You are on page 1of 2

MARIA LOU EDO DOLAUTA GRADE 12 ST.

THOMAS THE APOSTLE

Edukasyon: Susi sa tagumpay

EDUKASYON SUSI SA TAGUMPAY Sa lahat ng aking mga


kaklase at lalong-lalo na sa aming guro na si Ginoong
Encallado. Magandang umaga sa inyong lahat. Bago ko po
simulan ang aking talumpati, nais ko pong magpaliwanag
nang kaunti ukol sa lenggwaheng aking ginagamit
ngayon. Batid ko pong ang paggamit ng Ingles sa
pagsasalita ay tanda ng karunungan at kaunlaran, subalit
naniniwala po akong ang paggamit ng sariling wika ay
higit na makapaglalapit sa akin sa puso ng bawat isang
Pilipinong nakikinig ngayon. Bilang mga mamamayang
nabibilang sa papaunlad na bansa ay marami sa atin ang
naniniwalang ang edukasyon ay siya pa ring susi sa
tagumpay. Kaya’t ganoon na lamang ang pagpupursiging
mga magulang na mabigyan ng magandang edukasyon
ang kanilang mga anak. Ang edukasyon ay hindi lamang
susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang
kaalamang natututunan natin sa paaralan ang
nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa
mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at
nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang
nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat
na magbanat ng buto. Edukasyon din ang magbubukas
ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan
at ang kaakibat na mga pananagutan. Tunay ngang
napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa
buhay ng tao. Subalit ang kaalaman sa pagbasa at
pagsulat ay hindi sapat upang maituturing na edukado
ang isang tao kaya’t nararapat na de kalidad ang
edukasyon na natatanggap ng mga Pilipino. Ngunit saan
nga ba nagbubuhat ang de kalidad na pagkatuto?
Itinatakda ng House Bill No. 1875 o mas kilala bilang “ An
Act to strengthen Teacher Education in the Philippines by
establishing Lead Teacher Teaching Institutions,
appropriating funds therefore and other purposes”, isang
batas na naglalayong mapaigting ang edukasyon sa
Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga guro ng
mga pagsasanay na makakatulong upang mapaunlad ang
kaalaman na kanilang ibabahagi sa paaralan. Hindi biro
ang hinaharap na krisis ng ating bansa. Walang nakaaalam
kung ang pagunlad ay kailan ba matatamasa. Maaaring
hindi sapat ang pagiging edukadong tao. Subalit sa krisis
na hinaharap ng buong mundo, iba pa rin kung ikaw ay
isang titulado.

You might also like