You are on page 1of 2

Cebu Normal University

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Graduate Studies Center of Training Center of Development (COD)
Level IV Accredited Status (AACCUP)
Osmeña Blvd., Cebu City, Philippines

Gintong Medalya
ni Camilo T. Sanoy Jr.

May mga bagay na sadyang nakatadhana


Nakatadhang magbigay sa atin ng ligaya
Ligayang papawi sa pighati at pagdurusa.
Pighati at pagdurusa na iilan lamang sa mga dahilan
Dahilan upang magpursige tungo sa tagumpay.

Mga mag-aaral na nagsusunog ng kilay


Kilay na ginagawang daan maabot lang ang tagumpay
Tagumpay na hindi malinaw ang kasiguraduhan.
Kasiguraduhang mabayaran lahat ng paghihirap

Paggawa ng lahat-lahat para lamang makakuha ng malaking marka,


Markang magsisilbing palatandaan na matitiyak ang hinahangad na bunga
Bungang tutubos sa lahat ng hirap na dinanas
Dinanas na animo’y walang katapusan na parang magpakailanman.

Oras na ng paghahatol
Paghahatol upang masukat ang lahat ng mga nagawa
Nagawa sa tulong ng walang tulog at nakalimutang pagkain.
Tulog at pagkain na sa mga panahong iyon ay hindi nakilala

Ang paghihintay, pagnanais na sana ay lubos nang makuha ang tagumpay


Tagumpay na sa sariling buhay ay talagang magbibigay kulay
Kulay na nagmula sa pagiging uhaw
Uhaw sa medalyang kung tutuusin ay isang kaperasong matigas na bakal.
Cebu Normal University
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies Center of Training Center of Development (COD)
Level IV Accredited Status (AACCUP)
Osmeña Blvd., Cebu City, Philippines

Naging matigas na parang bakal hindi ang puso kundi ang prinsipyo
Prinsipyong hindi na kailanman magpapadala sa gantimpalang magpapataob sa iyo.
Magpapataob at sisira sa makulay mong pagkatao
Pagkataong biyaya ng Maykapal sa iyo.

Kaya nais kong inyong matutunan


Matutunang bumangon sa kamalian at tanggapin ang kakulangan
Kakulangang hindi masusukat sa pagkakaroon ng medalyang ginto
Gintong medalya hindi gagapos sa tatamasahing tagumpay
Tagumpay na ikaw mismo ang guguhit ng sarili nitong matingkad na kulay

LAYUNIN: Mapaglarawan (descriptive)


PAMAMARAAN: Makatotohanan
KAUKULAN: Magaan

You might also like