You are on page 1of 29

a

ESP 1
Quarter 4 Week 3
Day 2
ARALIN:
Pagpapakita ng Paggalang sa
Paniniwala ng Kapwa
Panuto: Iguhit sa inyong papel ang
😊 kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba. Iguhit naman
ang ☹️na mukha kung hindi.
____1. Tanggap ni Lira na iba ang paraan ng pagsamba ni Elvie.
____2. Iniiwasan si Sheena dahil iba ang kasuotan niya tuwing siya ay
nagsisismba.
____3. Hindi pinipilit ni Karen si Nette na sumama sa kanya sa
pagsisimba dahil magkaiba sila ng relihiyon.
____4. Pinagtatawanan ni Marge ang kanyang kapitbahay tuwing
nakikita niya na nagsisismba.
____5. Pinagbigyan ni Gladys ang imbitasyon ng kaibigan niya kahit iba
ang kanyang relihiyon.
Pagmasdan ang mga larawan.
Ano ang nakita mo sa mga
larawan?

simbahan
Saan makikita ang mga
simbahang ito?
Taal at Lemery, Batangas
Ano ang pangalan ng bawat
simbahan?

Basilika ng San
Martin ng Tours
Ano ang pangalan ng bawat
simbahan?

Parokya ni San
Roque
Ano ang pangalan ng bawat
simbahan?

Mahal na Poon ng
Banal na Krus
Sino ang nagsisimba sa mga
simbahang ito?

Mga Katoliko
Basahin natin ang kwento.
Si Annie ay bagong lipat lamang sa kanilang
paaralan, ang Mababang Paaralan ng Lemery Pilot,
sa kadahilanang nalipat ang trabaho ng kaniyang
ama. Sa unang pagdalo niya sa klase ay tinalakay ni
Bb. Kara ang iba’t ibang paniniwala ng mga Pilipino.
Bilang isang Katoliko ay nagbahagi si Annie ng iba’t
uibang paraan ng pagsamba ng mga Katoliko.
Basahin natin ang kwento.
”Kami bilang Katoliko ay dumadalo ng Banal na
Misa tuwing araw ng Linggo,” wika ni Annie. ”
Kami ay lumuluhod, tumatayo, umaawit at
gumagawa ng tanda ng krus. Ang mga ito ay parte ng
nagkakaisang pagsamba,” dagdag pa niya.
”Nakakatuwa naman malaman ang paraan ng
pagsamba ninyo Annie,” wika ng kaniyang bagong
kaklase na si Lira.
Basahin natin ang kwento.
”Salamat Lira, kami ay nagdarasal din gamit ang
rosaryo. Ito ay isang debosyon kay Birheng Maria.”
wika ni Annie.
”Maraming salamat Annie sa iyong pagbabahagi,”
wika ni Bb. Kara.
Noon din ay nagtaas ng kamay si Lira at sinabing
”Ako din po Bb. Kara, nais ko din pong magbahagi
ng paraan ng aming pagsamba sa kapilya ng Iglesia
ni Cristo.”
Basahin natin ang kwento.

Sinabi rin ng mga magulang nila na dapat


igalang ang paniniwala ng bawat isa.
Naunawaan ito ng magkapatid at
nagpatuloy ang kanilang pamamasyal.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang bagong mag-aaral?
2. Ano ang kaniyang paniniwala o
relihiyon?
3. Ano-ano ang mga paraan ng pagsamba
ng isang Katoliko?
Maipakikita mo ang paggalang sa paniniwala
ng kapwa sa pamamagitan ng:

Pagtahimik sa loob ng
pook-sambahan.
Maipakikita mo ang paggalang sa paniniwala
ng kapwa sa pamamagitan ng:

Pakikipagkaibigan sa kapwa na
may naiibang paniniwala o
relihiyon
Maipakikita mo ang paggalang sa paniniwala
ng kapwa sa pamamagitan ng:

Hindi pagtawa sa paraan ng


pagsamba ng ibang relihiyon.
Maipakikita mo ang paggalang sa paniniwala
ng kapwa sa pamamagitan ng:

Pakikinig sa pagbabahagi ng
kaalaman ukol sa kanilang
paniniwala.
Paano mo maipakikita ang
paggalang sa paniniwala ng
kapwa?
Tandaan:
May iba’t-ibang paniniwala ang mga Pilipino tungkol
sa Dakilang Lumikha.
Ang paggalang at pagtanggap sa pagkakaiba-ibang ito
ay susi sa pagkakaunawaan at pagkakaroon ng
kapayapaan.
Bilang isang batang Pilipino, mahalagang maipakita
mong iginagalang mo at nirerespeto ang paniniwala ng
iba.
Panuto: Iguhit sa inyong papel ang 😊
kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba. Iguhit
naman ang ☹️na mukha kung hindi.
____1. Tinatawanan ni Vina ang nakitang kaklase na lumuhod sa
simbahan.
____2. Masaya si Lira na malaman ang paraan ng pagsamba ng mga
Katoliko.
____3. Hindi tanggap ni Jose ang bagong kaklase na si Annie dahil sa
paniniwala nito.
____4. Agad na kinaibigan ng mga mag-aaral sa Baitang I ang bagong
kaklaseng si Annie.
____5. Natutuwa si Bb. Kara na makita ang kaniyang mga mag-aaral
na iginagalang ang paniniwala ng bawat isa.
Maraming Salamat
sa Pakikinig!

You might also like