsasaayos ng hatian


ng lupa sa pagitan ng may-ari ng lupa at
magsasaka
● Batas Republika Blg. 55- Pagbibigay ng
proteksyon sa di-makatarungang pagpapaalis sa
mga magsasaka.
Elpidio Quirino (1948- Naisabatas naman sa panahon ng pamamahala ni
1953) Pangulong Quirino ang Kautusang Pang-ehekutibo Blg.
355 na ipinasa noong ika-23 ng Oktubre 1950. Sa ilalim
ng batas na ito, pinalitan ang National Land Settlement
Administration sa Land Settlement Development
Corporation na siyang nangangasiwa sa mga
responsibilidad ng Agricultural Machinery Corporation at
Rice and Corn Production Administration.

Ramon Magsaysay Ang mga sumusunod ang mga naisabatas sa


(1953-1957) administrasyong Magsaysay;

● Batas Republika Blg. 1140 ng 1954- Inalis ang


LASEDECO at nabuo naman ang National
Resettlement and Rehabilitation Administration
(NARRA) upang mabigyan ng lupang pansakahan
ang mga magsasaka na walang pagmamay-ari. Ito
ay partikular sa mga rebeldeng nagbabalik sa
kanilang mga tahanan at sakahan sa Palawan at
Mindanao.
● Batas Republika Blg. 1199(Agricultural Tenancy
Act of 1954)- Pinamamahalaanan ang relasyon ng
may-ari ng lupa at mga magsasaka na kasama
(tenant) sa pamamagitan ng pagbuo ng share-

30
Ibid p. 205

7
tenancy at leasehold system. Binibigyan ng
karapatan ng batas ang seguridad ng mga tenant.
Sa pamamagitan din ng batas na ito nalikha ang
Court of Agrarian Relations.
● Batas Republika Blg. 1400 (Land Reform Act of
1955)- Binuo sa ilalim ng batas na ito ang Land
Tenure Administration (LTA) na may katungkulan
sa pagkuha at pagbabahagi ng malalaking taniman
ng palay at mais na inuupahan na may sukat na
200 hektarya sa indibidwal na pagmamay-ari at
600 hektarya naman mula sa mga korporasyon.
● Batas Republika Blg. 821-Sa batas na ito, nabuo
ang Agricultural Credit Cooperative Financing
Administration na nagbibigay ng pautang o loans
sa mababang tubo (6 to 8 porsyento) para sa mga
maliliit na magsasaka at mga tenant.

Carlos P. Garcia Pinagpatuloy ng administrasyong Garcia ang mga


(1957-1961) program ana sinimulan ng Pangulong Magsaysay.
Walang mga batas na nagawa sa panahong ito na may
kinalaman sa usaping pansakahan ng bansa.

Diosdado Macapagal Napagtibay sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong


(1961-1965) Macapagal ang mga sumusunod na batas;

● Batas Republika Blg. 3844 ng 1963- Tinanggal


ang share-tenancy, at pinagtibay ang sistemang
pangungupahan (leasehold system). Itinakda ang
limitasyon sa pagpapanatili sa 75 hektarya lamang
at nagsagawa ng mga batas na may kinalaman sa
pag-iingat pagtubos para sa mga magsasakang
nangungupahan at pinagtibay ang sistemang
hudisyal na may kinalaman sa mga kasong pang-
agraryo. Ang naturang batas ang sinasabing nag-
alis sa mga magsasakang Pilipino mula sa
pagkakaalipin ng pangungupahan.

Ferdinand E. Marcos Sa bisa ng Proklamasyon Blg 1081 noong Setyembre 21,


(1965-1986) 1972, napasailalim ang bansa sa Batas Militar. Limang
araw matapos ang proklamasyon, ang buong bansa ay
idineklara bilang isang pook ng repormang panlupa na sa
kalaunan ang Programa ng Repormang Pansakahan ay
naisabatas. Ang mga sumusunod ay naisabatas sa
panunungkulan niya;

● Batas Republika Blg. 6389 (Kodigo ng


Repormang Pansakahan)- Nilikha ang Kagawaran
ng Repormang Pansakahan (DAR) at ang Agrarian

7
7
Reform Special Account Fund. Pinalakas nito ang
katayuan ng mga magsasaka at pinahaba ang
saklaw ng repormang pang-agraryo sa bansa.
● Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972- Dineklara na
ang bansa ay nasa ilalim ng programa ng
repormang pansakahan. Pinagsama sama nito
lahat ng mga ahensya ng pamahalaan upang
magbigay ng buong kooperasyon at tulong para sa
DAR. Nabuo din ang Agrarian Reform Council sa
panahong ito.
Corazon C. Aquino Matapos pagtibayin ng sambayanang Pilipino ang bagong
(1986-1992) Konstitusyon sa panahon ng panunungkulan ni
Pangulong Aquino, isinaayos agad ng administrasyon ang
mga programa sa repormang pansakahan. Itinadhana sa
ilalim ng Seksyon 21 ng Artikulo 2, “The State shall
promote comprehensive rural development and agrarian
reform”. Patunay lamang ito na isa sa mga hangarin ng
administrasyon ang pagpapalakas ng pansakahan sa
bansa. Noong ika-10 Hunyo 1988, naisabatas ang Batas
Republika Blg. 6657 o ang Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP). Naging epektibo ang batas
noong ika-15 ng Hunyo 1988. Sa panahong ding ito
naisabatas ang mga sumusunod;

● Kautusang Pang-Ehekutibo Blg. 228 ng 1987-


Idindeklara ang buong pagmamay-ari ng lupang
pansakahan para sa mga kwalipikadong
benepisyaryo na sakop ng PD 27.
● Kautusang Pang-Ehekutibo Blg. 229 ng 1987-
Nagtakda ng mga mekanismo para sa
implementasyon ng ng Comprehensive Agrarian
Reform Program.
● Proklamasyon Blg 131 ng 1987- Itinatag ang
CARP bilang pangunahing programa ng
pamahalaan. Nagtakda ito ng mga espesyal na
pondo na kinilala bilang Agrarian Reform Fund
(ARF), na nagkakahalaga ng 50 bilyong piso upang
saklawin ag estimadong gugugulin ng programa
mula 1987 hanggang 1992.
● Kautusang Pang-Ehekutibo Blg 129-A ng 1987-
Binuo at pinagtibay ang kapangyarihan at
operasyon ng Kagawaran ng Repormang
Pansakahan
● Batas Republika Blg 6657 ng 1988- Isinabatas
ang Comprehensive Agrarian Reform Program na
magtataguyod ng hustisyang panlipunan at
industriyalisasyon. May iba’t ibang mekanismo na

7
7
binuo ang pamahalaan upang maipatupad nang
maayos ang batas at maabot ang iba pang mga
layunin nito.
● Kautusang Pang-Ehekutibo Blg. 405 ng 1990-
Ipinagkaloob sa Landbank of the Philippines ang
responsibiliad at kapangyarihan na magpasya sa
pagtatakda ng halaga sa lupa at kabayaran sa
lahat ng lupang saklaw ng CARP
● Kautusang Pang-Ehekutibo Blg. 407 ng 1990-
Pinabilis ang pagkakaloob ng lupang agricultural,
lupang pastulan, fishponds, agro-forestry lands at
iba pang mga lupang pagmamay-ari ng
pamahalaan na angkop sa agrikultura.

Fidel V. Ramos Nang manungkulan ang Pangulong Fidel V. Ramos


noong 1992, humarap ang kanyang panunungkulan sa
(1992-1998)
iba’t ibang hamon ng pagkawala ng tiwala ng mga
mamamayan sa programang pang-agraryo. Ngunit sa
kabila nito, masigasig ang administrasyon na palakasin
ang usaping repormang pansakahan sa bans ana
nakatuon sa bisyong, “Fairer, faster and meaningful
implementation of the Agrarian Reform Program”. Sa
kanyang administrasyon, naisabatas ang mga
sumusunod;

● Batas Republika Blg. 7881 ng 1995- Sinusugan


ang ilang probisyon ng Batas Republika Blg 6657
at tinanggal ang mga fishponds at prawns sa
saklaw ng CARP
● Batas Republika Blg. 7905 ng 1995- Mas lalo
pang pinalakas ang implementasyon ng CARP
● Batas Republika Blg 8532 ng 1997 (Agrarian
Reform Bill)- Nagtakda ng karagdagang 50 bilyong
piso na ilalaan sa implementasyon ng CARP at
pinalawig pa ang pagpapatupad nito sa susunod
pang sampung taon.
Joseph E. Estrada “ERAP PARA SA MAHIRAP”. Ito ang islogan na kinilala
sa rehimeng Estrada na naging popular at nag-akyat kay
(1998-2000) Erap sa puwesto noong pampanguluhang eleksyon ng
1988. Naisabatas ang Kautusang Pang-Ehekutibo Blg.
151 ng 1999 na nagkaloob ng kapital o puhunan para sa
mga magsasakang may maliliit na lupang sakahan. Sa
panahon din ng kanyang panunungkulan, inilunsad ang
Magkabalikat para sa Kaunlarang Agraryo o
MAGSASAKA. Hinikayat din ng administrasyon ang DAR
na magsagawa ng pakikipagsosyo sa mga pribadong
namumuhunan.

