You are on page 1of 249

She's Back- SPG (Book 2 of You're Paid) Completed

"Nanay!" Masayang tawag sa kanya ng anak niya.

Agad na pinakita nito ang drawing nito ng family tree.

"This is me and you!" Masayang turo nito sa dalawang picture na nakasabit sa


nakadrawing na puno. "But teacher said I need to put the picture of tatay too"
Biglang lumungkot at itsura nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. Limang taon na nga pala ang mabilis na nagdaan,
matalino ang anak niya at alam niyang naiintindihan na nito ang lahat. Lagi man
nagtatanong sa ama, ipinapaliwanag niya dito na kahit wala ang tatay nito ay
nandito naman siya.

"Mama can we just put Tito Ninong's picture here?" Tanong nito sa kanya. Agad
siyang napangiti, mabuti na lamang at laging nandito si Franco sa tabi nila.

"Tawagan muna natin ang Tito Ninong mo para magpaalam kung pwede mong ikabit ang
picture niya okay?"

"Okay Nanay, hurry up" Ngiti nito sa kanya.

"Bakit kaya nagriring ang cellphone ko, sino kaya ang cute na tumatawag" Sabay
silang napalingon ng anak niya sa nagsalita.
"Tito Ninong!" At tumakbo ito papunta kay Franco.

Agad naman itong binuhat ni Franco. "Tito Ninong why are you so pogi today?" Bibong
sabi ng anak niya.

"Naku! Kilala ko na yang style mo na yan. May kailangan ka sakin ano?" Ngiting biro
nito kay Alexander.

Agad naman tumango ang anak niya at ngumiti.

"Can I put your picture to our family tree?" Pa-cute pa na sabi ng anak niya.

Agad niyang nilapitan ang mga ito.

"Ofcourse baby, soon magiging totoong family na talaga tayo. Right hon?" Ngiting
sabi nito sa kanya at humawak sa bewang niya at kinintalan siya ng halik.

Dalawang taon na ang nakakaraan ng magtapat si Franco sa kanya, dahil mabait naman
ito at alam niyang hindi sila nito iiwan ay napasagot rin siya nito. Hindi naman
siya nagsisisi dahil talagang napakamaalaga ni Franco sa kanilang mag-ina, ang isa
pa sa nagustuhan niya rito ay tanggap na tanggap nito ang anak niya at kung ituring
niya ito ay para na niya itong tunay na anak.

Napangiti nalang siya sa sinabi ni Franco, matagal na kasi siya nitong inuungot
magpakasal. Pero sinabi niya ritong hindi pa siya handa.
"Bumaba kana muna anak at baka nangangawit na ang Tito Ninong mo"

Agad naman itong bumaba. "Thank you Tito Ninong you're the best!" At tumakbo na ito
para gawin ang family tree nito.

"Salamat Franco" Nakangiting baling niya dito

Agad naman itong napatingin sa kanya. "Thank you for what?"

"Sa lahat, lagi kang nandyan para sa amin ni Alexander"

Agad siya nitong hinawakan sa pisngi. "You know how much I love you right? And I
will do everything to make you happy. At ikaw wala kang ibang kailangan gawin kung
hindi manatili lang sa tabi ko" Ngiti nito sa kanya.

Agad naman siyang tumango dito.

Nang may marinig silang parang nahulog. Nang mapalingon ay nakita niya ang anak na
natumba.

"Alexander!" Kabadong sabi niya at agad itong dinaluhan.


Mabilis naman itong binuhat ni Franco at isinakay sa kotse nito. Abot-abot ang
dasal niya habang papuntang hospital.

Agad dinala sa Emergency Room ang anak niya.

Napahagulgol siya ng iyak. Agad naman siyang niyakap ni Franco.

"Don't worry Hon, walang mangyayaring masama sa kanya. Malakas ang anak mo" Pag-
aalo sa kanya nito.

"Sana nga Franco, sana nga" Nanginginig pa na sabi niya.

Halos tatlumpong minuto ang nakaraan bago lumabas ang Doktor ng anak niya.

"Misis, Can I talk to you in private?" Seryosong sabi ng doktor.

Agad silang nagkatinginan ni Franco, hinagod muna nito ang likod niya bago ito
tumango.

Sumunod siya rito sa clinic nito.

"Tatapatin na kita Misis, hindi naging maganda ang resulta ng Chemotherapy ng anak
mo nitong nakaraang anim na buwan"

"Diyos ko po!" Agad na hagulgol niya. "Ano po ang mangyayari dok?" Kinakabahang
tanong niya

"Na damage na ang bone marrow ng anak mo dahil sa chemotherapy. Dahil dito, huminto
na sa pag gawa ng red blood cells ang marrow niya na kailangan nang katawan natin.
I highly suggest a bone marrow transplant as soon as possible. This is between life
and death"

Halos pagsakluban siya ng langit at lupa.

"Ako dok. Willing ako magdonate, nanay niya ko kaya sigurado ako na ka-match ko
siya. Dok please wag mong pababayaan ang anak ko" Hagulgol niya.

"Kumalma ka Misis, hindi makakatulong yan. Sige bukas na bukas din ay may mga
ipapagawa akong test sayo para malaman natin kung pwede kang magdonate. Sa ngayon,
wala tayong ibang magagawa kung hindi magdasal" At pinisil nito ang palad niya at
ngumiti.

Nang lumabas sa clinic ay parang lutang siya. Hindi niya alam kung anong dapat
maramdaman ng mga oras na yun. Ang anak niya ay naka-confine na sa mga oras na yun.
Parang hindi niya ito kayang makita.

Halos anim na buwan narin silang nakikipaglaban sa sakit nitong Lymphoma. Hindi
niya mapapatawad ang sarili pag may nangyaring masama sa anak niya.

Kinabukasan ay agad siyang ginawan ng kung anu-anong test.


Halos araw-araw ay walang patid ang pagdadasal niya na sana maging okay ang
resulta. Dumaan ang halos tatlong linggo at pinatawag siyang muli ng doktor. Sa
pagkakataong iyon ay isinama niya si Franco.

"Goodmorning, please do take a sit"

Agad naman silang umupo ni Franco, hawak nito ang isang kamay niya at mariing
pinipisil. Doble ang kabang nararamdaman niya.

"I already have the result, but please let me remind you that this can be a good or
bad news. I want you to prepare yourself" Seryosong sabi ng doktor.

Nanginginig ang kamay niya ng abutin ang resulta. Nang buksan niya ito at basahin
ay hindi niya maintindihan.

"I'm sorry Misis but your HLA test result did not passed the qualification of a
bone marrow transplant donor"

Gulat na gulat siya at halos hindi nakapagsalita. Parang gumuho ang mundo niya.
"Dok please! Ulitin natin yung test, baka nagkamali lang" Hagulgol na sabi niya.
Hinawakan siya ni Franco at pilit na pinapakalma.

"I am sorry Misis but it will just prolong the process, wala bang kapatid si
Alexander?" Tanong nito sa kanya.
Agad siyang umiling. "Nag-iisang anak ko lang po siya kaya dok hindi siya pwedeng
mawala, parang-awa mo na dok please" Hindi matigil ang pagpatak ng luha niya.

"How about the father?"

Agad siyang natigilan. "Dok wala na po bang ibang option?"

"Kung hindi ka nag match, maaaring 50% ay mag-match sila ng tatay niya. At 70-90%
ang success rate pag related sa patient ang donor. Maybe you can re-consider it
Misis"

Hindi siya nakasagot. Ito na ba ang tamang pagkakataon para magkita silang muli ni
Allen?

-------------

Oops! Teaser lang po ito guys.

VOTE&COMMENT sa mga abangers :)

PS. Lahat ng medical terms at issues diyan ay hindi ako sure, kung may mali man
paki-correct nalang po ako. Salamat.

Date Started: September 7, 2020

"Ano na ang balak mo?" Seryosong tanong sa kanya ni Franco habang nasa loob sila ng
kotse.
"Kung ano ang mas makabubuti, maiintindihan mo naman ako hindi ba?"

Agad nitong ginagap ang palad niya. "Oo Hon, wala ka naman nang nararamdaman kay
Allen hindi ba?"

Inamin kasi niya rito noon na minahal niya si Allen sa kabila ng pagmamalupit nito
sa kanya.

"Oo naman, matagal nang nawala yun. At hindi naman yun ang pakay ko sa kanya. Para
ito kay Alexander"

Agad itong ngumiti sa kanya. "Naiintindihan ko, pero pwede ba akong humiling ng
isang bagay sayo Hon?" At tinitigan siya nito sa mata.

"Ano naman yun?" Takang tanong niya.

"Promise me, after ng successful operation ni Alenxander ipangako mo sa akin na


papakasalan mo na ako"

Agad siyang natigilan. Handa na nga ba siyang magpakasal kay Franco? Pero alam
niyang mas mapapabuti siya sa piling nito.

"Oo Franco, pakakasalan kita pagkatapos ng lahat ng ito"


Agad siya nitong hinila para yakapin "Salamat Hon, I love you!"

"I-I love you too" Bahagyang ngiti niya, kahit ang totoo ay hindi siya sigurado sa
desisyon.

Mabilis siyang bumaba ng kotse ni Franco ng huminto sila sa harap ng Restaurant.


Halos Limang taon na rin ng huli siyang nagpunta rito.

Nang pumasok ay nakita niya agad si Jane. Pero nagulat siya ng makita ang tiyan
nito.

"Sam!" Masiglang bati nito ng makita siya.

"Jane!"

Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin. "Na-miss kita Girl! Ang daya mo iniwan
mo ako dito!" Naka-labing sabi nito.

"Alam mo naman ang dahilan hindi ba?" Malungkot na sabi niya. "Teka nga, buntis
ka?" Takang tanong niya rito.

"Yup. At napikot niya ako" Nagulat siya sa boses na nagsalita.


Nang lingunin ay nakita niya ang seryosong mukha ni Sir Damien.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Ako pa talaga ang pumikot sayo ha?! Sige, wag kang
tatabi saking matulog mamaya!" Inis na sabi ni Jane.

Agad naman siyang nagulat. Nagkatuluyan ang mga ito? Hindi mo talaga masasabi ang
mga mangyayari sa hinaharap. Pero masaya siya para sa mga ito.

"Teka nga, mabuti at napadalaw ka pala dito Sam?" Takang tanong ni Jane

"Uhm, ano kasi. May kailangan kasi akong malaman"

"Gaya ng?" Kunit-noong tanong nito

"Maaari ko bang kunin ang Address ni Allen?"

Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Jane. "May nangyari ba Girl? Bakit mo
hinihingi ang address niya?"

"Tiyaka ko nalang ipapaliwanag Jane, okay lang ba kung kunin ko ang Address niya?"
At napatingin din siya kay Sir Damien.
"I'll give you his address. Alam ko importante yang kailangan mo sa kanya, pero
nextweek pa siya uuwi. Nasa Canada pa siya ngayon" Baling sa kanya ni Damien.

May alam ba ito tungkol sa nakaraan nila ni Allen?

"Salamat po Sir!" At maluha-luhang nagpaalam siya sa mga ito matapos nilang ibigay
sa kanya ang address at number nito.

Apat na araw pa ang hihintayin niya bago ito makauwi. Aaminin niya, nakakaramdam
siya ng takot. Pero para sa anak niya ay kakayanin niya ang lahat.

-------

Martes. Ito ang araw ng pagdating Allen, halos limang taon din daw itong namalagi
sa Canada at ngayon palang uuwi ng Pilipinas ayon sa dati niyang boss. Agad siyang
nagpunta sa address na ibinigay ni Sir Damien, hindi ito ang bahay na pinagdalhan
nito noon sa kanya. Hindi nakasama si Franco sa kanya dahil may mahalaga itong
meeting sa opisina.

Nakakasampung doorbell na siya pero walang lumalabas sa gate.

Aalis na sana siya ng bigla itong bumukas. "Ano po ang kailangan nila Ma'am?"
Tanong ng isang may edad at katabaang babae na nakasuot ng unipormeng pangkatulong.
"Gusto ko sanang itanong kung ito ang bahay ni Allen?" Kinakabahang tanong niya

"Ay opo Ma'am, may kailangan po ba kayo sa kanya?"

Agad siyang huminga ng malalim. "P-pwede mo bang sabihin sa kanya na nandito si


Samantha at gusto siyang makausap?"

"Pero Ma'am kadarating lang ni Sir, ang bilin kasi niya na wag munang tatanggap ng
kahit sinong bisita"

"Nakikiusap po ako sa inyo, pakisabi lang po na importante ang sadya ko" Hinawakan
niya ang dalawang kamay ng katulong.

Nag-isip muna ito sandali bago tumango "Sige sandali lang at susubukan ko, nako wag
sana akong mapagalitan at mainit pa naman ang ulo ni Sir ngayon" Narinig pa niyang
sabi nito bago umalis.

Matindi ang panalangin niya na sana ay pumayag ito. Ilang sandali lang ay lumabas
na ulit ang babae.

"Halika pasok ka" At inaya siya nito sa loob.

"Salamat po sa pagtulong niyo sakin, napakalaking bagay po ng ginawa niyo"


Nakangiting sabi niya rito
"Nako wala yun, basta mag-ingat ka lang ah. Mainit ulo ni Sir ngayon" Babala sa
kanya nito.

Inihatid siya nito sa may library.

"Hintayin mo nalang daw si Sir dito, sige ah marami pa akong gagawin sa labas"
Nagpasalamat siya muli dito bago ito umalis.

Habang nakaupo ay hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman.

Nang marinig ang pagbukas ng doorknob ay lalo siyang kinabahan.

Nang ganap itong bumukas ay nagulat siya.

Pagkaraan ng limang taon ay hindi parin ito nagbago, nag-matured lang siguro ang
itsura nito pero lalo itong nakadagdag sa kagwapuhan nito. Lalo din gumanda ang
pangangatawan nito base narin sa Fitted Plain White Shirt na suot.

"Done eye-rapping me?" Taas kilay na tanong nito

Agad siyang natauhan. "A-allen" Kinakabahang sabi niya.


"What brought you here? How's my son?" Seryosong tanong nito.

"A-allen, k-kailangan ko ang tulong mo" Nanginginig na sabi niya dito. Kulang
nalang ay humagulgol siya ng maalala nanaman ang kundisyon ng anak.

"How much?" Mabilis na tanong nito.

Agad siyang nagulat sa tanong nito. "Hindi ito tungkol sa pera!" Inis na sagot
niya. "Kailangan ka ng anak natin!"

Agad itong napangisi sa kanya "Hindi ko alam Samantha na Limang taon muna pala ang
kailangan lumipas bago mo ma-realized na kailangan talaga ako ng anak ko!"

"Please Allen, wag ngayon. May sakit si Alexander" Umiiyak na sabi niya.

"What? Damn it Samantha! bakit ka umiiyak?! Anong sakit ng anak ko?!" Galit na
tanong nito.

"Lymphoma, at kailangan na kailangan na niya ng bone marrow transplant" Hagulgol


niya rito.

"Bullshit!" At hinaklit siya nito sa braso. "Kailan pa ito nagsimula?!"


"Allen please nasasaktan ako" Pilit niyang binawi ang braso niya mula dito.

"Answer me!"

"6 months ago" Lalong lumakas ang iyak niya.

"At ngayon mo lang ito sinasabi sakin kung kailan malala na ang anak ko?!" Galit na
galit na sabi nito at halos bumaon na ang kuko nito sa braso niya.

--------

Sorry Guys, kawawa parin si Samantha. HAHAHAHA!

Vote & Comment.

"Sorry Allen, hindi ko naman akalain na aabot sa ganito. Akala ko kasi ay okay
naman yung mga Chemotherapy niya" Walang ampat ang tulo ng luha niya.

"Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Isa lang ang bagay na hiniling ko sayo
Samantha mula nung araw na pagbigyan kita sa gusto mo hindi ba?!"

Hindi siya makasagot dito.


"Hiniling ko na alagaan mong mabuti ang anak ko! Napakayabang mo pa noon! Na hindi
mo siya pababayaan pero anong nangyari ngayon ha?!"

"Maniwala ka Allen, ni minsan hindi ko pinabayaan ang anak natin, hindi ko ginusto
tong nangyayari please"

"From now on ako naman ang magdedesisyon para sa kanya! Kukunin ko siya at dadalhin
sa ibang bansa! Doon ko siya ipagagamot!"

"Wag Allen please! Wag mo naman ilayo sakin ang anak ko please nagmamakaawa ako
sayo" At mabilis na lumuhod.

Kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito.

"Wala kang karapatang maging isang ina! Pabaya kang ina!" Kita niya ang galit sa
mga mata nito.

"Nakikiusap ako, siya nalang ang meron ako. Allen please wag mo siyang kukunin.
Gagawin ko lahat ng gusto mo please wag mo lang siyang kukunin!" Hagulgol niya
habang nakahawak sa mga paa nito.

"Gagawin mo ang lahat?"

Biglang napaangat ang ulo niya rito at napatango. "Oo Allen, lahat. Wag mo lang
ilayo sakin ang anak ko"
"Stand up. Pumapayag na ako na dito siya ipagamot at maging donor ng bone marrow"
Seryosong sabi nito sa kanya

Agad nagliwanag ang mukha niya at tumayo. "Talaga Allen? Salamat!" At bigla niya
itong niyakap. Naramdam niya ang pagkagulat nito. Nang mapagtanto ang ginawa ay
agad din siyang napabitiw.

"Kailangan niyong tumira dito sa bahay ko ng anak ko" Seryosong sabi nito na
ikinagulat niya.

"Ano?!"

"Why? Is there any problem? I am much sure na wala ka pang-asawa" Taas kilay na
sabi nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Aaminin niya na hindi talaga siya palaayos. Sobrang simple niya lang kung
ikukumpara sa ibang babae.

"Oo, pero--"

"No more buts! At ngayong mismong araw na ito, gusto kong dalhin mo ako sa anak ko.
Gusto ko siyang makita"
Alanganin siyang napatingin dito "Allen, baka pwedeng bigyan mo muna ko ng ilang
araw para maipaliwanag sa anak ko ang pagbabalik mo?" Nakikiusap na sabi niya.

"Masyado ng mahaba ang palugit kong limang taon sayo Samantha, Panahon na para
makasama ko naman ang anak ko" Seryosong sabi nito sa kanya.

Sakay ng sasakyan nito ay hindi mawala ang kaba na nararamdaman niya. Eto na,
magkikita na sila ng anak niya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ng
anak niya.

Halos pawalan siya ng ulirat ng makita si Alexander at Franco na nakaupo sa labas


ng bahay nila. Masayang nagkwekwentuhan ang mga ito habang nakakandong dito ang
anak niya.

Agad napatingin ng masama sa kanya si Allen.

"Tell me Sab, are you with that fucking guy?!" Galit na sabi nito.

"Wag mong pakialaman ang personal kung buhay Allen" Matigas na sabi niya "Halika na
at bumaba na tayo" At mabilis na siyang bumaba sa sasakyan nito.

Kita niya ang pag ningning ng mata ng anak niya. "Nanay!" Sigaw nito at tumakbo
papalapit sa kanya.

"Alexander dahan-dahan lang at baka madapa ka" Sabi niya sa anak pero nakatulala
lang ito at nakatingin sa likuran niya.
Kita niya rin ang pagtayo ni Franco mula sa pagkakaupo.

"Nanay, sino po siya?" Takang tanong ng anak niya at wala itong kurap na nakatingin
sa likuran niya.

"Ah anak, pasok muna tayo sa loob ha? May inportante kasing sasabihin si Nanay" At
hinawakan na ito sa kamay at iginaya papasok.

Kita niya ang palitan ng matatalim na tingin nina Franco at Allen.

Lalong nagliyab ang mga mata ni Allen ng lapitan siya ng Franco at hawakan sa
bewang.

Agad na bumulong sa kanya si Franco "So he agreed?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo"

"Ano maglalampungan nalang ba kayong dalawa diyan?!" Inis na baling sa kanila ni


Allen.

Agad silang nagkatinginan ni Franco, hinawakan niya ang braso ni Franco para
ipahiwatig na wag na itong patulan.
"Sa pagkakaalam ko this is a family matter, and that man shoudn't be here"

"Allen please" Pakiusap niya rito.

"Nanay, ano pong nangyayari? Sino po siya? Bakit parang magka look like kami?"
Takang tanong ng anak niya.

Kita niyang napabaling ang tingin ni Allen sa anak niya.

Agad niyang nilapitan ang anak niya. "Baby diba lagi mong tinatanong kung nasan si
Tatay?" Malumanay na sabi niya sa anak.

Agad nanlaki ang mata ng anak niya. "Nanay ibig mong sabihin" Nabitin ang
pagsasalita nito, alam niyang matalino ang anak niya at madali nitong naiintindihan
ang lahat.

"Yes baby, I am your Daddy" Masayang sabi ni Allen sa anak niya.

Agad na lumapit si Allen dito at lumuhod.

Agad hinawakan ni Alexander ang mukha ni Allen.


"Are you for real Tatay? Am I not dreaming? Ikaw talaga ang tatay ko?" Gulat na
gulat na tanong nito.

Agad naman na tumango si Allen. "Yes baby, and you are not dreaming. I'm real"
Ngiti pa nito.

Agad naman itong niyakap ni Alexander gamit ang maliliit nitong braso at ipinalupot
sa leeg ng Ama.

"Totoo ka nga Tatay, hindi na ko bubully'hin ng mga classmates ko kasi wala daw
akong Daddy" At lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Allen.

Kita niya ang pagpatak ng luha ni Allen. "No one will ever bully you again anak.
Promise yan ni Daddy" At hinalikan sa pisngi si Alexander. Nang tumayo si Allen ay
karga-karga nito ang anak.

Agad niyang pinunasan ang luhang pumatak sa kanya. Ganito pala kasarap sa
pakiramdam kapag nakita mo kung gaano kasaya ang anak mo.

Agad siyang inakbayan ni Franco habang pinipisil ang balikat "Are you happy Sam?"

Agad siyang tumango. "Kaligayahan kong makita ang anak ko na masaya"

Nang bumaling sa kanila si Allen ay kita niya pa ang matalim nitong titig sa mga
kamay ni Franco sa balikat niya.

"Pack all your clothes, sasama na kayo ngayon sakin sa Mansiyon" Walang emosyong
sabi nito.

Kita niya ang gulat sa mga mata ni Franco.

"Ah Allen, pwede bang bigyan mo muna kami ng kahit ilang araw? Hindi pa kasi alam
nina Nanay--"

"No. I'll wait for you outside" At lumabas na ito bitbit ang anak nila.

---------

Vote and Comment.

Mabilis po update ngayon habang hindi pa busy.

Matamang nakamasid sa kanya si Franco paglabas ni Allen at Alexander ng pinto.

Agad niya itong hinarap at hinawakan sa dalawang kamay. "Naiintindihan mo naman ako
hindi ba?"

Pero nakatitig lang ito sa kanya.


"Please Franco, naiintindihan mo naman desisyon ko hindi ba? Ginagawa ko ang lahat
ng ito para kay Alexander"

"I just want to know kung bakit kailangan niyo pang tumira sa bahay niya?" Naka
kunot noong tanong nito.

"Yun kasi ang kundisyon niya, kapalit ng pagtulong niya sa anak ko at hindi pagkuha
nito sakin" Malungkot na sabi niya

"Damn Samantha! I don't get it! Bakit kailangan pang may kondisyon e anak din naman
niya yun!" Galit na sabi nito. "Unless may iba pa siyang pakay sayo"

"Franco! Hindi ito tungkol sakin, gusto niya lang makasama ang anak namin, please.
Nangako naman ako sayo hindi ba?" Alo niya dito.

Agad naman itong napabuntong-hininga. "Basta magkikita parin tayo lagi okay?"

Agad naman siyang tumango.

Mabilis niyang inayos ang mga ilang gamit nila ng anak niya, hindi naman siguro
sila doon masyadong magtatagal.

Nanglumabas ng kwarto ay agad kinuha sa kanya ni franco ang mga bitbit niya.
"Nay" Tawag niya sa nanay niyang nakatalikod.

Agad niya itong niyakap at naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat nito. Dahan-
dahan itong humarap sa kanya. "Alagaan mong mabuti ang apo ko doon ha? Ma-mimiss ko
siya, basta ipangako mo sa akin pag-uwi niyo rito ay dapat magaling na magaling na
ang apo ko" At bigla siya nitong niyakap ng mahigpit.

Ilang minuto rin sila sa ganitong ayos ng matauhan. Baka naiinip na si Allen.

Matapos magpaalam sa ina ay lumabas na sila ni Franco.

"Let's go" Masungit na sabi ni Allen at pumasok na ito at ang anak niya sa loob ng
sasakyan.

Inilagay ni Franco sa backseat ang dala niyang bag.

"Mag-iingat kayo doon hon" Malungkot na sabi ni Franco at mabilis siyang niyakap at
hinalikan sa labi.

Isang malakas na busina ang nagpagulat sa kanila.

"Sige na Franco, sasakay na ako" At binuksan ang passenger seat nandoon din kasi
ang anak niya. Nang magsalita si Allen.

"Damn you woman! Dito ka sa frontseat!" Inis na sabi nito.

Pagkasakay ay napabuntong hininga siya.

"Hindi ka ba nahihiya?" Mahinang sabi nito.

Tinignan muna niya ang anak sa likod na busy sa paglalaro sa tablet nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya.

"You're flirting infront of my son! Ano nalang ang iisipin ng anak ko?!" Salubong
ang mga kilay na sabi nito.

"Allen please, wag muna ngayon. Madami akong iniisip" Ang totoo kasi ay napakasakit
ng ulo niya. Masyadong mabilis ang mga naging pangyayari at hindi niya iyon
napaghandaan.

"Mamaya ka sakin Samantha!" Madiing sabi nito sa kanya.

"Nay, nag-aaway po ba kayo ni Tatay?" Biglang tanong ng anak niya.


"Naku hindi anak, may pinag-uusapan lang kami ng Tatay mo" Ngiti niya sa anak.

"Ah okay po Nanay" At masayang bumalik na ito sa paglalaro sa tablet.

Agad niyang sinamaan ng tingin si Allen.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Mansiyon ni Allen.

Pagbaba ay kita niya ang pagka mangha sa mukha ng anak niya.

"Nay, dito na po ba talaga tayo titira?"

Agad siyang tumango, "Oo Anak, sa ngayon dito muna--"

"Yes, from now on you will live here. Pagmalaki ka na this house will be yours"
Ngiting sagot ni Allen.

"You mean Tatay rich po kayo? Kasi ang laki po ng house niyo" Nakangiting sagot ng
anak niya.
Ginulo lang ni Allen ang buhok ng anak at inakay na ito papasok ng bahay nito.

Umakyat sila sa second floor at pumasok sa isang kwarto.

"Alexander, this will be your room. Do you like it?"

Mabilis na iginala ng anak ang mata nito sa loob ng kwarto. "Are you sure this will
be my room Tatay? Nanay, ang laki na ng room natin hindi na tayo magsisiksikan doon
sa bed natin na maliit" Nakangiting sabi nito.

"No baby, your mom has different room"

"Pero tatay, doon sa bahay ni lola tabi kami matulog ni Nanay. Minsan nga
pinapatulog din ako ni Tito Ninong doon, kahit big siya nagkakasya rin siya doon"
Proud na proud pa na sabi nito.

"Who's Tito Ninong?" Kita niya ang inis sa mukha ni Allen.

"Yung guy po kanina, alam mo Tatay mabait yun lagi niya pa--"

"Okay, don't worry si Daddy na lagi makakasama mo from now on. Tsaka you're big guy
na hindi ba? Kaya dapat mag-isa kana matulog"
"Oo naman Tatay! Di na ako baby"

"Okay very good. Pahinga ka muna diyan sa room mo ha? Papakita ko lang sa mommy mo
yung bago niyang room" Ngiti ni Allen at tinawag ang isang kasambahay para bantayan
si Alexander.

Agad siyang hinila ni Allen papunta sa isang kwarto.

"Is that true?!"

"Ha?"

"Doon din natutulog sa kwarto niyo yung lalaking yun?!"

Agad niyang binawi ang braso mula dito. "Gaya ng sinabi ko, wag mong pakialaman ang
personal kong buhay"

"Do you think that's good?! Ano nalang ang iisipin ng anak ko? Na may boyfriend
pang iba yung nanay niya habang iba yung tatay niya?!"

"Matalino ang anak ko, naiintin--"


"Damn you Samantha! Nakakahiya ka! May anak ka ng tao!"

"Teka nga, oo alam ko may anak ako. Pero ang alam ko wala akong asawa. Kaya tigilan
mo ang pangingialam sa buhay ko!" Inis na sabi nya.

"Tandaan mo, hangga't nandito ka sa pamamahay ko papakialaman kita hangga't gusto


ko!" At mabilis na itong lumabas.

Agad siyang napaupo sa kama. Ano ba tong nangyayari? Magugulo nanaman ba ang buhay
nilang mag-ina? Eto ang kinatatakutan niya. Ang dumating ang araw na magkita silang
muli ni Allen.

Agad niyang inilibot ang mga mata. Malaki ang kwartong iyon. Kompleto sa gamit, may
closet, may banyo, may split type aircon, may sofa. Iba talaga ang mayayaman.
Kwarto palang pero parang buong bahay na.

Malungkot siyang napangiti. Ganito dapat ang natatamasa ng anak niya noon pa man
pero ipinagkait niya ito. Pinilit niyang bigyan ito ng magandang buhay pero
nabigyan sila ng napakalaking pagsubok.

Matagal siyang napapikit at nanalangin na sana matapos na ang lahat ng ito at


gumaling na ang anak niya. Hindi niya kakayanin pag may nangyaring masama dito.
Siya ang buhay niya. Mahal na mahal niya ang anak niya.

------------

Vote&Comment
Para ganahan ako lalo mag update :)

Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay pinuntahan niya ang kwarto ng anak
niya. Nang buksan niya ang pinto ay kita niya ang mag-ama niya kaya sumilip muna
siya at hindi muna siya pumasok.

Busy'ng-busy ito sa mga sangkatutak na laruan na nasa harapan nito.

"Thank you Tatay! Sobrang dami ko naman pong toys" Ngiti ng anak niya at humalik sa
ama.

"You know what, binili pa ni Daddy yan sa other countries pag napapadaan kasi ako
sa Mall naiisip kita kaya naipon yang mga toys mo" Ngiting sabi ni Allen.

Ngayon lang niya napansin na ang cute pala nitong mag baby talk.

"Bakit ngayon ka lang kasi dumating Tatay? Wala ka bang Day-off sa work mo? Sabi
kasi ni Nanay busy ka sa work kaya hindi ka nagpupunta sa house ni Lola"

"Yaan ba ang sinabi ng Nanay mo sayo?"

"Opo, pero hindi naman po ako sad kasi lagi naman pong nandoon si Tito Ninong--"

Sa puntong iyon ay pumasok na siya.


"Look Nanay oh, ang dami-dami ko ng toys! Pag dinalaw ako dito ni Tito Ninong
ipakikita ko lahat sa kanya tong mga bago kong toys!" Ngiting sabi pa nito.

Kita niya ang pagbabago ng mukha ni Allen.

"Sige anak kaya dapat lagi kang strong ah, halika na maghilamos ka muna kasi baka
mabaho na yung kili-kili mo" Asar niya sa anak na agad naman nagpasimangot dito.

"Nanay!" Saway sa kanya ng anak.

"Biro lang, ikaw kaya ang may pinaka masarap na kili-kili sa buong mundo" At pilit
hinahalikan ang kili-kili nito pero iniiwas niya ito.

"Nanay! Hindi na ako baby. Ako nalang ang maghihilamos mag-isa" At mabilis na itong
pumasok ng banyo. Agad naman siyang napangiti.

"My son looks strong, hindi halatang may sakit siya" Seryosong sabi ni Allen at
nakatingin sa pintong pinasukan ng anak.

Agad siyang nakaramdam ng lungkot. "Allen, busy ka ba bukas? Gusto ko sana na bukas
na tayo magpunta sa hospital para sa test mo, medyo matagal din kasi ang hihintayin
para malaman ang resulta kung magka-match kayo ng bone marrow"
"Don't worry Sam, we will do everything para gumaling ang anak natin" Seryosong
sabi nito.

"S-salamat Allen at pumayag ka na--"

"Of course. Sa tingin mo ba hindi ako papayag? Hindi naman ako selfish para
ipagkait iyon sa anak ko" Mariing sabi nito sa kaniya.

"Allen, gusto ko sana na wag na tayo magtalo lalo na sa harap ng anak ko" Pakiusap
niya rito.

"Why do you keep on saying anak mo? Anak natin Sam, anak natin!"

"Pasensiya kana, nasanay lang ako na--"

"Then from now on masanay ka na na anak natin. O baka naman gusto mo ay anak ninyo
ng lalaking yun?!"

"Allen!"

"Why? Mukhang sinanay mo si Alexander sa presensiya ng lalaking yun, wala itong


bukang bibig kung hindi siya" Kita niya ang inis sa mukha nito.
"Hindi mo masisisi ang anak ko, mula maliit siya ay si Franco na ang nakakasama
niya. Ito na ang tumayong ama niya"

"And this is your fucking fault. Kung hindi mo inilayo sakin ang anak ko hindi siya
masasanay sa iba. Naranasan niya sanang lumaki na may kasamang ama. Ngayon mo sana
marealize kung gaano ka selfish yang ginawa mo. Sinayang mo ang limang taon dahil
diyan sa galit mo!"

