You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
BALAGTAS ELEMENTARY SCHOOL

Huwebes May 25, 2023

Ikaapat na Markahan
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1

I. Layunin:
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.
Pakikipagkaibigan sa may ibang paniniwala.
EsP1PD-IVd-e – 2

II. Paksang Aralin:


Aralin: Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.
Sanggunian: BOW , MELC, PIVOT Learner’s Material
Kagamitan: audio-visual presentation, larawan

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin ang tanong.
 Paano ang pamamaraan ng inyong pagsimba.
 Magbigay ng halimbawa ng paraan ng pagsimba ng ibang relihiyon.

2. Pagganyak
Hayaang magsalaysay ang mga bata ng karanasan nila ng pagsimba
kasama ang kanilang pamilya.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
. Basahin ang kwento.
Unang araw ng pasukan at may bagong kamag-aral si Mia.
Siya si Rima, naiiba ang kanyang kasuotan sapagkat isa siyang Muslim.
Napansin ni Mia na malungkot ito dahil walang lumalapit at nakikipag-usap
sa kanya. Kung kaya nilapitan niya ito at kinaibigan, nalaman rin niya na ang
relihiyon ni Rima ay Islam. Masaya si Mia na nakipagkwentuhan sa kanya at
mula noon naging matalik na silang magkaibigan.

2. Pagtalakay:
 Sino ang bata sa kwento?
 Bakit walang lumalapit kay Rima?
 Anong relihiyon ni Rima?
 Anong ginawa noi Mia?
 Tama ba ang ginawa ni Mia?
 Kung ikaw si Mia, gagawin mo rin ba ito?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Tandaan
Bilang batang Filipino, mahalaga na maipakita mo ang paggalang o
pagrespeto sa paniniwala ng iyong kapwa.

2. Paglalapat
Nakita mo na pinagtatawanan ng mga bata ang isang bata sapagkat naiiba
ang ang kanyang relihiyon at paraan ng pagsimba. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng
kapwa at malungkot na mukha nman kung hindi.

1. Pingtatawanan ang simbahan ng iba.


2. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak.
3. Naghahabulan sa loob ng pook-simbahan.
4. Pinagtatawanan ang praan ng pagsimba ng kapuwa.
5. Nakikipagkaibigan sa kapuwa kahit magkaiba ang relihiyon.

V. Kasunduan:
Sa tulong ng iyong magulang o guardian, kumpletuhin ang pangako ng
paggalang sa paniniwala ng kapuwa.

Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng Kapuwa

Ako ay si __________________ na nangangakong palaging igagalang ang


paninaiwala ng aking kapuwa. Upang hindi makasakit ng damdamin, ako ay
______________________, ____________________, at _________________.

Lagda,
_______________

You might also like