You are on page 1of 5

Jem Chaela Beatrix J.

Gonzaga 1/30/22
10 - Alypius Pagsusulit - Pagsulat at Pagbigkas ng Talumpati
Panuto: Sumulat at lumikha ng video ng iyong Pagtatalumpati (20 pts)
Lumikha ng isang maikling talumpati ukol sa paghikayat sa mga kabataan na huwag mawalan ng pag-asa at motibasyon sa pag-aaral sa gitna ng patuloy
na nagaganap na sitwasyon bunga ng pandemya. ( Maglahad ng mga pahayag na Tuwiran at Di - Tuwiran. I-highligt o salungguhitan ang mga pahayag upang
madaling makita sa pagwawasto. Isulat at pagkatapos ay ibidyo ang iyong sarili habang binibigkas ito.
I-upload ang iyong tekstong naisulat at ang maayos na bidyo(video) na iyong nagawa sa dropbox.

ANG LIWANAG SA DAAN(EDUKASYON)


Ang pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay siyang
tunay na kayamanan na kailanman ay hindi mapag-iiwanan.
Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi
sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang
natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at
nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na
nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng
pagkatuto.
Di tuwirang pahayag - blue tuwirang pahayag - pink
Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan
tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang
magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga
karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan.
Walang ibang pinapangarap ang isang magulang kung hindi
ang mapag-aral ang kanilang mga anak na kalaunan ay
inaasam rin na makapagtapos at maging isang produktibong
nilalang. Isang katuparang ganap na makita mo ang iyong
mga anak na masigasig at matiyagang nagpupunyagi para sa
kanyang pag-aaral.
Lahat ng pagod at hirap ay hindi mo mararamdaman kapag
ang kapalit ay ang dedikasyon ng mga anak mo sa kanilang
mga akademya. Dito sa ating lipunan hindi lahat ay
nagkakaroon at nabibigyan ng pribilehiyo makapag-aral. Dahil
na rin ito sa maraming aspetong kadahilanan. Nangunguna na
rito ang kahirapan sa buhay.
"Ang ugat ng edukasyon ay mapait, ngunit ang mga bunga ay
matamis." Ang sabi nga ni Aristotle, mahirap man ang proseso
ng pag-aaral ngayon ngunit tuloy lamang ang laban dahil
malaki talaga ang dulot ng edukasyon sa kinabubukasan natin.
Sa hirap ng buhay na mayroon tayo ngayon, ang pag-aaral
lang natin ang tanging kayamanan na maipapamana sa atin
ng ating mga magulang.
Totoong mahirap ang maging mahirap ngunit mas mahirap
ang maging mang-mang at walang alam. Sa pakikipag-
sapalaran sa tunay na realidad ng buhay, hindi sapat ang
abilidad, sipag at lakas ng pangangatawan lamang.
Nangangailangan rin tayo ng katalinuhan para lubos nating
maunawaan kung hindi man ang lahat ay ang mga ibang
nangyayari sa ating lipunan.
Kapag kayo ay magkaroon ng pera at mabigyan ng
pagkakataon na makapag-aral, pagyamanin at pahalagahan
ninyo ito ng buong puso. Hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan. Sa
inyong mga kabataan maging masigasig sana kayo sa inyong
mga pag-aaral at huwag ninyong sasayangin ang bawat oras
at pagkakataon na lumilipas.
Ang pagsisisi ay palaging nasa huli. Ang edukasyon ay
responsibilidad ng bawat isa hindi lamang ng mga mag-aaral,
guro, at magulang kundi ng isang komunidad na handang
sumuporta at gumabay sa pangarap ng isang batang nag-
aasam na makapag-aral. Noon pa man ay masasabing buhul-
buhol na ang mga problema sa edukasyon sa ating bansa.
Gayunpaman, kung patuloy lamang tayong magtutulungan at
magkakaisa sa isang adhikain, hindi malabong mangyari na
ang inaasam nating magandang bukas para sa bata at para sa
bayan ay atin nang makamit sa gitna man ng pandemyang
COVID-19.

You might also like