Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na
pagpasok natin dito sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili, “Ano ba ang kahalagahan ng pagpasok ko sa skwela?”
Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at
‘kabataan para sa kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag-aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga kabataan na hindi pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa huli ang pagsisisi”.
Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi
lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Naalala ko pa noong nabasa ko sa isang artikulo sa internet na nakapanliit sa bayan natin, ipinuna sa isang international television program ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Para sa akin, bakit tayo nagpapaapi sa iba na hindi natin kalahi? Hindi natin dapat ipinagsasa-walang bahala ang tulad nito. Dapat natin ipakita sa kanila na mali sila sa inaakala nila, na kaya natin umangat.
Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa
ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.
Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi
matatawaran ang kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka- dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya.