You are on page 1of 4

RANDY P.

RODELAS
MAED
Modyul 1
Ang Pagpaplanong Pangwika
(Gng. Helen E. Tolete)

Layunin:
1. Natatalakay ang pasimula ng pagpaplanong pangwika
2. Naiisa-isa ang kahulugan, kahalagahan at tunguhin ng pagpaplanong pangwika
3. Nabibigyang pagkilala ang mga taong may awtoridad sa pagpaplanong pangwika
4. Naibubuod ang mga kaisipang natutunan kaugnay sa pagpaplanong pangwika

Panimula
Isang bagong larangan ang pagpaplanong pangwika. Marahil, marami sa mga guro sa
Filipino ay kakaunti pa lamang ang nakababatid nito. May ilang pamantasan at paaralan na
idinagdag ito bilang isang asignatura o di naman kaya`y isang espesyalisasyon.
Magkagayunpaman, hindi matatawaran ang kapakinabangang maidudulot nito para maunawaan
ang isang bansa partilular ang kinlakhang kutura at mga wikang nabibilang dito. Sa pamamagitan
nito, mapapayaman o mapapaunlad ang wikang pambansa kasama ang ibang pang mga wikain
ng isang bansa. Ginagawa niotng makapangyarihan ang isang wika at ang taong gumagamit ng
wikang ito.

Input
Basahin at unawain ang presentasyong powerpoint na kasama ng modyul na ito. Mula
rito bigyang kasagutan ang mga inhandang pagsasanay.

Gawaing Pagsasanay

I- Kumpletuhin ng hinihinging ideya o kaisipan ang bawat kolum kaugnay kaugnay sa


pagpaplanong pangwika (35 pts.)

Mga Awtoridad Taon Pangalan o Terminong Pagpapakahulugan o


sa Ginamit bilang katumbas layunin ng Pagpaplanong
Pagpaplanong ng salitang Pagpaplanong Pangwika
Pangwika Pangwika
1.Uriel 1957 terminong Pagpaplanong Sa kanyang artikulong “
Weinrich Pangwika (Language Planning for a Standard
Planning). Language in Modern
Norway”(1959) ginamit
niya ang terminong LP
upang ilarawan ang
pagsisikap ng Norway ng
wika na nagpapakita ng
pambansang
identidad( Karana 1974).
2.Alisjahbana 1972  terminong “ inaakala niyang mas
language angkop kaysa LP na
engineering” o makitid ang
pagmamaniobran kahulugan para sa
g pangwika kanya. Ang kanyang
layunin ay ang
debelopment ng
wika sa konteksto
ng sosyal, kultural,
at teknolohikal na
pagbabago na batay
sa maingat na
pagpaplano.

3.Hall 1951 “ glottopolitics” Ang sarbey ay binubuo ng


pagpili ng wika, sistema ng
pagbaybay at pamaraan sa
pagtuturo.
4.Heyd at Heyd (1954) language reform Sumulat tungkol sa
Gallagher at Gallagher reporma sa wika
(1971)

5.Haugen 1966 ang pagpaplanong Isang elemento ng


pangwika (language modernisasyon sa punto ng
planning) wika

6.Fishman 1971 pagpaplanong pangwika Tumutukoy sa mga


maaaring gawing
pagbabago sa wika, sa
istruktura at elemento nito,
at sa papel nito sa lipunan.
7.Gernud at 1960 pagpaplanong pangwika sila nanawagan tungkol sa
Das Gupta isang organisadong gawain
upang makakita ng mga
solusyon sa problema ng
wika sa lipunan.

II- Timeline: Gamit ang hanay ng taon, isa-isahan ang mga pangyayari kaugnay sa pag-
unlad ng pagpaplanong pangwika.