"Pwede ba Allen, wag mo akong sisihin alam mong nagawa ko iyon dahil narin sa
kagagawan mo. At wag na nga natin ibalik pa ang nakaraan!" Inis na sabi niya at
akmang lalabas na ng hawakan siya ni Allen sa braso.

"Tell me Sam, galit ka pa rin ba sakin hanggang ngayon?"

Agad siyang natigilan at napaisip. Galit pa rin ba siya dito hanggang ngayon? Pilit
niyang pinakikiramdaman ang sarili. Pero wala na siyang nakakapang galit para dito.

"Bitawan mo na ako Allen, hindi naman na mahalaga pa kung galit pa rin ako sayo
ngayon o hindi na. Tungkol to sa anak natin. Gusto kong maranasan niyang magkaroon
ng ama kahit sandali lang"

"What do you mean?" Takang tanong nito.

"Kaya lang naman kami nakatira dito ay dahil sa kailangan ka ngayon ng anak ko. May
kanya-kanya na tayong buhay ngayon Allen. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin"
Seryosong sabi niya.
Mabilis siya nitong binitawan at lumabas. Dinig pa niya ang pagmumura nito.

Ilang sandali lang ay lumabas na sa banyo ang anak niya. Agad niya itong pinunasan
at binihisan.

"Nanay, alam mo ba sobrang saya ko ngayon"

"Bakit naman anak?"

"Kasi sa wakas nakita ko na si Tatay, hindi na siya aalis diba Nanay?" Ngiting sabi
nito sa kanya

Alanganin siyang tumango. Pasensiya ka na anak, hindi ko kasi maipapangako yan sa


iyo.

-------

Kinabukasan ay maaga silang nagpunta ng hospital ni Allen. Ikinuha nito ng yaya si


Alexander kahit ang sabi niya ay hindi na iyon kailangan dahil gusto niyang
personal na alagaan ang anak niya.

Agad na sinagawa ang mga test. Maghihintay pa daw sila ng tatlong linggo para
malaman ang resulta.
"Hindi na kita maihahatid sa bahay, I still have an important meeting to attend.
Mag-taxi ka nalang" At mabilis na siya nitong iniwan.

Dahil maaga pa naman ay tinext niya si Franco, gusto niya itong makausap.

Ilang minuto lang ay dumating na ito at sinundo siya. Pumunta sila sa isang sikat
na Restaurant.

Agad na hinawakan ni Franco ang kamay niya nang maupo sila. "Kumusta ang unang araw
niyo? Hindi ka ba niya sinaktan?" Alalang tanong nito sa kanya.

Agad siyang umiling. "Hindi Franco, mabuti naman ang pakikitungo ni Allen sakin,
lalo na kay Alexander"

Biglang lumungkot at itsura nito. "Na-mimiss ko na agad ang batang yun, dati rati
ano mang oras ko kayo gustong makita ay mapupuntahan ko kayo agad"

Agad naman niyang pinisil ang palad nito. "Pwede ka parin naman dumalaw, sigurado
akong na-mimiss ka na rin ng anak ko" Ngiti niya rito.

"Baka nga hindi na niya ko naaalala kasi nandiyan na yung totoong Daddy niya"

"Ano ka ba Franco! Kung mas may naging ama sa anak ko, walang iba kung hindi ikaw.
Kaya wag ka ng malungkot okay?" At lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi.
Agad naman lumapad ang ngiti nito.

Pero biglang nawala ang ngiti niya nang mapatingin sa gawi ng isang table. Kita
niya ang madilim na mukha ni Allen.

Agad siyang kinabahan. Pero agad din naman iyon nawala. Bakit naman siya kakabahan?
Wala naman siyang ginagawang masama. Isa pa, mag-nobyo naman sila ni Franco.

-------------

Vote&Comment?

Team Franco o Team Allen? :)

Halos mawalan na siya ng ganang kumain. Ramdam kasi siya niya ang titig nito sa
kanya.

"Are you okay Hon?" Alalang tanong ni Franco sa kanya.

"Ah oo" Ngiti niya rito.

Kaya pinilit niyang balewalain ang presensiya nito.


Nang matapos kumain ay tumayo na sila, ihahatid daw siya nito sa Mansiyon.
Hinawakan pa siya nito sa bewang at dire-diretso na itong lumabas.

Habang nagmamaneho ay hindi niya maiwasan mag-alala, dapat ba ay tinawagan muna


niya si Allen at nagpaalam na pupunta doon si Franco para dalawin si Alexander?

Pag dating ay agad niyang nakita ang naglalarong anak niya sa may garden kasama ang
yaya nito.

Nang mapatingin sa direksiyon nila ay dumoble ang ngiti nito. "Nanay! Tito Ninong!"

Agad itong niyakap ni Franco. "Kumusta na ang baby namin?" Ngiting tanong nito

"I'm okay Tito Ninong! Alam mo po ba ang laki ng room ko, tapos ang dami dami ko
din pong toys!" Masayang sabi ng anak niya.

"Talaga?"

Agad naman itong tumango "Look, ipapakita ko po sila sa inyo" Masayang hinila nito
si Franco sa kwarto nito.

Pinakita lahat ni Alexander ang mga bago niyang laruan kay Franco.
"Sabi ni Tatay binili pa niya ito sa ibang countries, rich pala ang Daddy ko Tito
Ninong" Nanlalaki pa ang mata nito habang nagkwekwento.

Hindi tuloy namin mapigilan ni Franco na magkatinginan at sabay na matawa.

"I didn't know that we have visitor" Dinig niya ang baritonong boses na nagsalita.

"Tatay!" Agad naman tumakbo dito ang anak niya at humalik sa pisngi. Agad naman
itong binuhat ni Allen. "Tatay, siya po yung Tito Ninong ko. Dinadalaw po niya ako
kasi na-mimiss niya daw po ako"

"Really? Ikaw ba talaga ang na-mimiss niya o ang mommy mo?"

"Allen!" Saway niya rito.

"I'm just kidding son, oh sige na maglaro ka na muna ulit ng mga toys mo" At
ibinaba nito si Alexander.

Agad naman pumunta ang anak niya kay Franco.

"Can I talk to you for a moment?" Seryosong sabi ni Allen.


Agad silang nagkatinginan ni Franco bago ito tumango.

Pagkasara ng pinto ay hinila siya nito at ipinasok sa loob ng kwarto at ibinalya sa


may pintuan. Nang libutin niya ng tingin ay nalaman niyang kwarto pala ito ni
Allen.

"Who gave you permission para papasukin ang lalaki mo dito sa pamamahay ko?!" At
hinawakan ang magkabila niyang braso at itinaas sa ulunan niya.

"Ano ba Allen--"

"Answer me!"

"Pasensiya ka na, akala ko naman ay okay lang--"

"It's never been okay Sam, you know that already."

"Pero mahalaga si Franco para kay Alexander, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na
bawal siyang magpunta rito"

"Mahalaga sa anak natin o mahalaga siya para sayo?!" At lalo nitong inilapit ang
mukha nito pababa sa kanya.
"Allen please, baka anong isipin ni Franco--"

"I don't care! Mas maganda nga yun, ang isipin niyang may ginagawa tayong kakaiba
para mawala na siya!" Kita niya ang inis mukha nito.

"Pwede ba Allen! Kung wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba, pwes ako meron!
Ayokong masaktan si Franco, malaki ang utang na loob ko sa--"

"Do you love him?" Seryosong tanong nito.

Nagulat siya sa tanong nito. Matagal silang nagkatitigan at hindi siya agad
nakasagot.

"Bakit hindi ka maka--"

"Oo, mahal ko si Franco" Diretso niya itong tinignan sa mata.

Parang nag-iba ang timpla ng mukha nito at dahan-dahan siyang binitawan. "Get out.
Paalisin mo narin yang bisita mo, hindi siya welcome dito sa pamamahay ko" At
mabilis na pumasok na ito sa banyo sa loob ng kwarto nito.

Malalim siyang napabuntong-hininga bago lumabas ng kwarto.


Agad napatingin sa kaniya ang dalawa ng bumalik siya sa kwarto ng anak.

Agad siyang nilapitan ni Franco "Anong sinabi niya sayo? Gusto mo ba ay kausapin ko
siya?"

Agad siyang napailing "Hayaan mo na, alam mo namang mula noon pa galit na galit yun
sayo hindi ba?"

"Nanay, nagugutom na po ako" Biglang sabi ng anak niya at lumapit sa kanila.

Agad siyang napangiti sa anak niya. "Sige anak halika na sa baba"

-------------

Kinagabihan ay hinintay muna niyang makatulog ang anak niya bago lumabas ng kwarto
nito.

Bumaba muna siya para uminom ng tubig. Paakyat na ulit siya ng may humila sa kanya
papasok ng kwarto.

Hindi pa siya nakakahuma ng mabilis siyang halikan ni Allen.


Mapusok ang mga halik nito at mapagparusa.

"Allen!" Tulak niya rito.

Agad siyang hinawakan nito sa magkabilang pisngi at parang kinukulong ang mukha
niya. Ipinagdikit nito ang mga noo nila. "I miss you so much Sam" Mahina pero
damang-dama niya ang pagkakasabi nito. Nang bigla niyang maamoy ang alak sa hininga
nito.

"Allen lasing ka, bukas nalang tayo mag-usap" Akmang tatalikod na siya ng hilain
siya nito payakap.

"Sam please, I need you now" At lalong humigpit ang pagkakayakap nito.

Nang iangat niya ang ulo para tignan ang mukha nito ay malungkot ang mga mata nito.
Matangkad si Allen kaya kailangan niya pang tumingala.

Mabilis nanaman siya nitong hinalikan at sa pagkakataong iyon ay marahan ang ginawa
nitong paghalik at punong-puno ng pag-iingat.

Nadadala na siya sa klase ng halik nito ng biglang maisip si Franco.

Malakas niya itong itinulak. "Mali ito Allen, may nobyo na ako. Kung ano man yang
nararamdaman mo ngayon Allen dala lang yan ng kalasingan. Magpahinga kana" At
mabilis na siyang tumalikod para lumabas. Dinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya
pero hindi na niya ito nilingon.
Kinabukasan ay maaga siyang pinuntahan ng anak niya sa kwarto. Kaya Alas sais
palang ng umaga ay nasa may hapag kainan na sila. Sakto naman ang pagbaba ni Allen.

"Good morning Tatay!" Masiglang sabi ng anak niya.

"Good morning" Ngiti nito at nilapitan ang anak para halikan sa ulo.

Silang dalawa naman ni Allen ay halos hindi magkatinginan.

"Tatay what is your favorite food?"

"Me? Sinigang. How about you?"

"Wow, same po tayo ng favorite ng food Tatay. Alam mo po ba ang sarap sarap magluto
ng Sinigang ni nanay" Ngiti ng anak niya.

"Yeah, your Nanay used to cook sinigang for me before. And your correct son, that's
the best sinigang I had ever tasted, and I miss that so much" Seryosong sabi nito
ng mapatingin siya rito.

Agad naman siyang napayuko ng magtama ang paningin nila. Ramdam niya parin ang
titig nito sa kanya.
Ngayon lang niya nalaman na nasasarapan pala si Allen sa luto niya dati, akala niya
kasi puro maling bagay lang ang napapansin nito noon sa kanya.

----------

Vote&Comment

Dahil sa kondisyon ng anak nila ay napagdesisyonan nila ni Allen na mag home study
muna ito para mabantayan din nila ng maayos.

Isang linggo na ang lumipas at dalawang linggo pa ang hihintayin nila para sa mga
resulta ng test ni Allen.

Biyernes ngayon ng umaga at naisipan niyang lumabas sa garden para tignan ang mga
tanim na halaman. Nandoon na kasi amg teacher ni Alexander at nagsisimula na ang
klase nito.

Nang biglang may bumusinang kotse.

Kita niya ang Automatic na pagbukas ng gate.

Agad na pumasok ang sasakyan at halos manlaki ang mata niya ng makita kung sino ang
bumaba roon.

"Sam!" Masayang sabi ni Jane ng malingunan siya.


Agad niya itong nilapitan.

Agad naman siyang niyakap ni Jane. "Kumusta kana girl? Marami kang kwento sa akin
ha?" Ngiti nito sa kanya.

Kita niya rin ang pagbaba ni Sir Damien sa sasakyan.

"Hi Sam" Bahagyang ngiti nito sa kanya.

Agad din naman siyang ngumiti dito.

"Naku girl, first time magkikita ng magpinsan after 5 years simula ng umalis si Sir
Aj kaya sigurado ako na marami tayong oras para mag chikahan" Ngiti pa ni Jane at
agad siyang hinila nito papasok ng bahay.

Kita naman niya ang pag iling-iling lang ni Sir Damien.

Agad niya ang mga itong pinaupo sa sala at nagpahanda na siya ng tanghalian dahil
malapit na rin naman mag-lunch time at sigurado lalabas narin ang anak niya niyan.

Binalikan niya ang mga ito sa sala. "Wala pa kasi si Allen nasa trabaho pa"
"Tumawag na siya sakin at pauwi na din daw siya" Sagot ni Damien.

"Girl ano na magkwento ka na, ano ng nangyari sayo?" Curious na tanong ni Jane.

Agad siyang nalungkot. "Nagkaroon kasi ng sakit ang anak ko at kinailangan ko ang
tulong ni Allen"

Agad naman natutop ni Jane ang bibig. "Sorry Sam hindi ko alam, kumusta na siya
ngayon? "

"Malakas naman siya, nasa taas nga siya at kasama ang tutor niya. Sa ngayon
hinihintay pa namin yung mga test kay Allen kung pwede siyang maging donor"

Agad naman hinawakan ni Jane ang kamay niya. "Don't worry Sam, there's a miracle
basta wag ka lang magsawang magdasal" Seryosong sabi ni Jane. Agad siyang
napangiti, ngayon niya lang ito nakitang ganoon kaseryoso.

"Salamat Jane"

"If you need anything wag kang mahihiyang magsabi samin ni Jane, we're more than
willing to help tutal pamangkin ko naman yang anak mo" Seryoso ding sabi ni Sir
Damien.

Agad siyang napangiti sa mga ito. Masaya siya na magkaroon ng mga taong maaasahan.
"Maraming salamat po Sir Damien"
"Damien nalang Sam, hindi mo na ako boss"

"Sige ikaw ang bahala Damien" At ngumiti dito.

Napatingin naman sila sa pinanggalingan ng isang malakas na tikhim. Nang makita si


Allen.

Agad naman tumayo si Damien. "Bro, long time no see" At nagtapikan ang mga ito ng
balikat bago bahagyang nagyakap.

Nagpalit lang ng damit si Allen at tinawag narin sila ng kasambahay roon na handa
na ang pagkain.

Agad niyang tinawag ang anak niya. Magmamadali din kasing umalis ang tutor nito
dahil may lalakarin padaw ito.

"Omg Sam! Eto ba ang anak mo?" Gulat na sabi ni Jane ng dumating sila sa Dining
area kasama ang anak.

Agad naman siyang ngumiti. "Anak magkiss ka sa Tita Jane at Tito Damien mo" Baling
niya sa anak.
Agad naman siyang sinunod ng anak.

Halos pang gigilan ito ni Jane. "What's your name?"

"I am Alexander Samson po" Ngiti naman ng anak niya.

"Damien, gusto ko ganito din kagwapo ang anak natin pag naging lalaki. He's super
cute and gwapo" Ngiting-ngiting sabi ni Jane.

"What will you expect? Like father like son!" Proud na proud na sagot ni Allen.
"Come here son, sit beside me and let's eat" Ngiting baling nito sa anak.

Nang makita siya nito ay siya naman ang pinagbalingan. "Ikaw, ano pang tinatayo-
tayo mo diyan? Hindi ka ba kakain?" Kita pa niya ang inis sa mukha nito.

Mabilis naman siyang umupo sa tabi ng anak niya.

Nagkwentuhan lang ang mga ito habang kumakain. Pagkatapos ay nagpunta naman silang
dalawa ni Jane sa pool area habang ang dalawang lalaki ay nag-iinuman sa may bar
counter sa loob ng bahay.

"Uy girl, bakit parang ang sungit sayo ni Sir Aj?"


Mapait siyang ngumiti "Ganoon na talaga siya simula palang noong umpisa"

"Naku girl mag-pinsan nga talaga ang dalawang yun parehong hot tempered pati yang
Damien ko! Nako kung hindi ko lang talaga yan mahal!"

At maraming marami pa silang napagkwentuhan ni Jane. Halos Alas Nuebe na nang gabi
nang magdesisyon ang mga itong umuwi.

"Bye girl, sa uulitin ha? Basta Ninang ka ng anak ko ah" Ngiti nito sa kanya.

Agad siyang tumango "Oo naman walang problema" Ngiti niya.

Nagpasalamat pa ang mga ito bago tuluyang umalis.

"Bakit ka nakikipagngitian kay Damien?!" Inis na tanong ni Allen pag-alis ng mga


ito.

Agad siyang napamaang dito. Naiiling na mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay na
hindi ito sinasagot.

Agad siyang hinaklit ni Allen. "I'm asking you woman!"

"Natural ngingitian ko yung tao! anong gusto mo simangutan ko?" Inis na sagot niya.
"Damn! Ayokong nakikipagngitian ka sa ibang lalaki!" At mabilis na tong umakyat at
iniwan siya.

Anong problema nun? Nababaliw na talaga ito. Pati pinsan pinag-iinitan.

Mabilis din siyang umakyat at pinuntahan ang kwarto ng anak niya.

Kita niya ang anak niya na natutulog. "Sige po yaya ako na pong bahala sa kanya.
Magpahinga na din po kayo"

Mabilis itong tumango at lumabas.

Lumapit siya sa higaan ng anak niya at umupo roon. Tinitigan niya ang gwapong mukha
nito. Magkamukha talaga sila ni Allen. Sa kabila ng sigla nito ay mababanaag parin
ang pagkaputla ng balat nito.

Mabilis nanaman tumulo ang luha niya. Basta lagi ka lang nandito sa tabi ko anak,
masaya na si Nanay. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago napagdesisyunan bumalik
sa kwarto niya.

Halos manlaki ang mata niya ng makita si Allen na nakahiga sa may kama niya.
"What took you so long?!" Inis na bungad nito.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Isn't obvious? I'm waiting for you"

"Pwede ba Allen, lumabas ka na nga. Inaantok na ako" Lumapit siya dito at pilit
itong hinihila para tumayo.

Pero nginisihan lang siya nito at hindi siya nakapaghanda sa ginawa nito. Hinila
siya nito pahiga at mabilis na kinubabawan. "Got yah!" At ngumiti ito ng malawak.
"Hindi ka na makakatakas ngayon sakin Samantha"

---------

Vote&Comment

"Allen.."

Dahan-dahang bumaba ang labi nito sa labi niya, parang binibigyan pa siya ng
pagkakataon para umiwas. Pero parang nahihipnotismo siya sa paraan ng pagkakatingin
nito sa kanya.

Nang maramdaman ang mainit nitong labi sa labi niya ay awtimatiko siyang napapikit.
Naging marahan ang paghalik nito na para siyang nalalasing.

"Sam.." Tawag nito sa kanya at dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. "You want
it too right?"

"Pero Allen-"

Mabilis siya nito ulit hinalikan. Hindi man niya aminin sa sarili pero nagugustuhan
niya ang paraan ng paghalik nito.

Bumaba pa ang halok nito sa leeg niya, pababa sa collar bone. Isa-isa na rin nitong
binubuksan ang butones ng blusa niyang suot at iniangat ang suot na bra niya at
mabilis na hinalikan ang kaliwang dibdib niya.

Agad siyang napaungol.

"I miss your body Sam.." At lumipat naman ang bibig nito sa kabila.

Damang-dama niya ang pananabik nito sa katawan niya.

"Ginagawa rin ba ito sayo ni Franco?"


Nang bigla siyang matauhan at parang binuhusan ng malamig na tubig. Inipon niya ang
buong lakas para maitulak ito. "Allen please, lumabas kana muna" Mahinahong sabi
niya.

"Sam no please--"

"Sige kung ayaw mong lumabas, ako nalang ang lalabas!" At mabilis siyang tumayo at
lumabas.

Habang naglalakad ay ibinabalik niya sa pagkakabutones ang damit niya. Hindi dapat
iyon nangyari. Masyado siyang nagpadala dito. Sorry Franco, hindi na mauulit.

Kinabukasan ay nagising siya sa na parang lumilindol.

"Nanay! Nanay!"

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niya ang anak niya na niyuyugyog
siya

"Nanay wake up! Gising na po kayo!"

Agad siyang napangiti at hinalikan ang pisngi nito "Goodmorning anak ko"
"Nanay dali stand up kana diyan, tapos magbihis na po kayo"

Ngayon niya lang napansin na nakaligo at bihis din pala ito.

"Ha? Bakit? Saan ba tayo pupunta? Sabado ngayon anak wala ka naman tutor"

"Si nanay naman ang dami pong question. Sabi ni tatay wait ka po namin sa baba,
pagka 10 minutes wala ka pa daw po maiiwan na po kayo" At mabilis na itong lumabas.

Ni hindi man lang nito sinabi kung saan sila pupunta. Naku! Manang-mana ka talaga
sa tatay mo.

Mabilis ang ginawa niyang pagligo at pagbihis. Isang simpleng baby pink dress ang
suot niya na binili niya noon sa tiangge sa palengke. Naglagay din siya ng konting
pulbos at blush-on.

Nang bumaba ay nakita niya pa ang mag-ama na parang inip na inip sa paghihintay.
Pareho pang nakasuot ng puting damit ang mga ito.

"Tatay, nanay is here! Lets go na po!" At hinila na siya nito palabas. Mukhang
excited na excited ang anak niya.

Pinaupo niya sa back seat ang anak niya at sinuotan ng seatbelt. Siya naman ay sa
frontseat umupo dahil baka masita nanaman siya ni Allen.
"Saan ba tayo pupunta?"

"Mag-brebreakfast muna tayo tapos ipapasyal ko kayo ng anak natin" Ngiti nito sa
kanya.

Agad siyang natulala dito. Napakadalang niyang makita ang ngiti na yun.

"Is there any wrong Sam?" Takang tanong ni Allen sa kanay.

"Ah eh wala" At bahagyang ngumiti dito.

Nag-almusal muna sila pagkatapos ay pupunta daw sila ng Ocean Park.

Halos isang oras din ang biyahe nila. Pagdating nila doon ay Alas Diyes na ng umaga
saktong oras ng pagbukas nito.

Tuwang-tuwa ang anak niya habang tinitignan ang mga isda habang nasa loob kami ng
malaking aquarium. Maging siya ay nalulula rin. Ito kasi ang unang beses na
nakapasok siya rito.

Kita niya ang tuwa sa mga mata ng anak niya habang buhat buhat ng ama. Ayaw kasi
itong masyadong mapagod ni Allen.
"Oh anak uminom ka muna" Sabi niya rito sabay abot ng tumbler.

"Thank you po Nanay, sana andito din si Tito Ninong no. Para makita niya rin po
yang malalaking fish" Ngiti nito sa kanya.

Agad siyang napatingin kay Allen at kita niyang parang naging blanko ang ekspresyon
ng mukha nito.

"Alexander, can Daddy ask you a question?"

"Ofcourse po Tatay ano po ba yun?"

"Sino bang mas love mo si Daddy o ang Tito--"

"Allen!" Saway niya rito. Mabilis niyang kinuha ang anak niya at naglakad na
palabas.

Nagtataka namang napapatingin lang sa kanya ang anak niya. Kahit may kabigatan na
ito ay hindi niya ininda.

"Sam!"
Dinig niyang tawag sa kanya ni Allen pero hindi niya ito pinapansin.

"Sam! Can you please just stop for a moment?" Nang abutan siya nito.

"Wag ngayon Allen, wag dito sa harap ng anak natin. Please umuwi na tayo. Pagod na
si Alexander" At dire-diretso na siyang pumunta ng parking lot. Wala itong nagawa.

Nasira ang masaya na sanang mood nila.

Habang pauwi ay nakatulog na pala ang anak niya. Pagdating sa bahay ay mabilis
itong binuhat ni Allen at pinasok sa kwarto nito.

Matapos niya itong ayusin sa pagkakahiga ay mabilis na siyang lumabas. Mabilis din
siyang sinundan ni Allen.

"Sam yung sinabi ko kanina--"

"Bakit mo ba yung tinanong sa bata?! Gusto mo bang maguluhan siya?!"

"I didn't mean to do that. Nagselos lang ako. I'm the one who's with him pero yung
gagong yun parin ang naiisip niya!" Inis na sabi nito
Hindi niya napigilan ang sarili at malakas niya itong sinampal. "Anong karapatan mo
para tawagin ang lalaking umako ng responsibilidad mo noon ng ganyan?!" Malakas na
sigaw niya.

Nang makita ni Allen ang yaya ni Alexander na papasok ng kwarto nito ay hinila niya
si Sam papunta ng library.

"Don't you dare provoke me to say harsh words to you, dahil hinding hindi mo
magugustuhan pag ipinamukha ko sayo na may malaki karing kasalanan na nagawa
sakin!" Sigaw rin nito sa kanya.

Akmang sasampalin niya ito ulit ng mapigilan nito ang kamay niya. "Are you hurt by
the truth?" Ngisi nito sa kanya. "You're not perfect Sam, you have your own flaws.
Don't act like you're still the fucking victime here!"

"Titiisin ko ang masama mong ugali para sa anak ko. Pero wag kang mag-alala,
paggaling ng anak ko babalik na ulit ang lahat sa dati!"

"What do you mean?! You will take away my son again from me?! No way Sam! Hindi ko
na hahayaan pang mangyari yun! Eto lang ang tatandaan mo. "Sa oras na sumama o
magpakasal ka sa Franco na yun, kukunin ko ang anak ko at hindi mo na siya
makikita!" At mabilis na itong lumabas at pabagsak na ibinalibag ang pintuan.

---------

Vote&Comment

9
Agad siyang nanlambot sa narinig. Mahalaga sa kanya ang anak niya at mahalaga din
si Franco para sa kanya. Sa loob halos ng pitong taon ay lagi itong naroroon at ni
hindi siya iniwan kahit kailan. Lagi itong naka alalay at suporta sa kanya. Isa ito
sa mga taong itinuturing niyang pinakamahalaga sa buhay niya at ayaw niya itong
masaktan.

Sa lumipas na isang linggo ay pilit niyang iniwasan si Allen. Kinakausap lang niya
ito pag kailangan dahil narin sa anak nila. Isang linggo nalang at malalaman na
nila ang resulta.

"Tatay, pwede po ba pumunta dito si Tito Ninong?" Biglang sabi ni Alexander habang
kumakain sila ng breakfast.

Agad siyang nagulat sa sinabi ng anak.

Matagal bago nakasagot si Allen, pero kita niya ang pilit na ngiti nito sa anak
"Ofcourse Son"

"Yey! Thank you po tatay!" Masayang sabi nito at binalingan siya "Nanay, can you
call Tito Franco po for me?"

Nakangiti siyang tumango rito. Kita niya ang saya sa mukha nito.

Pagkatapos kumain ay kinulit na siya ng anak niya para tawagan si Franco. Sinabi
nito na pupunta ito ngayon at may dadaanan lang na importante saglit.
Kita naman niya ang inis na tingin sa kanya ni Allen habang nasa sila at nanunuod
ng Cartoon Network ang anak.

Nang may magdoorbell ay nagmamadali ang anak niya na buksan ang pinto. "Tito
Ninong!" Dinig niya pang sabi nito at masayang hinila si Franco papunta sa kanila.

"Nanay, Tatay andito na po si Tito Ninong" Ngiti pa nito

Marahan lang tumango si Allen.

Siya naman ay bahagya din ngumiti. Alam niyang awkward ang sitwasyon nila ngayon.
"Sandali lang ha, kukuha lang ako ng merienda" Natatarantang sabi niya at mabilis
na pumunta ng kusina.

Hindi niya alam na sinundan pala siya roon ni Allen.

"Is this your plan?"

Nakakunot noong humarap siya dito. "Hah?"

"Ang gamitin ang anak natin para makita ang lalaki mo?" Seryosong sabi nito.

"Wala akong alam sa ibinibintang mo" At mabilis na tumalikod at ipinagpatuloy ang


ginagawa.
Nasasaktan siya sa sinasabi nito. Bakit ba siya nito laging pinagbibintangan ng
kung anu-ano?

Pero mabilis siya nitong hinaklit "Eto ang lagi mong tatandaan Samantha, simula
ngayon ayoko ng may ibang lalaking kahati sa atensiyon ng anak ko. Eto na rin ang
huling pagkakataon na makakatapak ang lalaki mo sa pamamahay ko" At mabilis na siya
nitong binitawan at iniwan.

Nagmamadali niyang pinunasan ang mga luha niya.

Wag kang masaktan sa mga maling bagay na ibinibintang niya Samantha!

Agad din siyang lumabas bitbit ang mga merienda nandoon parin si Allen at nakaupo
sa sofa. Nang makita siya ni Franco ay mabilis itong tumayo at kinuha sa kanya ang
tray.

Kita nanaman niya ang madilim na mukha ni Allen.

"Ahm Alexander, I have something for you. Binili pa yan ni Tito Ninong sa Singapore
nung isang araw" At inilabas ang malaking box.

"Wow! Thank you po Tito Ninong! Can I open it na po?" Paalam ng anak.

Agad naman tumango si Franco. "Oo naman"


Isang itong malaking robot na kulay red.

"My son already have that toy, and I brought it in Canada" Seryosong baling ni
Allen kay Franco.

"It's okay po Tatay, para dalawa po yung ganito kong toys" Baling ni Alexander sa
Ama.

Nakita niyang natahimik si Allen. "I'll just go upstairs" At mabilis na itong


tumayo ay umalis.

Halos maghapong naglaro sina Franco at Alexander. Nang makatulog ang anak niya ay
mabilis itong binuhat ni Franco at dinala sa kwarto ng anak niya.

"Oh pano Hon aalis na ko, thank you for this day. Nag-enjoy ako. Namiss ko kayong
dalawa" Nakangiting sabi ni Franco ng ihatid niya ito sa may pinto.

Niyakap siya nito at mabilis na hinalikan sa labi.

"I just hope that this will be the last time na pupunta ka dito at magpapakita sa
anak ko" Napalingon sila at nakita ang seryosong itsura ni Allen.

"Hindi mo ako pwedeng pagbawalang makita si Alexander!" Galit na sabi ni Franco.


Agad naman niya itong hinawakan sa braso "Franco.."

"Who do you think you are? This is my house and he's my Son! I have all the
rights!" Galit na sabi ni Allen.

"Parang anak ko na rin si Alexander. Ako na ang tumayong ama niya nung wala ka!"

"That's right, nung wala ako. Since I am already here sana alam mong ilugar yang
sarili mo!" Galit na sigaw nito at bumaling sa kanya "Pumasok kana Samantha!"

Agad siyang nag-alala baka magkasakitan pa ang mga ito. "Franco sige na umalis ka
na muna ako ng bahalang kumausap sa kanya"

"Samantha! Papasok ka ba o kakaladkarin pa kita?!"

"Franco sige na, tatawagan nalang kita. Mag-iingat ka" At mabilis na siyang pumasok
ng bahay at pumasok na din si Allen at pabalyang sinara ang pinto.

"Hindi ka talaga marunong makinig Samantha!"

"Allen please wala naman intensyong masama si Franco--"


"Wag mo ng ipagtanggol yang lalaki mo!"

"Allen makinig ka naman! Hindi mo ba nakikita na mahal siya ng anak mo?"

"Wag mong gamitin ang anak ko dito Samantha! Gustong gusto mo talagang pumupunta
dito si Franco para malaya kayong makapaglandian!" Sigaw nito.

"Nanay, Tatay. Bakit po kayo nag-aaway?"

Sabay silang napatingin sa taas ng makita si Alexander na umiiyak.

Agad siyang nagmadali para lapitan ito. "Hindi anak, hindi kami nag-aaway ng tatay
mo. Nag-uusap lang kami"

"Nanay diba sabi mo bad pong magsinungaling?"

Agad siyang natigilan.

"Alexander don't talk to your mom like that!"

"Allen! Wag mo siyang sigawan"


Agad na lumapit si Allen sa anak niya. "And from now on, hindi kana pwedeng
makipagkita sa Tito Ninong mo" Mahinahon pero madiing sabi ni Allen dito.

"Allen!" Saway niya rito.

"But why Tatay? Love ko po si--" Umiiyak na sabi nito

"Tell me, who's more important to you? Daddy or your Tito Ninong?"

"Allen! Wag mo naman biglain ang bata!" At agad niyang binuhat ang anak at ipinasok
sa kwarto nito.

"Nanay, galit po ba si Tatay sakin kasi pinapunta ko po si Tito Ninong dito?"


Umiiyak parin na sabi nito.

"No Anak, hindi galit sayo si Tatay. Ayaw lang kasi ni tatay na may kaagaw sa
atensiyon sayo. Feeling kasi ni Tatay mas mahal mo si Tito Ninong kesa sa kanya"
Paliwanag nito sa anak.

"Pero pareho ko naman po silang love e"

"Oo anak, sa ngayon hindi mo pa masyadong maiintindihan. Pero Anak, okay lang ba
kung hindi ka muna masyadong makikipagkita sa Tito Ninong mo ngayon? Pero makikita
mo parin naman siya" Alo pa niya rito.
Gusto niyang bigyan si Allen ng pagkakataon para makabawi sa anak.

Agad naman itong ngumiti sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

-------

Vote&Comment

10

Ilang sandali lang ay pumasok na rin si Allen sa kwarto ng anak nila.

"Alexander.." Marahang tawag nito

Agad naman itong napalingon sa Ama.

Umupo ito sa tabi ng anak at hinawakan ang kamay nito. "Are you angry with Daddy?
Sorry kung nasigawan kita kanina"

Agad naman umiling ang anak nila. "Sorry din po Tatay, at wag po kayong mag-alala
kasi love na love ko po kayong lahat. Lalo na po kayong dalawa ni Nanay" At mabilis
na yumakap sa ama.

Hindi niya mapigilan maiyak. Mabuti nalamang at napakamabait at maintindihin ng


anak niya.

"Don't worry son, Daddy will never do that again. Pero promise me na you will obey
Daddy okay?"

Mabilis naman tumango ang anak niya "Yes po Tatay, sana rin po wag na kayo mag-
aaway ni Nanay"

Agad nilang nagkatinginan ni Allen. "Okay no worries Son, hindi na kami mag-aaway
ng Mommy"

"Sige na anak mag-sleep kana. Para mabilis kang lumaki" Ngiti niya sa anak.

"Okay po Nanay, Tatay goodnight po" At hinalikan na sila ni Allen sa pisngi.

Sabay silang lumabas ng kwarto ni Allen.

"Sam.. Yung tungkol sa kanina, I'm sorry" Seryosong sabi nito sa kanya.

"Sorry din Allen kung nararamdaman mong mas mahal ng anak natin si Franco, pero
maniwala ka hindi ko naman talaga--"

"Yes Sam, I understand. From now on wag na sana tayong mag-away I want us to be
friends para narin sa anak natin" At inilahad nito ang kamay sa kanya.

Mariin niya itong tinitigan bago niya ito kinuha at ngumiti. "Okay Allen"

---------

Simula ng mangyari ang insidenteng iyon ay unti-unti ng nagbabago ang pakikitungo


sa kanya ni Allen. Aaminin niya gusto niya ang nakikita niyang pagbabago nito.

"Nanay, can you cook us sinigang po? Miss ko na po yung luto niyo" Ungot sa kanya
ng anak niya.

"Oo nga naman Sam, miss ko na rin yung luto mo" Nakangiting sabi din ni Allen sa
kanya.

"Nako kayo talagang dalawang mag-ama" Ngiti niya sa mga ito. Habang masaya niya ang
mga itong tinitignan. Nakakandong kasi si Alexander sa ama nito.

Sana hindi na matapos ang kasiyahan ng anak niya, bukas kasi ay malalaman na nila
ang resulta ng mga test ni Allen.

"Nanay bakit ka po nakakatitig samin ni Tatay?"


"Ang gwapo-gwapo niyo kasing dalawa" Ngiti niya.

"Pero Nanay, sino pong mas gwapo sa amin dalawa ni Tatay?"

"Siyempre ako, hindi naman ako magugustuhan ng nanay mo kung hindi ako gwapo" Biro
sa kanya ni Allen.

Agad nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Agad siyang namula.

"Hala Nanay! Bakit po namumula yang cheeks niyo? May sakit po ba kayo?" Takang
tanong ng anak niya.

"Naku! Kayo talagang dalawa. Magluluto na nga ako" At mabilis na niyang iniwan ang
mga ito habang hawak ang namumulang pisngi.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Excited at kinakabahan na siya sa magiging


resulta. Dalawang beses yata niyang inulit ang pag nonobena kagabi. Buong gabi
siyang nagdasal na sana ay maging maganda ang resulta.

Nang huminto ang sasakyan sa may parking lot ng hospital ay malalim siyang
napabuntong hininga. Mabilis naman ginagap ni Allen ang isang palad niya at
marahang pinisil. "Relax Sam, Good is good. Everything will going smoothly with His
plan" At nginitian siya.

Malawak niya rin itong nginitian "Salamat Allen"


"Let's go?" Tanong nito sa kanya.

At mabilis siyang tumango. Sabay na silang bumaba ng kotse.

Halos pagpawisan na ang kamay niya habang hinihintay nila ni Allen ang Doktor sa
Clinic nito.

Mabilis naman itong hinawakan ni Allen. "Just relax okay?" Ngiti nito.

Nang dumating na ang doktor ay dumoble ang kaba niya.

"Are you ready for the result Mister and Misis?"

"Opo Dok" Mabilis na sagot niya.

Iniabot sa kanya ng Doktor ang resulta. "Congratulations! Mr. Montemayor test


results are matched to be a bone marrow transplant donor"

Agad silang nagkatinginan ni Allen at mabilis na nagyakap. Halos maiyak pa siya.


Sobrang saya niya.
"We can do the procedure after 1-2 weeks. But a few reminder Misis, there is still
a possibility of having a surgery failure. I will not guarantee you a 100% success.
But we will do our very best, that is the assurance we can give you" Ngiti nito sa
kanya.

"Salamat po dok. Naniniwala po ako sa kakayahan niyo na pagagalingin niyo ang anak
ko"

"Thank you so much doc. I'm very much willing to pay any amount, just please save
my son" Seryosong sabi ni Allen.

Ipinaliwanag ng doktor na after ng surgery ay kailangan pang manatili ng anak nila


sa hospital for 30-100 days. Matapos sabihin lahat ng detalye ay agad na tumayo ang
doktor. "Don't worry kami pong bahala sa anak niyo"

Tumayo din sila at kinamayan sila ng Doktor "Please excuse me, mag rorounds pa kasi
ako"

Nagpasalamat silang muli sa doktor bago ito tuluyang lumabas.

"Allen, pwede bang idaan mo muna ko sa simbahan bago tayo umuwi?"

"Sure, walang problema" Ngiti nito sa kanya.

Agad itong nagpark sa may gilid ng simbahan. "Okay na ako dito Allen, kahit wag mo
na akong hintayin baka may kailangan kapang gawin"
"No, I'm free today. Nilaan ko talaga itong araw na to. And I also want to pray
with you" At hinila na siya nito papasok ng simbahan. Magkahawak kamay silang
naglakad.

Habang naglalakad ay nakatingin siya sa mga kamay nilang magkalapat. Bakit parang
bumibilis ang tibok ng puso niya?

Sabay silang nagdasal ni Allen at nagpasalamat.

Pagkatapos ay inaya siya nito sa labas para mag dinner muna.

"Sam.." Marahang tawag nito sa kanya habang kumakain.

Agad siyang napatingin dito.

"I hope na napatawad muna ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo noon, I am
really sorry for all the heartache that I'ved caused you"

Agad siyang ngumiti dito. "Matagal na kitang napatawad Allen, ngayon alam ko na
talagang nagbago kana. Gusto ko rin humingi ng patawad sa lahat ng panahon na
nasayang--"

"No Sam, I understand nagawa mo lang ang lahat ng yun dahil na rin sa galit mo
sakin" At ginagap nito ang palad niya.
"Allen.."

"Sam, I just want you to know that I'm so damn happy right now dahil sa wakas ay
okay na tayo. I mean we are friends right?" Ngiti nito sa kanya.

Napangiti din siya ng bahagya, bakit tila nakaramdaman siya ng kirot ng banggitin
nito ang salitang magkaibigan lang sila.

Maghunos dili ka Sam. May nobyo ka na! Sermon niya sa sarili.

--------

The End. Charot! Hahahaha baka sakalin niyo ako.

Vote&Comment

11

Magsimula noon ay lagi na silang pinapasyal ni Allen, lagi din silang kumakain sa
labas. At talagang bumabawi ito sa anak.

"Nanay, Tatay pwede po ba tayo tabi-tabing matulog mamaya?" Request ng anak niya

Agad siyang napaubo.


"Anak, diba sabi mo bigboy kana? At ang bigboy hindi na--"

"Sure Son we will sleep beside you tonight" Ngiti ni Allen sa anak.

"Yey! Thank you po Tatay!" At hinalikan sa pisngi ang ama.

Siya naman ay biglang namula. Nang makita siya ni Allen ay nginisihan lang siya
nito at kinindatan.

Kinagabihan ay magmomovie marathon daw sila sa kwarto ng anak nila. Nag-order si


Allen ng pizza at kung anu-ano pa.

Kitang-kita niya ang masayang ngiti ng anak niya. Masaya siya na masaya ang anak
niya.

"Tatay, ang sarap po palang magkaroon ng Daddy" Biglang sabi ng anak niya.

Agad naman siyang napayuko at nakaramdam ng guilt.

Agad naman hinawakan ni Allen ang kamay niya at pinisil. "Don't worry Son, Daddy
will always here beside you, and I will never ever leave you again. I promise"
Ngiti nito kay Alexander.
Pero nakatitig lang si Alexander sa kanila.

"What's wrong Son?" Takang tanong ni Allen.

"Nanay, you're always blushing when Tatay is holding your hands. Kinikilig ka po ba
kay Tatay?" Seryosong tanong ng anak niya.

Agad naman niyang hinila ang kamay niya kay Allen. "Ah eh, ano kasi anak--"

"Why Son, don't you want daddy and mommy be back together again?"

"Siyempre po Tatay gusto! Para complete family na po tayo" Masayang sagot nito.
Pero agad din itong napalitan ng lungkot "But, how about Tito Ninong? She loves
Nanay too"

Agad silang nagkatinginan ni Allen at kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Bakit
ito malungkot?

"Anak oras na, halika matulog na tayo" Yakag niya sa anak. Masyado ng awkward ang
nangyayari. Bata pa ang anak nila at hindi dapat nito iyon problemahin.

Humiga sa gitna ang anak nila. Silang dalawa ni Allen ay nasa magkabilang gilid
nito.
"Nanay, Tatay let's pray muna po" Yaya ng anak at umupo mula sa pagkakahiga. "In
the Name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Jesus, thank you kasi
ibinalik mo na si Tatay samin ni Nanay. Sana po lagi kaming masaya at wag na po
kami iiwan ni Tatay ulit. And sana din po Jesus gumaling na po ako sa sakit ko para
hindi na po lagi nag ka-cry si Nanay. Amen"

Napangiti siya sa anak. Napakabibo talaga ng anak niya. "Goodnight anak" At


hinalikan niya ito sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Allen.

"Goodnight din po, Tatay mag goodnight ka din kay Tatay tapos kiss mo din po siya
please"

"Anak--"

Pero mabilis na siyang nahalikan ni Allen sa pisngi at mabilis na ngumiti sa kanya.

Bahagya siyang natulala. Nang matauhan ay inaya na niya ang mga itong humiga.

Pareho nilang niyakap ang anak, kaya hindi sinasadyang nagkadikit ang mga kamay
nila ni Allen. Naramdaman niya ng hawakan nito ang kamay niya at ikulong sa mga
kamay nito. "Goodnight Sam" Ngiti nito sa kanya.

"G-goodnight" Nauutal na sabi niya at mabilis na pumikit. Nahihiya siya rito.

Kinabukasan ay nagising siya ng maaga. Gusto niyang siya ang maghanda ng breakfast
para sa mag-ama.

"Goodmorning, smells good" Nakangiting bungad sa kanya ni Allen. Naka ligo na rin
ito at gwapong gwapo sa simpleng sando at shorts na suot.

"G-goodmorning din. Nagugutom kana ba? Si Alexander?"

"Relax Sam, you're stammering. Masarap pa ang tulog ng anak natin. Mukhang dapat
araw-araw magkakatabi tayong matulog" Biro nito sa kanya.

Agad nanaman siyang pinamulahan sa mukha.

"Our Son is correct, you're always blushing. Kinikilig ka ba sakin Samantha?" Ngisi
nito sa kanya.

Nagkunwari siyang naiinis dito para itago ang pagkapahiyang nararamdaman. "Ang
kapal ng mukha mo!" At pinatay na ang kalan. Tapos na kasi siyang magluto.

Mabilis siyang umakyat sa taas at papunta ng kwarto niya para maligo, pero
sinusundan pala siya ni Allen.

"Admit it Sam, nagkakagusto ka na sakin no?" Biro pa nito sa kanya.


Mabilis siyang pumasok ng kwarto at akmang isasara na ito ng pigilan ito ni Allen.
"Don't hide it Sam" Ngisi nito sa kanya.

Mabilis din itong nakapasok sa loob at isinara ang pinto.

Magaan siya nitong hinila at ikinulong sa bisig nito. "Tell me Sab, you're starting
to like me don't you?" At nakatitig ito sa mga mata niya.

"Allen.."

"Sam, don't try to hide it because you're too obvious" At inipit nito sa tenga niya
ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya.

Agad siyang napatitig kay Allen. Nahihipnotismo nanaman siya sa klase ng


pagkakatitig nito.

"Don't worry the feeling is mutual,I like you Sam. No let me rephrase it. I like
you so much Sam" At mabilis siya nitong hinalikan sa labi. Napakagaan ng klase ng
pagkakahalik nito.

Hindi na niya pinigilan ang sarili at tuluyan ng tumugon sa mainit na halik nito.

Binuhat siya nito habang hinahalikan. Inihiga siya nito sa kama. "I miss you so
much Sam, I really do" At lalong pinalalim ang halik nito habang ibinababa nito ang
pantulog na suot niya. Mabilis na hantad sa paningin nito ang panloob na suot niya.
Mabilis din nito iyon tinanggal. "Damn! So damn beautiful as always" Humahangang
hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya.

"Allen.." At mabilis na tinakpan ang pagkababae niya. Nahihiya siya rito.

Pero mabilis din itong tinanggal ni Allen. "Please don't" At kinubabawan na siya
nito. Mabilis nitong hinalikan ang leeg niya. At parang may panggigigil ito roon.
Bumaba pa ang halik nito papunta sa dibdib niya. Mabilis nitong sinipsip ang tuktok
ng magkabilang dibdib niya.

Napaungol siya dahil sa ginawa nito.

"I really miss this body of yours Sam, I really do" At bumaba pa ang halik nito sa
puson niya na nakapagparamdam sa kanya ng kiliti.

Nang bumaba pa ang halik nito sa pagkababae niya at naramdaman ang init ng hininga
nito ay napasinghap niya ng malakas.

Halos mapangapusan siya ng hininga sa ginagawa nito. Parang nakikipaglaban ang dila
nito. Wala siyang ibang alam gawin kung hindi ang umungol lang ng umungol.
Napapasabunot na rin siya sa buhok nito.

Lalo pang lumakas ang ungol niya ng ipasok nito ang isang daliri nito sa pagkababae
niya. "Damn!" Dinig pa nitong mura ni Allen.
"Allen please.." Parang nagdedeliryong sabi niya.

"Please what Sam? come on say it" At lalo pa nitong binilisan ang ginagawa.

-----------

Okay, maagang bedscene po muna tayo. Hahahahaha

Vote&Comment.

12

Napaungol nanaman siya ng malakas dahil sa ginagawa nito.

"Come on baby, say it" Marahang sabi sa kanya ni Allen habang nakatingin sa kanya.

"Allen please hindi ko na kaya.." At parang maiihi na siya.

"Do you want me to take you now Samantha?" Hinihingal din na sabi nito at lalong
bumilis ang paglabas pasok ng daliri nito sa pagkababae niya.

Mabilis siyang tumango. "Yes Allen, yes.."

Agad naman tumayo si Allen at hinubad ang suot nitong damit. Halos manlaki ang mata
niya sa nakita. Bakit tila parang mas lumaki pa iyon?
"Don't be scared baby, I'm going to be gentle" At mabilis na itong pumatong sa
kanya. Mabilis nitong hinalikan ang labi niya.

Pinaghiwalay nito ang magkabilang hita niya at sinabit sa bewang nito.

"I'm dying for this moment Samantha.." At dahan dahang ipinasok ang pagkalalaki
nito sa kanya.

It's been almost 7 years at ngayon lang ulit niya mararanasan ito. At dahil
naninibago ulit ang katawan ay napaigik siya.

"Damn baby! You're still as tight as ever!" Halos mapaungol din ito ng ganap na
maipasok ang buong pagkalalaki nito sa kanya. At dahan-dahang gumalaw.

Ibayong sarap ang nararamdaman niya, lalo na ng simulan nitong bilisan ang pagbayo
sa kanya.

"Ahhhh Allen please.."

"Please what baby? Are you cuming?" Bulong nito sa kanya. Itinaas nito ang dalawang
kamay niya sa ulunan niya at pinagsalikop ito.

Mabilis at madiin ang ginawa nitong pagbayo na halos pawalan na siya ng ulirat.
"Wag mong pigilan Samantha, spill it. Moan my name baby"

"Ahhhhh Alleeeen!" At naramdaman niya ang pagdating niya sa sukdulan.

Si Allen naman ay lalong bumilis sa ginagawa. "You're still mine Samantha, you're
still mine" At naramdaman din niya ang mainit na likidong sumabog sa loob niya.

Napangiti si Allen at mabilis siya nitong hinalikan sa labi. "Thank you Samantha"

Ilang sandali muna siyang natulala bago ganap na ma realized ang nangyari. Bumigay
siya kay Allen.

Agad niyang kinuha ang kumot at kinumutan ang kahubdan. Humiga siya patalikod dito.

Hiyang-hiya siya. Masyado siyang naging marupok sa tawag ng laman. Dahan-dahan


niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Hey, are you crying?" Hawak sa kanya ni Allen sa balikat.

Pero hindi siya sumasagot at patuloy lang sa pag-iyak. Pilit siya nitong hinarap sa
kanya.

At nang ganap na makaharap dito ay kita niya ang naguguluhan nitong mga mata. "Hey
baby, why are you crying? Napilit ba kita? I'm so sorry hindi ko napigilan--"

"Hindi Allen, hindi mo ako pinilit"

"Then bakit ka umiiyak?" Kunot-noong tanong nito.

"Dahil mali ito, dahil hindi dapat ito nangyari. Allen, si Franco. Pinagtaksilan ko
siya" At lalong tumulo ang mga luha.

"Then break-up with him" Seryosong sabi nito sa kanya.

Agad nanlaki ang mga mata niya "Allen!"

"I can see it in your eyes, you don't love him. You never do" Parang siguradong-
siguradong sabi nito

"Hindi mo naiintindihan Allen, naging malaking parte na ng buhay namin si Franco


mahala--"

"Yes I know. He's important to you but you don't love him. Utang na loob lang ang
dahilan kaya mo siya sinagot, don't deny it Sam"

Napatitig lang siya sa mga mata nito at walang maapuhap na salita.


"Break-up with him"

"Hindi iyon ganoon kadali Allen, nangako ako kay Franco na pagkatapos ng lahat ay
magpapakasal ako sa kanya" Malungkot na sabi niya.

Kita niyang nagbago at mukha nito at nagdilim. Mabilis itong tumayo at nagbihis.
Pabalabag din nitong isinara ang pinto. Wala siyang nagawa kung hindi umiyak ng
umiyak. Hindi niya alam ang gagawin naguguluhan siya sa nararamdaman niya.

Nang maalala ang anak ay mabilis siyang naligo at lumabas. Pinuntahan niya ang anak
sa kwarto nito pero wala na ito. Nang bumaba ito siya ay nakita niya ang mag-amang
nasa may hapag-kainan na.

"Nanay let's eat na po, nagwash na po ako ng hands. Goodmorning po" Ngiti ng anak
niya. Agad niya itong hinalikan sa pisngi.

"Nanay bakit po nag-rered po yung eyes niyo? May sakit po ba kayo?" Kunot noong
tanong ng anak niya.

Agad naman tumikhim si Allen. Pero hindi niya ito magawang tignan sa mata.

"Ah hindi anak, baka nalagyan lang ng sabon ni Nanay kaninang naliligo ako. Kain na
tayo" At tumabi na siya sa anak.
Ramdam niya ang mga titig ni Allen pero hindi niya ito magawang tignan. Hindi niya
alam kung paano niya ito pakikitunguhan.

"Ma'am Sam, may tawag po kayo sa telepono" Biglang sabi ng kasambahay doon.

"Sino daw po Manang?"

"Franco daw--"

"Tell him she's not here" Biglang sabi ni Allen.

Napamaang lang sa kanya ang katulong.

"Hindi po Manang, kakausapin ko po siya" At mabilis na siyang tumayo papuntang


sala.

S: Hello?

F: Hon, how are you? Busy ka ba?

S: M-mabuti naman ako. Bakit?

F: Puntahan mo naman ako dito sa condo please.

S: Bakit? May nangyari ba?

F: Oo Hon, masakit kasi ang puso ko.

S: Franco! Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Akala ko kung ano ng nangyari sayo.
F: Sorry Hon, I just miss you. Sige kung hindi ka pwede naiintindihan ko naman.
Sige na I need to hang-up. I love you.

Ni hindi siya nito hinintay magsalita at mabilis na nitong binaba ang tawag. Dinig
na dinig niya ang lungkot sa boses nito. Agad siyang kinain ng guilt sa katawan,
hindi niya dapat ito ginawa kay Franco. Sobra niya itong masasaktan pag nalaman
nito ang nangyari.

"Anong kailangan niya sayo?" Biglang sabi ni Allen na hindi niya namamalayan na
nasa likuran na pala niya ito.

"Ah wala, kinukumusya niya lang ako" At mabilis na sana niya itong tatalikuran ng
hawakan siya nito sa braso.

"Sam.."

"May kailangan ka ba?"

"Are you avoiding me? Sam, kung tungkol ito sa nangyari kanina. Hindi ko yun
pinagsisisihan" Seryosong sabi nito.

"Allen please, kung ano man yung nangyari satin please kalimutan muna yun. Isa lang
yung pagkakamali"

"Damn! Sam can you please stop fooling yourself?! Nararamdam ko, kahit hindi mo
aminin alam kong gusto mo rin ako!" Galit na sabi nito.
"Allen please alam mo naman na hindi pwede hindi ba?" Naguguluhang sabi niya.

"Then break him up! Wag mo ng pahirapan yang sarili mo. Hayaan mo naman maging
masaya ka Samantha! And I can make you happy if you will just allow me" Seryosong
sabi nito sa kanya.

"Bakit Allen, sagutin mo nga ako! Mahal mo ba ako?" Matapang na tanong niya.

Matagal siya nitong tinitigan bago nakasagot.

"Yes Samantha.. I love you"

------------

Start na po natin mga conflict next chapter. Hehehe

Vote and Comment.

13

"And I fucking know that you feel the same way!"

"Allen please, hayaan mo muna--"


Nang biglang mag-ring ulit ang telepono. Dahil malapit ito sa kanya ay siya na ang
sumagot.

"Hah? Sige, hintayin mo ako pupuntahan kita diyan" At mabilis na niyang binaba ang
telepono.

"Is that Franco?" Seryosong tanong nito sa inaya.

Agad siyang tumango. "Oo, kailangan ko siyang puntahan. Kailangan niya ako ngayon"
At mabilis na naglakad pero nahaklit parin siya nito sa braso

"No. You're not allowed to see him"

"Anong karapatan mo para pagbawalan ako?"

"Because you're living in my house, kaya gagawin mo ang gusto ko"

"Kailangan ako ngayon ni Franco!" Galit na sigaw niya. "Bitawan mo na ako"

"No Sam, hindi kita papayagan. Our son also needs you here"

"Allen please, nakikiusap ako. Sandali lang ako at babalik din ako kaagad please."
At malakas na hinila ang braso kahit na halos masugatan na siya.
"Remember this Sam, kapag lumabas ka ng pintong yan. You're obviously choosing him
over our son" Sabi nito na nakapagpahinto sa kanya sa paglabas.

Saglit siyang natigilan pero mabilis din nakahuma. Mabilis siyang lumabas at
naghanap ng taxi.

Sorry Allen, kailangan ko lang ayusin ang lahat ng sa amin ni Franco. Pangako
pagkatapos nito ay aamin na ako sayo. Gusto ko lang mawala ang lahat ng agam-agam
at guilt sa puso at isip ko.

----------

Nang makarating sa condo ni Franco ay agad siyang pumasok. Hinanap niya ito at
nakita niya ito sa kama na nakatalukbong ng comforter.

"Franco.."

Mabilis nitong ibinaba ang comforter at tumingin sa kanya. Kita niya ang pamumula
ng pisngi nito. "Hon.."

Agad niya itong nilapitan. Umupo ito mula sa pagkakahiga at niyakap siya.
Ramdam niya ang mainit nitong katawan. "Diyos ko! Ang taas ng lagnat mo"

Mabilis siyang tumayo at lumabas naghanap siya ng palanggana at bimpo.

Kaya pala parang iba ang boses nito kaninang tawagan siya. Kita niya pa ang
panginginig ng katawan nito ng lapitan niya ito.

Agad niya itong pinunasan "Ano ba kasing ginawa mo? Napakataas ng lagnat mo"
Alalang sabi niya.

"I'm sorry Sam, halos isang linggo na rin kasi kita hindi nakikita at nakakausap.
Nalungkot ako kaya hindi ako nakakakain ng maayos" Malungkot na sabi nito

"Franco! Bakit mo naman ginawa yun?"

"Because I love you so much Sam, at alam mo yan" At mabilis nanaman siya nitong
niyakap.

"Sige na magpahinga kana, babantayan kita. Ipagluluto muna kita ng mainit na sabaw"
At akmang aalis na mula sa pagkakayakap nito pero lalo nitong hinigpitan ang
pagkakayakap sa kanya.

"Hon, are we still okay?" Kunot noong tanong nito ng pakawalan siya.
"B-bakit mo tinatanong yan?" Kinakabahang sabi niya.

"I feel different, parang nag-iiba kana. Hindi na katulad ng dati" At nakatitig ito
sa mga mata niya.

"I-I'm sorry Franco" At bigla siyang napahagulgol at napayuko

"Why are you sorry?" Takang tanong nito

Dahan-dahan nitong iniangat ang mukha niya at pinupunasan ang mga luha sa mata
niya.

"Tell me Hon, what's wrong? Ayaw kitang nakikitang ganyan" Malungkot itong
nakatitig sa kanya.

Pero patuloy lang siya sa pag-iyak. Gustong gusto niyang sabihin ang lahat ng
nararamdaman niya pero naduduwag siya. Nang makita makita ang maamong mukha ni
Franco ay umurong lahat ng lakas niya, hindi niya ito kayang makitang nasasaktan.

Hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Gulong gulo na rin siya.

"Are you okay now Hon?" Alalang tanong nito sa kanya.


Agad siyang tumango. "Ipagluluto muna kita" At mabilis na siyang tumayo at wala na
itong nagawa.

Habang nagluluto ay hindi niya mapigilan ang emosyon. Ipit na ipit siya sa mga
nangyayari.

Nang balikan niya si Franco ay nakatulog na ito. Agad niya itong nilapitan at umupo
sa gilid ng kama.

Hinawakan nito ang leeg at noo nito. Nakahinga siya ng maluwag ng malamang bumaba
na ang lagnat nito.

Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito. Sorry Franco, hindi deserved ng isang
mabait, mapagmahal at maaalalahanin na lalaking katulad mo ang isang malanding
kagaya ko.

Mag-aalas singko na pala ng hapon. Kailangan na niyang umuwi. Nag-iwan nalang siya
ng note para pag gising ni Franco.

Pag dating ng mansiyon ay tahimik ang buong kabahayan.

Pagpasok niya palang ay nilapitan na siya agad ng isang kasambahay.

"Ma'am Sam!" Kabadong sabi nito


"Bakit Manang?" Mabilis ang kabog ng dibdib niya.

"Ang anak niyo po sinugod ni Sir sa hospital, bigla nalang po kasi siyang nawalan
ng malay" Alalang sabi nito.

Halos himatayin siya.

"Manang, pakisabi naman po dun sa driver ihatid ako" Nagmamadaling sabi niya.

Agad naman itong tumango at umalis. Pumasok muna siya ng kwarto at nagdala ng mga
gamit ng anak.

Habang nasa sasakyan ay abot-abot ang kabang nararamdaman niya.

Agad siyang nagpunta ng information desk at itinanong ang kwarto ng anak niya. Nang
malaman ay halos takbuhin na niya ito. Wala rin siyang tigil sa pagdarasal.

Nang makita ang kwartong sinabi sa kaya ay mabilis na kumabog ang dibdib niya.
nakita niya ang dalawang lalaking nakabantay sa may pintuan. Nakasuot ang mga ito
ng itim na damit.

Akmang papasok na siya ng pigilan ng isa.


"Excuse me po Ma'am sino po kayo?" Kunot-noong tanong ng lalaki.

"Ako yung nanay nung batang nandiyan sa loob" At akmang papasok na ulit ng harangin
nanaman siya nito.

"Bawal mo kayo diyan sa loob Ma'am"

"Ano bang sinasabi mo?! Ako nga yung nanay nung bata diyan sa loob! Papasukin niyo
ako gusto kong makita ang anak ko!" Sigaw niya sa mga ito.

"Hindi po talaga pwede Ma'am umalis nalang po kayo"

"Nandiyan ba si Allen? Sabihin mo nandito na ako. Sabihin mo nandito na si


Samantha" Umiiyak na sabi niya

"Sorry Ma'am pero si Sir Allen po ang nag-utos na bawal po kayong papasukin"
Seryosong sabi nito.

Parang bomba iyong sumabog. "Ano bang pinagsasabi mo?! Umalis kayo diyan at
paraanin niyo ko please! Nakikiusap ako sa inyo parang awa niyo na gusto kong
makita ang anak ko" Hagulgol niya.

"Sorry po Ma'am pero wala po kaming magagawa, sumusunod lang po kami sa utos"
"Alexander! Anak! Nandito si Nanay! Anak!" Sigaw niya. Halos maka-agaw na siya ng
atensiyon sa iilang tao na naroroon.

"Nagsasayang lang po kayo ng laway ma'am hindi po kayo maririnig nung mga tao sa
loob, isang special na soundproof room po ang kwarto na to"

"Tawagin mo si Allen please gusto ko siyang makausap please, kahit yun nalang
please" Hagulgol niya habang hawak niya ang kamay ng lalaki at nagmamakaawa.

Mukhang nahabag naman ito sa kanya. May pinindot ito sa may tenga nito at may
kinausap.

Ilang sandali lang ay bumukas na ang kwarto at iluwa ang madilim na anyo ni Allen.

--------

Vote and Comment.

14

"Allen? Kumusta si Alexander? Gusto ko siyang makita" Habang walang tigil ang mga
luha niya

"No."
"Allen!" Gulat na gulat na sabi niya.

Mabilis siyang lumapit sa pinto, pero bago pa siya makapasok ay hinawakan na siya
ni Allen at kinaladkad.

"Allen, saan mo ako dadalhin? Parang awa mo na gusto kong makita ang anak ko
please" Pagmamakaawa niya rito habang pilit inaalis ang pagkakahawak nito sa kamay
niya.

"Don't make a scene here sam!"

Mabilis siya nitong dinala sa rooftop ng hospital. "There! Sumigaw ka ng sumigaw


hanggang sa gusto mo!"

"Allen! Ano bang nangyayari? Bakit ka nagagalit sakin?" Naguguluhang tanong niya.

"Dahil pabaya kang ina! I told you not to see that man right?!" Galit na sigaw nito
sa kanya.

"Pero pinuntahan ko lang siya dahil kailangan niya ako ngayon, Allen ngayon niya
lang ako kinailangan!"

"Putang*na Samantha! Kailangan ka rin ng anak natin! Galit na sigaw nito sa kanya.
Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito.
"Allen please, hindi ko naman alam na--"

"Wala kang alam dahil busy kang nakikipaglandian diyan sa lalaki mo!"

Mabilis na dumapo ang kamay niya sa palad nito.

Agad nitong hinawakan ang pisnging sinampal niya gamit ang palad nito, lalong
nagdilim ang paningin nito ng tumitig sa kanya "Nasasaktan ka ng katotohanan? Mas
pinili mo pang makipaglandian kesa bantayan ang anak natin! Anong klase kang ina!
Alam mong may sakit si Alexander! Pero mas pinili mong bantayan ang gagong yun?!
Bakit nakakamatay din ba ang sakit niya para mag-alala ka ng ganoon?! Damn you
Samantha! Our son almost died awhile ago! Nang magising siya ay hinahanap ka niya!
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi mo dinala yang putanginang cellphone mo!"
Kulang nalang ay sumabog ito sa galit.

Nanghihina siyang napaupo sa sahig at humagulgol.

"I'm sorry.. h-hindi ko alam na mangyayari to kung alam ko lang ay hindi na sana
ako umalis"

"Too late Samantha, hindi ka karapat-dapat tawaging isang ina" At tumalikod ito sa
kanya.

"Allen please wag, please. Kailangan ako ng anak ko" At hinawakan ang isang paa
nito habang nakaluhod at nagmamakaawa. "May karapatan ako sa anak ko Allen please
nakikiusap ako sayo, pag-usapan natin tong mabuti. Parang awa mo na" Hagulgol niya.
"Get off Samantha, sa panahong ito. Ako naman ang masusunod at magdedesisyon"
Matigas na sabi nito.

"Allen, paano pag hinanap ako ni Alexander? Please hindi yun sanay ng wala ako.
Siguradong hahanapin niya ko pag gising niya Allen please--"

"Shut up! Bumitaw kana Samantha." At pilit hinihila ang isa nitong paa.

"Ako ang ina! Ako ang mas may higit na karapatan!" Sigaw niya

"Really? Well lets see" Ngisi nito sa kanya ng humarap ito

"Idedemenda kita ng kidnapping!"

"Go on, magdemanda ka. I don't fucking care. Pwede kong sabihin na pabaya kang ina
at hindi mo kayang alagaan ang anak natin. Na mas pinili mo pang alagaan ang lalaki
mo kesa sa kanya. You know me Samantha, naging demonyo ako noon kaya alam mo ang
mga kaya kong gawin. Kaya kong maglustay ng milyong milyong pera para sa anak ko. E
ikaw Samantha? Ano ang kaya mong gawin?"

Agad siyang natigilan at matalim itong tinitigan.

"Ah oo nga pala, I forgot. Kaya mo nga palang ibenta ang katawan mo kapalit ng
pera" Ngisi nito sa kanya.
"Hayop ka!" At mabilis siyang tumayo at pinaghahampas ito sa dibdib at
pinagsasampal ito.

"You turned me into a monster again Samantha, kayang-kaya kitang ipagpalit para sa
anak ko. Ginawa ko ang lahat para maging maayos tayo. Pero nagmatigas ka. Ngayon,
humingi ka ng tulong diyan sa gagong lalaki mo. Yun ay kung kaya ka niyang
matulungan. Mali ka ng pinili Samantha. Maling-mali" At mabilis na siya nitong
iniwanan.

Halos maglupasay siya sa sahig. Hindi niya kayang mawala ang anak niya.

Mabilis siyang bumalik sa kwarto ng anak. Maghihintay siya sa labas kahit abutin pa
siya ng ilang oras.

"Ma'am bawal po kayo dito" Baling sa kanya ng lalaki.

"Please kuya, dito lang po ako at hindi ako mang gugulo parang awa niyo na po"

Agad nagkatinginan ang dalawang lalaki "Ma'am baka po kasi kami naman ang
malintikan ni Sir" Umiiling na sabi ng mga ito.

"Sige na kuya dito lang po ako sa labas, hindi po ako manggugulo please, maawa
naman po kayo sa akin hindi ko po kayang mahiwalay sa anak ko" Umiiyak na sabi
niya.
Matagal siyang tinignan ng lalaki bago tumango. "Sige Ma'am pero sandali lang po
kayo diyan ha"

"Salamat po kuya, salamat po" At mabilis na hinawakan ang mga kamay ng mga ito
habang walang tigil sa pasasalamat.

Dumaan ang halos dalawang oras. Kahit hindi nakikita ang anak, basta malapit lang
ito sa kanya ay kuntento narin siya kahit papaano. Halos alas nueve ba ng gabi.
Pagod at gutom na siya pero hindi niya iyon alintana.

Nakaupo na rin siya sa sahig ng hospital.

Nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito sa Allen.

Masama siya nitong tinitigan. "What are you still doing here?!" Sigaw nito. "Kayo,
bakit niyo hinayaan dito ang babaeng yan?!" Baling nito sa dalawang lalaking
bantay.

Bigla siyang tumayo. "Allen, gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Alexander"

Agad itong napangisi sa kanya. "Really? You want to know his situation?! Kung hindi
mo siya iniwan para diyan sa lalaki mo hindi ka na sana nagtatanong ngayon" Madiing
sabi nito. "You two. Bantayan niyong mabuti yang babaeng yan may kailangan lang
akong asikasuhin. Wag na wag niyo siyang papapasukin!" At mabilis na itong naglakad
palayo.

Pero mabilis niya itong hinabol hanggang parking lot.


Agad niya itong hinawakan sa braso. "Allen"

"Damn it Sam! Hindi ka ba makaintindi?!"

"Parang awa mo naman, ano ba ang kailangan kong gawin? Sabihin mo lang at gagawin
ko lahat please!" At lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito.

"You don't need to do anything dahil wala ka ng magagawa" At akmang sasakay na sa


kotse nito pero pinigilan niya ito.

"Please sabihin mo nalang sakin ang kundisyon niya. Okay lang anak ko hindi ba?"

Matagal ito bago sumagot. "He's in critical condition!"

Agad niyang natutop ang bibig. Ang kawawa kong anak.

"Please Allen, payagan mo naman akong makita siya kahit ngayon lang, kahit isang
beses lang" Pagmamakaawa niya pa dito.

"Ngayon Samantha, ramdam mo na ba ang sakit na ipinaranas mo sa akin 5 years ago?!


Nararamdaman mo na ba kung gaano kasakit ipagtabuyan?! Kung gaano mo kagustong
makita ang anak mo pero hindi ka man lang binigyan kahit isang pagkakataon?!" Galit
na sabi nito. "Now we are even!" At mabilis na sumakay ng kotse niya.

Naiwan siyang nag-iisa habang nakatulala.

-----------

Wooooh!

Vote&Comment

15

Lumipas pa ang ilang araw pero lalong hinigpitan ang pagbabantay sa anak niya, ni
hindi na rin siya pinapapasok sa hospital. Lagi nalang siyang naghihintay sa
Parking Lot sa pag-asang makikita si Allen, ni hindi na rin siya pinapapasok sa
Mansiyon. Halos sa kalye na nga siya matulog. Halos mabaliw na siya sa pag-iisip.
Kailangan na kailangan niyang malaman ang kundisyon ng anak.

Mabilis siyang umalis at pumunta ng Mansiyon. Kailangan niyang makausap si Allen.


Hindi pwedeng wala siyang gawin.

"Allen! Allen! Lumabas ka! Kausapin mo ako!" Sigaw niya sabay doorbell sa may gate.

Halos kalahating oras na siya doon pero walang lumalabas. Kumuha siya ng malaking
bato at inihagis. Lumikha iyon ng malakas na ingay.

"Ma'am Samantha!" Gulat na bungad ng kasambahay.


"Manang, nandiyan po ba si Allen? Please naman po kailangan ko siyang makausap"
Umiiyak na sabi niya.

Nang biglang may humintong kotse.

Nanlaki ang mata niya ng makita si Franco.

"Hon, anong nangyayari dito?" Bakit ganyan ang itsura mo?" Pagtataka ang gulat ang
nasa mukha nito.

"Sorry po Ma'am pero umalis na daw po kayo sabi ni Sir, please po umalis na kayo
baka ako naman po ang mawalan ng trabaho" Nakikiusap na sabi ng kasamabahay.

"Please Manang, hindi ako aalis dito. Si Alexander nandiyan kumusta na siya? May
alam ba kayo sa kalagayan niya?" Nanginginig na tanong niya.

"Hon, I don't understand ano ba talagang nangyayari? Nag-alala ako kung bakit hindi
ka nagpaparamdam. nakapatay din ang cellphone mo, kaya pinuntahan na kita dito"
Biglang sabi ni Franco at nilapitan siya nito para hawakan sa kamay.

Dahil sa tindi ng sama ng loob na nararamdaman ay niyakap niya ito at napahagulgol.


"Franco, si Alexander.."

Agad naman hinagod ni Franco ang likod niya "Ssshhh, calm down Hon"
"Kukunin nila ang anak ko Franco! Kukunin nila si Alexander!" At lalong lumalakas
ang hagulgol niya.

"I told you paalisin niyo ang babaeng yan!" Biglang sigaw ng isang boses na
kilalang-kilala niya.

Nang mapalingon dito ay kita niya ang madilim na mukha ni Allen napabitiw siya sa
pagkakayap ni Franco. Agad naman siya nitong hinawakan sa bewang.

Lalong naningkit ang mga mata ni Allen.

"Paano nakapasok ang babaeng yan dito sa loob ng subdivision?!" Baling nito sa
kasambahay.

"Allen, nakikiusap ako sayo. Ibalik mo na sakin ang anak ko. Hindi ko kayang
makitang wala siya mababaliw ako Allen"

"Sa nakikita ko mukhang masaya pa kayo ng lalaki mo, nakukuha niyo pang magyakapan
sa gitna ng daan!"

"Gago ka ah!" At mabilis itong nasuntok ni Franco.

Agad naman nakabawi si Allen at nagsuntukan silang dalawa.


Nang biglang dumating at umawat ang mga bodyguard ni Allen. Nang akmang susugurin
na nila si Franco ay bigla niya itong niyakap "Tama na please, hindi siya lalaban
please" Umiiyak na sabi niya. Marami ang mga ito tiyak na dehado si Franco.

Kita niya ang sakit sa mga mata ni Allen. Pero aagad din iyon napalitan ng galit.

"From now on, wag na wag niyo ng papatapakin ni sa semento ng sibdivision na ito
ang dalawang yan kung hindi kayo ang malilintikan sa akin!" baling nito sa mga
tauhan nito. Akmang tatalikod na ito ng mabilis siyang tumakbo para hawakan ito sa
braso.

"Allen! Si Alexander, kumusta na ang anak ko?" Nanginginig na sabi niya.

Agad itong natigilan at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. "Get
off me. Wag mo akong hawakan matapos mong yakapin yang lalaki mo" Matigas na sabi
nito sa kanya.

Nang bigla siyang lumuhod sa harap nito.

"Sam!" Dinig pa niyang sabi ni Franco.

Nang mag-angat siya ng tingin kay Allen ay kita niya ang pagkagulat sa mga mata
nito.

"Nagmamakaawa ako sayo Allen. Wag mong gawin sa akin ito. Si Alexander ang buhay
ko. Hindi ko kakayanin pag nawala siya, please maawa ka" At hinawakan ang dalawang
kamay nito habang nakaluhod.

"Kung gusto mo, saktan mo nalang ulit ako. Pagmalupitan mo nalang ulit ako. Murahin
mo nalang ako. Lahat ng yun kakayanin ko Allen, pero hindi ko kailanman kayang
mawala'y sa anak ko" Hagulgol niya.

"Hiwalayan mo ngayon din ang lalaking yan" Seryosong sabi nito sa kanya, nagulat
siya sa sinabi nito.

"Allen.."

"Dump him infront of me" Walang emosyong sabi nito.

Agad siyang napalingon sa gawi ni Franco at kitang kita niya ang galit sa mukha ni
Allen.

"Damn you asshole!" Sigaw ni Franco.

Napangisi lang si Allen dito.

"What now Samantha? I'm waiting"


"Allen, hindi naman kailangang--"

"Hindi mo kaya? Well, that's your choice!" At akmang hahakbang na ng hawakan niya
ito sa paa.

"Oo Allen. Gagawin ko na please, please"

Ngumisi si Allen sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. At


malungkot na napatingin kay Franco.

Lumapit ito sa kanya. "Hon please, don't do this to me please. I love you so much.
Magpapakasal pa tayo hindi ba?"

"How can you still marry a woman na nalawayan na ng iba?" Biglang sagot ni Allen.

"I don't fucking care! pinilit mo siya noon! Hindi niya kagustuhan--"

"How about what happened the other day?" Taas kilay na sabi ni Allen.

"Allen!" Baling niya rito.

Kita niya ang naguguluhang mukha ni Franco. "What do you mean the other day?"
"Why don't you ask her" Ngisi nito.

Agad napatingin sa kanya si Franco, tila hinihintay nito ang sagot niya.

Agad niyang hinawakan ang mukha ni Franco. "Franco, Pagkakamali lang yun hindi ko
sinasadya--"

Mabilis na hinawak ni Franco ang dalawang braso niya "What do you mean?! May
nangyari sa inyong dalawa?!" Kita niya ang galit sa mga mata nito at paghigpit sa
braso niya.

"Franco I'm sorry hindi ko sinasadya, hindi ko--" Umiiyak na sabi niya.

"You disappoint me big time Samantha!" Kita niya ang sakit sa mga mata nito.

"Franco please, nung araw na puntahan kita plano ko sanang sabihin sayo ang lahat
kaso naduwag ako. Ayaw kitang makitang nasasaktan. Franco, patawarin mo ako"

"Pero sinaktan mo na ako Samantha. Doble-dobleng sakit. Nirespeto kita, minahal


kita, nagpakatanga ako sayo Samantha! Sinayang ko lang pala ang halos 7 taon na
pagmamahal ko sayo!" Kita niya ang galit sa mukha nito.

"Franco please maniwala ka, hindi ko sinasadya. Hindi ko sinadya!" Hagulgol niya.
Bigla siya nitong binitawan. "We are done Samantha! So fucking done!" At mabilis ng
pumasok ng kotse nito at pinaharurot palayo.

Umiiyak na bumaling siya kay Allen. "Ano masaya ka na ba ngayon? Unti-unti ng


nawawala lahat ng taong mahalaga para sa akin?!"

"Kung ano man ang nangyayari sayo Samantha, you fucking deserved all of that dahil
isa kang pabayang ina! And I won't easily forgive you for that!" At malakas itong
tumawa.

"Hindiiiii!" Sigaw niya at biglang nawalan ng malay.

At bigla siyang nagising ng may yumuyugyog sa balikat niya. "Nanay! Nanay!"

Nang ganap na maimulat ang mga mata ay kita niya ang anak niya at si Allen na
seryosong nakatingin sa kanya.

------------

Vote&Comment

16

Agad niyang niyakap ang anak. "Anak ko!" At biglang umiyak.


"Nanay are you okay po? Narinig ka po namin ni Tatay na nag i-scream kaya po
pumasok po kami dito sa room mo" Nakakunot noong sabi ng anak niya.

Agad siyang naguluhan. Ano bang nangyayari? Nababaliw na ba siya? Agad siyang
napatingin kay Allen. "Allen, hindi ka na ba galit sa akin? Pwede na ba ako ulit
dito sa mansiyon?"

Pinaningkitan siya nito ng mata "What are you talking about? Are you sick? Dito ka
naman talaga nakatira. Why are you asking that?"

Agad siyang napatingin sa katawan. Nakahubad siya at nakatakip lang ng kumot. Ang
ibig bang sabihin nito nakatulog siya pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Allen at
nananaginip lang siya?

Agad siyang nakahinga ng maluwag. Diyos ko! Salamat sa Diyos at panaginip lang pala
ang lahat.

"Fix yourself tapos bumaba kana. Kainin na natin yung niluto mong breakfast.
Hintayin kana lang namin ng anak natin sa labas" At inakay na nito si Alexander
palabas.

Dahan-dahan siyang tumayo. Isang panaginip. Isang masamang panaginip.

Nang biglang maalala si Franco, kailangan niya ng sabihin ang totoo. Baka isang
babala na sa kanya ang panaginip na iyon.
Mabilis niyang inayos ang sarili. Nang bumaba siya ay wala pa ang mag-ama sa hapag
kainan. Nandoon daw ang mga ito sa terrace doon daw nila gustong kumain.

Nang lumabas ay kita niya ang mga itong masayang naghaharutan. Panahon na siguro
para pagbigyan na niya ang puso niya kay Allen. Isa pa may anak sila. Eto na ang
tamang pagkakataon para buuin nila ang kanilang pamilya.

"Nanay!" Masayang tawag sa kanya ni Alexander. "Tatay said pagkatapos daw po natin
mag-eat magplaplay daw kami ng playstation sa room niya"

"Talaga anak? Sige, kaya dapat damihan mo ang pagkain ah para matalo mo si Tatay"
Ngiti niya sa anak at kay Allen.

"Okay po. Tatay let's pray na po para mag eat na tayo" At mabilis na itong pumikit.

Gaya ng inaasahan ay magana itong kumain.

"Son, pahinga muna tayo tapos magplaplay na tayo okay?" Ngiti ni Allen sa anak.

"Okay po" At mabilis na itong pumasok sa loob ng bahay.

"Ahh Allen, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya rito nang makapasok na ang anak
kasama ng yaya nito.
"Sure, about what?"

"Tungkol sa atin"

Nakita niyang naging seryoso ang mukha nito. "Go on, I'm listening"

"Napag-isip isip ko na lumalaki na si Alexander, at mas makakatulong sa pag galing


niya kung magiging okay tayo" Kinakabahang sabi niya.

"Are you saying that you're giving me a chance now?"

Marahan siyang tumango. "Pero gusto kong ayusin muna ang sa aming dalawa ni Franco.
Ayokong maging unfair sa kanya" Malungkot na sabi niya.

"Sasamahan kita" Seryosong sabi nito

"Hindi na" Mabilis na sabi niya. "Gusto kong makapag-usap kami ng maayos"

Agad ginagap ni Allen ang isang palad niya. "Thank you Sam, I promise. I won't hurt
you again" Mabilis siya nitong hinila at niyakap at hinalikan sa noo.
Nakaramdam siya ng kapayapaan sa bisig nito. Pero nakakaramdam din siya ng guilt
dahil kay Franco. Kailangan na niya itong makausap agad para matahimik na ang isip
niya.

"Kailan mo siya balak puntahan?"

"Gusto ko na sana siyang makausap agad mamaya"

Kita niyang natahimik ito pero mabilis ding tumango.

------

"Hon!" Masayang bungad sa kanya ni Franco ng mapagbuksan siya ng unit nito.

"F-franco.."

Agad nawala ang ngiti nito. "May problema ba sam?" Takang tanong nito.

"Pwede bang pumasok muna ako?"

"Ah yeah I forgot, masyado akong na-excite. I miss you so much hon!" At bigla siya
nitong niyakap.
"M-maghiwalay na tayo F-franco.."

Ramdam niyang parang nanigas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Agad itong
humiwalay mula sa kanya.

"Ang corny naman ng joke mo Hon" Mapait na ngiti nito "Saglit lang ikukuha lang
kita ng merienda" Akmang aalis na itong pigilan niya ito sa braso.

"Franco.. hindi ako nagbibiro" Seryosong sabi niya.

"Teka lang, naguguluhan ako" Kita niya ang pagkalito sa mukha nito.

"Nakapag isip-isip na ako Franco, gusto kong bigyan ng pagkakataon si Alexander


magkaroon ng buong pamilya" Seryosong nakatitig siya sa mga mata nito.

"Gusto mong bigyan ng pagkakataon si Alexander magkaroon ng buong pamilya o gusto


mong bigyan nang pagkakataon ang lalaking yun dahil mahal mo parin siya hanggang
ngayon?" Seryosong sabi nito at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Agad siyang napayuko. "Kung yun ang iniisip mo. Oo sige tama ka"

"Pero paano ako Sam? Paano tayo?" Malungkot na sabi nito at hinawakan ang dalawang
kamay niya.

"Franco, hindi sapat ang salitang salamat para sa lahat ng mabubuting bagay na
nagawa mo saming mag-ina. Ikaw ang laging nandiyan pagkailangan ko ng taong
makakaintindi sa akin. Patawarin mo ako Franco.." Habang tumutulo ang luha niya.
Nasasaktan siyang nakikita itong nasasaktan pero gusto niyang maging tapat dito.

"Pero Sam please, nangako ka hindi ba? You promised me na pakakasalan mo ako.."

"I'm sorry Franco.. pero hindi ko na matutupad ang pangako ko"

"Minahal mo naman ako hindi ba? Totoong minahal mo naman ako hindi ba?"

Agad siyang tumango. "Minahal kita Franco, pero.."

"Pero ano? Hindi katulad ng pagmamahal mo para sa kanya? All this time siya parin
hindi ba Samantha?" Kita niya ang pamumula sa mga mata nito.

"Patawarin mo ako Franco, pinilit kong kalimutan siya pero hindi ko magawa. Pinilit
kong palitan lahat ng galit yung nararamdaman ko para sa kanya pero bigo ako, sana
maintindahan mo ako. Panahon na para sundin ko naman ang tinitibok ng puso ko"
Umiiyak na sabi niya.

"Its been seven years Samantha, how can I forget you now. Paano kita
makakalimutan?!" Frustrated ba sabi nito.
"Magalit ka sakin Franco, tatanggapin ko lahat"

"Hindi ko kayang magalit sayo Samantha. Ganyan kita kamahal"

"Kung malaman mong may nangyari sa amin ni Allen hindi ka parin ba magagalit
sakin?" Seryoso niya itong tinignan sa mata. Gusto niyang magalit ito sa kanya para
mawala na ang pagmamahal nito sa kanya. Patawarin mo ako franco..

Agad nanlaki ang mata nito. "I don't believe you Sam, hindi ka ganyan klase ng
babae" Umiiling na sabi nito sa kanya.

"Hindi ako kasing linis ng iniisip mo Franco"

"Why Samantha?! Bakit mo kailangan sabihin yan?! Bakit mo ako kailangan saktan ng
ganito?! Ilang linggo palang kayong magkasama and yet pumayag ka ng magpagalaw sa
kanya?! Why Samantha?! I respected you so much in the past years! I didn't expect
that you will go too far from what I have been expected. Magaling ba siya sa kama
kaya hindi mo siya makalimutan? Why don't you try me Samantha!" At mabilis siya
nitong hinalikan.

---------

Sa lahat ng nagalit kay Allen. It's a prank! Hahahahahaha :p

Vote&Comment
17

"Franco.." Piglas niya rito.

"Why Samantha? Bakit ako hindi pwede?!" Galit na sabi nito. Kita niya ang luha sa
mga mata nito.

"Franco please wag naman ganito"

Pero hindi siya nito pinakinggan at tinulak sa may pader, pinaghahalikan siya nito
sa leeg, sa labi. Habang hawak nito ang isang dibdib niya.

"Sige! Kung ito ang kabayaran sa lahat ng kabutihan mo sakin! Sige, pero pagkatapos
nito bayad na ako sayo" At umiiyak na isa-isang binuksan ang mga butones ng suot.

Nakatitig lang sa kanya si Franco.

Malapit na niyang matanggal ang damit niya ng magsalita ito. "Stop! Tumigil kana"
Walang emosyong sabi nito.

Bigla itong napaupo sa sofang naroon at inihilamos ang mga palad sa mukha nito.
"Damn!"

Kita niya ang pagyugyog ng balikat nito. Akmang lalapitan niya ito ng magsalita
ito. "Umalis kana muna Sam" Mahinang sabi nito.
"Pero--"

"Umalis naka muna please!" Mariing sabi nito.

Mabilis niyang inaayos ang suot at lumabas. Nanghihina siya. Ano bang nangyayari.
Sobra siyang nasasaktan. Bakit? Bakit hindi niya nagawang mahalin ng buo si Franco
sa kabila ng kabutihan nito sa kanilang mag-ina.

Habang sakay ng taxi ay walang ampat ang luha niya.

Nang makarating sa mansiyon ay inayos niya ang sarili niya. Nasa sala pala si Allen
at hinihintay siya.

Agad itong tumayo ng makita siya "Sam.."

Agad siyang yumakap dito at di napagilang umiyak. Hinagod naman nito ang likod niya
"What happened?"

"Nasaktan ko siya ng sobra-sobra Allen, nasaktan ko siya.." Hagulgol niya

"Shhh, naging tapat ka lang sa nararamdaman mo Samantha" At iniharap siya nito at


pinunasan ang mga luha. "Don't cry, baka makita kapa ng anak natin isipin niya
pinapaiyak pa kita" Ngiti nito sa kanya.
Bahagya siyang napangiti dito.

"Yan, you're much beautiful when you are smiling" At mabilis siya nitong hinalikan
sa labi.

---------

Ngayon ang unang araw ng operasyon ni Alexander. Abot abot ang kaba niya. Halos
tumagal itong ng ilang oras. Si Allen naman ay nagpapagaling pa. Ang sabi ng doktor
ay kailangan muna nitong magpahinga ng isang linggo, dahil maninibago daw ang
katawan nito.

Nang lumabas ang doktor mula sa Operating Room ay agad niya itong nilapitan.

"Maayos namin nailagay ang transplant Misis, kailangan muna manatili dito ng anak
niyo sa loob ng isang buwan. Pagkatapos ay sa bahay na siya magpapagaling. Doon
natin malalaman kung successful ang operation. And we are hoping for the best
result" Seryosong sabi ng Doktor.

"Salamat po Dok, salamat po"

"No problem misis, palabas na rin siya niyan at ilalagay muna natin siya sa
Recovery Room for 2-3 hours tapos ililipat na siya sa Room niya. Excuse me, I have
to go" At mabilis na itong umalis.
Nakahinga na siya ng maluwag.

Alas Singko na ng hapon ng ilipat ang anak niya dito sa private room na kinuha ni
Allen sa hospital. Kompleto ang kwartong ito at mukhang maliit ng bahay.

Gising na ang anak niya.

"Bawal muna po siyang kumain Ma'am, at wag muna po siyang masyadong magsalita.
Sabihan niyo po kami pagnakakaramdam siya ng hilo or pagsusuka" Sabi ng nurse at
lumabas narin.

Mabilis niyang nilapitan ang anak, hinawakan niya ito sa kamay at hinalikan ito.
"Ang brave brave naman ng anak ko" Ngiti niya rito.

Kita niya rin ang bahagya nitong pag ngiti.

Nang biglang bumukas ang pinto at iluwa si Allen.

"Allen! Anong ginagawa mo dito? Dapat nagpapahinga kapa sa bahay" Gulat na sabi
niya.

Mabilis siya nitong nilapitan. "I want to see my Son, I want to know he's safe.
How's the operation?"
"Maayos naman daw ang transplant. Kailangan lang natin maghintay para malaman kung
successful ang operation, pero alam ko hindi tayo pababayaan ng Diyos" Ngiti niya
rito.

Hinawakan ni Allen ang balikat niya at bahagyang pinisil. "Ofcourse Baby,


everything will work properly"

Matamang nakikinig lang sa kanila ang anak nila.

"Kaya kayong dalawang mag-ama, magpalakas kayo agad okay?"

"Sure baby, kailangan kong magpalakas. Mukhang mapapasabak ako sayo. Matagal tagal
kitang na-miss e" Ngisi nito sa kanya.

Agad niya itong hinampas sa balikat. "Ano ka ba Allen nakakahiya sa anak mo"
Kunwari ay inis na sabi niya.

Agad silang napatingin sa pinto ng may biglang kumatok.

Nang bumukas iyon ay nagulat siya.

"What are you doing here?" Biglang naging seryoso ang boses ni Allen.

"I just want to visit Alexander" Sagot naman ni Franco.


Ibinaba nito ang hawak nitong basket ng mga prutas.

"He's fine. Pwede ka ng umalis. Nagpapagaling pa ang anak ko, bawal muna siyang
bisitahin" Nakatitig ito kay Franco.

"Look, hindi ako nagpunta rito para manggulo" Nang bigla itong bumaling sa kanya
"Sam please, alam mong importante sakin si Alexander itunuring ko na siyang parang
anak ko narin"

Matagal muna siyang napatitig dito bago tumango.

Tama ito, hindi dapat madamay ang anak nila sa problema nilang tatlo nina Allen.

Halos sampung minuto din itong nakatayo ng bumaling sa kanya. "Sam, pwede ba kitang
makausap kahit sandali lang?"

"No." Sagot ni Allen.

"I just want to talk to her"

"Tapos na sa inyo ang lahat, ano pang dapat niyong pag-usapan?" Taas kilay na
tanong nito kay Franco.
"May importante lang akong gustong sabihin sa kanya"

"Bakit hindi mo nalang dito sabihin?"

"Allen tama na, sige Franco mag-usap tayo sa labas" Seryosong sabi niya at kita ang
pagkunot ng noo ni Allen.

Nang lumabas si Franco ay tyaka siya nito binalikan. "Why do you still need to talk
with that man?"

"Allen please, eto na ang huling pagkakataon na kakausapin ko siya" At hinawakan


niya sa kamay si Allen "Please? Magtiwala ka sakin"

Tinitigan siya nito bago marahang tumango. "Okay, I trust you"

Marahan siyang tumayo at lumabas. Nakita niyang nakaupo si Franco sa mga upuan
roon.

"Franco.."

Kita niya ang lungkot sa mga mata nito ng bumaling sa kanya.


Bigla nitong hinawakan ang kamay niya "Sam, I just want to say sorry sa nagawa ko
noong nakaraan"

Marahan niyang ipinatong ang isa pang kamay niya "Franco, naiintindihan kita. Sa
lahat ng nagawa mong kabutihan sakin, samin ng anak ko hindi ko nakuhang magalit
sayo" Habang nakatitig siya sa mga mata nito.

"Thank you Sam, alam mong nandito lang ako. Pero sa ngayon hahayaan kita sa kanya
dahil alam kong masaya ka sa kanya, pero kapag sinaktan ka nanaman niya. Pangako
Samantha, hinding hindi kana niya ulit mababawi mula sakin"

Malungkot siyang napangiti dito. "Salamat Franco, pero alam ko hindi na ako ulit
sasaktan ni Allen. Malaki ang tiwala ko sa kanya na nagbago na siya"

---------

Are you sure Samantha? Hahahahaha

Ano the End na ba? Okay na sila e. Hahahahaha

Vote&Comment

18

Sa loob ng isang buwan ay magkasama nilang inalagaan ni Allen ang anak nila. Eto na
ang araw na paguwi nila sa Mansiyon. Sa bahay na itutuloy ng anak nila ang
pagpapagaling.
"Welcome home anak!" Masayang sabi niya pagpasok nila sa bahay.

May mga banners at balloons pa.

"Wow Nanay, thank you po" At hinalikan siya.

"Ehem, paano naman si Daddy" Taas kilay na sabi ni Allen.

"Thank you rin po Tatay" At hinalikan din ito ng anak nila.

"Halika pasok na tayo sa room mo" Sabi niya at inakay ang anak.

Kumuha rin ng isang private nurse si Allen para mamonitor lagi ang kalagayan nito.
Pero sa loob ng halos isang buwan ay naging matapang ito. Halos hindi mo iisipin na
galing ito ng operasyon.

"Nanay, Tatay sige na po magpahinga na po kayo. Okay na po ako dito. Andito naman
po si Ate Gina" Tukoy nito sa nurse niya.

Agad naman silang napangiti. "Ang galing galing talaga ng anak ko, I love you anak"
At hinalikan ito sa noo.
"Restwell Son, ako na munang bahala sa Mommy mo" Sabay kindat sa kanya.

Agad naman siyang namula at mabilis na lumabas. Hanggang ngayon ay hindi parin siya
nasasanay sa kapilyuhan ni Allen.

Akmang isasara na niya ang pinto ng pigilan siya ni Allen. "Hep Hep! Where you
going?"

"Magpapahinga?"

Mabilis siya nitong hinila at dinala sa kwarto nito. "Well, dito tayo magpapahinga"
Ngisi nito sa kanya.

"Teka lang Allen, ayoko yang mga ngisi mo ha" Ismid niya dito

"Why? What's wrong? And beside naipalipat ko na lahat ng gamit mo dito sa kwarto
ko"

Agad nanlaki ang mga mata niya "Anong ibig mong sabihin?"

"Mula ngayon dito kana sa kwarto ko matutulog" Ngiti nito at hinawakan siya sa
bewang "How do you think baby?"
"Allen ah! Napakapilyo mo, maliligo na muna nga ako" At pilit inaalis ang mga braso
nito sa bewang niya.

Agad naman nitong inamoy ang leeg niya "You still smell delicious" At mabilis
siyang hinalikan.

Nang lumalalim na ang halik nito ay pinigilan niya ito. "Allen, kailangan kong
maligo. Galing tayo ng hospital, ikaw din maligo ka rin"

Bigla itong napangisi ng malaki. "You gave me an idea baby, let's go!" At bigla
siya nitong binuhat ng parang sako at dinala sa banyo.

Agad siyang napatili. "Allen!"

--------

Lumipas pa ang mga araw at naging maayos na maayos na ang kalagayan ng anak nila.
Ayon sa Doktor ay naging sucessful naman daw ang transplant sa anak niya at laking
pasasalamat niya ito sa Diyos.

"Tatay! Can you cook us spaghetti po please?" Ngiti ng anak niya kay Allen.

Agad siyang napangiti, mula ng matikman kasi ng anak nila ang luto nito ay tila mas
naging magana ito sa pagkain.
"Nagtatampo na si Nanay, mas gusto mo na ata ang luto ng Tatay mo kesa sa akin"
Kunwari ay nguso niya.

"Can you please stop pouting?" Inis na sabi ni Allen at bigla na itong tumayo at
pumunta ng kusina.

Anong problema nun? "Teka lang anak ha, play ka muna dito puntahan lang ni Nanay si
Tatay"

Agad naman itong tumango.

"Uy Allen, anong problema mo?" Kunot noong tanong niya habang kinakalabit ito sa
balikat.

Pero hindi siya nito pinapansin. Kaya hinawakan niya ito sa bewang at kiniliti.

"Damn Sam, stop it!" Sabi nito na tumatawa. Agad nitong nahuli ang mga kamay niya.