8
8
Ngunit ang administrasyong ito ay hindi nagtagal dahil
ang masang Pilipino na naglagay sa kanya ang siya ring
naging dahilan upang siya ay matanggal sa puwesto
bilang pangulo.

Gloria Macapagal Ang programang pang-agraryo sa ilalim ng


Arroyo panunungkulan ni Pangulong Arroyo ay nakaangkla sa
bisyon na, “To make the countryside economically viable
(2000-2010) for the Filipino family by building partnership and
promoting social equity and new economic opportunities
towards lasting peace and sustainable rural development.

Pinagtuunan ng administrasyon ang mga sumusunod;

Pagpapabuti sa mga Lupang Inuupahan- Hinikayat ang


DAR na maging masigla sa pagpapatupad at pamimigay
ng mga lupang saklaw ng CARP. Kinakailangang
mapagbuti ng ahensya ang sistema ng lupang upahan sa
pamamagitan ng pagbabahagi at pag-upa ng lupang
sakahan.

KALAHI ARZone- Inilunsad ang KALAHI Agrarian


Reform (KAR) Zone, ang mga sonang ito ay binubuo ng
isa o higit pang bayan at munisipalidad na
pinangungunahan ng Agrarian Reform Council upang
pagbutihin at linangin ang produksyon ng mga lupang
pansakahan

Hustiyang Pang-agraryo- Binuo upang isaayos ang mga


kasong pang-agraryo. Hinikayat ang DAR na magdagdag
ng mga indibidwal na may kakayahan sa batas upang
gumawa ng mga desisyon ukol sa mga usaping pang-
agraryo sa mga mababang yunit ng pamahalaan.
Benigno Aquino III Sa kanyang SONA nong 2012, siniguro ng Pangulo na
ibibigay ang lahat ng mga lupain na nakapaloob sa CARP
(2010-2016) na programa ng kanyang ina bago matapos ang kanyang
termino sa taong 2016. Sa kanyang panunungkulan,
naipamahagi ang ilang mga lupaing sakahan na
pagmamay-ari ng kanyang angkan (Hacienda Luisita sa
Tarlac) sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa.
Nabuo rin sa kanyang administrasyon ang Agrarian
Reform Community Connectivity and Economic Support
Service (ARCCESS). Layunin nito na abutin ang mga
lugar na may malaking kaso ng kahirapan maging ang
mga lugar na pang-agraryo sa bansa. Bukod pa rito,
naisabatas ang Kautusang Pang-Ehekutibo Blg. 26
serye ng 2011 na nagbigay ng mandato sa
Kagawarang Pangsakahan,
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman, at
8
8
Kagawaran ng Repormang pansakahan kasama na ang
iba pang ahensya at kawani ng pamahalaan na bumuo ng
National Greening Program sa bansa.

Rodrigo Roa Duterte Sa ilalim ng liderato ni Pangulong Duterte, ninais niya ng


isang agresibo at mabilisang programa sa repormang
(2016-kasalukuyan) pansakahan sa bansa upang matulungan ang mga
mahihirap na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay
serbisyong pansuporta sa mga ito. Hinimok niya ang DAR
na isagawa ang 2nd phase ng repormang pansakahan na
kung saan ang mga magsasakang walang lupa at
kwalipikadong benepisyaryo ay mapagkakalooban na
manggagaling sa mga lupang naipamahagi na saklaw ng
CARP. Sa ilalim din ng kanyang pamumuno, binuo ng
DAR ang anti-corruption task force upang imbestigahan
ang mga maanomalyang gawain ng mga opisyales at
kawani ng ahensya. Linikha rin ng ahensya ang “Oplan
Zero Backlog” upang solusyunan ang mga kasong pang-
agraryo at upang mas mapabuti ang implementasyon ng
CARP.
Pinagkunan: Dar.gov.ph. 2020. Agrarian Reform History. [online] Available at: <https://www.dar.gov.ph/about-
us/agrarian-reform-history/> [Accessed 22 September 2020].

Bawat administrasyon ay may mga nagawang mga batas, kautusan at mga


pagbabago upang mas lalo pang paunlarin ang repormang pang-agraryo ng bansa.
Masasabi na ang CARP ay nakatulong nang malaki sa mga magsasakang nakikisaka
lamang o mga walang sariling lupang sakahan. Ngunit ang CARP ay kinakitaan din ng
mga kahinaan sa pagpapatupad. Ayon sa Human Rights Forum (2007), 31

Halos sa dalawampung taong pagpapatupad ng CARP, tinatayang 1.3 milyong


hektarya ng pribadong lupaing agrikultural mula sa kabuuang 8.1 milyong hektarya na saklaw
ng programa ang hindi pa naipamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Gayundin, marami
sa mga benepisyaryo ang hindi pa nakakatanggap ng anumang suportang serbisyo tulad ng
irigasyon, farm-to-market roads, at post-harvest facilities. Ang pinakamalaking pangamba sa
hanay ng mga maliliit na magbubukid ay kung sakaling hindi magsabatas ng panibagong
panukala na maglalaan ng karagdagang pondo para sa programa. Kapag nangyari ito, hindi na
maipapatupad ang programa paglampas ng taong 2008. Dahil sa usaping ito, nagbuklod ang
31
iba't ibang
Philrights.org. 2020.samahan ng at:
[online] Available mga maliliit na magbubukid, mga non-government organizations o
<https://www.philrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-panukalang-CARP-extension-
with-reforms.pdf> [Accessed 22 September 2020].
NGO, at iba pang mga sumusuporta sa repormang agraryo upang pag-usapan at buuin ang
isang unity bill na binansagang “CARP Extension with Reforms.”

8
Sa parehong artikulo, inisa-isa ang mga layunin ng Comprehensive Agrarian
Reform Program Extension with Reforms. Anito; 32

Ang pinal na bersyon ng panukalang batas sa CARP extension with reforms na pinamagatang
“An Act Accelerating the Completion of the Land Acquisition and Distribution Component of the
Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) by Providing Automatic Appropriation Thereof,
and Addressing Major Implementation Problems of the Program, Amending for the Purpose
Republic Act No. 6657, as Amended, Otherwise Known as ‘The CARP Law of 1988' and
Executive Order 129, as Amended” ay natapos noong Hunyo 27, 2007. Gaya ng nakasaad sa
pamagat nito, layunin ng panukalang batas na agarang tapusin ang pamamahagi ng lupa sa mga
benepisyaryo sa pamamagitan ng awtomatikong paglalaan ng pondo at pagtugon sa mga
pangunahing suliranin at balakid sa pagpapatupad ng programa. Sa 33 pahina at 18 bahagi ng
panukalang batas, ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing probisyon:

● Pabilisin at tapusin ang pamamahagi ng lupa sa ilalim ng CARP sa loob ng pitong taon na
may kaakibat na pondo mula sa General Appropriation na hindi bababa sa P38 bilyon
tauntaon, mula 2008 hanggang 2015.
● Tiyakin ang pagbibigay ng pautang na katumbas ng sampung (10) porsyento ng kabuuang
badyet ng CARP at suportang serbisyo sa mga benepisyaryo, kahit pagkatapos ng
pamamahagi ng lupa sa mga ARBs.
● Tugunan ang mga problema sa implementasyon ng programa na nagsisilbing balakid sa
pagkumpleto ng programa. Kabilang dito ang mga isyu sa retention limit, standing crops, at
instalasyon ng mga ARBs.
● Kategorikal na pagdeklara na ang mga Certificate of Land Ownership Awards o CLOAs at iba
pang mga titulo na ibinigay sa ilalim ng programa sa repormang agraryo ay magiging
“indefeasible” o hindi na maaaring ikansela pagkaraan ng isang taon mula sa pagkarehistro
nito. Ito'y upang maiwasan ang anumang posibleng gawin ng mga malalaking may-ari ng lupa
para pabagalin ang implementasyon ng programa.
● Tiyakin ang direkta at pisikal na pamamahagi ng mga lupang agrikultural sa mga
benepisyaryo.
● Pagbibigay-linaw na ang ibig sabihin ng instalasyon ng ARBs ay aktwal, pisikal,
mapayapa, at tuluy-tuloy na akses at kontrol sa pinagkaloob na lupa sa mga benepisyaryo.
● Reorganisasyon ng DAR at pagpapalakas ng DAR Adjudication Board (DARAB), pagbuo ng
isang Inter-Agency Committee sa suportang serbisyo at pagbuo ng isang Oversight
Committee na taunang magrerebyu ng mga nagawa ng DAR hinggil sa implementasyon ng
CARP.
● Pagkilala sa mga kababaihan bilang mga benepisyaryo ng programa, pati na ang pagbibigay
ng suportang serbisyo na tinitingnan ang mga angkop na teknolohiya o kagamitan para sa
mga kababaihan.
● Pagkilala sa mga karapatan ng iba pang mga kwalipikadong benepisyaryo at ang ligal
na katayuan ng mga benepisyaryo sa mga kaso na may kinalaman sa kanilang lupa.