Taon Pangyayari

1960  Sa dekadang 1960, nakita na ang PP ay isang larangan na ang konsern ay


ang mga sitwasyong pangwika ( nasyunal, opisyal, unang wika,atb.), mga
uri ng wika; atityud sa wika; layunin sa pag-aaral ng pangalawang wika;
mga konsepto ng istandardisasyon, modernisasyon,at mga salik sa
pagpapanatili at pagpapalit ng wika.

1970  Isa pang konsern ng PP noong 1970 ay ang papel ng pagpaplano sa


konteksto ng wika ng malawak na komunikasyon( language of wider
communication) na nagsisimula nang magkaroon ng gamit at pretihiyo. Ang
mga pananaliksik ay nagsisimula nang tumingin sa pag-uugnayan ng
pagkalat ng lingua franca at gamit ng LWC.

1980  Sa pagpasok ng 1980, ang PP ay makikitang may basehang teoretikal na


batay sa mga pag-aral-kaso sa mga kontekstong multilinggwal.
 Ang 1980 ay kakikitaan na ng paglalapat sa aktwal na praktis ng mga teorya
sa pagpaplano ng wika. Makikita na ang resulta ng mga plinanong
pagbabago upang maisagawa ang ebalwasyon nito.

1990  Ang 1990 ay dekada ng pagpapaunlad at modernisasyon sa mga wikang


ginagamit na ng mga tao sa bansa. May mga pagbabago sa gramar at
ortograpiya at mga hakbang sa istandardisasyon dala ng mga problema sa
gamit ng wika ng mga tao na may iba’t ibang wika sa komunidad.
Kinikilala na ang mahalagang papel ng mga wika ng mga etnikong pangkat
at ang papel ng pambansang wika na magbubuklod sa mga tao.

2000 Sa aking palagay ang pagpaplanong pangwika natin ngayong dekada


2000 nagkakaroon na rin ng pagbabago sa paglipas ng panahon.
Nadaragdagan na rin ang mga hiram na salita natin. Patunay nito ang
ating 20 letra ay nadagdagan ng 8 letra.Ngayong K-12 nagkaroon na
rin ng programa ang Deped na gamitin sa Pagtuturo ang Mother
Tongue o Sinusong dila na kung saan ang mga guro ay gumagamit ng
wikang kinagisnan ng isang lugar.Sa pamamagitan ng wikang Tagalog
nagkaunawaan ang lahat ng tao sa buong rehiyon. Ang asignaturang
Filipino ay itinuturo na din sa lahat ng grado sa buong Pilipinas.

III- Repleksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kapakinabangang maidudulot ng isang pagpaplanong pangwika sa mga


sumusunod: Sagutin ang mga tanong sa loob ng 3-5 pangungusap lamang.(10 pts.)
a. Guro ng wika
Magiging maayos ang pagtuturo ng mga guro, kung sila ay magkakaroon ng
pagpaplano sa wika.dahil sa pagpaplanong pangwika madaling magkaunawaan
ang guro at ang mag-aaral.

b. Paaralan.
Dahil sa pagpaplanong pangwika sa paaralan magkakaisa at magtutulungan ang
mga guro at mag-aaral sa paaralan. Dahil sa wikang ginamit

c. Bansa
Dahil sa pagpaplanong pangwika uunlad ang isang bansa, sapagkat madali
silang magkaintindihan sa kanilang pakikipagkalakalan.

2. Sa iyong palagay, ano ang isang salita o parirala na kapag narinig o nabasa mo ang
pagpaplanong pangwika, ito agad ang maiisip mo?Isulat sa kahon ang sagot. Ipaliwanag

FILIPINO

Paliwanag:
Sapagkat ang wikang Filipino ang opisyal na wika ng bansang Pilipinas dahil l
dito madaling nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang mga taong naninirahan sa bansa
natin.Ang wikang Filipino ang susi sa pagunlad ng isang bansa sapagkat madaling
magkaunawaan ang mga taong naninirahan dito lalo na sa pakikipagkalakalan at
komunikasyon.

You might also like