You are on page 1of 2

Tagumpay

Tagumapay, salitang madaling sabihin,


Ngunit mahirap marating,
Sapagkat ilang taon din ang gugugulin,
Upang ito ay tuparin.

Napakatagal bago ito malasap,


Sating pakiramdam ay napakasarap,
Kapag nakamit mo ang isang pangarap,
Para kang lumilipad sa alapaap.

Mahirap o madali pagkat ito’y di sigurado,


Determinasyon ang kailangan upang ika’y manalo,
Paglalakbay na walang kasiguraduhan kung ikaw ay mananalo,
O maaari din naman ikaw ay ma dehado.

Importanteng ibigay ang buong puso’t lakas,


Sa bawat pagsubok na kumukumpas,
Pero hindi kaya ng sariling lakas,
Kailangan din nating kumapit sa itaas

You might also like