Malayo na nga ang narating ng programang ito at maraming tao na rin ang
nakinabang mula rito. Ngunit hindi lahat ng programa ay nagkakamit ng purong
tagumpay bagkus nagkakaroon din ng mga pagkukulang. Tulad ng CARP at CARPER,
maganda ang hangarin nito na mabago ang pamumuhay ng mga tao at matulungan na
mapalakas pa ang sektor ng agrikultura. Ngunit sa kabila nito ay may makikita pa ring
mga pagkukulang na siyang pumipigil sa maayos na pagpapatupad nito. Sa kabilang
banda, patuloy pa rin sa pagbuo ng mga programa ang kasalukuyang administrasyon
upang mas lalo pang maitaguyod ang kasiglahan ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas.

32
Ibid. p. 20

8
ARALIN 2: ANG SALIGANG BATAS NG 1898, 1935, 1973 AT 1987
Oras na Ilalaan: 3 oras
Panimula
Isa sa mga mahahalagang mandato ng saligang batas na siyang kataas-taasang
batas sa kapuluan ay ang pag-aaral nito upang magkaroon nang sapat na kaaalaman
hindi lamang sa batas kung hindi sa mga pundamental na karapatan at responsibilidad
natin bilang isang Pilipino. Itinatakda ng Saligang Batas ng Pilipinas o kilala rin sa tawag
na Konstitusyon, ang mga bagay na dapat gawin ng estado at pamahalaan para sa
mga mamamayan. Sa kabilang banda, nakasaad din dito ang mga responsibilidad at
mga bagay na dapat at hindi dapat gawin ng mga mamamayan. Samakatuwid, ito ay
mahalagang pag-aralan hindi lamang ng mga taong kumukuha ng propesyon na
abogasiya kundi pati na rin ang mga karaniwang tao dahil karapatan nila na magkaroon
ng kaalaman ukol dito. Kaya lubos na mahalaga ang mapag-aralan at bigyan ng halaga
ang pag-aaral nito upang mas lalo pang lumawig ang ating mga pananaw tungkol sa
mga nangyayari sa bansa o mas kilala sa tawag na civic awareness.
Nakatuon ang modyul na ito sa pagtingin at pagkilatis sa Saligang Batas ng
Pilipinas partikular na ang Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973 at 1987. Ngunit kaiba sa
kinagawiang pag-aaral lamang sa nilalaman ng batas, layon ng aralin na ito talakayin
ang mga nabanggit sa isang historikong pananaw. Dadalumatin ang kaligiran at
kasaysayan ng bawat batas na naging daan tungo sa saligan na mayroon tayo sa
kasalukuyan. Lubos na mahalaga na balikan ang kaligirang pangkasaysayan ng ating
mga saligang batas nang sa gayon ay magkaroon ka ng malawak na kaalaman hindi
lamang sa batas na mayroon tayo ngayon bagkus pati ang mga saligan na naging daan
sa pagbubuo ng ating saligang batas sa kasalukuyan.
Bilang pangwakas na gawain, nais ng aralin na ito na makabuo ka ng isang
komparatibong pagsusuri sa mga saligang batas na tatalakayin. Nararapat makita sa
iyong gagawing analisis ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga saligang batas at
dapat mo ring mapansin ang mga mahahalaga at natatanging katangian ng bawat
saligang batas na iyong mapag-aaralan. Mahalaga ring makita sa iyong gagawing
awtput ang mga batas na nais mong ipatupad o idagdag pa upang mas lalo pang
mapaunlad at mapatatag ang bansa.

Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa mga mag-aaral ang sumusunod:
● Nasusuri ang iba’t ibang Saligang Batas sa Pilipinas partikular ang Saligang
Batas ng 1898, 1935, 1973 at 1987 sa isang historikong pananaw.
● Naiisa-isa ang mga natatanging(salient) katangian ng bawat Saligang Batas ng
Pilipinas

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito, susukatin ang iyong nalalaman tungkol sa mga paksang iyong pag-
aaralan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. Ilarawan ang mga kaganapan,

8
tao o pangyayari sa kasaysayan. Limitahan lamang ang iyong kasagutan sa isang
pangungusap.
1. Konstitusyon ng Malolos

2. Pamahalaang Commonwealth

3. Konstitusyon ng 1973

4. Konstitusyon ng 1987

Gawain

Gawain 1: Pag-Isipan Mo!


Pag-aralan ang larawan. Pagkatapos ay ilarawan ayon sa iyong sariling pang-unawa
ang mahahalagang pangyayari na nasa larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Google.com. 2020. Redirect Notice. [online] Available at:


<o 2166844.aspx&psig=AOvVaw06k_p3eqcHIc-- OaYYtFMt&ust=1600848660441000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCZn7Lx_esCFQAAAAAd

Ang larawang iyong binigyan ng paglalarawan ay mahalagang bahagi ng


kasaysayan ng Pilipinas. Sa panahong ito, mas lalo pang napag-alab ang diwang
nasyonalismo ng mga Pilipino. Sa parehong panahon, inihahanda na ang Pilipinas sa
pagsasarili at pagkamit ng Kalayaan mula sa mga dayuhan. Bilang paghahanda sa
bagong pamahalaan, nabuo ang kauna-unahang Saligang Batas na gagabay sa
pamahalaan tungo sa isang episyente at maayos na pamumuno. Bago ka magtungo sa
tekstong iyong babasahin, subukan mong sagutan ang mga sumusunod na katanungan
batay sa iyong sariling pang-unawa.

8
Gawain 2:
Panuto: Kumpletohin ang mga impormasyon na hinihingi.
1. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa saligang batas.

2. Ano ang kahalagahan nito para sa iyo?

3. Para sa iyo, anong katangian ang dapat taglayin ng ating saligang batas?

Linangin

Sa bahaging ito, lilinangin pa ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng


pagbabasa ng teksto. Basahing mabuti at sagutan ang sumusunod na pamprosesong
tanong.
Ang Saligang Batas
Ang Salígang-Batás ng Pilipínas ang kataas-taasang batas ng bansa at batayan
ng lahat ng batas at opisyal na kautusang maaaring pagtibayin ng Kongreso at
Pangulo. Kalipunan ito ng mga nasusulat na patakarang dapat sundin ng buong bansa.
Itinatakda ng Salígang-Batás ang mga bagay na dapat gawin ng estado at pamahalaan
para sa mamamayan; at ang mga tungkulin ng mamamayan sa estado at pamahalaan.
Isinasaad din nitó ang mga bagay na hindi dapat gawin ng pamahalaan.
Ang “salígang-batás” ay salin ng konstitusyón (constitucion o constitution) sa
Español o sa Ingles. Sa kalakhan, ang lahat ng naging salígang-batás ng Filipinas ay
naglalarawan ng mga karapatan ng mamamayan at mga pananagutan ng pamahalaan.
Itinatakda nitó ang anyo ng pamamahala sa Filipinas at paano pipiliin ang mga pinunò
ng bansa. Inilalahad din ng konstitusyon ang mga pangkalahatang patakaran ng estado
at ang mga tungkulin at gawain ng mga pangunahing sangay ng gobyerno. Ang
salígang- batás din ang batayan ng pagbubuo ng mga lupong konstitusyonal. Ang
Pilipinas ay nagkaroon ng iba’t-ibang Saligang Batas; Konstitusyon ng Malolos o 1898
Konstitusyon, Konstitusyon ng 1935, 1973 at ang Konstitusyon ng 1987.
Ang Saligang Batas ng 1898
Ang Saligang Batas ng 1898 na kilala din bilang Konstitusyon ng Malolos ay
maaring maiugat mula pa sa himagsikan ng 1896 na pinasimulan ng mga kasapi ng
Katipunan. Ang Katipunan ay binubuo ng kataas-taasang kapulungan (supreme council)
na pinamumunuan ni Andres Bonifacio bilang Pangulo o Supremo at ng popular council
na mula naman sa iba’t ibang probinsya sa bansa. Layunin ng kilusan na magsarili ang
bansa at lumaya sa kamay ng mga kastila. Ngunit sa kabila ng iisang hangarin na

8
itinataguyod ng kilusan, hindi naiwasan ang hindi pagkakaunawaan at sigalot sa pagitan
ng mga kasapi. Ang pangyayaring ito ang nagbigay daan sa pagkakabuo ng dalawang
paksyon ng Katipunan- ang Magdalo (pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo) at ng
Magdiwang (pinamumunuan naman ni Mariano Alvarez).
Sa pagtatangkang muling pagkaisahin ang magkasalungat na pangkat,
isinagawa ang Pulong sa Tejeros noong Marso 22, 1897.Nagkaroon ng botohan sa
pagitan ng mga opisyal na dumalo upang muling ibalik ang pagiging isa ng kilusan. Sa
lumabas na botohan, nanalo si Aguinaldo bilang pangulo ng kataas-taasang kilusan.
Ngunit ito ay ipinagsawalang-bisa ni Bonifacio dahil may iilang mga kasapi ang tutol sa
kinalabasan ng eleksyon. Sa kabila ng mga sigalot na kinaharap ng mga kasapi, kinilala
pa rin ang Pulong sa Tejeros at si Aguinaldo bilang pangulo ng republika.
Sa pagputok ng Digmaang Espanyol-Amerikano, muling sumigla ang rebolusyon
sa pamumuno ni Aguinaldo sa kalagitnaan ng 1898. Noong Mayo 1898, unang
iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa labanan sa Alapan bilang hudyat ng digmaan
at noong Hunyo 12, 1898, pormal na ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas sa mansyon
ni Aguinaldo sa Kawit kasabay ng pagtugtog ng Pambansang Awit ng Pilipinas.
Pagkatapos ng proklamasyon ng kasarinlan, inihayag ni Aguinaldo ang paglikha ng
isang pamahalaang diktatoryal na siyang magsisiyasat sa pangangailangan ng bansa.
Ngunit hindi naglaon ang nasabing pamahalaan at pinalitan naman ng isang
pamahalaang rebolusyonaryo ayon na rin sa payo ni Apolinario Mabini na tumatayong
punong tagapayo ni Aguinaldo.
Ang rebolusyonaryong pamahalaan ay nagkaroon ng pagtitipon noong
Setyembre 15, 1898 sa simbahan ng Barasoain. Ang naturang kumbensyon ay
dinaluhan ng 110 kinatawan mula sa iba’t ibang probinsya sa bansa. Isang mahalagang
pangyayari kung maituturing ang naganap sa Malolos dahil bumuo ang mga kasapi ng
kongreso ng isang saligang batas na ipapatupad sa buong kapuluan. Ang konstitusyon
na binalangkas sa Malolos ay binuo sa pangunguna ni Felipe Calderon na hinango pa
sa konstitusyon ng Pransya, Belgium, Mexico, Brazil, Costa Rica, at Guatemala na
kung papansinin kapareho ng kondisyon ng bansa.
Ayon sa konstitusyong binuo sa Kongreso ng Malolos, ang pamahalaan ay
mabubuo sa tatlong sangay; Ehekutibo na pinamumunuan ng Pangulo at mga kalihim
nito; Lehislatura sa ilalim ng isang punong ministro at binubuo ng mga kinatawan mula
sa probinsya at ang Hudikatura na binubuo ng isang pangulo ng Korte Suprema
kasama na ang iba pang mga hukom. Noong Enero 23, 1899, pormal na pinasinayaan
ang Unang Republika ng Pilipinas (kaalinsabay ng pagtatalaga kay Aguinaldo bilang
pangulo) na kompleto sa mga kailangan ng estado; tatlong sangay ng pamahalaan,
isang konstitusyon at teritoryong napapasailalim sa pamahalaan na may hukbong
sandatahan.
Katangian ng Saligang Batas ng 1898 (Konstitusyon ng Malolos)
● Ang Konstitusyon ng Malolos ang kauna-unahan at isang mahalagang
dokumento na binuo ng mga kinatawan ng mga mamamayan
● Nakabatay sa demokratikong pananaw na nag-ugat naman mula sa Estados
Unidos
● Ang kapangyarihang gumawa ng batas ay hawak ng Asembleya ng mga
Kinatawan na binubuo naman ng mga inihalal na delegado na nagluklok sa
Pangulo ng Republika

8
● Ang Konstitusyon ay buong dokumento na nagpapakita ng kakayahan ng mga
Pilipino na bumuo ng isang demokratikong pamamahala sa gitna ng madidilim na
bahagi ng kasaysayan, at;
● Ito ay sumisimbolo sa ideyal na pananaw ng mga tao mula sa Panahon ng
Karimlan tungo sa Panahon ng Pagkamulat

Ang Saligang Batas ng 1935


Ang Saligang Batas 1935 ay hawig sa istraktura ng Konstitusyon ng Estados
Unidos. Pero marami pa rin dito ang itinadhana para sa mga mithiin at mga saloobin ng
mga Pilipino. Mayroon din mga probisyon na angkop na nais ng Amerika dahil ang
unang nagpatibay dito ang Presidente ng Amerika noong panahong iyon.
Isinulat ang Saligang Batas 1935 noong 1934, at ng Komonwelt ng Pilipinas
(1935- 1946) at ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972). Itinadhana ang
orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng
mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng parehong Senado at
Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo
sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino. Isang
Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang
Batas ng 1935.
Katangian ng Saligang Batas ng 1935
Ilan sa mga kapansin-pansin na katangian ng Saligang Batas ng 1935 ay ang
pagkakaroon ng bicameral legislature na kung saan ito ay binubuo ng Senado at
Kapulungan ng mga Kinatawan (hango sa pampulitikang Sistema ng Estados Unidos).
Sa panahon ding ito, maaring ihalal ang Pangulo kasama na ang Bise Pangulo nang
hanggang apat (4) na termino na hindi kinakailangan ng eleksyon. Ang mga
kalalakihang mamamayan ng Pilipinas na may edad 21-anyos at may kakayahang
magbasa at magsulat ay nabigyan ng karapatan na bumoto at pagkatapos ng dalawang
taon ng pagkakabalangkas ng konstitusyon, nabigyan naman ng karapatan ang mga
kababaihan na bumoto o right of suffrage.
Ang Saligang Batas ng 1973
Sa pagpapalaya sa Pilipinas noong 1945, muling ibinalik ang 1935 Saligang
Batas. Nanatili itong hindi nababago hanggang noong 1947 kung kailan nanawagan ng
pagbabago rito ang Kongreso ng Pilipinas sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg.
733. Noong Marso 11, 1947, nagkaloob ang amyendang Parity ng pantay na karapatan
sa mga mamamayan ng Estados Unidos at mamamayang Filipino pagsamantalahan at
walang habas na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa. Mula noon ay walang
nabago sa Saligang Batas hanggang sa ideklara ang batas militar noong Setyembre 23,
1972.
Bago idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, nasa proseso na ang
isang Kumbensiyong Pansaligang Batas upang may baguhin sa, o palitan ang, 1935
Saligang Batas. Tinapos nila ang kanilang gawain at ipinása ito kay Pangulong Marcos
noong Disyembre 1, 1972. Ipinasa ito ni Pangulong Marcos para sa ratipikasyon sa
bungad ng Enero ng 1973. Sapagkat nakikita na niyang mabibigo ang tuwirang
ratipikasyon ng saligang batas, naglabas si Marcos ng Atas Pampangulo Blg. 86, s.
1972, na nagtatatag ng mga Asembleya ng mga mamamayan na magtitibay sa bagong
buong saligang batas sa pamamagitan ng botong Viva Voce na kapalit ng mga lihim na
8
balota.

8
Ipinahayag ni Marcos na napagtibay na ito at ipinapatupad na nang buo simula Enero
17, 1973. Bagaman “pinagtibay” ang Saligang Batas ng 1973 sa ganitong paraan,
nagpatuloy ang mga di-pagsang-ayon dito. Inilantad ni Punong Hukom Roberto V.
Concepcion sa kaniyang pananaw na salungat sa kaso ng Javellan v. Kalihim na
Tagapagpatupad ang fraud na nangyari sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas sa
asemblea ng mga mamamayan noong Enero 10-15,1973. Gayumpaman, ang naging
pangwakas na pasya sa kasong ito ay na tama at ipinatutupad na ang pagpapatibay sa
Saligang Batas ng 1973.
Katangian ng Saligang Batas ng 1973-
Ilan sa mga natatanging katangian ng Saligang Batas ng 1973 ay ang sumusunod:
● Binibigyang tuon ng konstitusyon ang mga gampanin at obligasyon ng mga
mamamayan tulad paglalaan ng serbisyo-militar at pagsama sa mga pwersang
pangmilitar.
● Ang kapangyarihang lehislatibo o magpatupad ng batas ay ibinigay sa pangulo
upang makagawa ng mga hakbang at batas na makapipigil sa mga
paghihimagsik ng mga kasapi ng New People's Army.
● Ang konstitusyon ay nagpapakita ng isang autokratikong uri ng pamumuno
upang mapanatili ang kaayusan at mapabuti ang disiplina ng mga mamamayan
● Kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa ang magkaroon ng parliamentong uri ng
pamahalaan na kung saan ang Pangulo ay sumisimbolo bilang pinuno ng estado
na direktang inihahalal ng mga tao; at Punong Ministro na pinipili naman ng mga
gabinete na bumubuo sa pambansang asembleya.