"Ano ba talagang problema mo?" Nakangusong sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Ikaw! I'm having a boner right now! Can you please stop pouting your damn lips?"
Iritableng sabi nito "Kung hindi lang nagrerequest ang anak natin kanina pa kita
pinarusahan sa taas"
"Allen! Kahit kailan talaga napaka manyak mo" kunwari ay inis na sabi niya rito.

"Why? Hindi mo ba nagugustuhan ang pagiging pervert ko sayo? The way you moan and
say name last night---"

Agad niyang tinakpan ang bibig nito. "Ano ka ba marinig ka ng anak mo! Bahala ka
nga diyan" At mabilis na siyang bumalik sa sala kung saan busy ang anak niya sa mga
laruan nito.

Halos kalahating oras din ng tawagin na sila ni Allen para tikman ang luto nito.

"Wow Tatay super sarap po!" Nakangiting sabi nito at nagkalat pa ang sauce sa
bibig.

Agad naman natawa si Allen.

"Oo nga anak no, pwede ng mag-asawa si Tatay!" Ngiting biro niya sa anak

Kita niya namang parang nanigas sa kinauupuan si Allen. May nasabi ba siyang mali?

"Ah sandali lang, may nakalimutan lang pala ako gawin sa taas. Alexander you eat
well okay?" Baling nito sa anak bago ito tuluyang umalis.
Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin.

Kinagabihan matapos masigurong tulog na ang anak ay pumasok na siya sa kwarto. Kita
niyang busy si Allen na sumisimsim sa basong hawak nito na may lamang alak habang
nakatingin ito sa may veranda ng kwarto.

"Allen.."

Mabilis itong napalingon sa kanya.

"May problema ba?" Takang tanong niya.

"Ha? Wala, bakit mo naman naitanong?"

"Mula kasi nung umakyat ka dito kanina hindi kana masyadong umiimik. May nasabi ba
akong mali o hindi mo nagustuhan?"

"No Sam, may bigla lang akong naisip--"

"Kung tungkol doon sa biro ko kanina kay Alexander wag mong intindihin yun, wag mo
sanang isipin na pinepressure kita para pakasalan ako" Malungkot na sabi niya.
"Come here" At hinawakan siya nito sa bewang.

"If there is a woman I want to spend the rest of my life with ikaw yun Samantha,
pero kailangan ko munang ayusin lahat" Seryosong sabi nito.

"Allen.."

"I promise, pakakasalan kita Samantha. Bigyan mo lang ako ng konti pang oras" At
hinalikan siya nito sa labi. "You will wait for me right?" Seryosong tingin nito sa
kanya.

Agad naman siyang tumango. "Oo naman Allen" Ngiti niya rito.

"I love you Sam, I love you so much" Buong pagmamahal na sabi nito.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at napatitig dito. Hindi niya namalayan na
tumutulo na pala ang mga luha niya.

"Damn Sam, why are you crying did I say something wrong?" Alalang sabi nito at
hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

Mabilis naman siyang napailing "Hindi Allen, masaya lang ako. Ito kasi ang unang
pagkakataon na sinabi mo yan"
Nakita naman niya itong napabuntong-hininga ng malalim. "Oh God! Akala ko may
nasabi na akong masama"

"Mahal din kita Allen.. Mahal na Mahal" Ngiti niya rito. "Ipangako mo, wag mo na
ulit akong sasaktan ha?"

"Never baby, I will never do that again, I promise" At mabilis na siya nitong
niyakap at hinalikan sa buhok.

Panghahawakan ko yang mga pangako mo Allen..

-----

Vote&Comment

Author's Note

Since this is a BOOK 2, I prefer only few characters here. Yung mga ibang
characters hindi pa po kasi nila ulit time para magpakita. We're just in the middle
of the story. Marami pa pong mangyayari. PLEASE LANG PO WAG NIYO AKONG PANGUNAHAN.
And may bago namang characters na papasok. Since you are too eager to know YES may
mga bago pong CHARACTERS, kung atat po kayo at gusto ng MARAMING CHARACTERS maybe
this story is not for you. Well, we also have a glimpsed of JANE AND DAMIEN
exposure here, pero dahil I am planning to write them their own story hindi ko na
sila masyado sinasali dito.

MY STORY, MY OWN WAY OF WRITING!


PS. Nam-blablock/Mute po ako.

At dahil pinapainit niyo ulo ko, sorry wala akong ganang mag-update. Thanks.

-funnymariaclara

19

Dahil linggo ngayon ay naisipan ni Allen na yayain silang mag picnic sa park ng
exclusive subdivision na iyon.

Naghanda sila ng makakain, nagdala din sila ng mga tent kung sakaling uminit.

"Wow Tatay excited na po akong magpicnic" Masayang sabi nito hahang naka-kalong sa
ama.

"I'm excited too Son" At hinalikan ito sa ulo

"Look Tatay, ang dami pong naglalarong kids" Masayang sabi nito ng habang itinuturo
ang mga bata.

"Yes Son, why don't you join them?"

Bigla itong nalungkot. "Nanay said I'm not yet allowed to play hard kasi mapapagod
daw po ako. Nagpapagaling pa daw po kasi ako"
"Your Mommy is correct, pero andito naman si Daddy. Hindi ka naman mapapagod. Tara
let's go" At hinila na ito ni Allen.

Nakatingin lang siya sa mag-amang naglalaro sa playground. Ni sa hinagilap ay hindi


niya naisip na darating ang araw na ito. Na magigi silang kompleto at isang
masayang pamilya.

Hindi siya nagsisisi sa pagkakataon na ibinigay niya kay Allen. Si Franco kaya
kumusta na kaya siya? Bulong niya sa isip. Kahit papaano ay namimiss niya rin ito.
Ilang taon niya rin itong nakasama at itinuring na niya itong parang isang totoong
pamilya. Mapait siyang napangiti.

"Ay Tatay baka po natutulog pa si Nanay habang nakabukas ang mga eyes niya" Narinig
niyang sabi ng anak niya.

Nagulat naman siya ng makita ang mga ito na nasa harapan niya.

"Ba-bakit?" Gulat na tanong niya.

"Kanina ka po kasi namin kinakausap ni Tatay pero hindi po kayo nagsasalita"

"Ah ganun ba pasensiya na kayo. Tapos na ba kayong mag-play?" Tanong niya sa anak
niya.
"Yes po Nanay, ang saya-saya po nag-slide po kaming dalawa ni Tatay, tapos si Tatay
ang laki-laki niya po halos hindi po siya magkasya dun sa slide" Hagikgik ng anak
niya.

"Ikaw talaga" Sabi ni Allen at kiniliti ang anak.

Napahagikgik ang anak niya. Napakasarap marinig sa tenga ng tawa nito.

"Ay teka nga muna kayong dalawa diyan, Alexander halika dito pupunasan ko muna ang
likod mo. Basa ka na ng pawis" At mabilis niya itong pinunasan at nilagyan ng bimpo
sa likod.

"Mommy, paano naman si Daddy?" Ngising tanong ni Allen sa kanya.

"Oo nga po Nanay, pawis din po si Tatay" Ngiti nito

Agad lumapit sa kanya si Allen at kinuha ang kamay niyang may bimpo. Ito na mismo
ang nag-aassist sa kamay niya sa mukha nito. Kitang-kita niya ang malagkit na
tingin sa kanya ni Allen. Madiin ang ginawa niyang pagpupunas sa mukha nito.

"Ouch, baby you're hurting me" Kunwari ay nasasaktan na sabi nito.

"Paano nanlalandi kana naman, kaya mo naman punasan yang sarili mo" Taas kilay na
sabi niya rito.
"Alam mo baby, napapansin ko nitong mga nakaraang araw lagi mo akong sinusungitan.
Nireregla kana siguro no?" Ngisi nito sa kanya.

Agad niyang tinakpan ang bibig nito. Pag narinig kasi siya ng anak nila siguradong
magtatanong nanaman iyon kung ano iyong regla. Noong nakaraan kasi ay narinig niya
si Allen na sinabi ang "Pussy" hindi siya nito tinigilan kakatanong, sinabi
nalamang niya na pusa iyon. Napakabastos naman kasi ng bibig ng Lalaking to.

Bigla siyang niyakap ni Allen sa bewang. "I miss you so much Baby, miss ko na"
Ngisi nito at nakatingin sa may dibdib niya. Hindi niya kasi ito napagbigyan nitong
mga nakaraang araw dahil wala talaga siya sa mood.

"Allen!" Saway niya rito.

"Tara doon muna tayo sa tent" Ngisi nito sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin at iniwanan. Pinuntahan niya ang anak niya na busy
kumakain ng hotdog kasama ng yaya nito. Nang tignan niya si Allen ay kinindatan
lang siya nito. Narinig pa niya ang malutong na tawa nito. Hindi niya alam kung
bakit bwiset na bwiset siya sa presensiya at itsura nito.

"Son, are you happy?" Tanong ni Allen sa anak nang pauwi na sila.

"Super po. Thank you po Nanay and Tatay!" At hinalikan sila ni Alexander.
"You're always welcome Son" Ngiting sabi ni Allen at pinaggigilan ang pisngi ng
anak "Yaya, ikaw na bahala kay Alexander. Papasok na kami ng Ma'am mo sa kwarto"
Baling nito sa yaya ng anak nila ng makarating na sila ng bahay.

Mabilis naman siya nitong hinila at idinikit sa pader. "Kanina pa ako nanggigigil
sayo" At mabilis siya nitong hinalikan sa labi, sa mata, sa ilong, sa pisngi at
leeg.

Napapaungol nalang siya sa ginagawa nito. "You're making my dick hard by just
looking at you baby" At may pang-gigigil na kinagat nito ang balikat niya.

"Allen!" Saway niya rito.

"I can't get enough of you Sam, you're like a drug to me. So addictive" At mabilis
na tinanggal ang blusang suot niya. Mabilis nitong hinawakan ang magkabilang dibdib
niya at inalog-alog.

"Allen masakit" Daing niya.

Tinignan naman siya nito ng magpagtataka. "Why are you so sensitive this fast few
days?" Nakakunot noong tanong nito sa kanya.

Hindi niya nga rin maintindihan ang sarili niya kung anong nangyayari sa kanya
ngayon.

"Magpahinga muna tayo, inaantok kasi ako" Sabi niya kay Allen.
"Baby please, one round lang and we are done" Malungkot na sabi nito "Look" At
itinuro nito ang pagkalalaki nito. Agad siyang nagulat.

Kahit nakasuot pa ito ng pang-ibaba ay kitang kita ang pagkabuhay nito.

Nang humarap siya kay Allen ay mabilis siya nitong hinalikan sa labi at binuhat
pahiga sa kama.

Mabilis ang naging galaw nito. Napamalayan na lamang niya na wala na silang saplot.

Mabilis nitong pinaghiwalay ang hita niya at dahan-dahan ipinasok ang pagkalalaki
nito. "Ahhh damn baby! So damn tight as fucking ever" Nakapikit na sabi nito habang
mariin itong nakahawak sa bewang niya.

Hindi nagtagal ay bumilis ng bumilis ang ginagawa nito. Nagulat siya ng parang unan
lamang siya nitong biglang ibinaliktad.

"Damn butt!" At hindi nito napigilan paluin ito.

"Ahhh!" Ungol niya ng ipinasok ni Allen ang pagkalalaki nito habang nakatalikod
siya.

"Damn pussy baby! So fucking good" At lalo nitong binilisan ang pagbayo sa kanya na
halos lumagitgit na ang kama nila.

Ilang sandali lang ay naramdaman na niya ang mainit nitong likidong bumabaon sa
kaloob-looban niya.

Mabilis siya nitong hinila pahiga at niyakap "Damn baby that was hot" Ngiti nito at
hinalikan siya sa noo

"I love you Sam, kayong dalawa ng anak natin" At lalong humigpit ang yakap nito.

Agad siyang napangiti. "I love you too Allen" At sabay na silang nakatulog sa
pagod.

---------

Lame Update. Di ko lang kayo matiis.

Vote&Comment

20

Mabilis nanaman lumipas ang isang linggo, walang pagbabago sa samahan nila ni
Allen, sa araw-araw ay lalo siyang napapamahal dito. Ngayon lang niya talaga
nakikita kung gaano ito kabait at kam-alalahanin biglang tatay sa anak nila.

Sabado ngayon ng gabi at ito ang unang date nila ni Allen. Inaya kasi siya nitong
magdinner ng silang dalawa lang. Si Alexander naman ay tuwang-tuwa na naiwan sa
yaya nito.
Isang simpleng black sleeveless dress ang suot niya na bigay pa sa kanya ni Allen.
Ang buhok niya ay iniipit niya, kaya kitang kita ang kaputian ng leeg niya.

Pinagbuksan pa siya ng pinto ni Allen bago siya lumabas ng sasakyan nito. Di niya
mapigilan ang kilig. Para siyang isang teenager sa unang date nito.

Agad na iniabistre ni Allen ang kamay niya sa braso nito.

"Table for two please" Baling nito sa waiter.

"This way po Sir and Madam" At nagpatiuna na ito sa kanila.

Ipinaghila pa siya nito ng upuan "Salamat" Ngiti niya rito, nahihiya parin kasi
siya hanggang ngayon at hindi sanay sa mga ganitong kagarbong lugar.

Kita niya pa ang iilang mga babae na napapatingin sa gawi nila. Hindi din naman
niya masisisi ang mga ito, napakagwapo naman talaga ni Allen sa suot nitong Black
Coat.

"How's this place? Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Allen sa kanya.

"Maganda, sobrang ganda. Hindi nga ata ako nababagay dito--"


"No baby, you look amazing. Kanina nga halos hindi na kita dalhin dito. I was
mesmerized by your beauty, gusto nalang nga kitang ikulong sa kwarto kanina" Ngiti
nito sa kanya na ikinapula niya.

Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain.

Hindi siya masyadong makakain sa klase ng tingin na iginagawad nito sa kanya. "Ah
Allen.."

"Yes?" Ngiti nito

"Uhm, naiilang kasi ako sa kakatingin mo"

"Oh. I'm sorry baby, I can't help myself. You look so fucking delicious while
eating those steak" Malagkit na tingin nito sa kanya

Agad siyang napa-irap dito. Napakalandi talaga ng lalaking ito.

"Sam.." At bigla nitong hinawakan ang isang palay niya.

Agad naman siyang natitig dito. "You trust me right?" Seryosong tanong nito.

Agad siyang napatango dito "Oo naman"


"If anything happens, makikinig ka naman sa paliwanag ko hindi ba?"

Naguguluhan siyang nakatingin lang dito.

"Promise me Sam, you will hear my side first"

Agad niyang binitawan ang hawak na knife. "Allen, naguguluhan ako sa mga sinasabi
mo"

"Sam, I want to confess something to you" Seryoso lang itong katitig sa kanya at
napapalunok.

"Allen, ano ba yun? Kinakabahan na ako sa mga sinasabi mo" Nakakunot ang noong sabi
niya rito

"That truth is I'm already--"

"Daddy!"

Nagulat siya ng may lumapit ditong isang batang babae, sa tingin niya ay apat na
taong gulang pa lamang ito.
Kita niya ang gulat sa mukha ni Allen. "Aria why are you here? Who's with you?"
Kinakabahang tanong nito.

Siya naman ay hindi makapagsalita. Sino ang batang ito? Bakit tinawag nitong Daddy
si Allen?

"I'm with mommy" At tumingin ito sa likuran nito.

Napatayo si Allen ng lingunin ang tinitignan ng bata. Papalapit ng papalapit sa


kanila ang babae. Naka suot ito ng pulang dress na hakab hakab sa katawan nito.
Para itong isang modelo habang naglalakad. Unti-unti narin siyang tumatayo.

Nang ganap na makalapit sa kanila ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa
pagkatapos ay napangisi. "So this is her Allen?" Taas kilay na baling nito kay
Allen.

"Nancy, don't make a scene here please. Lets talk--"

"No!" Sigaw nito. Mabilis nitong kinuha ang kopita na may lamang wine at mabilis na
sinaboy sa mukha niya.

Halos manlaki ang mata niya sa ginawa nito hindi siya agad nakahuma.
Agad hinawakan ni Allen ang kamay ng babae. Pero malakas nito iyon hinila.

"Listen everyone!" Baling nito sa mga taong naroroon sa loob ng restaurant. "This
woman right here is a slut!" Turo nito sa kanya.

Hindi siya makapagsalita sa sobrang gulat na nararamdaman.

"This woman is the Mistress of my Husband!" At malakas siya nitong sinampal.

"Nancy that is enough!" Galit na sabi ni Allen at mabilis na hinawakan ang babae.

"No! I'm not yet done! I will kill that woman!" Mang-aagaw ng asawa!" At pilit siya
nitong inaabot. Pero hawak ito ni Allen.

Matalim naman siyang napatingin kay Allen habang hawak ang mga kamao. Hindi niya
alam kung anong iisipin niya. Panaginip lang ba ulit ito?

"Totoo ba?!" Galit na tanong niya kay Allen.

"Sam please let me explain"

"Totoo ba na asawa mo siya?!" Mariing tanong niya


"Sam.."

"Totoo ba?!" Sigaw niya rito.

Marahan itong tumango. "Oo Sam, pero please let me explain--"

Malakas niya itong sinampal. "Linoko mo ako Allen! Niloko mo ako!" Galit na sabi
niya at mabilis na siyang tumakbo palabas ng Restaurant. Alam niyang
pinagtitinginan siya lahat ng tao roon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin at
mararamdaman. Paano nagawa sa kanya ni Allen iyon? Bakit?

Mabilis siyang nagtawag ng taxi. Mabilis na tumulo ang mga luha niya sa loob ng
taxi.

Nag makarating ng Mansiyon ay mabilis siyang bumaba. Inayos muna niya ang sarili
bago pumasok. Agad niyang pinuntahan ang anak niya sa kwarto nito.

Nagulat siya ng makitang gising pa ito. "Nanay!" Salubong nito sa kanya at niyakap
siya.

Nang maramdaman ang yakap nito ay hindi na niya napigilan umiyak. "Nanay? Are you
crying po?" Kunot noong tanong ng anak niya.
Agad naman niyang pinunasan ang mga luha niya at umiling. "Hindi anak, masaya lang
si Nanay kasi magaling na sa wakas ang baby ko" Ngiti niya rito.

Agad naman pinunasan ng anak niya ang mga luha sa pisngi niya. "Promise po Nanay,
hindi na ko ulit magiging sick para hindi na kayo ulit magka cry" Ngiti nito sa
kanya.

"Anak, hindi mo pa ba namimiss sina Lola? Mga Tito at Tita mo?" Biglang tanong niya
sa anak.

"Namimiss ko na nga po sila" Ngiti nito.

"Gusto mo muna bang magbakasyon doon bukas?"

"Opo Nanay!" Ngiti nito. "Kasama po ba natin si Tatay?"

Biglang nawala ang ngiti niya. "Hindi kasi pwedeng sumama ang Tatay mo kasi madami
siya work. Kaya tayo muna ang magbabakasyon okay?" Ngiti niya sa anak.

"Okay po Nanay"

"Sige na, matulog kana anak para bukas pag gising mo pupunta na tayo kina lola" At
iniayos na ito sa pagkakahiga.
"Goodnight po Nanay" Ngiti ng anak niya.

"Goodnight Anak, mahal na mahal kita" At hinalikan ito sa noo.

Pagkatayo niya at tumalikod dito ay biglang bumuhos ang mga luha niya, Sorry anak.
Alam ko masasaktan ka nanaman. Tinakpan niya ang bibig niya dahil baka marinig ng
anak niya ang hagulgol niya.

--------

Vote and Comment.

21

Mabilis siyang pumasok ng kwarto nila ni Allen at inimpake ang mga gamit niya.

Halos patapos na siya ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nun ang pawis na pawis
na si Allen.

"Sam! What are you doing?" At mabilis na pinagbabalik ang mga gamit niya sa closet.

"Allen ano ba!" At hinablot itong muli.

"Please Sam, makinig ka muna sakin" At hinawakan nito ang kamay niya.
Agad niyang hinila ang kamay mula dito.

"Ano pa ba ang dapat mong sabihin? Inamin mo na kanina hindi na? Na kasal ka na!
Bakit ko nga ba nakalimutan yun, na 5 years ago nabalitaan ko na ikakasal kana! Ang
laki kong tanga!" Umiiyak na sabi niya

"Sam please, maniwala ka. Ilang beses kong gustong sabihin sayo pero naunahan ako
ng takot, takot na baka hindi mo maiintindihan at eto na nga ang nangyayari"
Lumapit ulit ito sa kanya at akmang hahawakan siya ng mabilis siyang nakalayo.

"Ginamit mo lang ako! Ginawa mo akong kabit mo!"

"Sam please, hindi ka kabit--"

"E anong tawag mo sa babaeng pumatol sa lalaking may asawa?!"

"Sam, lets talk in a calm way. Ayokong bumalik tayo sa dati"

"Alam mo Allen? Mas gugustuhin ko pang sinaktan mo nalang ako ng pisikal, kesa sa
ganito na dinurog mo ang puso ko sa sobrang sakit! Akala ko ba nagbago kana?! Bakit
mo nagawa sakin to!" Hagulgol niya at unti-unting napapaupo. Sobrang sakit ng puso
niya.

"Sam.."
"Sabi mo hindi mo na ako sasaktan. Nangako ka hindi ba? Nangako ka! Pero bakit ang
sakit-sakit!" Sabay pukpok sa dibdib.

Agad siyang dinaluhan ni Allen, "Baby, listen to me. Wala ng namamagitan sa amin ni
Nancy. We are planning to get a divorce at pumayag na siya roon. Kaya hindi ko alam
kung bakit nandito siya ngayon at nanggugulo. Naipadala ko na sa kanya yung divorce
papers namin"

"Hindi ko alam kung dapat pa akong maniwala sa iyo Allen, paano ang anak niyo?
Hahayaan mo nalang din ba siya?! Ayokong makasira ng pamilya dahil alam ko kung
gaano kasakit ang mawalan ng isang ama!"

"Sam please, just give me time to fix this. Please Mahal mo naman ako hindi ba?"

Pero hindi siya sumagot. "Sam baby answer me, you still love me right?" Kita niya
ang luha sa mga mata nito.

"Hindi ko na alam Allen! Naguguluhan ako. Please hayaan mo muna akong makapag isip-
isip" At dahan-dahan siyang tumayo.

"Sam, hindi ko kaya please. Wag niyo naman akong iwan ng anak natin. Nakikiusap ako
sayo" At mabilis nitong hinawakan ang palad niya.

Matagal siyang nakipagtitigan dito.


"Kung talagang mahal mo ako Allen, hindi mo ako dapat paulit-ulit na sinasaktan.
Binigyan kita ng isang pagkakataon. Nangako ka, nangako ka na hinding hindi mo na
ako sasaktan. Naniwala ako sayo. Naniwala ako sa mga pangako mo! Pero anong ginawa
mo?! Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng maraming tao kanina! Sabagay, ang isang
katulad kong mababang uri ng babae ay wala kailanman karapatan maging masaya. Akala
ko nagbago kana Allen! Maling-mali ako sa naging desisyon ko na piliin ka,
tinalikuran ko yung lalaking totoong nagmamahal sakin! Yung lalaking hindi ako
iniwan kahit kailan! Yung lalaking ni minsan walang ibang ginawa kundi pasayahin
ako, hindi para saktan!" Mariing sabi niya at hinila ang palad niya na hawak nito

"Oo inaamin ko, napakalaki ng naging kasalanan ko sa iyo, sa inyo ng anak natin
pero ni minsan Sam, hindi kayo nawala sa puso't-isip ko. Kaya please nakiki-usap
ako sayo ngayon. Bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Please, para nalang sa
anak natin" At mabilis siya nitong niyakap.

Nung una ay nagwawala pa siya pero nang mapagod ay tumigil na rin siya.

"I love you so much. I can't afford to lose you Sam, not now not never" At lalong
humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

Pero hindi siya gumagalaw nagtatalo parin ang isip niya kung maniniwala siya dito o
hindi.

"Look at me baby" At itinaas nito ang mukha niya at iniharap dito. "Naniniwala ka
naman sakin hindi ba? Tell me please"

Hindi pa niya kayang sagutin ang tanong nito.

"Sige kung hindi mo pa kayang sagutin naiintindihan ko. Pero wag kang aalis sa tabi
ko, dito lang kayong dalawa ng anak natin. I promise, I am going to fix this mess
as soon as possible" At mabilis siya nitong hinalikan sa labi.

Hindi siya nakaimik. Tama ba ito? Na bigyan niya pa ito ng huli pang pagkakataon?
Na magpakatanga siya ulit?"

Hinila siya nito pahiga. Wala siyang nagawa. Isa pa, pagod na pagod na ang isip,
puso at katawan niya sa lahat ng nangyari ngayong gabi kaya mabilis siyang
nakatulog.

Nang magising siya kinabukasan ay wala na si Allen sa tabi niya. Mabilis siyang
lumabas at pinuntahan ang anak niya sa kwarto nito.

Nakita niyang naroroon si Allen.

"Nanay!" Masayang tawag sa kanya ng anak niya. "Nanay, bakit hindi ka pa po


nakabihis? Diba sabi niyo po pupunta tayo kina Lola? Nanay sasama daw po si Tatay!"
Kitang-kita niya ang ngiti nito.

Agad naman nanlaki ang mga mata niya. "Ah, anak diba sabi ni Nanay hindi makakasama
si Tatay--"

"No, I'll go with you" Seryosong sabi nito.

"Ah hindi na, okay lang naman kami. Alam kong marami kang trabaho sa opisina niyo"
"Do you forget Samantha that I am the owner of that company? I can do whatever I
want. Now, prepare all your things para makaalis na tayo" At mabilis na itong
lumabas habang nakatulala siya.

Mabilis niya itong sinundan sa kwarto nito.

Agad niya itong hinila sa braso. "Allen ano bang ginagawa mo?!"

"Why?" Takang tanong nito.

"Gusto ko munang makapag-isip please, hayaan mo muna kaming magbakasyon kina Nanay"
Mariing sabi niya.

"No. Tapos ano? Ilalayo mo nanaman sakin ang anak ko? Sam please, wag mo naman
gawin sakin ito oh"

Naputol ang pagtatalo nila ng biglang may kumatok sa pinto.

"Sir, may babae pong nagwawala doon sa labas hinahanap po kayo" Natatakot na sabi
ng kasambahay.

Agad silang nagkatinginan ni Allen.


"Dito ka lang, wag na wag kang baba maliwanag ba Samantha?" Seryosong sabi nito sa
kanya.

"Pero Allen--"

Naputol ang sasabihin niya ng mabilis na itong lumabas ng kwarto. Kinakabahan siya
sa mangyayari. Agad niyang pinuntahan ang anak sa kwarto nito.

Pero huli na ang lahat. Nang hanapin niya ito ay nasa baba daw ito at kasama ang
yaya nito.

---------

Vote&Comment

22

Mabilis siyang bumaba. Nasa may hagdan pa lamang siya ay dinig na dinig niya ang
sigaw ng babae.

"Yaya dalhin mo sa taas si Alexander" Dinig niyang utos ni Allen sa yaya ng anak
nila.

"So yan pala ang bastardo mong anak?!" Taas kilay na duro nito sa anak niya
Mabilis siyang tumakbo palapit dito.

"Wala kang karapatang duruhin ang anak ko!" Galit na sabi niya sa babae "Anak,
akyat muna kayo sa taas ni yaya okay?" Baling niya sa anak.

"Bakit mo siya pinaaalis? Ayaw mo bang marinig ng anak mo na ang nanay niya ay
isang malanding kabit?!"

"Nancy! Can you please get out! Umalis ka na hanggat hindi ko pa nakakalimutang
babae ka!" Galit na sabi ni Allen.

"Bakit ako ang pinapaalis mo? Dapat yang kabit mo ang umalis! I'm your wife! I have
all the rights dito sa pamamahay na to! Kami dapat ni Aria ang nandito at hindi ang
mga basurang to!"

Narinig niya ang pag-iyak ng anak niya. "Nanay!"

Agad niyang niyakap ang anak. "Ssshh tahan na anak, halika na sa loob" Akmang aalis
na sila ng anak niya ng maramdaman niyang may humila sa buhok niya.

Mabilis niyang nabitawan ang anak. Halos matanggal ang buhok niya sa klase ng
paghila nito. "Malandi ka! Mang-aagaw ng asawa!" Sigaw ni Nancy

"Damn Nancy! Let her go!" Sigaw ni Allen at hinila ang babae palayo sa kanya.
"Bitawan mo ako! Kakalbuhin ko yang malandi na yan! Nauubusan ka na ba ng lalaki at
pati asawa ng may asawa pinapatus mo?!" At akmang hahablutin nanaman siya nito ng
mabilis itong nahila ni Allen.

Agad nitong inilabas ang babae. Inayos naman niya ang buhok niya at lumapit sa anak
na umiiyak. "Nanay! Sino po yung bad girl na yun? Bakit ka po niya hinu-hurt?"

"Wag mo na siyang intindihin anak, halika na sa taas para maayos na natin gamit mo"
At hinawakan na ito sa kamay.

"What is kabit Nanay? Bakit ka po niya tinawag na kabit?" Inosenteng tanong ng anak
niya na nagpatigil sa kanya.

Paano niya ipaliliwanag ito sa anak niya.

"Anak, wag mo nalang intindihin yung sinabi nung girl kanina okay? Basta ang
importante mahal na mahal ka ni Nanay"

"Mahal na mahal din po kita Nanay, kayo pong dalawa ni Tatay" At yumakap ito sa
kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili at napagulgol. Sapat na sa kanyang alam niyang may
isang taong hindi siya huhusgahan, nandiyan ang anak niya at alam niyang mahal na
mahal siya nito.
Mabilis niyang inayos ang mga gamit ng anak niya. Palabas na sila ng kwarto ng
masalubong nila si Allen.

"Sam, are you okay?" Alalang sabi nito at hinawakan siya sa balikat.

Marahan siyang tumango at inalis ang pagkakahawak nito. Agad naman itong nagulat sa
ginawa niya.

Napatingin ito sa anak. "How about you Son, are you okay?"

"Okay lang po ako Tatay, pero si Nanay po hindi kasi kanina pa po siya nagka-cry.
Hate ko po yung bad girl kanina sinaktan niya po si Nanay! Sino po ba yun Tatay?"

Kita niya rin ang pagkagulat sa mukha ni Allen.

"Don't mind her Son, hindi na niya masasaktan ang Mommy mo I promise" Seryosong
sabi ni Allen at napatingin din sa kanya.

"Anak halika na" At hinawakan na ang kamay ng anak.

"Sam.."

"Allen please, gusto ko munang ilayo ang anak ko dito. Baka kung ano pang gawin
niya"

Napabuntong-hininga muna ito bago sumagot "Okay, but I promise susuduin ko kayo
agad doon. Aayusin ko lang ito" Agad na hinawakan ni Allen ang kamay niya. "You
believe me right? Hihintayin mo ako hindi ba?"

Nakatingin lang siya rito pero hindi niya makuhang sumagot.

"Baby please answer me" Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Hindi ko alam Allen, pasensiya ka na" At mabilis na nitong hinila ang anak.

Walang nagawa si Allen na nakatigin lang sa kanila.

Nagtawag lang siya ng taxi, ayaw na niyang gambalain ang kahit na sino sa mansiyon.

"Nanay, bakit hindi po sumama si Tatay sa atin?" Kunot noong tanong ng anak niya.

"Diba sinabi naman ni Nanay na busy si Tatay sa trabaho, marami kasi siyang
ginagawa kaya hindi siya nakasama" Paliwanag niya sa anak.

Kita naman niya ang lungkot sa mukha nito.


"Wag ka ng malungkot anak, andito naman si Nanay hindi ba?" Pag-aalo niya sa anak.

"Opo Nanay, kaya lang po mas masaya po pag nandito si Tatay. Baka tuksuhin nanaman
nila ako doon kasi wala nanaman akong Tatay"

"Anak, wag kang mag-alala susunduin din tayo agad doon ni Tatay. Aayusin lang niya
yung mga problema niya okay? Tsaka bibili tayo ng Ice-cream pagdating natin dun
kina lola" Ngiti niya rito

"Talaga po Nanay? Pwede na po ako ulit maka-eat ng ice cream?" Manghang tanong
nito.

Nang tumango siya ay mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi. "Thank you po Nanay,
the best ka po talaga!" Na agad naman niyang ikinangiti. Maswerte siya sa anak
niya. Sobrang swerte.

"Anak!" Bungad sa kanila ng Nanay niya ng pumasok sila sa bahay. Agad siya nitong
niyakap. Sa bisig nito ay nakaramdam siya ng kapayapaan. Wala parin talagang tatalo
sa yakap ng isang ina.

"Lola!" Masayang bati ng anak niya.

"Ang apo ko! Nako, ay lalo ka yatang gumagwapo?" Ngiti ng nanay niya sa anak.
Agad naman nagmano ang anak niya at humalik sa pisngi ng lola nito. "I miss you po
Lola"

"Na-miss rin kita apo. Halina kayo, sakto nakapagluto na ako ng tanghalian. Nagluto
ako ng paborito niyong pinakbet. Alam ko yatang darating kayo" Ngiti nito sa kanya.

Agad na silang umupo sa may hapagkainan.

