You are on page 1of 1

Irish Shienel M.

Ombao 10-Galileo ESP 10 Pananampalataya at Espiritwalidad

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
February 11,2022

Aralin: Pananampalataya at Espiritwalidad 

PERFORMANCE TASK 1

REPLEKSYON:
 Pakinggan at pagnilayan ang awit na may pamagat na “I believe” 
1.Ano ang mensahe ng awit kaugnay sa pananampalataya at espiritwalidad? Isulat ang inyong
repleksyon sa looob ng kahon.

“I believe”

Sa kantang “I believe” na inawit ni Tom Jones ay mayroong mensaheng ipinapahayag tungkol sa


paniniwala ng isang tao sa pag-asa at pananampalataya sa kabila dilim. Sa lyrics ay sinasabi dito
na kung mayroong dilim ay kahit papano, may ilaw ng kandila, sa bawat ulan ay may
tumutubong bulaklak, at sa bawat taong nagiisa o nawawala sa buhay, mayroong gagabay
sakanila. Naniniwalang sa kabila ng lahat ng negatibong pangyayari ay mayroong kaakibat na
positibong pag-asa. At sa paniniwalang ito ang mga panalangin ay naririnig ng panginoon. Siya
ang gumagabay sa may malakas na pananampalataya. Hinding hindi tayo pababayaan ng
maykapal sa gitna ng paghihirap. Naniniwala akong kapag may pananampalataya ay mayroong
pagasa. Tutal, lahat naman tayo ay nangangailangan ng panghahawakan sa panahon na tayo ay
nilalamon ng kalungkutan at kadiliman. Marahil ay minsan hindi kinakaya ang sakit na
nararamdaman, lagi dapat nating alalahanin na malulutas at malalampasan din natin ang lahat
ng ito.

2.Pakinggan at pagnilayan ang awitin na may pamagat na  “Banal na Aso, Santong Kabayo”.
Ano ang mensahe ng awit kaugnay sa pananampalataya at espiritwalidad? Isulat ang inyong
repleksyon sa loob ng kahon.

“Banal na Aso Santong Kabayo”

Banal na aso at santong kabayo ang tawag sa mga taong relihiyoso pero hindi naman
isinasabuhay ang mga natututunan nila sakanilag relihiyon. Mga Hipokrito na panay ang dasal at
paglilingkod sa simbahan ngunit ang paguugali tungo sa kapwa ay masama. Nakakatawa dahil
kung sino pa yung relihiyoso, todo ang pagsisimba, ay ang siyang ang masama ang ugali.
Naniniwala ako na hindi naman nasusukat sa dasal at pagsisimba ang pananampalataya dahil
kahit anong dasal, hindi mababago kung sino ka sa loob. Kung walang respeto sa kapwa o di
kaya hindi naman isinasabuhay ang paniniwala, hindi ka maliligtas ng mga dasal sa sarili mong
kagagawan maging sa ugali man ito. Isang halimbawa ay ang ale sa kanta na panay ang pag
rosaryo ngunit mamaya’t maya ay nangmumura. Nasusukat ang pananampalataya sa kung
papaano ang turing mo sa kapwa, kung ano ang iyong pinaniniwalaan at hindi sa pagsuot ng
maskara ng simbahan.

You might also like