Ang Saligang Batas ng 1987


Nang naibalik ang demokrasya noong 1986, naglabas ng Proklamasyon Blg. 3 si
Pangulong Corazon C. Aquino na nagpapawalang-bisa sa ilang probisyon ng 1973
Saligang Batas, at pinalaganap na kahalili nito ang isang Freedom Constitution.
Makalipas ang isang buwan, naglabas si Pangulong Aquino ng Proklamasyon Blg. 9, s.
1986, na nagbuo ng Komisyong Pansaligang Batas na inatasang umakda ng bagong
saligang batas na ipapalit sa 1973 Saligang Batas. Natapos ng komisyon ang gawain
nito noong alas-12:28 n.u. ng Oktubre 16, 1986. Isang Plebisitong Pambansa ang
ginanap noong Pebrero 2, 1987, na siyang nagpatibay sa bagong saligang batas.
Noong Pebrero 11, 1987, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 58, ipinahayag ni Pangulong
Aquino ang opisyal na pagkambas ng mga resulta at pagpapatibay sa borador ng
saligang batas. Nang araw ding iyon naipatupad nang buo ang Saligang Batas ng 1987
sa pamamagitan ng panunumpa ng katapatan dito ng Pangulo, ng mga opisyal na
sibilyan, at ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas.
Katangian ng Saligang Batas ng 1987
● Ang konstitusyon ay bumuo ng isang demokrasyang kinakatawan ng mga tao at
nahahati ang pamahalaam sa tatlong magkakahiwalay na sangay ngunit
kakikitaan ng pagiging malaya; Ehekutibo, bicameral na lehistlatura at
hudikatura.
● Pagkakabuo ng mga komisyong konstitusyunal; Commission on Audit, Civil
Service Commission at Commission on Elections.
● Marahil ang pinakanatatanging katangian ng konstitusyon ay ang pagkakaroon
nito ng komprehensibo at kumpletong kalipunan ng mga batas (Bill of Rights) na
9
nagbibigay proteksyon sa mga mamamayan upang mapangalagaan ang kanilang
karapatang pangsibil at pampulitika.

Mahalaga ang saligang batas dahil ito ang nagpapaliwanag sa uri ng pamahalaan,
kapangyarihan ng mga pinuno, karapatan ng mamamayan, at mga bagay na nauukol sa
pamamahala ng bansa. Sa Saligang Batas din matatagpuan ang mga panuntunan
tungkol sa karapatan, tungkulin, at pananagutan ng bawat mamamayan. Ang lahat ng
mga batas na gagawin ay nararapat lamang na nakasalig dito. At panghuli, ang
Saligang Batas din ang dahilan kung bakit nagkakaroon na kaisahan o pagkakabuklod-
buklod ang bawat mamamayan ng bansa.
Kung ating susuriin, kinakitaan ng maraming pagbabago ang mga naging Saligang
Batas ng bansa simula pa noong mabalangkas ang kauna-unahang Konstitusyon sa
bansa (Konstitusyon ng Malolos) hanggang sa kasalukuyang konstitusyon na mayroon
tayo ngayon (Konstitusyon ng 1987). Bawat nababalangkas na konstitusyon ay
nagtataglay ng mga natatanging katangian na naging dahilan upang ito ay baguhin,
rebisahin at pag-aralan muli upang mas lalo pang maging epektibong kasangkapan ng
bansa sa mga usaping pampamahalaan at pulitikal.
Sa loob ng mahabang panahon, pamahalaang unitary ang namamayani sa bansa at
sentralisado ang uri ng pamamahala sa bansa (Teehankee, 2017).33 Ngunit sa kabila
nito kakikitaan pa rin ang bansa ng mabagal na pag-usad at maaaring sabihin na malaki
ang bahagi ng namamayaning konstitusyon sa bansa. Sinabi ng isang opisyal na ang
Konstitusyon natin ngayon ay siyang “perpektong” Konstitusyon. Kung totoo ang
sinasabi niya, dapat sana maunlad ang ating bansa. Dapat sana kasing-unlad tayo ng
Singapore, Malaysia, Australia, Canada, at Britanya. Kung susuriin ang mga bansang
nabanggit, nabibilang ito sa mga mauunlad na bansa at ang itinuturong salik ng
kanilang pag-unlad ay ang uri ng pamamahala na mayroon ang kanilang bansa.
Upang matugunan at masolusyunan ang mga hamon ng kasalukuyang pamahalaan
sa kabila ng pagiging ideyal ng Konstitusyon ng 1987, binalangkas ng kasalukuyang
administrasyon ang pagpapalit ng uri ng pamahalaan na mayroon ang bansa upang
matugunan ang problema sa korupsyon, dinastiya sa pamahalaan, lumalalang
kahirapan, dumaraming kaso ng kriminalidad, kawalang tatag ng sistemang pulitikal at
iba pang mga hamon na kinakaharap ng bansa. Dagdag pa ni Teehankee (2017),
“nagkakaroon ng sobrang konsentrasyon ng kapangyarihang pulitikal at administratibo
sa Maynila at hindi na natutugunan nang maayos ang mga pangangailangan ng mga
malalayong lugar at rehiyon”.34 Ang pamahalaang unitaryo ay nagdulot ng mabagal na
pag-unlad sa mga rehiyon sa bansa.
Kung susuriin hindi na bagong bagay ang ideyang palitan ang konstitusyon ng
Pilipinas dahil may mga batas na nabalangkas upang isulong ang Pederalismo sa
bansa tulad na lang ng 1959 Act Amending the Laws Governing Local Governments by
Increasing their Autonomy and Reorganizing Provincial Governments (Republic Act
2264), ang Barrio Charter Act of 1960 (R.A 2370), Decentralization Act of 1967 (R.A

33
Araral Jr., E., Hutchcroft, P., Llanto, G., Malaya, J., Mendoza, R. and Teehankee, J., 2017. Debate On Federal Philippines: A
Citizen's Handbook. Quezon City: Ateneo De Manila University Press, p.9.

34
9
5185), Local Government Code of 1983 (Batas Pambansa Bilang 337), 1987
Constitution at ang Local Government Code of 1991 (Brillantes and Moscare, 2002).35
Ang Pederalismo ay isang hakbang na pamahalaan upang mas lalo pang
mapalakas ang pamumuno sa bansa, itinataguyod ang inklusibong pagsulong at
pambansang kaunlaran. Ito ay sinasabing solusyon sa mga lumalalang problema at
hamon ng bansa. Sinasabi rin na ito ay magdadala sa bansa tungo sa panlipunang
kapayapaan at pag-unlad ng ekonomiya. Sa lahat ng mga reporma na binalangkas ng
pamahalaan, ang Pederalismo ay umaani ng solidong suporta mula sa mga
mamamayan partikular na ang mga mamamayan mula sa Visayas at Mindanao maging
sa bahagi ng Bicol at mga kalapit nito.
Sa isang ulat mula sa website ng Department of Interior and Local Government,
binanggit ang mga dahilan kung bakit kinakailangan magpalit ng uri ng pamamahala
mula sa unitaryong pamahalaan tungo sa Pederalismo;
● Mga umiiral na problema ng bansa na hindi pa nabibigyan ng kaukulang solusyon
● Lumalalang kriminalidad sa bansa
● Laganap na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot na sumisira sa
hinaharap ng mga kabataan
● Lumalalang labanan ng mga leftist at rightist group
● Katiwalian na nakapanghihimagsik ng kalooban
● Laganap na pandarambong at pandaraya sa pamahalaan
● Pagpapakandili at palaging pag-asa sa Imperial Manila na hanggang sa ngayon
ay sentro ng pamamahala at komersyo
● Laganap na katiwalian sa sistema ng pagbubuwis (tax evasion at tax avoidance).

Ang mga kadahilanang ito ang nagbigay ng rason sa kasalukuyang administrasyon


na mas lalo pang isulong ang Pederalismo sa bansa. Sinasabi na ito ay magdudulot ng
pag-unlad dahil kung susuriin ang mga bansang may ganitong uri ng pamahalaan
(Austria, Germany, Canada, United States at Australia) ay may mauunlad at matatag na
lipunan at ekonomiya kung ikukumpara naman sa mga bansang magpahanggang sa
ngayon ay unitaryo pa din ang uri ng pamamahala (Lebanon, Bangladesh, Pilipinas,
Afghanistan, Kazakhstan). Pero ano nga ba ang maidudulot nito sakaling ito ay
maisabatas? Ito ba ay magdudulot ng agarang kaunlaran o mas lalo pang lalala at titindi
ang kalagayan ng bansa? Ikaw, bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ano sa tingin mo
ang magiging dulot nito?
Matapos mong malaman ang isyung pulitikal na tinalakay mula sa teksto, marahil ay
handa ka na upang mas lalo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa
pederalismo. Subukang gawin ang susunod na gawain.

Ilapat

Gawain 3: Sanaysay
Panuto: Mula sa teksto na iyong binasa tungkol sa Pederalismo, ikaw ay inaatasan na
gumawa pa ng masusing pananaliksik tungkol sa isyu na ito upang ikaw ay makabuo ng
isang komprehensibong sanaysay. Gawing batayan ang sumusunod na katanungan.

35
Ibid. p.
9
ARALIN 3: SISTEMA NG PAGBUBUWIS
Oras na ilalaan: 4.5 oras
Panimula

Sa kasalukuyang panahon, ang bansa ay humaharap sa iba’t ibang isyung


pang- ekonomiya na nagdudulot ng malaking epekto kabuuang takbo ng ekonomiya.
Maaring ito ay magdadala ng benepisyo sa bansa o magkakaroon ng masamang dulot
sa prosesong pang-ekonomiko. Ang ekonomiya ay patuloy na dumaranas ng mga
pagbabago dahil sa mga patakaran o sistema na ipinapatupad ng pamahalaan. Sa
kabuuan, nararamdaman ito maaring sa panandalian lamang o mayroon naman na
pangmatagalan sa benepisyo sa bawat kasapi ng lipunan maging sa bansa sa kabuuan.

