pagbabago. Pagbabago na ating lubos na inaasahan sa panahon na tayo’y pinangangakuan. Ngunit sila lang ba ang dapat na mamuno para sa inaasam na pagbabago? Oo kaibigan, ako , ikaw, tayong lahat ay maaaring maging simula ng pagbabago. Sa asignaturang Araling Panlipunan masasabing ito talaga ay dapat nap ag-aralan. Isang aralin sa mga nagaganap sa lipunan na kung saan ay kailangan nating mamulat sa katotohanan at bigyang pansin ang mga suliranin, sapagkat tayo rin lang naman ang maapektuhan at mabibilang dito. Ngunit nawari mo ba sa iyong isipan kung bakit ang sariling lipunan ay nagkakaganito? Kaliwa’t kanang mga problema, patayan, kay raming nagpoprotesta na pilit na ipinagsisigawan ang bawat hinanaing. Lipunan, ano nga ba ang problema? Kurapsyon? Pagnanakaw? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa mga dahilan nito ay ang korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw at ibinubulsa ang kaban o pondo ng ating bayan na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, kung kaya naman ay mas ramdm natin ang krisis. Kay raming isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ay ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pribado man ito o pampubliko. Sapagkat dito mababase ang kakayahan na mayroon ang bawat estudyante. Alam nating lahat na maraming naghihirap sa bansang Pilipinas kasabay pa nga nito ay ang pagtaas ng mga bilihin, at ang pagtaas rin ng tuition fees. Paano niyan makakayanan ng mga magulang na paaralin ang kanilang mga anak sa magandang eskwelahan? Nasaan na ang konsiderasyon at pangarap na makapag-aral ang mga kabataan. Kaya kay raming hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ay dahil sa hindi na matustusan ang kanilang pag-aaral na kung minsan pa nga ay ang mga magulang na mismo ang syang nagpapatigil sa kanilang mga anak, dahil na rin sa tingin nila ay wala nang mapatutunguhan ito, at bakit patatagalin pa. Tinatalang milyon-mlyon ang nagagastos ng gobyerno para sa edukasyon. Ngunit hindi pa ito sapat dahil ang perang ito ay nailaan na pala sa listahan ng proyektong mas pinaprioridad ng gobyerno. Ni mga kailangan ng mga pampubilikong paaralan ay hindi matugunan. Kulang sa siid- aralan, gamit at mga guro sapagkat ang ilan sa kanila ay nag-iibang bansa. Sinasabing matataas nga ang sweldo ng mga pampubilkong guro na kung minsan pa nga ay matagal pa kung ito’y kanilang matatanggap, ngunit hindi pa ito sapat. Nakakapagod din ang kanilang ginagawa, yung iba pa nga dalawang shifts na sa bawat klase ay mayroong mayroong 50-60 estudyante na tinuturuan. May mga gamit nga sila sa pagtuturo ngunit ang iba dito ay donasyon lang. Na kung minsan pa nga ay gumagawa ng visual aids na makatutulong sa gagawing leksyon. Kanya-kanyang diskarte , mga pakulo , maihatid o maituro lang ang bawat paksa sa mga bata. Mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipnas. Sapagkat ang bawat estudyante na gumagradweyt ay siyang susunod na magpapatakbo ng Pilipinas. Sila ang pag-asa na di dapat balewalain, kailangan ito ng paggabay. Kaya dapat natin itong ibigay at palawakin. Ako bilang isang kabataan ay may layunin akong gawin ang aking makakaya upang hind imaging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking sariling lipunan. Ako’y magsisikap na makapagtapos ng pag- aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako, pati ikaw, tayong lahat ay magkaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan. Kaya tayo ay magsimula ngayon bago mahuli ang lahat.