"Naaalala ko rin tuloy si Franco, nako e paborito nito iyan. Lagi niyang
nirerequest sakin iyan pag nagagawi siya rito" Ngiting kwento ng Nanay niya.

"Nagpupunta ho rito si Franco Nay?"

"Aba oo naman, lagi ang punta niya rito. Hindi ba ay siya ang nagdadala ng mga
grocery at pera na ipinapadala mo rito?" Ngiting sabi ng Nanay nito

Agad siyang nagulat. Sa sobrang pagka-busy niya sa anak ay nakalimutan na nga


niyang magpadala. Nakaramdam siya ng lungkot. Bakit kahit sinaktan na niya si
Franco ay kapakanan parin niya ang lagi nitong iniisip.

Ilang buwan narin niya itong hindi nakikita at wala siyang balita rito. Kumusta na
kaya ito ngayon? Malungkot na tanong niya sa sarili.

-------------
Vote&Comment

23

Nag matapos kumain ay sumama ang anak niya sa kwarto kasama ang mga kapatid niya.
Naiwan naman sila ng Nanay niya sa may sala.

"Anak, kumusta naman ang kalagayan ng apo ko?"

"Nay, matagumpay po ang operasyon kay Alexander" Ngiti niya sa ina.

Kita niya ang saya sa mukha ng Nanay niya "Salamat naman sa Diyos kung ganoon, e
ikaw? Kumusta ka na?" Seryosong tanong nito sa kanya.

Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ang nangyari. Hindi pa niya kayang magkwento
ngayon, natatakot siyang baka bumalik ang sakit ng Nanay niya, mahina pa naman ang
puso nito.

"O-okay naman po ako Nay, wag niyo po akong alalahanin" Ngiti niya

"Anak, hindi sa pinanghihimasukan ko ang buhay mo pero gusto ko lang malaman kung
anong nangyari sa inyo ni Franco?"

Hindi siya agad nakaimik sa tanong nito.

"Anak" At hinawakan ang isang palad niya. "Alam ko na magkahiwalay na kayo ni


Franco, at hindi naman ako tutol sa desisyon mo. Nangangamba lang ako na baka
masaktan ka nanaman ulit, mahal na mahal kita anak kaya ayokong nakikita kang
nahihirapan"

"Nay, salamat at palagi kang nandyaan sa amin ni Alexander, hindi mo kami


pinabayaan. Pero kaya ko na po ang sarili ko Nay, wag po kayong mag-alala hindi na
po ako ang dating Samantha na mahina"

Agad tumango ang Nanay niya at agad siya nitong niyakap.

Kinabukasan ay nagising siya sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay nila.

Nang tignan ang anak ay mahimbing pa itong natutulog.

Nagmamadali naman pumasok ang kapatid niya. "Ate may babae sa labas hinahanap ka,
nandoon na si Nanay" Kinakabahang sabi nito.

"Sige, dito ka lang at bantayan mo si Alexander wag na wag kayong lalabas" At


mabilis na siyang lumabas.

"Ilabas mo ang malandi mong anak hindi pa kami tapos!" Naririnig niyang sigaw nito.

Nang lumabas siya ay agad siya nitong nakita, kita din niya ang mga kapitbahay
nilang nakikiusyoso sa kanila.
"Oh, nandito na pala ang kabit ng taon!" Ngisi sa kanya ni Nancy.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Umalis kana!" Sigaw niya rito.

"Gusto ko lang mapatunayan na umalis na talaga kayo ng bastardo mo sa bahay ng


asawa ko!"

"Ngayon nakita mo na umalis kana! Kung hindi tatawag ako ng pulis!"

Tinitigan lang siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nginisihan siya ng
malaki.

"I didn't know kung anong nagustuhan sayo ng asawa ko at nahumaling siya sayo,
walang-wala ka naman kung ikukumpara sa kalingkingan ko!"

"Anak, ano bang pinagsasabi ng babaeng yan? Sinong asawa ba ang sinasabi niya?"
Kunot-noong tanong ng Nanay niya.

Kinakabahan siyang napatingin dito. "Nay, ako na pong bahala dito pumasok na po
kayo sa loob"

"Oh!" Biglang tinakpan ni Nancy ang bibig "My bad, hindi pa ba alam ng Nanay mo na
isa kang kabit?! Na pinatulan mo ang asawa ng may asawa?!"
Nagulat siya ng bigla itong sinampal ng Nanay niya "Tumigil ka! Kahit mahirap lang
kami ay tinuruan ko ng magandang-asal ang anak ko!" Galit na sabi ng Nanay niya.

Agad niya itong dinaluhan para hilahin. "Nay, pumasok na po kayo"

Kita niya ang matalim na tingin ni Nancy sa Nanay niya. "Pasalamat ka hindi ako
pumapatol sa matanda!" Sigaw nito. "At ikaw namang babae ka" Baling nito sa kanya
"Hindi pa pala alam ng Nanay mo ang kakatihan mo! Kayong lahat makinig kayo!" Sigaw
nito at humarap sa mga kaptibahay niya "Ang Santa-Santitang babaeng ito ay kabit ng
asawa ko!"

Dinig niya ang bulong-bulungan sa paligid niya.

Bigla siyang nilapitan ni Nancy at sinampal ng malakas "Para yan sa pag-agaw mo sa


Asawa ko!" At sinampal nanaman siya nito sa kabila "Para naman yan sa pag-agaw mo
ng Ama sa anak ko!" Galit na galit na sigaw nito.

Agad siyang napayuko, ayaw niyang lumaban dahil tama ito. Naaawa siya sa anak nito.

Nang dumating ang humahangos na si Allen.

"Nancy! Halika na!" At bigla itong hinawakan ni Allen sa braso. Agad naman itong
napatingin sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin dito.
Napatingin naman sa kanya ang Nanay niya ng may pagtataka. "Ang ibig mo bang
sabihin Anak, may asawa na si Allen?" Gulat na gulat na tanong nito.

Umiiyak siya na napatango.

"Kita mo na? Akala mo ba santa yang anak mo?! Kabit ng taon! Siguro ay sanay na
sanay ka ng kumakabit sa mga mayayaman ano?! At yang bastardo mo baka hindi naman
yan anak ng asawa ko!" Sigaw pa nito.

"Nancy stop! Lets go!" Hila dito ni Allen pero hindi ito tumatinag.

"Sandali lang" Biglang sabi ng Nanay niya at pumasok sa loob.

Kita niyang napangisi si Nancy "Kita mo na, hindi na rin nakayanan ng Nanay mo ang
kakatihan mo. Siguro nasuka na siya sa loob!"

"Kayo ba talaga may hindi aalis at titigilan ang anak ko?!" Biglang sigaw ng Nanay
niya ng lumabas at may hawak na itak.

Kita niya ang gulat sa mata ni Nancy at Allen.

"Nay, tama na po" Awat niya rito.


"Umalis na kayo rito!" At anyong lalapitan ang mga ito ng mabilis hilahin ni Allen
si Nancy.

Nang maka-alis sina Nancy at Allen ay nanghihina siyang napaupo sa upuang naroroon,
hindi niya alam pero bigla nalang parang kumirot ang puson niya.

"Anak.."

"Nay" Umiiyak na sabi niya at napayakap dito "Patawarin niyo po ako, hindi ko po
alam. Isa po akong malaking kahihiyan" Hagulgol niya sa Ina.

"Sssshhh, hindi kita sinisisi anak. Alam kong wala kang kasalanan, biktima ka lang"
Pag-aalo sa kanya ng ina. "Halika pumasok na tayo sa loob"

Agad silang umupo sa upuang kawayan na naroroon sa may sala nila. "Bakit hindi mo
sinasabi sa akin anak? Alam mo namang maiintindihan kita hindi ba? Kilala kita,
hindi ka ganoong klase ng babae"

"Natatakot po ako Nay, natatakot po ako na baka hindi niyo po kayanin pag nalaman
niyong ang anak niyo ay isang kabit" Hagulgol niya.

"Anak--"

Hindi na nito natapos sng sasabihin ng parang bumaligtad ang sikmura niya. Mabilis
siyang pumunta ng kusina at nagsuka sa may lababo. Nang matapos ay pinunasan niya
ang bibig niya.
Seryoso namang nakatingin sa kanya ang Nanay niya na hindi niya namalayang
nakalapit na pala sa kanya.

"Anak, umamin ka nga sa akin. Buntis ka ba?"

Agad naman nanlaki ang mata niya sa tanong nito. Buntis nga ba ako? Napatingin siya
sa kalendaryong naroroon. Lalong nanlaki ang mata niya ng maalalang halos isang
buwan na pala siyang delay. Hindi niya ito napapansin dahil abala siya sa pag-
aalaga sa anak. Agad niyang natutop ang bibig at napaluha.

"Nay!" At yumakap dito ng mahigpit.

Paano kung buntis nga siya? Paano na siya? Sila ng mga anak niya.

---------

Vote&Comment

24

Nagpunta sila sa doktor para makumpirma ang hinala. Halos manlambot siya ng makita
ang resulta. Dalawang buwan na pala siyang buntis.

"Anak, ano ng balak mo niyan?" Tanong sa kanya ng Nanay niya ng makauwi sila ng
bahay.
Naguguluhan siyang napahilamos sa mukha. Ano ng gagawin niya? Alam niyang
napakalaking blessing ng pagkakaroon ng isang anak pero natatakot siya, paano kung
hindi niya kakayanin magpalaki ng dalawang bata?

"Magandang Hapon po Nay!" Biglang bungad ng nasa may pintuan.

Halos manlaki ang mata ni Franco ng makita siya. "Samantha?"

Maging siya ay nagulat din ng makita ito. Parang napakalaki ng ipinagbago nito.
Parang pumayat ito ng bagya, pero hindi parin nabawasan ang kakisigan nito.

"Franco.."

Agad itong nagmano sa Nanay nito.

"Maiwan ko muna kayong dalawa maghahanda lang ako ng miryenda" Mabilis na sabi ng
Nanay niya at umalis.

Mabilis na lumapit si Franco sa kanya. "Kumusta ka na? Si Alexander kumusta na?"

Bahagya siyang ngumiti "Maayos na si Alexander, nandoon siya sa loob ng kwarto


kasama ng mga tito niya"
"E ikaw? Kumusta ka na? Dumalaw lang ba kayo--"

"Umuwi na kami dito Franco" Mabilis na agap niya.

Nakita niya ang gulat sa mukha nito "Umuwi? Bakit? Ano nanaman ang ginawa sa iyo ng
gagong yun?!" Kita niya ang galit sa mukha nito.

"Franco, ayoko na siyang pag-usapan"

Tinitigan lang siya nito at napabuntong-hininga.

Ngayon lang niya napansin ang mga supot na dala nito. "Ano ang mga iyan?"

"Ah ito, wala ano kasi--"

"Alam ko na ang ginagawa mo Franco, nagdadala ka dito ng mga groceries at pera at


pinapalabas mo na ako ang nagpapadala noon kay Nanay hindi ba?" Seryosong sabi niya
rito.

"Sam, pasensiya kana kung akala mo pinapangunahan kita sa mga desisyon mo"
Nahihiyang sabi nito
Agad niyang hinawakan ang kamay nito. "Hindi Franco, gusto kong magpasalamat sayo
kasi lagi kang nandiyan at lagi mong inuuna ang kapakanan ko kahit ilang beses na
kitang nasaktan"

"Sam, basta para sayo lahat gagawin ko alam mo naman hindi ba?"

Nahihiyang napayuko siya. "Patawarin mo ako kung hindi ko nasuklian lahat ng


kabaitan mo"

"Sam, hindi mo kasalanan. Hindi mo naman mapipilit ang puso mo na mahalin ako kung
may mahal ka ng iba. Wag kang mag-alala hindi ako nagagalit sayo. Tanggap ko na
ngayon na hanggang kaibigan lang ang pagmamahal na maibibigay mo sakin" Ngiti nito
sa kanya.

"Bakit ba ang bait-bait mo? Lalo tuloy akong naguguilty sayo. Hindi ko kakayanin na
palakihin si Alexander kung wala ka, napakalaki ng naitulong mo samin mag-ina. Lalo
na ngayong madadagdagan pa ng isa" Malungkot na sabi niya

Napakunot ang noo nito "A-anong ibig mong sabihin?"

"B-buntis ako Franco.."

Matagal siya nitong tinitigan.

"At hindi ko alam kung may kakagisnan din siyang Ama" At tuluyan na siyang naiyak.
Agad naman siyang niyakap nito. "Sssh Sam, wag kang umiyak. Makakasama yan sa anak
mo"

Agad naman niyang pinunasan ang mga luha niya.

"Sam, hayaan mo akong tulungan kita"

"Franco, hindi na. Ayoko na madagdagan pa ang utang na loob ko sayo"

"Hindi Sam, tutulungan kitang makapag-aral para narin sa mga anak mo"

"Franco, alam mo naman ang sitwasyon namin hindi ba? Baka hindi ko kayanin--"

"Akong bahala Sam, wala kang aalalahanin sa mga gastusin. Tiyaka mo nalang ako
bayaran pag may trabaho kana"

"Pero.."

"Isipin mo ang mga anak mo, wag kang mag-alala wala akong hihilingin na kahit anong
kapalit. Gusto lang kitang tulungan"
Napatitig lang siya rito habang umiiyak. "Paano ko mababayaran lahat ng kabaitan mo
sa amin Franco? Maraming salamat!" At siya na mismo ang yumakap dito.

Tama ito. Para sa mga anak niya. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang
isipin ang mas makabubuti.

-----------

After 4 years...

"Samson, Samantha R. College of Business Management Cum Laude" Malakas na sabi ng


MC ng graduation Ceremony nila.

Habang paakyat siya ng stage ay hindi niya mapigilan ang sarili. Sa wakas ay
nagbunga na rin ang lahat ng mga paghihirap niya.

Nang matapos ang graduation ay mabilis na lumapit sa kaniya ang mga kapatid niya,
ang nanay niya, si alexander at si Franco bitbit ang 3 gulang niyang anak na babae
na si sofia.

"Congratulations Anak!" At mabilis siyang niyakap ng Nanay niya.

"Congratulations Ate" Bati ng mga kapatid niya.


"Congratulations po Nanay!" Masayang bati ng 10 taong gulang niyang anak na si
Alexander at ibinigay sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak.

"Congratulations Samantha!" Ngiti ni Franco at winawagayway pa ang kamay ni Sofia.

Agad naman niyang kinuha ang anak na babae at hinalikan. "Maraming salamat sa inyo,
lalo na sayo Franco. Utang ko itong lahat sayo"

"No Sam, you deserved all of this dahil matiyaga at masipag ka. Oh ano pang
hinihintay natin. Tama na ang drama nagugutom na ako" Ngiting biro ni Franco.

At sabay-sabay na silang sumakay sa dalang van ni Franco.

Masaya nilang pinagsaluhan ang munting hapunan nila.

"Congrats ulit Sam. Paano ba yan, malapit mo na akong mabayaran" Sabay tawa nito.

"Ilang taon ko kayang pagtratrabahuhan iyon bago ako makabayad?" Ganting biro niya
rito.

"Kidding aside Sam, I am so happy for you. Nakikita kong hindi magtatagal ay
matutupad mo na rin ang pangarap mo. Anong plano mo niyan?"
"Ito ay dahil sayo Franco. Ikaw ang nagpalakas ng loob ko" Ngiti niya rito "Sa
lunes, maghahanap na ako agad ng trabaho"

"Balita ko ay may hiring dun sa bagong kumpanya doon sa bayan"

"Talaga?"

"Oo subukan mo doon, sakto nangangailangan sila ng Marketing Assistant. AJM COMPANY
ang pangalan" Ngiting sabi ni Franco.

"Sige salamat Franco."

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito sa kanya. Si Sofia ay napatulog na ni


Alexander. Hindi niya napansin na ang bilis palang dumaan ng panahon. Binata na
pala ang anak niya at kamukhang kamukha ni Allen.

Hindi tuloy niya maiwasan mag-isip, kumusta na kaya ito? Pagkatapos ng insidenteng
pagsugod ni Nancy sa bahay nila ay hindi na niya ito ulit nakita. Nasaan na kaya
ang pangako nito noon? Napagtanto kaya nito na mas mahal nito ang asawa nito?

Agad niyang ipinilig ang ulo. Sa makalipas na apat na taon ay hindi na siya
umaasang babalik pa si Allen. Siguro ay kailangan na niyang tanggapin na hindi
talaga sila para sa isat-isa. Sabagay, kuntento na siya sa mga anak niya. Ang dapat
niyang isipin ay ang kinabukasan ng mga anak niya. Gusto niya ang mga itong bigyan
ng magandang buhay.
Konting tiis nalang mga Anak, malapit na natin matupad ang mga pangarap ni Nanay
para sa inyo.

---------

Vote&Comment

25

Kinabukasan ay maaga siyang gumayak para maghanap ng trabaho.

Isang simpleng puting blouse ang sinuot niya at highwaisted skirt na. Nagdala din
siya ng itim na blazer. Eto ang natutunan niya noong nag-aaral pa siya, kailangan
ay maayos ang kanyang pananamit. Kinulot niya rin sa dulo ang tuwid niyang buhok.

Nang makita ang sarili ay napangiti siya, malayong-malayo na sa isang Samantha'ng


mang-mang ang itsura niya ngayon. Maipagmamalaki na niya sa sarili at sa mga tao na
may pinag-aralan na siya at hindi basta basta maaapi ng kahit sino man.

Hinalikan muna niya ang anak na si Sofia bago umalis, ang Nanay niya ang
pansamantalang nag-aalaga dito. Si Alexander naman ay pumasok na ng eskwela nasa
ika-apat na itong baitang sa Elementarya.

Madami siyang pinuntahang kumpanya pero halos hindi naman naaayon sa kurso niya ang
mga kailangan ng mga ito. Halos alas dos na rin ng hapon. Nang biglang maalala ang
kumpanyang sinabi ni Franco.

AJM COMPANY..
Nang tingalain niya ito ay halos malula siya, sobrang taas kasi nito.

Agad siyang nagtanong sa guard at tinuro siya sa loob. Nang makapasok sa loob ay
halos mamangha siya.

Napakalaki pala nito sa loob at mukhang sosyal.

"GooodAfternoon Ma'am, I am here to apply as a Marketing Assistant" Ngiting sabi


niya sa frontdesk doon.

"For a second Ma'am" At may tinawagan ito sa telepono. "Okay Ma'am, please proceed
to the 5th floor and look for Ms. Candy Dionisio"

Pagkatapos magpasalamat ay agad siyang nagtungo sa lugar na sinabi nito.

"Are you Ms. Samantha Samson?" Baling sa kanya ng isang matanda at magpaka
striktang babae.

Agad naman siyang tumango. "Good Afternoon, Yes I am"

"Follow me" At nagpatiuna na ito. Pumasok sila sa opisina nito. "Can I have your
resume?" Taas kilay na sabi nito.
Agad niya itong iniabot.

Ilang segundo niya lang itong tinignan at ibinalik na sa kanya.

"You're hired, please proceed to HR department for your contract and requirements"
Biglang sabi nito at tumayo na.

Agad siyang nagulat. "Po? Hindi niyo po ba muna ako iinterviewhin?"

Agad siya nitong tinaasan ng kilay " Do you want a job or not?"

"Ah opo, sorry po. Thank you po" Ngumiti siya dito pero inismiran lang siya nito.
Nang makalabas ito ay halos mapatalon siya, sa wakas! May trabaho na siya.

Agad siyang nagtungo sa HR at pumirma ng probitionary contract for 6 months. 30


Thousand pesos ang offer sa kanya. Pinakuha rin siya ng requirement at mag-uumpisa
na siya sa susunod na lunes.

Dahil sa sobrang saya ay agad niyang tinawagan si Franco.

S: Franco! Sa wakas may trabaho na ako doon sa AJM COMPANY!


Ilang segundo itong hindi nagsalita.

S: Franco?

F: Ah, oo congratulations Sam. Eto na ang simula ng pagtupad mo ng mga pangarap mo.
At alam ko umpisa na ito ng kasiyahan mo.

Rinig niya ang pagiging seryoso ng boses nito.

S: Franco, may sakit ka ba? Bakit parang iba ang tono ng boses mo?

F: Wala masaya lang ako para sayo, oh sige na Sam marami pa kasi akong dapat
tapusin dito sa opisina. Mag-iingat ka.

Matapos magpaalam ay agad nitong ibinaba ang tawag. Bakit parang ang weird ni
Franco?

Nang makauwi ay masaya niyang ibinalita sa Nanay niya na sa wakas ay may nahanap
siyang magandang trabaho.

Ginugol niya ang halos isang linggo sa paglingon ng mga requirements niya sa
trabaho.
Alas otso ang oras ng pasok niya, muntik na siyang ma-late dahil iyak ng iyak si
Sofia at parang ayaw siyang paalisin.

Lakad takbo ang ginawa niya, hindi na niya naabutan ang Elevator dahil halos pasara
na ito. Pero bago ito tuluyang sumara ay may nahagip siyang pamilyar na mukha.
Allen?!

Pero agad niya itong inalis sa isip. Baka namalikmata lamang siya.

Dalawang minuto nalang at Alas-otso na ng ganap na makarating. Ipinakilala siya ni


Ms. Candy sa mga kasamahan niya, itinuro din sa kanya ang magiging lamesa niya.

Nahirapan siyang nag-adjust sa unang araw niya dahil napasungit ni Ms. Candy, ito
pala ang Marketing Head.

Pero ng mga sumunod na araw ay unti-unti na niyang natututunan ang lahat.

"Uy Fely, narinig mo na ba? Bababa daw mamaya dito si Boss" Diig niyang sabi ng
katabi niya.

"Naku Joan, dinig ko ay napakasungit daw niyang si Boss. Sa ilang taon kong
pagtratrabaho dito ay hindi ko pa yan nakita, pero balita ko sobrang gwapo daw
nito" Hagikgik nitong si Fely.
"After 4 years kasi ay ngayon lang uuwi yang si Boss, basta ako nakita ko na siya
noon. At lalo sigurong gumwapo" Hagikgik din ni Joan.

Agad naman siyang napailing sa mga ito.

"Guys, ayusin niyo ang mga lamesa niyo. Ayokong may makikitang kahit na anong kalat
dito maliwanag ba? Maya-maya ay bababa na dito ang CEO, wag niyo akong ipahiya" At
tumalikod na ito.

Ilang minuto pa ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Halos 10 minuto din siya
sa cr, nang pabalik ng lamesa ay kita niyang nagkukumpulan ang mga kasamahan niya
at nakatayo.

Habang papalapit ay parang bumibigat ang mga hakbang niya. Bakit parang doble ang
kaba sa dibdib niya?

Parang nakakita siya ng multo ng makita ang taong hindi niya iisiping makikita niya
pang muli.

"Guys, marahil ay iilan sa inyo ay nakita na at kilala na ang boss natin, pero sa
mga hindi pa nakakakilala. This is Mr. Allen Jade Montemayor our CEO." Masayang
pakilala ni Ms. Candy.

Dahan-dahan siyang naglakad palabas, malapit na sana siya sa pintuan ng hindi


sinasadyang mabangga niya ang isang upuan at lumikha iyon ng ingay.
Agad napatingin ang lahat sa kanya. Kulang nalang ay magtalukbong siya.

"Oh there she is, Ms. Samson come here" Tawag sa kanya ni Ms. Candy

Wala sa sariling lumapit siya. Kita niya ang titig sa kanya ni Allen.

"Sir, this is Ms. Samantha Samson our new Junior Marketing Assistant" Pakilala sa
kanya ni Ms. Candy.

Seryoso namang nakatingin sa kanya si Allen sabay abot ng kamay.

"Nice to meet you Ms. Samson and I hope you're coping well"

Halos manginig naman ang kamay niya ng iabot niya iyon dito. Napakainit ng palad
nito. "N-nice to meet you din po s-sir"

Agad naman iyong binitiwan ni Allen.

"Okay, you can all continue on your work" Sabi ni Allen at hindi na siya tinapunan
ng kahit na anong tingin.

"Hoy Samantha! Natulala kana diyan? Nahipnotismo kana din sa kagwapuhan ni Boss
no?" Tudyo sa kanya ni Joan.
Tiyaka lamang niya napagtanto na nakaalis na pala ang mga ito.

Ano ba tong nangyayari? Bakit sa dinami dami ng kompanyang mapagtratrabahuhan ay


bakit sa kompanya pa ni Allen? Agad siyang napabuntong-hininga at wala sa sariling
bumalik sa lamesa.

-------

Vote&Comment

26

Halos hindi siya makapag concentrate sa trabaho sa mga sumunod na araw.


Nagpapasalamat siya na hindi na niya muli pang nakita si Allen ng mga sumunod na
araw dahil hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.

Maaga siyang pumapasok para narin hindi niya ito makasalubong.

Pagpasok niya ng Elevator ay nandoon ang katrabaho niyang si Jimmy.

Pasara na ang pinto ng bigla ito ulit bumukas at pumasok si Allen.

"Goodmorning po Sir" Bati ni Jimmy dito.


Napilitan din tuloy siyang batiin ito "G-goodmorning Sir"

"Ah Samantha ako ng maghahawak ng mga folder na dala mo" Biglang baling sa kanya ni
Jimmy ng makitang may karamihan ang dala niya.

"A-ahh e, nakakahiya naman sayo" Baling niya rito.

"No its okay, nakakahiya naman sa pinaka magandang binibini ng Marketing Department
kung magbubuhat ka lang ng mabigat" Biro sa kanya nito.

"Ahem" Biglang tikhim ni Allen.

Nang bumukas ang elevator sa floor nila ay kailangan niya pang lagpasan si Allen.
Halos makaramdam siya ng kuryente ng magdikit ang mga kamay nila.

Pero naging mabilis ang mga hakbang niya palabas ng Elevator. Halos mapabuntong-
hininga siya. Kumakabog ang dibdib niya.

Nang makarating sa table niya ay agad niyang inumpisahan ang trabaho para mabaling
ang atensiyon niya sa iba.

Halos hindi niya napansin na lunch break na pala. Nagpunta sila nina Fely at Joan
sa Company Canteen.
Nakaupo na sila ng magsikuhan ang dalawa at parang binudburan ng asin. Napakunot
naman siyang napatingin sa tinitignan ng mga ito.

Kita niya si Allen na nakatitig sa table nila. Umupo pa ito sa katabing mesa nila.

"Bakit kaya dito kakain si Boss?" Takang tanong ni Joan.

"Malay mo chinecheck kung malinis ang canteen alam mo naman yan may pagka banidoso"
Sagot naman ni Fely.

Siya ay hindi umimik, pero ramdam niya ang mainit na tingin sa kanya ni Allen.

"Uhm Sam, can I sit beside you?" Biglang sabi ni Jimmy na kadarating lang.

"Ah oo naman" Nakangiting sabi niya.

Nang biglang narinig nila ang pagkabasag ng baso sa kabilang mesa. "Clean that damn
mess!" Biglang baling ni Allen sa server sa canteen na iyon. At mabilis na lumabas.

Kita niyang nakatulala ang lahat ng tao sa canteen.


"Ay, nakakatakot talaga si boss bigla nalang nagwa-wild" Biglang sabi ni Joan.

"Oo nga friend" Baling ni Fely.

Nang bumalik sa trabaho ay biglang pinatawag si Jimmy sa itaas. Ang itaas na


sinasabi nila ay ang opisina ng boss.

Biglang nagsilapitan ang mga kasamahan nila ng makabalik si Jimmy. Malungkot ang
mukha nito.

"Uy friend kawawa naman si Jimmy no" Biglang bulong sa kanya ni Joan.

"Bakit naman? Ano bang nangyari?"

"Hindi ko alam, inilipat siya ng ibang department. Eh ang tagal na ni Jimmy dito sa
Marketing Department" Bulong parin ni Joan.

"All of you!" Biglang agaw ng atensiyon sa kanila ni Ms. Candy "Any act of
maliciousness is not allowed in this company, bawal manligaw at bawal na bawal rin
magpaligaw sa mga kapwa niyo empleyado naiintindihan niyo ba?!" Masungit na sabi
nito.

"And you Ms. Samson, come to the CEO office now!" Sita sa kanya nito.
Agad siyang nagulat. Siya? Bakit siya ipinatatawag?

Halos hindi na siya makapaglakad sa kaba ng makarating sa pinakataas ng building.


Sobrang laki pala nito.

Nakakaisang katok palang siya ng marinig ang boses nito "Come in"

Nang buksan ang pinto ay nakatitig na ito sa kanya.

"Please sit down Ms. Samson" Pormal na sabi nito sa kanya. "Pinatawag kita dito
dahil gusto kong malaman mo ang mga patakaran ko dito sa kumpanya ko" Sobrang
seryoso ng mukha nito.

Naninibago siya sa pinapakita nito sa kanya.

"I don't need a flirty employee here in my company. Having a relationship with
their co-worker is strictly prohibited" May diing sabi nito sa kanya.

Pero katulad kanina ay hindi siya makapagsalita. Nakatitig lamang siya rito. "Hindi
ka man lang ba magpapaliwanag?" Biglang baling niya rito

Kita niya ang pagkunot-noo nito.


"Hinintay kita gaya ng sinabi mo pero hindi ka bumalik, gusto kong malaman kung
bakit?" Seryosong sabi niya at nakatitig lang sa mga mata nito.

"Ms. Samson, this is not the right time to talk about your personal issues" Matigas
na sabi nito at tila umiiwas sa kanya.

"Si Sofia.."

Nakakunot noo itong tumitig sa kanya. "Sofia what?"

"May nagi pa tayong anak Allen, si Sofia.."

Kita niyang natigilan ito pero hindi ito nagsalita. Bakit tila balewala dito ang
lahat. Ni hindi man lang ito nagpaliwanag sa kanya kung bakit hindi ito bumalik.

"Kung wala na po kayong sasabihin Sir, Aalis na po ako" At mabilis na siyang tumayo
malapit na siya sa may pinto ng magsalita ito.

"I'm sorry.."

Saglit siyang natigilan pero mabilis din nakahuma at lumabas. Agad niyang pinunasan
ang luha niyang hindi niya namalayan na tumulo na pala. Bakit ganon? Ganon ganon
nalang ba iyon? Pagkatapos ng lahat? Ni wala man lang itong sasabihin sa kanya kung
bakit ito hindi na bumalik? Maiintindihan naman niya kung sinabi nitong mas pinili
nito ang asawa nito kesa sa kanya.
Nang makabalik sa lamesa ay nag-usisa agad sina Fely at Joan. Pero tikom ang bibig
niya.

Nang mga sumunod na linggo ay hindi na talaga niya nakita si Allen.

Bakit tila iniiwasan siya nito? Wala na ba itong pakialam sa mga anak nila?

Biyernes iyon at halos alas-siyete na ng gabi at umuulan pa. Nag-overtime siya


dahil gusto niyang tapusin ang trabaho niya para hindi niya na kailanganin pang
pumasok bukas.

Pag labas niya ay madilim na at napakalakas ng ulan, madalang na rin ang mga
dumadaang sasakyan.

Halos tatlongpung minuto na siyang naghihintay roon pero wala parin siyang
nasasakyan.

"Lets go, ihahatid na kita" Nagulat siya sa nagsalita. Nang makita ito ay nanlaki
ang mga mata niya.

"Hindi na po Sir, maghihintay nalang po ako ng Taxi" Seryosong sabi niya at nag-
iwas ng tingin.
"Samantha please, wala ng dadaang sasakyan. Napakalakas na ng ulan" At hinawakan
siya nito sa braso.

Agad niyang iniwas ang braso "Bakit pa napaka-unfair mo Allen? Pag sinabi mo
kailangan sundin ko? Pero kapag ako na ang nagsalita ni hindi mo ako
pinakikinggan?" Inis na sabi niya rito.

"Sa sasakyan tayo mag-usap" At hinila na siya nito papuntang parking lot.

Wala siyang nagawa kaya nagpatangay na lamang siya rito.

--------

Vote&Comment

27

"Let's have dinner first" Seryosong sabi ni Allen habang nakatingin sa daan.

"No I'm good. Kailangan ko ng umuwi hinihintay ako ng mga anak ko" Madiing sabi
niya.

"How are they?" Seryosong tanong nito at napalingon sa kanya.

Seryoso lang siyang napatitig dito, totoo ba? Pagkatapos ng apat na taon ganun lang
ang itatanong nito?
"Sa awa naman ng Diyos ay nakaraos kaming mag-iina kahit walang tulong mula sayo"
At napalingon sa labas. "Ibaba mo nalang ako dito, ayan na may nakikita na akong
taxi'ng paparating"

Pero parang balewala dito ang sinabi niya.

"Allen!" Inis na sabi niya rito. Hindi na niya matagalan ang malamig na pakikitungo
nito sa kanya.

"I'm so happy for you Samantha" Seryosong sabi nito.

Nakakunot-noo naman siyang napatitig lang dito. "Masaya ka na hindi mo na kami


binalikan ng mga anak mo? Ganun ba yon?"

"That's not what I mean. Masaya ako na nakapagtapos ka ng pag-aaral mo"

"Yeah, and that is all because of Franco. The man who's always on my side no matter
what. Siguro nga kung hindi ko lang kinulong ang puso ko sayo noon ay minahal ko
rin si Franco" Malungkot siyang napangiti.