Sa aralin na ito, babalikan ang historikal na batayan ng sistema ng pagbubuwis


sa bansa mula sa panahong pre-kolonyal hanggang sa kasalukuyang panahon.
Mababakas sa aralin na ito ang kasaysayan ng sistema ng pagbubuwis at ang epekto
nito sa lipunan. Matatalakay rin ang mga natatanging katangian ng bawat sistema sa
iba’t-ibang panahon upang masuri ang kasalukuyang sistema sa bansa. Bibigyan din ng
pokus ang usapin tungkol sa panibagong patakaran ng pagbubuwis sa bansa ang Tax
Reform for Acceleration and Inclusion Law na ipinaptupad ng pamahalaan sa bansa.

Layunin
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang iba’t ibang saligang batas ng Pilipinas at ang
mga natatanging katangian nito. Natalakay ang Saligang Batas ng 1898 o kilala rin sa
tawag na Konstitusyon sa Malolos na kauna-unahang konstitusyon sa Pilipinas.
Sumunod ang Saligang Batas ng 1935 sa panahon ng Pamahalaang Commonwealth
na tumagal hanggang 1973 at sa panahong ito nabuo ang panibagong Konstitusyon
ang Konstitusyon ng 1973 sa administrasyon ni dating Pangulong Marcos. Sa
pagtatapos ng Batas Militar, nagkaroon ng panibagong balangkas ng konstitusyon na
pinangunahan ni Pangulong Corazon Aquino at ito na ang kasalukuyang konstitusyon
ng Pilipinas ang Konstitusyon ng 1987.

Sa bahaging ito ng aralin, tatalakayin ang historikal na batayan ng sistema ng


pagbubuwis at ang mga pagbabagong naganap sa bawat panahon sa kasaysayan.
Titingnan din ang mga napapanahong isyu na may kinalaman sa pagbubuwis. Upang
mas lalo pang mapalalim ang iyong kaalaman, inaasahan na mapagtatagumpayan mo
ang sumusunod;

● Naipapaliwanag ang kasaysayan ng pagbubuwis sa Pilipinas


● Nailalarawan at napagtatagni-tagni ang mga pangyayari sa nakalipas na
panahon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga primaryang batis.
● Nasusuri ang mga katangian ng bawat sistema ng pagbubuwis sa iba’t ibang
panahon sa kasaysayan
● Natutukoy ang kahulugan, kabuluhan ng TRAIN Law sa bansa
● Nakabubuo ng isang akademikong papel (position paper) tungkol sa
napapanahong isyung pang-ekonomiya sa Pilipinas (TRAIN Law).

9
Paunang Pagtataya
Sa bahaging ito, susukatin ang iyong nalalaman tungkol sa mga paksang iyong pag-
aaralan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng buwis?


2. Bakit mahalaga ito sa bansa?
3. Ano-anong mga batas ang nalalaman mo tungkol sa sistema ng pagbubuwis?

Linangin
Sistema ng Pagbubuwis sa Bansa

Sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas ngayon, ang buwís ay katumbas ng tax. Ito
ang porsiyento ng kinikita o porsiyento ng halaga ng pag-aari na ibinabayad sa
pamahalaan at nagiging pondo upang gamitin sa pamamahala ng isang bayan,
lalawigan, o ng buong bansa. May hiwalay na mga tuntunin sa paniningil ng buwis ang
pamahalaang lokal at ang pamahalaang pambansa. Gayunman, ang pambansang
ahensiya para sa pagtatakda at paniningil ng buwis ay ang Kawanihan ng Rentas
Internas o Bureau of Internal Revenue (BIR). Tungkulin ng bawat mamamayan na
magbayad ng buwis taón- taón. 36

Maaaring ugatin ang kasaysayan ng pagbubuwis sa panahong pre-kolonyal dahil


ito ay dati ng sistemang ipanatupad pa ng mga datu at maharlika sa kanilang mga
nasasakupan. Dagdag pa ni Almario, “Ang buwis ay isang sinaunang sistema at
ipinapataw ng mga datu at maharlika sa nasasakupan. Maaari itong bahagi ng ani o
serbisyong kailangan ng pinunò mula sa kanilang sakop. Ipinapataw din ito noon sa
paggamit ng daungan ng mga dayuhang negosyante. Ang bagay na ito ay natutulad sa
tinatawag na tribúto sa matandang Europa at hinihingi ng isang hari sa kaniyang sakop
na mamamayan o ibang lupain”.

Kung ating susuriin, hindi na bagong bagay ang sistemang ito sapagkat simula
pa sa sistemang balangay o barangay, ito ay ipanapatupad na ng mga namumuno para
sa kanilang mga nasasakupan. Ang mga namumuno o kadatuan kasama na ang
kanyang sambahayan ay hindi nagbabayad ng buwis. Sa katunayan narito ang isang
sipi mula sa The Philippine Islands Volume 7 nina Blair at Robertson; 37

“In addition to the chiefs, who corresponded to our knights, there were three castes:
36
Buwís. nobles,
(2015). Incommoners,
V. Almario (Ed.),and slaves.
Sagisag The1).nobles
Kultura (Vol were Commission
Manila: National the free-born whom
for Culture they
and the Arts.call
37
Blair, maharlica.
E., 2004. The They didIslands,
Philippine not pay tax or tribute
1493–1898: to theBydato,
Explorations Early but must accompany
Navigators, Descriptions Ofhim
The in war,And
Islands at
Their Peoples, Their expense.
their own history And The
Records Of The
chief Catholic
offered themMissions, As Related
beforehand In Contemporaneous
a feast, and afterward Books And
they Manuscripts,
divided
Showing The Political, Economic, Commercial And Religious Conditions Of Those Islands From Their Earliest Relations With
European the spoils.
Nations Moreover,
To The when
close Of The the dato
Nineteenth went
Century, uponVII,the
Volume water those whom he summoned
1588–1591
rowed for him”.

9
Makikita natin na sa sinaunang lipunang Pilipino sa panahon ng pamayanan, ang
pagbabayad ng buwis ay isang responsibilidad ng nasasakupan kapalit ng proteksyon
na ibinibigay ng namumuno sa kanila. Ito ay isang maayos na sistema sapagkat alam
ng mga nasasakupan ang kanilang responsibilidad. Ang mga nasabing buwis na
ibinibigay ng mga nasasakupan ay maaring sa anyo ng hayop, mga inani mula sa
pananim at iba pang mga pangangailangan na inihahandog nila sa Datu bilang
kabayaran dito. Sa tala ni Antonio de Morga’s Sucesos de las Islas Filipinas sa pagsipi
ni Zafra (1956), aniya; 38
“What the chiefs received was to be held by them in great veneration and respect; and they
Ang
werebuwis
servedna handog
in wars, ng fishing,
sowing, mga nasasakupan
and the buildingay siyahouses.
of their naming To ipapamahagi
these duties theng
mga namumuno para sa
natives attended lahat
very ng kanyang
promptly whenevernasasakupan.
summoned by their chief. They also paid the chief
tribute (which they called buiz), in varying: quantities in the crops that they gathered”.
Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol

Sa panahon ng pananakop nagkaroon ng panibagong mukha ang pagbubuwis


sa Pilipinas. Sa pagkawala ng mga kapangyarihan ng mga datu at mga maharlika,
nailipat ang karapatan sa paniningil ng mga tributo o buwis sa mga dayuhan. Ang ibang
mga datu na nagpasailalim sa kapangyarihan ng hari ng Espanya ay naging mga
alcalde mayor (ang iba ay mga cabeza o gobernadorcillo) na siyang nangangasiwa sa
paniningil ng mga tributo mula sa mga katutubo.

