You are on page 1of 2

Malayo – layo na rin ang ating nilakbay at natitiyak kong liku – likong landas pa ang

ating tatahakin patungo sa isang matuwid at perpektong programang pang – edukasyon.

Hindi lingid sa kamalayan at kaalaman ng lahat na sa mga nagdaang siglo, ang


PILPINAS ay kilala at tinitingala ng mga dayuhan kung kalidad ng edukasyon ang pag –
uusapan. Ngunit ating pagmasdan ang kasalukuyang sitwasyon, nananatili pa rin ba tayo sa
itaas at tinitingala pa rin ba tayo ng mga dayuhan? De – kalidad pa nga ba ang edukasyon at
programang isinusulong? At nakukuha ng ating mga estudyante? Naming mga mag – aaral?

Nakalilito at ako’y lubos na nagugulumihanan sa mga nangyayari sa sector ng


edukasyon. Nagkaroon ng maraming katanungan tungkol sa Batas Pambansa Bilang 10533 na
gumawa sa pundasyon ng ating edukasyon na maging labindalawang taon sa halip na sampung
taon lamang. Ang tanong nga ng karamihan, “Ito ba ay napapanahon?” Sa mga salat ang
kaalaman, HINDI ang magiging kasagutan! Marami nga ang pasaring, komento at negatibong
reaksiyon hinggil sa nasabing batas. Kesyo dagdag gastos! Kesyo napakatagal ng pagtatapos!
Kesyo dagdag sa kahirapan ng bawat pamilyang Pilipino na may anak na apektado ng naturang
batas!

Ika nga ng Pangulo sa kaniyang ikaanim na SONA, “Kung ang lumang kalakaran ng
edukasyon ay kinalborong mangga, malamang na sa ngayon ay hinog na hinog na ito!”

Kung titingnan natin sa dalawang sitwasyon ang kanyang pahayag, ang SAMPUNG
TAON na pundasyon ng ating edukasyon ay HINOG SA PILIT kung saan pinagtagpi – tagpi
at pinaikli ang mga laman ng bawat asignaturang itinuturo. Napakalalim ng saklaw!
Napakasakit tanggapin ang katotohanan na ang produkto ng dating sampung taong
edukasyon ay hindi matanggap – tanggap sa inaaplayan niyang trabaho dahil sa kakulangan ng
taong ginugol sa paaralan kahit na sabihin pa nating taglay niya ang kakayahan at katalinuhan
para sa ganung trabaho.

Sa kabilang banda, kung ang parang kinalborong mangga na uri ng kalakaran ay hindi
na gamitan ng sangkap na kalboro para mas mapadali ang pagkakaluto, tiyak na napakatamis
at napakasarap ng lasa nito kung saan ay lalo nating mananamnam ang tunay na katas ng
tagumpay at pagpupunyagi.

Ang pagtanggap sa k – 12 na programa ay nahahati sa dalawa. Yan ang dahilan kung


bakit ako nandito sa inyong harapan, yan ay upang bigyan ng kalinawan ang naguguluhan
ninyong isipan at mapagnilayan na ang pagsasabatas nito ay napapanahon.
Ang K – 12 na programa ay may benepisyong TRABAHO, NEGOSYO at KOLEHIYO na
gagawing HANDA ang bata sa mundo. Ang mga guro sa programang ito ay tinaguriang 21st
Century teachers na magkakaroon ng produktong 21st Century learners na may inaangking
21st Century skills na kayang makipagsabayan sa pandaigdigang kalakaran. Ito na ang
hinihintay nating lahat kapwa ko mga mag – aaral. Nasa mga kamay na natin ang k – 12 at
dapat natin itong ipagbunyi! Salamat sa Kagawaran ng Edukasyon, sa kanilang pakikibaka
para sa matuwid na daan. Sila ang HALIGI at PUNDASYON nito. Mga minamahal naming
mga magulang, kayo po ang DINGDING nito sapagkat kayo po ang nakakaalam na kakayanin
po naming mabuhay sa K – 12 anumang hamon po ang darating. Mga pitagang guro, kayo po
ang BUBONG ng programang ito, sapagkat kami ay mababasa, magkakasakit at mamamatay
kung wala kayo. Walang kabuluhan ang lahat kung wala kayo dahil KAYO, kayo po ang aming
pananggalang at armas laban sa anumang hamon ng buhay. Mga kapwa ko mag – aaral, tayo po
ang PUSO ng K – 12. Ang lahat po ng pakikibaka, sakripisyo at batikos ay dahil narin po sa
atin upang tayo’y maging buo at matatag laban sa anumang kalamidad ng buhay. Simple at
napakadali lamang po ng ating tungkulin: ISAPUSO, ISA – ISIP at ISAGAWA po natin ang
K – 12! Pagyamanin natin ito at ipakita sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay matalino,
malakas, may dignidad at matapang sa anumang pagsubok sa buhay. Higit sa lahat kayang –
kaya nating makipagsabayan sa katalinuhan at talento saang sulok man ng mundo tayo
tutungo.

Ako, mahal ko at tinatanggap ng buong puso ang K – 12. Ikaw, hinahamon kita, kaya
mo ba?

Ikaw, ako, kayo, tayong lahat ay may pakialam, kaya’t hali kayo at sama – sama
tayong maglalakbay tungo sa matuwid na daan.

Mabuhay ang K – 12! Mabuhay tayong lahat!

You might also like