You are on page 1of 2

Antas ng Edukasyon sa Bansa

Ang edukasyon ay isang kayamanan na ating dapat pag-yamanin at pagka-ingatan na hindi


mawawala kailanman. Bawat kabatan ay may angking talino at kakayanan na kinakailangang
pagyabungin. Tayo ay kabataan na tinatahak ang ating kinabukasan. Hindi tayo mag-aaral o
kabatan lamang, tayo ang kinabukasan ng hinaharap, tayo ang susunod sa yapak ng ating mga
magulang at namumuno sa ating bansa.

May mga naka-aangat at ang iba ay ‘di makasabay, Bakit? Ang kakayanan at talino ay likas,
ngunit iba-iba ang bawat indibidwal. Iba-iba ang paraan ng pagtuturo at iba rin ang paraan ng
pagkatuto. Edukasyon ang susi at magsisilbing tulay sa kaunlaran. Ang pagkakaroon
kakulangan ng kaalaman sa maraming bagay ang humahadlang upang hindi natin makamtan
ang ating mga gustong marating sa buhay. Ang kaakulangan ng kaalaman ng isang indibidwal
ay isang malaking kawalan. Mayroon tayong mga naririnig o nakikita pero hindi natin
naiintindihan o mali ang pagkakaintindi natin kaya naman madalas tayong masabihan ng
“MANG-MANG!!”

Ang ating bansa ay mayroong libreng edukasyon, tulad na lamang ng ALS o ang Alternative
Learning System program ng Department of Education na kung saan tinuturing na ‘di-pormal
na edukasyon ngunit dito ay mas nahahasa ang kakayanan ng isang indibidwal at naglalayong
matulungan ang mga tao na makapagtapos. Ang programang ito ng DepEd ay lubos na
nakatutulong upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga tao na hindi
nakapagtapos sa pormal na edukasyon tulad na lamang ng k-12.

Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hangga’t mayroon tayong oras para makapag-aral
ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala, Masarap ang tumunganga at
tumambay sa ngunit wala nang sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong walang natapos sa
buhay.

Dapat nating pagtuunan ng pansin ang edukasyon dahil sa hinaharap ay tayo na ang papalit
sa kasalukuyang namumuno. Sa pagiging edukado ng mga Pilipino ay makikilala ang ating
bansang Pilipinas, dahil kasabay lamang ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon ang pag-unald
ng ating bansa.
Filipino

sa

piling larang

Talumpati
Torregoza, Apple Cherry T.

11 –Polaris

Sir. Deacosta

You might also like