Ang mga dating lupaing sinasaka ng mga katutubo ay inangking ganap ng mga
conquistadores (tawag sa mga mananakop na dayuhan) at nabuo ang tinatawag nilang
sistemang Encomienda. Narito ang tala nina Blair at Robertson (2004) tungkol sa
encomienda sa Pilipinas; 39

“This system of encomiendas had been productive of much hardship and oppression in
Nagdulot
Spanish ang sistemang
America, encomienda
nor was it altogether divestedngofibayong pasanin
these evils sa mga katutubo
in the Philippines. dahil
The payment
kailangan nilang
of tributes, magbayad
too, was irksomengtotributo o buwis
the natives and insathepamahalaan
earlier days the maging
Indians sa
weresimbahan
frequently at
iba pang mga uri nito. Ito ay pagpapakita rin ng pakikiisa o pakikipag-alyansaconstant
drafted for forced labor, but during this transition period, and later, the clergy were the ng mga
advocates of humane treatment and stood between the natives and the military authorities”.
Pilipino at upang masuportahan ang pangangailangan ng pamahalaan, kailangang
magbayad ng karampatang buwis na nagkakahalaga ng walong (8) reales. Bukod pa
rito, kinakailangan ding magbigay ng serbisyo ang mga katutubo sa ngalan ng hari ng

38
Zafra Nicolas, Readings in Philippine History: Revised Edition(Quezon City: 1956), 96-97
39
Blair, E., 2004. The Philippine Islands, 1493–1898: Explorations By Early Navigators, Descriptions Of The Islands And
Their Peoples, Their history And Records Of The Catholic Missions, As Related In Contemporaneous Books And Manuscripts,
Showing The Political, Economic, Commercial And Religious Conditions Of Those Islands From Their Earliest Relations With
European Nations To The close Of The Nineteenth Century, Volume I, 1588–1591

9
Espanya na tinatawag nilang Polo Y Servicio. Lahat ng mga kalalakihan na may edad
16- 60 ay kailangang magbigay ng serbisyo sa Espanya upang makatulong sa iba’t
ibang uri ng gawain tulad ng mga sumusunod; rekonstruksyon ng mga daanan at tulay,
pagpapatayo ng simbahan at paggawa ng mga barko na walang ibinibigay na anumang

sahod para “In sa


the mga katutubo.
encomiendas Mahalaga
of his Majesty asding makita
well as naofang
in those mga
private buwiswhere
persons, na ipinapataw
they have
ng Christian
Espanya ay napupunta
instruction sa hari at of
and the administration sasecular
simbahan. Sathe
justice for Volume 8 ngofThe
maintenance Philippine
law and order,
40
Islands ninatribute
the entire Blair levied
at Robertson (2004),from
may be collected anila;
the natives; and the encomendero is bound, with that
part of the tribute which falls to him, to aid in the support of the minister or ministers of religion who
Kung
belong susuriin,
to his ang sistema
encomienda. The saidngtribute
encomienda, pagbabayad
shall be collected in its ng hindiinmakatuwirang
entirety the aforesaid
encomiendas
buwis where justice
at ang sapilitang and religious
paggawa instruction
ay nakikita exist, abusadong
bilang and equally from all thekaya
gawain Indians therein,
maraming
whether believers or unbelievers. I also order all encomenderos who are or shall be appointed in the
mga Pilipino ang nagsimula ng pag-aalsa upang matigil ang paninikil ng mga Espanyol
encomiendas, to provide with the utmost punctuality and promptness, each in his own encomienda,
sa that
bansa. Tulad ng mga patakarang pang-agraryo na ipinatupad na mga Kastila na
part of the tribute which is due from them for the maintenance of religious teaching, churches,
nagdulot
and all din
otheriba’t-ibang
purposes ofpag-aalsa ng mga
religion, under Pilipino,
penalty of beingnagkaroon
deprived ofdintheirngencomiendas;
ilang mga and pag-
aalsa na may
collectors, kinalaman
under sa hereinafter
the penalties mapanikilwritten,
na pagbabayad
which will be ng buwis,
most sapilitang
vigorously executed” paggawa at
iba pang mga patakaran na katulad nito. Narito ang tala ni Agoncillo (1990) tungkol sa
mga naganap na pag-aalsa;

Ilan lamang ito sa mga pag-aalsa na naganap sa bansa dahil sa hindi


makatuwirang patakaran na ipinatupad ng mga Kastila. Sa mga kaganapan din na ito
makikita na ang mga Pilipino ay hindi sang-ayon sa mga patakarang ito at handa sila na
makipaglaban at itaya ang buhay para sa bayan. Ang mga kaganapan ding ito ang
40
Blair, E., 2004.
TheTheSpanish
Philippineinstitutions
Islands, 1493–1898: Explorations
of taxation, forceBylabor,
Early Navigators, Descriptions
galleon trade, Of The
indulto de Islands And Their
commercio, and
Peoples, Their history And Records Of The Catholic Missions, As Related In Contemporaneous Books And Manuscripts,
monopolies on tobacco were persistent irritants that caused Filipino to revolt. Among the major rebellions
Showing The Political, Economic, Commercial And Religious Conditions Of Those Islands From Their Earliest Relations With
th
belonging
European toTo
Nations this class
The closewere
Of Thein Nineteenth
those in the late 16
Century, century
Volume led by Magalat; the Sumodoy (Sumuroy) and the
8, 1588–1591
Caraga revolts in the 17th century.

Led by Magalat, chief in Tuguegarao (Cagayan), with his brother, the opposition to the illicit tribute
collection motivated the Cagayanos to revolt. In Eastern Mindanao, covering the present east Davao, Surigao
and Agusan, another rebellion broke in out Caraga. From 1629-1631, also inflamed by the unjust collection of
tribute in kind. Boatloads of rice weer commandeered in the encomienda for a 30-years period, with the town
parish priest acting as official tribute collector. In 1649-1650, in Palapag Samar, a son of babaylan, Juan
Ponce Sumodoy, and a datu from Catubig, Pedro Caamug, head an uprising that spread to other coastal
towns of Samar as far as the Bikol regions, Leyte central Visayas, and northern Mindanao. The Visayans
vehemently reacted to this kind of forced labor in Luzon which separated them from their families and their
farms.

9
nagbigay ng malalim na inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon (panahon ng
rebolusyon) na makidigma para sa kanilang karapatan at kalayaan.

Panahon ng mga Amerikano

Sa panahon ng mga Amerikano (1898-1901), ang Pilipinas ay napasailalim ng


pamahalaang militar ng Estados Unidos na pinamumunuan ng mga gobernador-militar.
Noong 1902, nabuo naman ang pamahalaang sibil sa ilalim ni William Howard Taft
bilang unang gobernador. At noong Hulyo 2, 1904, nabuo naman ang Bureau of Internal
Revenues sa pagpasa ng Reorganization Act No. 1189. Noong Agosto 1, 1904, ang
BIR ay nagsimula ng operasyon sa paggabay nang noong Kalihim ng Pananalapi ng
Estados Unidos, Hendy Ide (siya din ang awtor ng Internal Revenue Act of 1904).

Masasabi na isa sa mga magandang naidulot ng sistema ng pagbubuwis sa


Pilipinas ay pagkakaroon ng kapangyarihan ang mga Pilipino sa mga usaping
pananalapi ng bansa sa ilalim ng Filipinization Policy nang dating pangulo ng Estados
Unidos Mckinley. Naitalaga sa katungkulan bilang kolektor ng buwis sina; Wenceslao
Trinidad (1918-1922), Juan Posadas Jr. (1922-1934) at Alfredo Yatao (1934-1938).

Panahon Pagtapos ng Digmaan (Post War)

Nang makamtan ng Pilipinas ang ganap na Kalayaan noong ika-4 ng Hulyo 1946
mula sa Estados Unidos, nagkaroon ng panibagong reorganisasyon ang Kawanihan.
Sa bisa ng Kautusang Pang Ehekutibo bilang 94 noong ika-1 ng Oktubre 1941, nalikha
ang sumusunod;

1. Pinag-isa ang Accounting Unit, Revenue Accounts at Statistical Division


2. Lahat ng mga tala ay inipon ng Administrative Division ng Kawani
3. Lahat ng mga usaping may kinalaman sa batas ay isinentro sa Law Division

Ang ikalawang pangunahing pagsasaayos ng kawani ay naganap noong ika-1 ng


Enero 1951 sa pagsasabatas ng Kautusang Ehekutibo bilang 392. Nabuo ang tatlong
(3) panibagong departamento; 1). Legal, 2). Assessment at 3). Collection. Sa parehong
buwan, linikha naman ang Withholding Tax Unit kasabay ng pagpapatupad ng
pangongolekta ng withholding tax na nagkakahalaga ng 25% ng kabuuang income tax.

Ang ikatlong pagsasaayos ay noong ika-1 ng Marso 1954 sa bisa ng Revenue


Memorandum Order No. 41 at nagkaroon pa ng panibagong mga opisina na
mangangasiwa sa usapin sa pagbubuwis.

Sa pagpasok ng 1956, sa kagustuhan ng pamahalaan na maipatupad ang


rehiyonalisasyon ng kawani, naragdagan pa ang mga Pangrehiyong opisina ng kawani
sa walo (8) at sa kalaunan ay naging sampu (10) noong 1957. Sa parehong taon,
napalitan ang titulo ng pamunuan sa kawani mula sa collector patungong commissioner
(kasalukuyang katawagan sa namumuno sa kawani).

Isa sa mga masasabing mahalagang hakbangin ng kawani ay ang pagkalikha ng


Tax Census Division at sumunod naman ang mga Tax Census Unit sa bawat
pangrehiyong opisina ng kawani. Ito ginawa upang malikom lahat ng Pahayag ng Ari-
arian, Utang at Kabuuang Halaga (Statement of assets, incomes and liabilities o SALN)
ng bawat indibidwal at mga korporasyong nasa Pilipinas upang maisama sa National
Tax Census.