Agad inihinto ni Allen ang sasakyan sa isang Restaurant na nadaanan nila.


"Allen, hindi pa ako nagugutom at hinihintay nga ako ng mga anak ko"

"Natin Sam, natin. I'm hungry please" At hinila na siya nito sa loob.

Umupo sila sa dulong bahagi ng Restaurant na iyon.

Habang naghihintay sila ng pagkain ay bigla itong nagtanong

"Nagsisisi ka na ba ngayon na ako ang minahal mo noon?"

"Hindi. Dahil kung hindi dahil sayo wala sana sina Sofia at Alexander" Seryosong
sagot niya.

"Sam.."

"Kung hihilingin mong makita sila at makausap sila, sige hindi ko ipagkakait sa
kanila ang isang ama.." Mabilis na sabi niya.

"Yung tungkol sa atin.." At ipinatong nito ang isang palad nito sa palad niyang
nasa lamesa. "Patawarin mo sana ko kung hindi ko natupad ang pangako ko na
susunduin ko agad kayo" Kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Wag kang mag-alala Allen, ngayon ay tanggap--"


"I'm still Married Sam.. Kasal parin kami ni Nancy" Seryosong sabi nito

Agad naman niyang nahila ang kamay niya na hawak nito.

"Don't worry, she's not the old Nancy that you know. Malaki na ang ipinagbago nito"

Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman. Dapat ba siyang matuwa na
malaman kung bakit hindi na siya nito binalikan? Na mas pinili nito ang totoong
asawa nito kesa sa kanila ng mga anak niya?

"Sam, gusto kong linawin ang lahat-lahat sa atin. If you still have feelings for
me. Please, tanggalin mo na. I want to talk to you just for the kids. Wag kang mag-
alala magbibigay ako ng sapat na suporta"

Bigla siyang napatayo. "Hindi ko kailangan ng pera mo!" At mabilis na siyang


naglakad palabas ng Restaurant. Bakit sobra siyang nasasaktan sa mga sinabi nito?

"Sam" Sabay hila nito sa braso niya.

Kita niya ang lungkot sa mga mata nito ng makita ang mga luha niya. "Don't cry
Samantha please, nahihirapan ako"

"Hindi mo na ba ako mahal Allen?" Matapang na tanong niya rito.


"Sam.." Naguguluhang sabi nito.

"Sige, papalitan ko ang tanong ko. Mahal mo na ba ang asawa mo?"

Matagal itong hindi nagsalita.

"Allen answer me!"

Dahan-dahan itong tumango. "Yes Sam and I am sorry. Binigyan ko siya ng pagkakataon
at sa loob ng halos apat na taon napatunayan kong unti-unti na palang nahuhulog ang
loob ko sa kanya"

Nanghihina niyang binaklas ang pagkakahawak nito sa braso niya.

Mabilis siyang naghanap ng taxi at sumakay. Hindi siya pinigilan nito. Sa loob ng
taxi ay walang humpay ang buhos ng mga luha niya, bakit nasasaktan parin siya? Tama
lang naman ang ginawa nito. Ang piliin ang asawa nito kesa sa kanya. Ano nga ba
naman ang laban niya sa asawa nito?

Mag-aalas nueve na ng gabi ng makauwi siya ng bahay. Nang tignan ang mga anak niya
sa kwarto ay tulog na ang mga ito. Hinalikan niya muna ang mga ito bago lumabas.

Nakatulala siyang nakaupo sa sala at iniisip ang mga nangyari hanggang sa unti-unti
siyang dalawin ng antok.
Kinabukasan ay sabado kaya wala siyang pasok. Sa lunes ay magpapasa narin siya ng
resignation letter niya. Hindi na niya ito kaya pang makita sa trabaho. Pero kung
hihilingin nito na maging ama sa mga anak niya ay hindi siya tututol ayaw niyang
maging unfair sa mga anak niya.

"Nay, pasensiya na po kayo kung kailangan ko ng magresign sa trabaho ko ah. Pero


wag kayong mag-alala Nay maghahanap ako agad ng trabaho" Sabi niya sa nanay niya
habang nagkakape sila. Bitbit niya ang anak niyang si sofia ng mga oras na iyon.

"Nako Anak e wag mo masyado alalahanin yun, may naitabi pa naman akong konting pera
diyan. At hindi naman kita pipigilan kung hindi ka masaya diyan sa trabaho mo. Baka
masungit ang amo mo diyan sa kumpanya niyo ano?"

"Si Allen.."

"Ha?" Takang tanong ng nanay niya

"Si Allen ho ang may-ari ng kumpanyang pinagtratrabahuhan ko ngayon" Malungkot na


sabi niya.

Kita niya ang gulat sa mga mata nito. "Ayos ka lang ba Anak nagkausap ba kayo?"

Agad naman siyang tumango "Oo naman po Nay, opo at tapos na po samin ang lahat"
Mapait na ngiti niya.
Nang biglang umiyak ang anak niya. Agad niya itong ipinasok sa kwarto at
ipinagtimpla ng gatas.

Kung si Alexander ay kamukhang-kamukha ni Allen, si Sofia naman ay kamukhang-


kamukha niya. Napapawi ang lungkot niya pag nakikita niya ang mga anak niya.

Maaga siyang gumayak noong lunes. Ala otso ng umaga ay nasa kumpanya na siya. Agad
niyang pinuntahan si Ms. Candy. Pero sinabi nito sa kanya na siya ang direktang
magbigay ng resignation letter niya sa CEO.

Mabilis siyang nagtungo sa taas. Mabilis naman siya nitong pinapasok.

"Good morning Sir, I came here to give my resignation letter effective today"
Seryosong sabi niya.

"Please do take a sit first Ms. Samson"

"No need Sir, I'm just here to give you that"

"Don't you have any work ethics Ms. Samson? Please do take a sit and read this"
Sabay abot sa kanya ng company rules and regulations.

Halos nanlaki ang mata niya ng makita roon na bago mag resign ay kailangan ay
magrender muna siya ng 30 days, para makahanap ng bagong papalit sa posisyon na
iiwan niya.
Nanghihina siyang napaupo.

--------

Vote&Comment

28

Wala siyang nagawa kung hindi magrender ng 30 days dahil may pinirmahan siyang
kontrata.

"Uy friend nabalitaan mo na ba?" Baling sa kanya ni Fely

"Ang alin?"

"Darating daw yung asawa at anak ni boss, naku panigurado maganda yun" Hagikgik pa
nito.

"Ganun ba?" Malungkot na sabi niya.

"Uy friend may sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo nitong mga nakaraang araw?" Nag-
aalalang sabi ni Fely
"Wala ito Fely, medyo masama lang ang pakiramdam ko" Totoo iyon, masama talaga ang
pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw.

Tumayo siya para kumuha ng tubig ng makaramdam ng hilo. Buti nalang ay napahawak
siya agad sa pader.

Nagpaalam siya na pupunta ng clinic para humingi ng gamot. Habang naglalakad ay


parang dumodoble ang paningin niya.

"Sam.." Tawag sa kanya ni Jimmy ng makasalubong niya ito. Nakakunot ang noo nito
habang tinititigan siya "Ayos ka lang? Bakit parang namumutla--"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil bigla na siyang natumba. Agad naman siya
nitong tinapik sa pisngi.

"Damn what happened to her?" Dinig pa niyang sabi ng isang boses pero hindi na niya
ito maaninag.

Naramdaman pa niyang umangat siya sa ere bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Nang magmulat ng mata ay napakunot ang noo niya. Akmang tatayo na siya ng masapo
ang ulo sa sobrang sakit.

"Wag ka munang tumayo" Napalingon siya sa direksyon ng boses.


Nanlaki ang mata niya ng makita si Allen.

Agad niyang iginala ang mga mata sa paligid. Wala naman siya sa ospital. "N-nasaan
ako?"

"Nandito ka sa kwarto ng opisina ko. You fainted awhile ago, may masakit ba sayo?"
Alalang tanong nito

Pinilit niyang makaupo. Agad naman siya nitong dinaluhan. "May trabaho pa po ako
Sir, babalik na po ako" At akmang tatayo na siya ng pigilan nito.

"No, just stay here. You're still pale. Kumakain ka pa ba Samantha? You look very
skinny" Dinig niya ang inis sa tono ng boses nito.

Mapait siyang napangiti. Nitong mga nakaraang araw ay wala talaga siyang ganang
kumain.

"Magpahinga ka muna diyan, tapos ay ipahahatid na kita sa driver ko" Seryosong sabi
nito

"No Sir, I'm good. Salamat po sa concern" At tuluyan na siyang tumayo. Muntik pa
siyang matumba, mabuti na lamang ay nahawakan siya nito agad sa bewang.

Halos magkalapit na ang mukha nilang dalawa at matagal na napatitig sa isa't-isa.


Dinig pa niya ang mabilis na kabog ng dibdib niya.

"Can you still feel it too Sam?" Mahinang sabi nito sa kanya.

Agad siyang napaiwas ng tingin pero mabilis nitong hinarap ang mukha niya. Dahan-
dahan bumaba ang mga labi nito sa labi niya. Nung una ay marahan ang pag-galaw ng
mga labi nito, pero habang tumatagal ay lumalalim ito.

Halos mapangapusan sila ng hininga ng maghilaway ang mga labi nila. Mabilis siyang
binitiwan ni Allen. "I'm sorry"

Humihingi ba ito ng tawad dahil hinalikan siya nito?

Matagal niya itong tinitigan.

"Wag ka na munang pumasok bukas, ipahahatid na kita sa driver" At nauna pa itong


lumabas sa kanya.

Nanghihina siyang naglakad palabas. Parang wala na siyang lakas pa para tumanggi.

Agad siyang hinatid ng driver sa bahay nila.

Kinabukasan ay hindi siya pumasok bumuti narin ang pakiramdam niya, Inilaan niya
ang araw na iyon para sa mga anak niya.

"Nanay, hindi po ba kayo papasok sa work niyo ngayon?" Tanong sa kanya ni Alexander
na noon ay naghahanda na sa pagpasok sa eskwela.

"Hindi Anak, nakapahinga ngayon si Nanay" Ngiti niya rito.

"Nanay, pwede niyo po ba akong sunduin mamaya sa school? Isama niyo po si Sofia"

Agad niyang pinisil ang pisngi ni Alexander "Naku, ang anak ko naglalambing. Sige
wag kang mag-alala susunduin ka namin mamaya ni Sofia"

"Talaga po Nanay? Sige po excited na po ako" At masaya itong napapalakpak.

"Sige na, baka malate kapa anjan na yung service mong tricycle sa labas"

"Okay po, ba-bye Nanay, ba-bye sofia" At hinalikan sila sa pisngi nito.

Nakangiti niyang hinatid ng tanaw ang anak niya. Napakabilis ng panahon, dalawang
taon nalang ay highschool na ito. Parang kailan lang ay baby pa ito.

"Say ba-bye to kuya Alexander baby" Baling niya kay Sofia, agad naman itong ngumiti
sa kanya.
Dahil alas-kwatro ang labas ni Alexander sa eskwela ay 3:30 palang ay umalis na
sila ng anak niya.

Naghintay lang sila ng ilang minuto at nakita na niya ang paparating at nakangiting
si Alexander. "Sofia, nandito na si Kuya" Baling niya sa anak.

Agad naman siyang tumayo. "Halika na kuya" Baling niya kay Alexander.

"Teka lang po Nanay" At parang may hinahanap ito sa paligid.

"Sino bang hinahanap mo? Hindi ka pa ba nagugutom? Halika, kakain tayo ngayon sa
Jollibee" Masiglang sabi niya rito at hinawakan na ito sa kamay.

"Nanay, teka lang po mag ccr lang po ako ah" At mabilis na itong tumakbo.

Nagtataka naman niya itong hinabol ng tingin. Bakit parang ang weird ng anak niya?

Ilang minuto lang ay bumalik na ang anak niya. Kakamot-kamot ito ng ulo.

"Oh Anak tapos kana ba? Halika na, nagugutom na itong si sofia oh" Ngiting baling
niya sa anak na busy'ng busy sa pagngatngat sa hawak nitong maliit na laruan.
Kita niyang bumagsak ang balikat nito. "Sige po, baka hindi na siya darating"
Mahinang sabi nito pero narinig naman niya.

"Sinong hindi darating?" Kunot noong tanong niya.

"Alexander!" Dinig niyang sigaw ng kung sino.

Nakita niyang nagliwanag ang mga mata nito. "Tatay!" At mabilis itong tumakbo
papunta doon.

Nakita niyang mabilis itong niyakap ni Allen.

Halos manlaki ang mga mata niya. Anong ginagawa nito doon?

"Sam.." Seryosong tawag nito sa kanya.

"Alexander, anong ibig sabihin nito? Kailan mo pa nakakausap ang Tatay mo? Bakit
hindi mo ito sinasabi sa akin?" May halos inis na tanong niya sa anak

"Sam, wag mo siyang pagalitan. Ako ang nagsabi sa kanya na wag munang ipaalam sayo"
Seryosong sabi nito pero nakatitig ito sa hawak niyang si Sofia. "Is it her?"
Manghang tanong nito.
Agad naman siyang tumango. "Yes, ang pangalan niya ay Sofia"

"Can I hold her?" Tanong nito

Dahan-dahan naman niyang inabot ang anak dito. "Oh God! She's really beautiful! She
looks exactly like you" Ngiti nito sa kanya.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

Ang anak naman niya ay parang natulala lang sa ama. "Hello Baby, its me your Daddy"
At hinalikan ito sa pisngi. Kita naman niya ang munting pag ngiti ng anak niya
rito.

----------

Sa mga galit na galit kay Allen diyan. Gustong manakit? Hahaha

Vote&Comment

29

Nandito sila ngayon sa Jollibee habang busy ang dalawang magkapatid na naglalaro sa
maliit na playground sa loob ng fastfood.

"Bakit hindi mo sinabing pinupuntahan mo si Alexander?" Tanong niya rito ng


mapagsoli silang dalawa.
"I'm sorry, hindi ko intensiyon na ilihim sayo"

"Tinuturuan mo pa ang anak kong maglihim sa akin, hindi ba sinabi ko naman sayo na
kung gusto mo naman silang makasama ay hindi naman ako tututol?"

"Sam.." At akmang hahawakan nito ang kamay niya ng iiwas niya ito.

"Nagkaliwanagan na tayo noong isang araw, na tungkol nalang ito sa mga bata.
Ayokong magalit nanaman sa akin ang asawa mo" Seryosong sabi niya.

"Yeah I know, and I'm sorry about the kiss yesterday. Nadala lang ako"

"Basta hindi na sana mauulit pa iyon, ayoko na ng gulo. Gusto ko nalang ng tahimik
na buhay"

"Yung tungkol sa sustento--"

"Save it, hindi ko yun kailangan. Hindi pa naman kami nanlilimos mag-iina. Nangako
ako sa sarili ko na kakayanin kong bigyan ng maayos na buhay ang mga anak ko kahit
mag-isa lang ako" Matatag niyang sabi. "At tungkol naman sa mga bata, pwede mo rin
naman dalawin sila sa bahay"

"Ang Nanay mo, kumusta na siya? Hindi ba siya galit sa akin?"


"Maayos naman siya, hindi mo maiaalis sa nanay ko na magalit sayo. Pero wala naman
tayong magagawa, ama ka parin ng mga anak ko"

"Sam, alam kong sawa ka na sa paulit-ulit na paghingi ko ng sorry sayo pero hindi
ako magsasawa. Sa loob ng sampung taon. Halos paghihirap lahat ang naranasan mo
mula sakin. Pero gusto ko sanang maging magkaibigan parin tayo kahit papaano para
narin sa mga anak natin. At salamat dahil sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay
ko saiyo ay hindi mo parin ipinagkait sakin ngayon ang mga anak ko. Salamat
Samantha" Seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya.

"Alam mo naman na kaya kong tiisin lahat para sa mga anak ko"

Nang biglang dumating ang pagod na pagod na sina Alexander at Sofia.

"Nanay, sobrang happy po ni Sofia" Masayang sabi ni Alexander. "Sana po lagi tayong
complete family"

Agad siyang natigilan.

"Tatay, kailan po ba kami babalik sa bahay niyo nina Nanay at Sofia?"

Agad siyang nagulat sa tinanong nito. Agad niya itong tinawag. "Kuya, diba big ka
na? Hindi ba naipaliwanag na sayo ni Nanay na hindi na tayo pwede doon sa bahay ni
Tatay?"
Malungkot na tumango ito. "Sorry po Nanay, akala ko po kasi ay pwede na po tayo
ulit maging complete family gaya ng dati. Tatay hindi mo na po ba love si Nanay?"
Baling nito kay Allen.

Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Allen. "Son, diba Daddy told you na kahit
hindi tayo magkasama sa house e love na love kayong dalawa ni Daddy?"

"Pero Tatay, hindi mo sinasagot ang tanong ko. Hindi mo na po ba love si Nanay?"

"Alexander!" Saway niya sa anak.

"Son, in life hindi lahat ng gusto mo ay kailangan mong sundin. May mga bagay na
kailangan mong isakrispisyo kahit gaano pa kahirap para sa ikabubuti ng lahat"
Paliwanag nito pero sa kanya nakatingin. "If you're asking me if I still love your
mommy, my answer is she's always been a big part of my life. At kahit kailan hindi
na siya mawawala doon"

"Si Tatay naman, yes or no lang po ang sagot andami niyo pong sinabi" Kunot noong
sabi ng anak niya habang kinakati ang ulo.

"Kuya, wag ng makulit" Saway niya sa Anak.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala si Sofia sa mga bisig niya.


"Uhm Allen, kailangan na namin umuwi, papagabi na rin at natutulog na itong si
Sofia" Baling niya rito.

"Okay, let's go hatid ko na kayo"

"Ah hindi na mag-cocommute nalang kami" Tanggi niya rito

"Sam please, I want my childs safety. Let's go Alexander" At humawak na ang anak
niya sa kamay ng Ama.

Malungkot siyang napabuntong hininga. Kung sanang hindi naging komplekado ang
lahat, baka hindi nalulungkot ang mga anak niya hindi sana ang mga ito mangungulila
sa ama.

"Gusto mo bang bumaba muna?" Tanong niya kay Allen ng makarating sa tapat ng bahay
nila.

"Hindi na, para makapagpahinga ka na rin" At bumaling ito sa hawak niyang tulog na
tulog na si Sofia at hinalikan ito sa noo.

"Kuya halika na, magpaalam kana sa Tatay mo" Baling niya sa anak na tila walang
balak bumaba.

"Goodnight po Tatay, sana lagi niyo parin po akong bibisitahin sa school" Ngiti
nito
"Don't worry Son, pag maraming free time si Daddy lagi ka niyang pupuntahan" At
ginulo ang buhok ng anak niya.

"Sige na, mag-iingat ka nalang sa daan" At mabilis na siyang bumaba. Dama niya
parin ang maiinit na titig nito sa kanya, yung mga tingin na parang may gusto itong
sabihin.

Pagkatapos maghilamos ay humiga na rin sila.

Nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Alexander. "Thank you po Nanay, alam niyo
po ang saya-saya ko kasi after ilang years ngayon lang po tayo naging kompleto ulit
nina Tatay. Sana po, bumalik na ulit tayo sa dati. Yung magkakasama parin po tayo
nina Tatay"

Nakaramdam siya ng lungkot para sa anak, alam niyang sabik na sabik ito sa isang
Ama.

Nang muling tignan ang anak ay mahina na itong naghihilik. Agad siyang napangiti.
Manang-mana sa ama.

Kinabukasan ay maaga siyang pumasok.

"Goodmorning Friend, kumusta ka na? Okay ka na ba?" Bati sa kanya ni Fely ng


dumating ito
"Goodmorning din, oo okay na ako salamat" Ngiti niya rito.

"Nako Friend ano ba ang feeling na buhatin ng matitigas na mga braso ni Boss?" Biro
sa kanya ni Fely.

"Oo nga girl magkwento ka naman" Biglang singit ni Joan na hindi niya namalayang
dumating na pala.

"Ano ba kayo, hindi ko alam dahil wala akong malay noon" Nahihiyang sabi niya sa
mga ito.

"Alam ko na, pag nakita ko si Boss ay magkukunwari akong matutumba para buhatin
niya rin ako" Kinikilig pa na sabi ni Fely.

"What is the commotion all about?" Biglang baling sa kanila ni Ms. Candy.

Agad na humiwalay sa kanya ang dalawa.

"Are you okay now Ms. Samson?" Taas kilay na tanong nito sa kanya.

"Opo Ma'am, thank you po"


At umalis na rin ito. Nang magsimula ng magtrabaho ang lahat ay bigla siya
napaisip. Paano kung bigla ng dumating dito ang asawa ni Allen at makita siya? Baka
magkagulo nanaman dito at ipahiya siya. Tama bang binigyan niya nanaman ulit ng
pagkakataon si Allen na pumasok sa buhay nilang mag-iina? Kahit pa sabihing tungkol
lang ito sa mga bata? Agad siyang napabuntong-hininga.

-----------

Vote&Comment

30

Dalawang linggo na pala ang mabilis na lumipas. Dalawang linggo nalang at tapos na
siya sa pag rerender niya.

Ilang araw narin niyang tinatawagan si Franco pero hindi ito sumasagot. Nag-aalala
na siya rito, simula ng magkaroon siya ng trabaho ay hindi na niya ito nakita.

To: Franco

Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Please magreply ka
naman nag-aalala ako, miss ka na rin ng mga bata.

Sent.

Halos isang oras na niya iyon naipadala pero hindi parin ito nagrereply.

"Uy friend! Nandito yung asawa at anak ni boss! Grabe sobrang ganda niya, pero
bakit ganun? Parang hindi naman kamukha ni boss yung anak niya no?" Rinig niyang
sabi ni Fely kay Joan.

Agad naman siyang binundol ng kaba. Nandito si Nancy?

"Talaga friend? Ay bet ko rin silang makita" Excited ba sabi naman ni Joan.

"Wag kang mag-alala friend pababa na sila rito, i-totour ata ang asawa niya sa
kumpanya" Ngiti pa ni Fely.

Bigla siyang pinawisan. Kinakabahan siya sa pwedeng mangyari.

"Goodmorning po Sir and Ma'am, this is our Marketing Department" Biglang sabi ni
Ms. Candy at nagtayuan ang lahat.

Bakit tila nangatog ang tuhod niya.

"Uy girl, tumayo ka nakatingin sayo si Ms. Candy" Sita sa kanya ni Joan.

Dahan-dahan siyang tumayo.

"Guys, this is Mrs. Nancy Montemayor our CEO's wife" Pakilala dito ni Ms. Candy.
Agad naman ngumiti ang babae at inilibot ang tingin. Nagtagal ang tingin nito sa
kanya. Agad naman siyang napayuko.

Isa-isa silang pinakilala. Nang siya na ay kita niyang tinignan siya nito mula ulo
hanggang paa.

"This is Ms. Samantha Samson, our junior marketing assistant but she's just
rendering for her resignation"

"Nice to meet you Ms. Samson, I am Mrs. Montemayor" Binigyang diin pa nito ang
salitang MRS. "Why are you resigning? Are you not happy with our company? Do you
need more? Maybe we can provide you something else"

"N-nice to meet you too Mrs. Montemayor. Thank you for offering but no thanks"
Sagot niya rito.

"Oh, okay. Let's go babe I want to see the other department" At umabistre na sa
braso ni Allen, si allen naman ay matamang nakatingin sa kanya.

"Babe let's go!" Dinig pa niyang hila ng babae dito.

Nang makaalis ang mga ito ay malalim siyang napabuntong hininga.

"Friend ayos ka lang ba?" Kunot noong tanong ni Joan sa kanya.


"Ah oo naman" Ngiti niya rito ng pilit

"Nako, hindi naman pala maganda yang asawa ni boss, mukha lang mayaman. Mas maganda
pa nga si Samantha doon kahit simple lang siya, mukha pang maldita" Sita ni Joan
habang nakatingin kay Fely.

"Oo nga friend, malayo kasi kanina tsaka maputi akala ko maganda. Grabe pa
makahawak kay boss kala mo naman aagawin. Tiyaka kita mo ba yun? Tinignan niya pa
si Samantha mula ulo hanggang paa? Insecure sa beauty mo friend!" Inis na sabi ni
Fely.

"Ano ba kayo, baka marinig pa kayo ni Ms. Candy mapagalitan pa tayo"

Agad naman bumalik ang mga ito sa ginagawa.

Lunch break na noon at papunta na siya ng canteen ng makaramdam ng urge para umihi.

Pagkatapos ay naghugas siya ng kamay. Nang biglang pumasok si Nancy. Akmang aalis
na siya tawagin siya nito.

"How are you Samantha?" Baling nito sa kanya


"I'm good, aalis na ako" At mabilis na sanang maglalakad ng hablutin nito ang braso
niya.

"Bakit ba ang hilig mong ipagsiksikan ang sarili mo sa asawa ko?" Taas kilay na
sabi nito.

"Bitawan niyo po ako Ma'am, wala po akong ginagawang masama"

"Really? Kaya pala sa dinami-dami ng kumpanya, dito pa sa pag-aari ni Allen ka


nagpunta" Nang-uuyam na sabi nito

Malakas niyang hinila ang braso niya mula rito "Kung may problema kayong dalawa,
wag niyo na akong idamay. Matagal ng tapos sa amin ang lahat, hindi ako nanggulo sa
inyo kahit kelan, kaya please lang tigilan mo na ako" Matigas na sabi niya.

"Wow, bakit kaya ang tatapang ng mga kabit? Sabagay, ang lakas nga ng loob mong
pumatol sa asawa ng may asawa hindi ba?!"

"Bakit ba galit na galit ka sakin? Natatakot ka bang maagaw ko sayo ang asawa mo?"
Nanghahamon niyang sabi rito

Kita niyang biglang naningkit ang mga mata nito "How dare you say that to me?! Ako
natatakot sayo? No fucking way. Hindi ang isang kagaya mo lang ang makakatalo sa
isang katulad ko!"

Napangisi siya rito, hindi na siya papayag na tapak-tapakan nito "Kung ganun wala
kang dapat ikagalit sa akin, pero kung hindi ka parin satisfied itali mo yang asawa
mo. Baka magising ka nalang bukas at wala na siya sa tabi mo" At mabilis na
lumabas.

Nakakailang hakbang pa lamang siya ay nakasalubong niya si Allen.

"Sam, si Nancy nagkita ba kayo? Inaway ka ba niya? Are you alright?" Alalang tanong
nito.

Pero sa halip na sagutin ay inismiran niya lang ito at tinalikuran at mabilis na


bumalik ng lamesa niya, nawalan na siya ng ganang kumain. Bakit ba kasi hindi
matigil tigil ang problema sa buhay niya.

Kinabukasan pagpasok niya ay mukha na agad ni Nancy ang bumungad sa kanya.

Hindi niya ito tinignan at dire-diretso na siyang naglakad. Nang bigla siya nitong
hinarangan.

"Don't you know the word good manners and right conduct? Akala ko pa naman nag-aral
ka na, pero hindi ka marunong bumati sa asawa ng boss mo" Nakataas kilay na sita
nito sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko po kasi Ma'am asawa lang po kayo, hindi po kayo ang boss ko.
Hindi ko naman po alam na sa kumpanya palang ito kailangan kong sambahin lahat ng
kamag-anak ng boss ko" At tinaasan niya rin ito ng kilay.

"How dare--"
"Nancy that's enough! Sige na Ms. Samson pumasok kana" Biglang sabi ni Allen na
hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila.

"Bakit mo pinagtatanggol ang babaeng yan ha Allen? May relasyon nanaman ba kayo?"
Madiing sabi ni Nancy

"I told you a million times na wala ng namamagitan sa amin, kung ayaw mo paring
maniwala that's your problem, not mine!" At bigla nalang itong tinalikuran ni
Allen.

Matalim muna siyang tinitigan ni Nancy bago hinabol ang lalaki.

Napapailing nalang siyang naglakad papunta sa departamento nila.

Konting tiis nalang Samantha at makakaalis ka na rin sa kumpanyang ito. Bulong niya
sa sarili.

--------

Vote&Comment

31

Nang mga sumunod na araw ay hindi na siya ginambala pa ni Nancy. Hindi niya alam
kung paano ito kinausap ni Allen.
Mabilis pang lumipas ang mga araw at eto na ang huling araw niya sa trabaho.

"Ma-mimiss ka namin friend, wala ng muse dito sa department" Malungkot na sabi ni


Fely habang nasa canteen sila.

"Oo nga friend, bakit ka ba kasi nagresign? Akala ko ba e para sa mga anak mo yan
kaya mo gustong magtrabaho?" Takang tanong ni Joan.

"Kailangan e, oo para sa mga anak ko ang lahat ng ito"

"Eh nasaan ba yung Ama ng mga anak mo? Hindi ba siya nagbibigay ng suporta?"
Seryosong tanong ni Fely.

"Ahm kung maaari lang ayoko na sanang pag-usapan pa" Iwas niya sa mga ito.

"Nako Friend sorry ah. Pero napakabobo naman talaga ng lalaking nang-iwan sa iyo,
aba isipin mo? Sa ganda at bait mong yan pinakawalan ka pa? Kung lalaki lang ako
niligawan na kita!" Malakas na sabi ni Joan.

Nang bigla silang makarinig ng malakas na tikhim.

Halos matulala ang dalawa ng makita kung sinong nasa harapan nila.
"Ah Boss, magandang tanghali po" Biglang sabi ni Joan.

Agad din silang bumati kay Allen.

"Ms. Samson can I talk to you after your break?" Seryosong baling ni Allen sa
kanya.

Bahagya naman siyang tumango. Ano ba ang sasabihin nito?

Pagkatapos kumain ay nagpunta na siya sa itaas.

Nakakadalawang katok palang siya ng papasukin nito.

"Have a sit"

Agad naman siyang umupo.

"This is your last day here in my company right?"

Agad naman siyang tumango. "Yes"


"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo? I mean, hindi ka na guguluhin ni Nancy kung
yan ang iniisip mo"

"Hindi na po magbabago ang isip ko, and thank you for the opportunity to work here,
may sasabihin pa ho ba kayo?" Seryosong sabi niya.

May inilabas itong maliit na papel sa isang folder at binigay sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang cheke. 2 Million Pesos

"P-para saan to?" Takang tanong niya

"For you, back pay mo. And advance salaries" Matamang sabi nito sa kanya.

Agad niyang ibinalik ito sa kanya. "That is too much, hindi ko iyan matatanggap.
Ang perang pinagtrabahuhan ko lang ang tatanggapin ko" Matatag niyang sabi

"But Samantha please, gusto kong maibigay mo lahat ng pangangailangan ng mga anak
ko, they deserved it"

"Sa tingin mo ba ay materyal lang na bagay ang mga pangangailangan nila? Allen,
hinding-hindi mabibili ng pera mo ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama ang
ipinagkait mo sa kanila sa loob ng maraming taon!" At mabilis na siyang tumayo.
"Kung wala ka na pong sasabihin ay aalis na ako, kailangan ko pang magligpit ng mga
gamit ko"

Malapit na siya sa pinto ng magsalita ito. "I'm sorry Samantha kung kinailangan
kong gawin iyon, I'm sorry"

Saglit siyang tumigil bago tuluyang lumabas ng opisina nito.

---------

Halos isang linggo na ng umalis siya sa trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa
siya nakakahanap ng bagong papasukan.

Alas-dose na noon ng hating gabi at hindi siya makatulog, kaya lumabas siya ng
kwarto at kumuha ng tubig sa kusina.

Babalik na sana siya ng kwarto ng makarinig ng mahihinang katok.

Kinakabahang sumilip muna siya sa bintana, halos manlaki ang mga mata niya ng
makita si Allen doon.

Nang buksan ang pinto ay gulo-gulo ang buhok nito at hindi makatayo ng tuwid.
Nakumpirma niyang lasing ito ng magsalita ito at maamoy ang alak sa bibig nito.
"Allen, anong ginagawa mo dito?! Umuwi kana"

"Samantha, my baby. Please" At lumapit pa ito sa kanya. Buti ay napasandal siya sa


hamba ng pinto, kung hindi ay pareho silang natumba.

"Allen, lasing ka. Bumalik ka nalang sa susunod tulog na ang mga bata"

"No Sam please, wag mo akong paalisin hindi ko na kaya"

Nang muntik nanaman itong mabuwal ay inalalayan na niya ito para makapasok sa sala.
Iniupo niya ito. "Bakit ka ba nagpakalasing ng ganyan ha Allen? At nagmamaneho ka
pa! Paano nalang kung--"

"I miss you so much baby.." At mabilis nitong hinawakan ang dalawang kamay niya.

Mabilis naman niya itong tinanggal "Allen ano ba?! Sandali igagawa lang kita ng
kape"

Nakakaisang hakbang pa lamang siya ng bigla siya nitong yakapin mula sa likuran.
"Don't go please, just stay here" Parang nahihirapang sabi nito. Ramdam niya ang
mabilis na tibok ng puso nito mula sa likuran.

