You are on page 1of 1

1) I-download ang isang awit na may pamagat na " I Believe" ni Tom Jones.

Pagnilayan at sabihin ang mensahe ng awit para sa inyo.


Isulat lamang sa lima hanggang 10 pangungusap.
Ang laman ng awiting ito ay nagpapakita ng pag-asa sa kabila ng mga hirap. Sa linya na “I
believe for every drop of rain that falls a flower grows,” maihahalintulad ang ulan sa pagsubok ng buhay.
Ngunit kung titignan ito sa malawak na katayuan, ang bawat patak ng ulan ang siyang nagbibigay buhay
para makabuo ng magandang bunga. Isa itong magandang mensahe ng pag-asa para sa mga dumaranas ng
hirap na humanap ng makakapitan. Lahat tayo, kahit minsan sa ating buhay, ay makararanas mawalan ng
pag-asa. Para sa akin, hindi madaling takasan ito kahit gustuhin ko dahil mayroong mga bagay na
mahirap intindihin at mahirap bigyan ng sagot. “I believe that somewhere in the darkest night a candle
glows; I believe for everyone who goes astray someone will come to show the way.” Minsan tayo ay
nababalot ng “uncertainty” kaya hindi na natin malaman kung tayo ba ay nasa tamang direksyon.
Bagaman gusto nating maging mas masaya sa mga oras na mahirap, hindi madaling tanggalin sa dibdib
ang bigat sa pakiramdam ng mga bagay. Ngunit sa pagkakataong hindi natin mahanap ang ating sarili,
ang katagang “I believe” ay ginhawa para sa tao na naniniwalang may nakakarinig sa mga hinaing niya -
“someone in the great somewhere” - sa kabila ng lahat.

2) Ibigay ang kahulugan ng pananampalataya at ispiritwalidad.


Ang pananampalataya ay isang paraan ng pagtitiwala ng tao sa Diyos. May punto sa buhay ng tao
na mahirap bigyang kahulugan, ngunit sa pananampalataya nito nakukuha niya ang kapanatagan dahil
naniniwala siya na may Nakatataas sa kanya. Sa pagdadasal, pagsisimba, pagbabasa ng [Bibliya], at
paggamit ng natutunan sa aral ng Diyos, nagiging tulay ito upang mapagtibay ng tao ang ugnayan niya sa
Diyos. Ang ispiritwalidad naman ay ang paniniwala na may mas malaki pa kaysa sa pagiging tao ng tao
sa mundo. Hindi ito nakasentro sa relihiyon na binibigyang halaga ng pananampalataya. Inuugnay nito
ang lahat ng nilalang gamit ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kapwa na may pag-alala sa
nilalayon ng Diyos. Ipinapakita rin nito na mayroong patuloy na pag-iral pagkatapos ng kamatayan at
binibigyang pansin na sagutin ang mga katanungan tungkol sa kabuluhan ng buhay.

You might also like