9
Sa panahon ng rehimeng Marcos, itinalaga bilang komisyoner ng kawanihan si
Misael De Vera na siyang nagdala ng panibagong direksyon sa pangangasiwa ng
sistema ng pagbubuwis. Isa sa mga hindi malilimutang program ana naipatupad niya ay
ang “Blue Master Program” at “Voluntary Tax Compliance Program”. Ang unang
programa ay binalangkas upang maiwasan ang pang-aabuso sa pagitan ng mga
nagbabayad at mga kawani ng kawanihan samantala ang ikalawang programa ay
dinisenyo upang mapasigla ang mga propesyonal sa mga pribado at pampublikong
sektor na iulat ang totoong kita at bayaran ang kanilang buwis ng tama. Sa panahon di
ni Commissioner Vera nang ang bansa ay hinati sa dalawampu (20) na panrehiyong
tanggapan at siyamnapu (90) na Revenue District Office (RDO).

Sa pagsasailalim sa Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, naging


simula ito ng tinatawag nilang “Bagong Lipunan” na naging hudyat ng pagpapatupad ng
mga panibagong program ana babalangkasin ng pamahalaan. Maraming ipinalabas na
kautusan ang Pangulo upang maiwasan ang mga pagkakamali sa kawanihan at usapin
sa pagbabayad ng buwis. Ang kawanihan ay sumailalim sa iba’t ibang pagbabago sa
panahon ng Martial Law. Sa parehong panahon, nabuo ang National Internal Revenue
Code of 1977 na pinalitan ang 1934 Tax Code sa bansa.

Kung ating susuriin, ang sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas ay dumaan ng iba’t


ibang yugto ng pagbabago. Makikita na sa bawat panahon ay may mga panibagong
batas o regulasyon na ipinapatupad upang mas lalo pang mapangasiwaan ng may
kaayusan ang kawanihan. Ang mga pagbabagong ito ay masasabing naging basehan
ng mga panibagong batas na ipapatupad ng kawanihan sa mas lalo pang ikakaunlad ng
bansa. Kung ating babalikan sa mga nakaraang pag-aaral, ang buwis ang siyang
sinasabing dugong nagpapatakbo sa bansa. Hindi makagagawa ng mga episyenteng
kautusan o mga batas ang bansa kung hindi matatag ang usaping pinansiyal nito. Ito
ang masasabing nagpapatakbo sa bansa upang magawa nito ang kanyang tungkulin sa
mga tao. Kaya upang mas lalo pang mapaunlad ang sistema ng pagbubuwis, ipinasa
ang Republic Act 10963 o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion Law
(TRAIN Law) noong ika-19 ng Disyembre 2017. Narito ang isang artikulo tungkol sa
naturang batas na sinipi mula sa website ng Department of Finance;

THE TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION (TRAIN) ACT


President Rodrigo Roa Duterte signed into law Republic Act No. 10963, otherwise known as
the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, the first package of the
Comprehensive Tax Reform Program (CTRP, on December 19, 2017 in Malacanang.
The TRAIN will provide hefty income tax cuts for majority of Filipino taxpayers while
raising additional funds to help support the government’s accelerated spending on its
“Build, Build, Build” and social services programs.
This tax reform package corrects a longstanding inequity of the tax system by reducing
personal income taxes for 99 percent of taxpayers, thereby giving them the much needed relief
after 20 years of non-adjustment of the tax rates and brackets. This is the biggest Christmas
and New Year gift the government is giving to the people.
For the poorest 10 million households, the government is giving them targeted cash transfers
of PHP 200 per month in 2018 and P300 per month in 2019 and 2020, sourced from higher
consumption taxes that the rich will contribute, as well as better social services, healthcare,
and education. All these will prepare the people for better job opportunities.

9
In a separate message, President Duterte has vetoed certain provisions of the TRAIN.
The vetoed five line items are the following provisions:
1. Reduced income tax rate of employees of Regional Headquarters (RHQs), Regional
Operating Headquarters (ROHQs), Offshore Banking Units (OBUs), and Petroleum
Service Contractors and Subcontractors;
2. Zero-rating of sales of goods and services to separate customs territory and
tourism enterprise zones;
3. Exemption from percentage tax of gross sales/receipts not exceeding five hundred
thousand pesos (P500,000.00);
4. Exemption of various petroleum products from excise tax when used as input,
feedstock, or as raw material in the manufacturing of petrochemical products, or in
the refining of petroleum products, or as replacement fuel for natural gas fired
combined cycle power plants; and
5. Earmarking of incremental tobacco taxes.
The TRAIN raises significant revenues to support the President's priority social and
infrastructure programs, which will help realize his administration's goal of reducing
the poverty rate from 21.6 to 14 percent by 2022. Some 70 percent of the
incremental revenues will help fund the government's infrastructure modernization
program, while the balance will go to social services.

Starting 2018, the government expects to raise funds equivalent to about two-thirds of
the incremental revenues targeted under this tax reform law. The Congress has
committed to pass the rest of the TRAIN's provisions representing the remaining one-
third of the targeted revenues in early 2018 to help us achieve our revenue and deficit
targets.
With the people's support and understanding, all these reforms will result
in more and better jobs, lower prices, and a brighter future for every Filipino.

Sa pagpapatupad ng TRAIN Law, inaasahan ng gobyerno na ito’y makatutulong


na makalikom ng pondo upang masustentuhan ang kanilang proyekto, lalo na ang
“Build, Build, Build” ng gobyerno. Umaasa rin siya na sa pagpapatupad nito ay hindi
lamang ang gobyerno ang makikinabang kung hindi pati ang mga empleyado na
pinapatawan ng malalaking buwis at sa kalaunan ay silang makatitipid (Gialogo, 2018).
Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ay isang batas na nagbabago sa
sistema ng ating buwis, o ang National Internal Revenue Code na ipinatupad sa ilalim
ng Administrasyong Duterte. Ito’y naglalayon na maisaayos ang paraan ng
pangongolekta ng buwis sa bansa. Ngunit, ang pag-implementa sa bagong batas na
nabanggit ay nagdulot ng malaking pagbabago na gumulat sa buong bansa. 41

Inaasahan na sa pamamagitan ng batas na ito magkakaroon ng sapat na pondo


ang pamahalaan sa mga sumusunod: Edukasyon, sa pagdagdag ng pondo inaasahan
na makakuha ng mga bagong guro at magkakaroon na ng sapat na bilang ng mga guro
ang makapagtuturo sa mga estudyante at magkaroon ng proporsyon sa pagitan ng
bilang ng mga guro at estudyante; ang Health Care Services, layunin ng gobyerno na
mapaganda ang serbisyong pangkalusugan, maparami ang mga health-units,
magkaroon ng mas malawak na sakop ang PhilHealth sa mga bayarin, makakuha ng
mas

41
Gialogo, E. G. (2018 , January 4). [OPINION] Train law: What does it change? Retrieved from

9
Rappler: https://www.rappler.com/thought-leaders/192873-train-tax-reform-law-what-does-it-
changeexplainer

1
maraming propesyonal sa aspetong ito, at maging bago ang mga kagamitan na
kinakailangan sa mga ospital upang mas mabisa ang mga gamutan na kanilang
isinasagawa; programa sa imprastruktura kung saan gagamitin ng DPWH ang pondo
upang maisayos ang mga daanan, at flood control ng ating bansa. Kinakailangan ito
sapagkat ang tranportasyon ay isa sa pinakamahalagang salik na nakaaapekto sa pag-
unlad ng bansa (Kagawaran ng Pananalapi, 2017). 42

Kung ating susuriin, ang nasabing batas ang magdadala sa bansa sa isang
kaunlaran na matagal na ding ninais ng mga nakaraang administrasyon. Sa unang
pagkakataon ng pagsasabatas ng TRAIN Law, marami sa mga kongresista ang tumutol
at ilang mga nasa sektor ng industriya dahil sila ang mas apektado nito. Ngunit sa
kabilang banda, makatutulong naman ito para sa mga nagtatrabaho upang mabawasan
ang mga pasanin nila sa pagbabayad ng buwis. Marahil sa mga panahong ito, hindi pa
natin makikita ang mga epekto nito sapagkat ito ay bago pa lamang kaya bilang mga
indibidwal na may karapatang magmasid at makialam sa mga isyung panlipunan,
nararapat lamang na pag-aralan na maayos nang makita ang mga maari nitong idulot
sa bawat indibidwal maging sa bansa sa kabuuan.

Ilapat

1. Balikan ang kasaysayan ng pagbubuwis sa bansa, talakayin ang mga


pagbabago na naganap sa bawat panahon at tukuyin ang mga natatanging
katangian ng bawat panahon.
2. Punan ang chart na nagpapakita ng natatanging katangian ng sistema ng
pagbubuwis sa panahong Pre-Kolonyal, Panahon ng mga Espanyol, Panahon ng
mga Amerikano at Panahon ng Post War.

Panahon Katangian

Panaho ng Pamayanan

Panahon ng mga Espanyol

Panahon ng mga Amerikano


Pagtapos ng Digmaan o Post War

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at kumpletohin ang cross word


puzzle sa ibaba.

42
Kagawaran ng Pananalapi. (2017, November 8). What is the Tax reform program? Retrieved from
gov.ph: http://www.dof.gov.ph/taxreform/index.php/train/

You might also like