Akmang kakawala siya ng lalong humigpit ang mga kamay nito sa bewang niya. "Wag mo
akong iwan Sam, please mababaliw na ako sa kakaisip sa iyo. Sa inyo ng mga anak ko"
At naramdaman niya ang pag-alog ng mga balikat nito.
Halos manlaki ang mga mata niya, umiiyak ba ito? Ano bang nangyayari dito?

Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakayapos sa bewang niya at maingat itong
tinanggal. Nang humarap siya dito ay kitang-kita niya ang mga luha sa mga mata
nito. "Allen, ano bang sinasabi mo? Lasing ka lang, umupo kana muna diyan at
gagawan kita ng kape para mahismasan kana. Baka hinahanap kana ng asawa mo" Nang-
maisip ang asawa nito ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

"I don't fucking care about her! All I want is you Samantha! Only you!" At mabilis
na hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "You still love me right?" Kitang-kita
niya ang kislap ng lungkot sa mga mata nito.

"A-allen.."

"Answer me baby, you still love me right?! Because I still fucking love you
Samantha!" Seryosong sabi nito at nakatitig lang sa mukha niya.

Agad nanlaki ang mga mata niya sa sinasabi nito. "Allen, lasing ka lang. Bukas ay
makakalimutan mo na rin lahat ng yan! Please wag mo na akong saktan!"

"Samantha please, believe me. I still love you. At hindi naman iyon nawala, mahal
na mahal kita! Fuck!" Tila nahihirapang sabi nito.

"Mukhang maayos kana, umalis kana. Tiyak na hinihintay ka na ng asawa mo. Ayokong
isipin nanaman niya na inaagaw kita sa kanya. Please" Pakiusap niya rito.
Biglang bumagsak ang balikat nito. "Okay Samantha I'm sorry, sige uuwi ako pero
hindi dahil sa kanya. Uuwi ako dahil sinabi mo. Ayokong nakikita kang nahihirapan
ng dahil sa akin, masyado na akong maraming nagawang kasalanan sa iyo. But remember
this Samantha, I love you so much at hinding-hindi yun magbabago" At mabilis na
itong umalis kahit muntik pa itong matumba.

Nanghihina siyang napaupo, hindi na niya alam kung ano pang dapat niyang isipin.

-----------

Few Chapters left.

Team Allen or Team Franco?

Vote&Comment

32

Kasalukuyan siyang nasa grocery store ng isang Mall dito sa bayan para bumili ng
gatas at diaper ni Sofia ng mamataan ang isang lalaki. Franco?

Dahil siya na ang nagbabayad sa counter ay bigla nalang itong nawala sa paningin
niya.

Pagkatapos magbayad ay agad niya itong hinanap sa loob ng mall pero hindi niya ito
nakita. Baka namamalikmata lamang siya.

Palabas na sana siya ng Mall ng makita itong naglalakad kasama ng isang babae.
"Franco!" Tawag niya rito. Pero hindi siya nito naririnig. Kaya mabilis siyang
naglakad-takbo para maabutan ito.

"Franco!" Sabay hablot sa braso nito. Nagulat naman ito ng makita siya.

"Samantha?!" Gulat na tanong nito "What are you doing here?"

Agad niyang itinaas ang binili niyang gatas at diaper.

Nakita niyang natahimik ito bago bumaling sa kasama nitong babae. "Sige Mara, mauna
kana sa kotse susunod na lang ako" Baling niya sa babaeng kasama nito.

Sinundan niya ng tingin ang babae habang naglalakad ito paalis. Maganda ang babae
at simple lang ito.

"Lets go" At hinila siya nito. Dinala siya nito sa isang restaurant.

Nakatitig lang siya kay Franco.

"May problema ba Sam?" Takang-tanong nito


"Iniiwasan mo ba ako Franco?" Titig niya rito, agad naman itong nag-iwas ng tingin.

"Walang dahilan para iwasan kita" Seryosong sabi nito.

"Pero bakit hindi ka na nagpaparamdam? Tinatanong ka na rin ni Alexander. Hindi ka


na pumupunta sa bahay, hindi ka na rin sumasagot at nagrereply sa mga tawag at text
ko"

"I'm busy, I still have my own life Samantha" Parang may inis sa boses nito.

Agad naman nanlaki ang mata niya, sa ilang taon nilang magkakilala ni Franco,
ngayon lang siya nito sinagot ng ganoon. Agad siyang napayuko. "I'm sorry, oo nga
pala nakalimutan ko may sarili ka nga palang buhay. Nasanay lang kasi kami na lagi
kang nandiyan" Malungkot na sabi niya

"Look Samantha I'm sorry, I didn't mean to say that" At hinawakan ang kamay niya.

"No its okay Franco, I understand"

"Sam.."

"Nagkita na kami ulit ni Allen" Biglang sabi niya rito.


Pero tila hindi ito nagulat sa sinabi niya "Okay na ba kayo? Nagkabalikan na ba
kayo?"

"Ha? Bakit naman kami magkakabalikan? Franco, tapos na sa amin ang lahat. Ni hindi
nga siya nagpaliwanag--"

"You need to understand him Samantha"

Nakakunot noong tinitigan niya ito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Damn that bastard! Hindi pa ba niya sinabi sayo?"

"Ang ano Franco? Hindi kita maintindihan" Naguguluhang tanong niya.

"Sam, you need to know the truth. Si Allen ang palihim na tumutulong sayo at hindi
ako" Seryosong sabi nito.

"Ano bang pinagsasabi mo Franco?"

"Si Allen ang nasa likod ng lahat ng iyon, kinausap niya ako noon pa lang. Kahit
galit na galit ako sa kanya noon ay tinulungan ko siya para sa kapakanan mo dahil
mahal kita"
Nagulat siya sa nalaman.

"Hindi ka kailanman nakalimutan ni Allen, kayo ng mga bata. Lahat ng tulong na


ibinibigay ko ay nang gagaling lahat kay Allen. May mga tao rin siyang nagbabantay
sa inyo para tignan at ireport ang nangyayari sa buhay niyong mag-iina. Sam, hindi
siya kailanman nawala sa buhay niyo" Seryosong sabi nito habang walang kurap na
nakatitig sa mga mata niya.

"Hindi kita maintindihan, pero bakit ngayon mo lang sinasabi yan? Siya rin ba ang
tumulong sa pag-aaral ko?"

Agad itong tumango. "Oo Samantha, lahat ng iyon ay plano ni Allen. Siya ang
nakaisip na pag-aralin ka"

"Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Bakit kailangan niyang itago? Bakit hindi
niya ipinaalam?"

"Ang mabuti pa siya nalang ang tanungin mo Samantha, mas maganda kung sa kanya
mismo manggagaling ang lahat"

"Franco.."

"Trust him Sam, nung una ay galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sayo.
Pero ng puntahan niya ako at umiyak at nagmakaawa sa harap ko para tulungan ko
siyang tulungan ka ay doon ko napatunayan na ganoon ka niya kamahal. Sam, Allen
loves you so much. Sinakripisyo niya ang kaligayan niya, naghirap siyang hindi kayo
makasama ng mga anak niyo para protektahan ka" At pinisil ang kamay niya.
Natahimik siya at hindi nakaimik. Naguguluhan parin siya sa mga nangyayari.

"Sam, I have to go. Kanina pa naghihintay si Mara" At mabilis na itong tumayo.


"Gusto mo bang ihatid ka muna namin?"

"Ah hindi na" Mabilis na tanggi niya. "Mag-iingat ka, at sana pag may oras ka
dalawin mo parin ang mga bata" Bahagyang ngiti niya dito

"I will. I have to go. Mag-iingat ka din Sam, at buksan mo ang puso mo sa paliwanag
ni Allen" At mabilis na itong lumabas ng restaurant.

Nanghihina siyang napasandal sa upuan. Ano ang dahilan ni Allen? Dahil ba ito kay
Nancy?

Habang papauwi ay parang wala siya sa sarili.

Nang makarating sa bahay nila ay nagulat siya ng makita ang kotse ni Allen. Agad na
kumabog ang puso niya.

Mabilis siyang pumasok sa loob at kita niya na masayang kalong-kalong nito ang anak
niyang si Sofia.

"Allen.."
Mabilis naman itong napatingin sa kanya at napangiti. "Oh, mommy is here na pala"
At nakangiting nakatingin sa anak nila.

"Anong ginagawa mo dito?"

"You said if I want to visit the kids pwede akong pumunta dito"

Agad siyang natigilan. Oo nga pala yun nga pala ang sinabi niya.

"At isa pa, gusto din kitang makausap" Seryosong sabi nito.

"Oo, tamang-tama na rin ang dating mo. Gusto rin naman kitang makausap" Titig niya
rito.

Agad itong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Alam ba ng asawa mo na nagpunta ka rito?" Biglang tanong niya

"Can we just not talk about her Samantha?" May irita sa tono ng boses nito.
"Why? May tinatago ka ba sa akin Allen?"

"Can we just talk about it later please?" Pakiusap nito.

Marahan siyang tumango. Mabilis siyang pumasok ng kwarto at nagpalit ng pambahay na


damit. Nang muling lumabas ng kwarto ay nakita niyang tulog na tulog na ang anak
niya sa bisig ng ama. Tahimik niyang pinagmasdan ang mga ito habang nakangiti si
Allen na nakatitig at hinahalik-halikan sa pisngi ang tulog na tulog nilang anak.
Ano ba talaga ang dahilan mo Allen kung bakit mo ito ginawa?

Nang tila maramdaman nitong may nakatingin rito ay agad itong napatingin sa gawi
niya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at dire-diretsong pumunta ng kusina.

--------------

Vote&Comment

33

"Sam, can we talk in some other place?" Seryosong sabi nito sa kanya.

"Hindi, dito nalang nalang tayo mag-usap. Kung ayaw mo doon nalang tayo sa may
kotse mo" Tanggi niya, ilang oras nalang kasi ay darating na si Alexander.

Agad naman itong tumango. "Okay. I'll just wait you there" At nauna na itong
lumabas at nagpunta sa kotse nito.
Ilang sandali lang ay sumunod narin siya rito. Tinted naman ang sasakyan nito. At
hindi naririnig sa labas.

Kita niyang seryoso lang si Allen na nakahawak sa manibela.

"You first"

"Magsalita kana"

Sabay pa nilang sabi.

"Bakit mo din ako gustong makausap?" Tanong ni Allen sa kanya.

"Gusto kong malaman kung ano talaga ang dahilan mo kung bakit hindi mo na kami
binalikan" Seryoso din siyang nakatingin dito

"Sam.." At hinawakan ang palad niyang nasa may kandungan niya. "Una sa lahat, gusto
kong malaman mo na mahal na mahal kita, I always do. At iyon ang totoo"

"Then tell me, sabihin mo kung bakit mo kailangang gawin iyon?! Hindi mo kailangan
lumaban ng mag-isa Allen. Nandito ako, kami ng mga anak mo"
"That is exactly my point, nandiyan kayo. Ayoko kayong madamay" Malungkot na sabi
nito.

"Naguguluhan parin ako, ano ba talagang nangyayari?"

"9 years ago, my dad agreed in a partnership with Nancy's father, without knowing
that her father is a well-known druglord and armed syndicate here in Asia and other
part of America" Nakatitig nitong sabi sa kanya at naramdaman niyang lalong
humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Mataman lang siyang nakikinig dito.

"Without knowing, her father blackmailed my father. Gusto nitong pakasalan ko ang
nag-iisa nitong anak na babae, dahil nabuntis ito ng ibang lalaki pero ayaw sabihin
ng anak nito kung sino ang Ama niyon. Ayaw nito ng kahihiyan sa pamilya nito. I was
forced to marry Nancy for my father's debt and life"

"4 years ago I talked to Franco about this, nangako siya na babantayan at
proprotektahan ka. Dahil kailangan ko munang ayusin ang lahat. Sumama ako kay Nancy
dahil tinakot niya akong papatayin kayo ng mga anak natin. I know her very well
Samantha, marami na ring napatay si Nancy, and I'm afraid for your safety. Ayoko
rin matrauma ka at mga anak natin kung patuloy ka niyang ipapahiya sa ibang tao.
Ayokong makaranas sila ng pangungutya mula sa ibang tao. Habang nasa Canada gumawa
ako ng mga plano kung paano mapapatumba ang tatay ni Nancy, nang malaman ito ng Ama
niya ay kinulong nila ako, binugbog at halos patayin. But I begged for my life,
kinuha ko ang tiwala ni Nancy. Pinakisamahan ko siya ng mabuti at nagkunwaring
mahal ko siya. At hindi nagtagal ay nakuha ko ang tiwala nila. I even make her
signed the divorce papers. At kahapon ay dumating na ang sulat. Samantha, I am no
longer married to her" Kita niya ang kislap sa mga mata nito.

Matagal niya itong tinitigan, parang hindi niya kayang isipin ang hirap na dinanas
nito noon. Unti-unti niyang nararamdaman sa mga pisngi niya ang nga luha.
"Samantha, malapit narin matapos ang kasamaan ng Ama niya. I have all the
documents, nakipagtulungan narin ako sa mga kakilala at kaibigan kong
maiimpluwensiyang tao. Samantha, I never stop loving you. Hindi ako nagpakita sayo
ng matagal na panahon dahil gusto kong isipin niya wala na akong pakialam at
pagmamahal sayo, I hope you will understand now everything baby" Habang pinupunasan
nito ang mga luha sa pisngi niya.

"Allen!" At mabilis niya itong niyakap. Sobrang sakit ng puso niya. "Patawarin mo
ako, hindi ko alam lahat ng pinagdadaan mo, hindi ko alam" Hagulgol niya.

"Shhhh, don't cry baby. And importante malapit ng matapos ang lahat ng ito. Trust
me, everything will going to be okay" At hinawakan nito ang pisngi niya.

"Natatako ako Allen, natatakot ako para sa kaligtasan mo. Paano pag nalaman ni
Nancy na hiwalay na kayo?"

"Sam, I am okay. Wag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. By now siguro
nakatanggap na rin siya ng email confirming our divorce. Isa lang ang pinag-aalala
ko" Malungkot na sabi nito

"Ano Allen?"

"Si Aria, kailangan ko siyang makuha kay Nancy. Napamahal na ko kay Aria kahit
hindi ko siya tunay na anak, sinasaktan niya ito. Worst is baka matagal na niya
itong napatay kung wala lang ako sa tabi niya"

Agad niyang natutop ang bibig. "Paano nito iyon nagagawa sa sariling anak?"
"Because Aria is a product of rape, ni-rape si Nancy noon kaya hindi niya maituro-
turo ang lalaking nakabuntis sa kanya ay dahil napatay na niya ang lalaki. Kailan
ko lang din ito nalaman, Nancy is getting worst sapalagay ko ay may sakit na din
ito" Seryosong sabi nito.

Agad siyang nakaramdam ng takot at pangamba. "Allen ang mga anak natin" Nanginginig
na sabi niya.

"Don't worry, padadagdagan ko ang bantay dito, wag na muna kayong maglalalabas. You
trust me right?"

Agad naman siyang tumango.

"You still love me right?"

Mabilis rin siyang tumango "Yes Allen, Mahal na mahal parin kita"

Agad itong nakahinga ng maluwag. At dahan-dahan bumaba ang labi nito sa labi niya.
Madiin siya nitong ginawaran ng halik. Napakainit ng mga labi nito.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay nagkatitigan sila. "God! I really miss you
baby!"

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na sila ng kotse, agad niyang pinuntahan ang
anak. Kasunod niya sa likuran si Allen.

Ilang sandali lang ay dumating na si Alexander. Nang biglang tumunog ang cellphone
ni Allen.

Ilang sandali lang ay ibinaba na nito iyon at tinawag siya "Sam.."

Kinakabahan siya na lumapit dito. "Bakit?"

"I think kailangan niyo munang umalis dito, lumipat muna kayo ng ibang lugar"

"Bakit? Ano bang nangyayari Allen?" Kabadong tanong niya.

"Nalaman na ng Ama ni Nancy lahat ng ginawa ko laban sa kanila, lumayo muna kayo ng
mga bata" Alalang sabi ni Allen.

Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit nila, isinama niya narin ang mga kapatid at
Nanay niya sinabi niya ritong mamaya na siya magpapaliwanag. Halos matapos na sila
sa pagliligpit ng mga damit ng makarinig ng dalawang malalakas na putok ng baril

Gulat na nagkatinginan sila ni Allen.

-------------
The end is near my friend.

Vote&Comment

34

"Pumasok kayong lahat sa kwarto! Wag na wag kayong lalabas!" Mabilis na sabi ni
Allen at may binunot na kung ano sa likod ng damit nito.

Halos manlaki ang mga mata niya. Baril?

Akmang lalabas na ito ng pigilan niya. "Allen wag please, wag kang lalabas"
Kinakabahang sabi niya.

"Just stay here, wag na wag kayong lalabas ng mga bata" Seryosong sabi nito at
hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa braso nito at dahan-dahan itong
tinatanggal "Do you trust me right?"

Agad naman siyang tumango.

"Good, now do what I say"

"M-mag-iingat ka Allen" At halos sumama na siya dito sa labas kung hindi lang siya
nito pinigilan.

Ilang minuto na itong lumabas at hindi siya mapalagay. Umiiyak ang mga anak niya,
nang makarinig ng isang putok ng baril ay lalo siyang kinabahan.

"Nay, kayo na muna pong bahala sa mga bata titignan ko lang po si Allen" Paalam
niya sa Nanay niya.

"Anak wag ka ng lumabas, baka kung mapaano ka pa doon. Hintayin mo nalang si Allen
dito" Alalang sabi ng Nanay niya.

"Nay, mag-isa lang po doon si Allen" At mabilis na siyang lumabas. Kitang kita niya
si Nancy na nakatutok ang baril kay Allen. Kita din niya ang maraming tauhan ni
Nancy na nasa likuran nito at handa na rin bumunot ng baril.

Nang makita siya ni Nancy ay napangisi ito. At biglang itinutok sa kanya ang baril.

Agad naman napalingon sa kanya si Allen at nanlaki ang mga mata "Samantha!"

"So here's the slut bitch Mistress! Mang-aagaw ng asawa! Sa tingin mo ba ay panalo
ka na?!"

"Please Nancy, pag-usapan natin to ng maayos wag mong daanin sa init ng ulo"
Pakiusap niya rito. Ayaw niya pang mamatay, maliliit pa ang mga anak niya.

"Nancy! Wag mo siyang idamay. If you're mad at me I am here sakin ka magalit!"


Baling ni Allen dito
"You love her so much don't you?!" Galit na sigaw ni Nancy dito

Mariin siyang tinignan ni Allen at pinakatitigan. "Yes, I love her so much. So much
that I am willing to sacrifice myself for their safety"

Damang-dama niya ang bawat salita sa kanya ni Allen, agad nangilid ang mga luha
niya.

"Then let me kill that woman para masolo na kita!"

"There is no use of killing her, because if you do lalo lang kita kamumuhian. Kahit
mawala siya hinding-hindi kita mamahalin!" Galit na sigaw ni Allen.

Biglang ibinalik ni Nancy kay Allen ang tutok ng baril. "Then, let me just kill you
instead. Para wala ng makinabang sayo Allen!"

"Daddy!" Sigaw ng kung saan at nakita nila si Aria na bumaba ng sasakyan at akmang
tatakbo papunta kay Allen ng kunin ito ng mga tauhan ni Nancy.

Nagwala ito at nag-iiyak habang tinatawag ang pangalan niya.

"Let her go Nancy please!" Paki-usap ni Allen dito


"Bakit ang walang kwentang si Aria ay minahal mo?! Bakit ako Allen? Halos siyam na
taon tayong magkasama pero ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo!"

"Because you are a pathetic, desperate and selfish bitch! Can't you understand?
Walang kasalanan si Aria sa lahat ng nangyari sa iyo! Hindi niya kasalanan na
naging bunga siya ng pambababoy sayo!" Sigaw ni Allen dito.

"You already knew?!" Gulat na tanong ni Nancy

"Yes, I knew everything Nancy. It's time for you to surrender. Admit all your sins"
Malumanay na sabi ni Allen

"Kaya ba hindi mo ako kailanman minahal dahil nandidiri ka sa akin?!"

"That's not the reason Nancy. I already have the woman I love the most at hindi ko
siya kayang lokohin. Nancy please, let stop this!"

Siya naman ay matamang nakatingin at nakikinig lang dito, kita niya rin ang sakit
sa mga mata nito. Naiinitindihan niya ang pinagdaanan nito dahil babae rin siyang
katulad nito. Pero hindi nito dapat gawin ang lahat ng iyon, lalong lalo na hindi
nito dapat kamuhian at saktan ang anak nito.

"Let's stop this fucking nonsense drama!" At mabilis na ikinasa ang nakatutok na
baril kay Allen.
Akmang kakalabitin na nito iyon pero may narinig itong putok ng baril at
napalingon. Kinuha iyong pagkakataon ni Allen at mabilis na nito iyon dinakma at
kinuha ang baril mula dito.

Nang makarinig siya ng malalakas na putok pa ng baril. Kitang-kita niya ng


maglabasan mula sa pagkakatago ang iba pang mga lalaki at pinagbabaril ang mga
tauhan ni Nancy. Habang sina Allen at Nancy ay nag-aagaw sa baril. Agad siyang
nakaramdam ng takot.

Nang biglang pumutok ang baril na iyon. Agad nanlaki ang mga mata niya ng bumagsak
si Nancy.

Agad niyang natutop ang bibig.

Nang mapalingon siya ay kita niya ang Matandang lalaki na akmang babarilin si Allen
ng mabilis siyang tumakbo at yumakap kay Allen. "Magbabayad ka sa ginawa mo kay
Nancy!" Rinig pa niyang sabi nito, baka ito ang ama ng babae.

Napaigik siya ng maramdaman ang dalawang bala ng baril na bumaon sa likod niya.

"Samantha!" Dinig pa niyang sigaw ni Allen.

Napahiga siya sa lupa at agad naman siya nitong dinaluhan. Tila tumigil ang pag-
ikot ng mundo. Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa paligid.

"Baby please, hold on. Padating na ang mga pulis at ambulansiya. Habang yakap siya
nito.
Dahan-dahan niyang itinaas ang palad para hawakan ang pisngi ni Allen. "A-allen..
a-ang m-mga bata.. wag mo silang pababayaan.."

"Baby don't say that please, please I am begging you lumaban ka. Lalaban ka.
Please" Pagmamakaawa ni Allen habang umiiyak.

Dahan-dahan siyang ngumiti "M-mahal na M-mahal.. kita.."

"I love you too so much baby, hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin pag nawala ka.
Mahal na mahal kita Samantha, hindi ka pa pwedeng mamatay. Pakakasalan mo pa ako..
I promised you 4 years ago remember? Magpapakasal pa tayo" hilam na rin sa luha ang
mga mata nito.

Nang dahan-dahan ng pumipikit ang mga mata niya. At tuluyan na itong nagdilim.

-------------

Nang magising siya ay punong-puno ng bulaklak ang paligid. Puting-puti ang mga ito,
sobrang bango rin.

Nang tignan niya ang sarili ang may suot din siyang puting-puting bistida at may
mga bulaklak siya sa ulo.

Halos masilaw siya ng may lalaking unti-unting naglalakad palapit sa kanya pero
hindi niya maaninag ang mukha nito.
Nang ganap na makalapit ay halos manlaki ang mata niya. "Tatay?" At mabilis niya
itong niyakap at umiyak. Miss na miss na niya ito. Ilang taon na rin niya itong
hindi nakikita simula ng pumanaw ito.

--------------

Last Chapter Left.

Vote&Comment

35- Finale

ALLEN SIDE (Third Person Point of View)

Malungkot na nakatanaw si Allen sa balkonahe ng kwarto nito habang nakaupo at hawak


ang litrato ni Samantha.

It's been so long Samantha, I am missing you so much. Miss na miss kana namin ng
mga bata. Bulong niya habang haplos haplos ang larawan nito.

Mula ng mangyari ang insidenteng iyon ay halos mawalan na siya ng buhay, halos
mawalan na siya ng ganang mabuhay. Pero patuloy parin siyang lumalaban para sa mga
anak niyang si Alexander, Sofia at Aria. Pinasya niyang alagaan nalang si Aria
tutal ay sa kanya ito nakapangalan at itinuring narin niya itong parang tunay na
anak.

Namatay si Nancy at napatay naman ang Ama nito ng maglaban ito ng hulihin. Na-
abswelto naman siya sa kaso niya laban kay Nancy dahil lumabas ns self-defense lang
ang ginawa niya.
"Tatay.." Nagulat siya ng tawagin ni Alexander

Agad naman siyang ngumiti dito.

"Tatay kakain na daw po tayo"

Mabilis naman siyang tumango at sumunod dito. Nasa may hapagkainan na ang mga anak
niya habang si Sofia ay buhat-buhat ng yaya nito.

Nang maupo ay damang-dama niya ang kalungkutan sa paligid.

"Tatay, nagpatulong po akong magluto ng sinigang kay manang. Di ba po paborito niyo


yang luto na yan ni Nanay?" Malungkot na sabi ni Alexander

Matagal niyang tinitigan ang anak at nakaramdam ng pangingilid ng luha. Agad niyang
pinagsalikop ang dalawang kamay at pinatong ang noo roon at nagsimulang umiyak.

Naramdaman naman niya ang mainit na yakap ni Alexander. "Tatay wag na po kayong
umiyak, magiging okay din po ang lahat" Pag-aalo pa sa kanya ng anak.

Agad niyang pinunasan ang mga luha. "Thank you Son, don't worry. Magiging malakas
na si Daddy para kay Mommy" Mapait na ngiti niya at inaya na ang mga itong kumain.
Pagkatapos kumain ay agad siyang naligo at nagbihis. Araw-araw ay pumupunta siya sa
lugar saan patuloy parin siyang umaasa.

"Bakit ka naging mahina para sa amin Samantha? Kailangan ka ng mga Anak mo,
kailangan kita. Hindi ko pa naibibigay sa iyo ang kasal na pinangako ko. Hindi mo
pa natatamasa ang tahimik at masayang pamilya kasama kami ng mga Anak mo.
Napakadaya mo naman Samantha, pakiusap tumayo ka na diyan" Bulong sa sabi niya sa
nakahigang si Samantha.

Anim na buwan na ito sa ICU at hindi parin ito nagigising.

"Matagal-tagal ka na rin naming hinihintay ng mga Anak mo, baby please tumayo ka na
diyan. Hindi na ako ulit aalis. Hindi ko na kayo ulit iiwan. Naayos ko na ang
lahat. Ikaw nalang ang kulang kaya nakikiusap ako sayo, patawarin mo ako sa lahat
ng sakit na naidulot ko sayo mula umpisa" Sa pagkakataong iyon ay hindi nanaman
niya mapigilan ang umiyak.

Nang biglang tumunog ang nakakabit na aparato dito.

Agad siyang nagulat at tinawag ang nurse. Mabilis naman ang mga itong nakarating
kasama ng doktor. "Sir, lumabas po muna kayo" Pakiusap sa kanya ng nurse.

"No, no. I want to see her please save her. Save her!" Nag-aalalang sigaw niya at
tuluyan ng isinara ang pinto.

Diyos ko. Iligtas niyo po ang babaeng pinakamamahal ko. Panginoon ko nakikiusap po
ako sa inyo.
Nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor. "How is she dok?" Alalang
tanong niya

"She is stable for now, pero tatapatin na kita. I don't see any improvement in her"
Seryosong sabi ng doktor.

"Dok please, save her I am willing to pay any amount just save her please"
Pagmamakaawa niya sa doktor.

"I am afraid to tell you this but, I think aparato nalang ang bumubuhay sa kanya.
I'm sorry" At mabilis na sana siya nitong iiwan ng lumuhod siya dito.

"Don't fucking say that! Doktor ka lang hindi ka Diyos! I'm begging you please!" At
napahagulgol na nakahawak sa may paanan ng doktor.

"We will still try our best Mr. Montemayor. Maiwan ko na muna po kayo" At mabilis
na itong naglakad paalis.

Nang biglang may tumapik sa kanya. Nang tignan ito ay nakita niya si Franco.
Tinulungan siya nitong tumayo st umupo sila sa may upuan sa labas ng ICU.

"Kaya ni Samantha yan, she's brave. Nakaya niya lahat ng pagsubok sa buhay nilang
mag-iina, yan pa kayang bala ng baril na yan" Mapait na ngiti ni Franco.

"Thank you Franco. Thank you for supporting Samantha all over this years, dahil
sayo ay nagawa niyang lumaban. Salamat sa lahat ng tulong mo"

Mataman siyang tinitigan ni Franco at tinapik siya sa balikat. "Kaya sana lumaban
karin bro, wag kang panghinaan ng loob. Naniniwala ako na isang araw gigising na
ulit si Samantha. Deserve niya rin maging masaya"

Agad siyang napatango rito "Gumising lang siya Franco, I'll make her the happiest
woman on earth"

"She will bro, she will." Assurance ni Franco.

Isang linggo na ang nakakaraan pero hindi parin ito gumigising. Sa umaga ay ang
nanay ni Samantha ang matyagang nagbabantay at siya naman sa gabi.

Araw-araw niya itong kinukwentuhan sa mga nangyayari sa buhay ng mga anak nila.

Alas-dose na nang gabi ng antukin siya at sumubsob sa may higaan ni Samantha.

Ilang sandali lang ay parang may mahinang bagay na tumatapik sa ulo niya.

Nang tingalain niya ito ay halos mahulog siya sa inuupuan. "Samantha?!"

Bahagya ng nakamulat ang mga mata nito. Agad niyang hinawakan ang kamay nito.
"Baby, do you hear me? Ako to si Allen" Masayang ngiti niya.

Dahan-dahan naman itong tumango.

"Thanks God! Wag ka munang magsalita tatawagin ko muna ang doktor" At mabilis
niyang tinawag ang nurse para tawagin ang doktor.

Para siyang dinuduyan sa alapaap. Ang mahal niyang si Samantha!

"This is indeed a Miracle Mr. Montemayor, stable na ang vital signs niya. Just
continue praying" Ngiti nito sa kanya at umalis na rin.

----------

After 6 months...

"Samantha, thank you for everything at hindi ka sumuko. Sa dinami-dami ng kasalanan


na nagawa ko sayo, nanatili ka parin ngayon sa tabi ko hanggang sa huli. At ngayon
finally, you're going to be Mrs. Monterder for real. I promise to cherish and love
you everyday of our lives. No words can express how much I love you and our
children. Thank you for raising them with good hearts and thank you so much for
sacrificing yourself for my safety" Ngiti niya kay Samantha na ngayon ay sobrang
ganda sa suot nitong wedding gown.

"Allen, salamat sa matyagang paghihintay sa paggising ko. Hindi ka rin sumuko.


Salamat sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo saming mag-iina. Hindi ako nagsisisi na
minsan ay isinakripisyo ko ang buhay ko para sayo because Allen I know that you are
worth dying for" Umiiyak na sabi ni Samantha "Salamat sa buong pusong pag-aalaga sa
mga bata habang ilang buwan akong nakahiga sa kama, and minsan kong inakalang
demonyo at pinakamasamang lalaki sa buong mundo ay isa palang napakabait,
nakapamapagmahal at responsableng Ama. Ngayon, buong puso kong tinatanggap na
maging kabiyak mo habang buhay. For better or for worst, for richer or for poorer.
This death do us part"

At masayang nagpalakpakan ang mga bisitang naroroon sa simbahan na naging saksi sa


kanilang pagmamahalan. Naroroon ang Nanay at mga kapatid niya, si Damien at Jane
kasama ng cute na anak nito at si Franco at Mara na masayang magkahawak kamay.

At siyempre hindi mawawala ang cute na mga anak niya na sina Alexander, Sofia at
Aria na tinanggap niya ng buong puso.

"Are you happy wife?" Ngiting sabi niya kay Samantha kinagabihan pagkatapos ng
kasal nila.

"Oo na--"

Naputol ang sasabihin nito ng bigla itong pumasok ng banyo at magsuka. Agad niya
itong pinuntahan at nagkatinginan silang dalawa. Masaya niya itong niyakap.
Kinabukasan din kasama ng tatlong anak nila ay nagpunta sila sa doktor.

"Congratulations Misis, you're having a twins!" Masayang balita ng doktor.

Agad niyang hinalikan sa noo ang asawa habang gulat na gulat naman ito. "Kids,
you're all going to have two siblings!" Masayang balita niya sa mga Anak.

Nagtalunan naman ang mga ito sa saya.


Masaya niyang niyakap at hinalikan sa labi si Samantha. "I love you so much wife,
thank you for bearing again a wonderful gifts to us."

"I love you too so much Allen, last na ito ha?" Ngiting baling sa kanya ni Samantha
habang kinukurot siya sa tagiliran.

Natawa lang siya at masaya nilang niyakap mag-asawa ang mga anak nila.

The End.

--------------

End Date: September 25, 2020

Again, thank you so much at binasa niyo hanggang dulo itong book 2. Goodbye Allen &
Samantha for now and say hello to Jane & Damien entitled "He Hates Everything About
Me" sa mga nakakakilala kina Jane & Damien sana ay suportahan niyo po sila. Please
do follow me to keep you updated.

Till next time!

Love,

Funnymariaclara

You might also like