You are on page 1of 4

DAILY Paaralan ANIBAN CENTRAL SCHOOL Baitang V

LESSON Guro MA. RONAVIE M. TERNIDA Asignatura ESP


PLAN Petsa May 5, 2023 (Friday) Kwarter IKAAPAT NA MARKAHAN
Oras ng Turo V- ROSE 6:00 -6:25 Week/Day Week 1/Day5
/Pangkat V- LILY 7:20 - 7:45

A. Content Standards
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na nagbigay ng buhay.

B. Performance Standards
Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng buhay Hal. - palagiang paggawa ng mabuti sa lahat.

C. Learning Competency
1. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:
1.1. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan
1.2. pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
1.3. pagkalinga at pagtulong sa kapwa

I. Layunin
Kilalanin ang mga iba’t-ibang kaugalian at tradisyon ang nagpapatingkad at nagpapabukod tangi sa mga Pilipino
Mabatid ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagmamahal sa kapwa.
Maipakita ang kaugalian at tradisyon ang nagpapatingkad at nagpapabukod tangi sa mga Pilipino.

II. Paksang Aralin

A. Papakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa


B. Sanggunian: Batayang Akalat, Ikalimang Baitang pah. 167-171, https://www.youtube.com/watch?v=5rwtIRYRXT
C. Kagamitan: awit, pahayag,larawan, powerpoint
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kapuwa
E. Integrasyon: MAPEH, FILIPINO, AP
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay
Isulat ang mga salitang babanggitin ng guro:
a. Makopa
b. Batingaw
c. Bathala
d. Komunidad
2. Balik-aral :
1. Anu-ano ang mga paraan upang makatulong sa kapwa?
2. Bakit mahalaga ang pagdarasal?
3. Pagganyak
Kilala tayong mga Pilipino sa ating magagandang kaugalian at tradisyon. Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan ang karamihan sa mga
kaugaliang ito. Pumili ng tatlong (3) pinakamahalaga para sa inyo. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mo.
1. Pag-alalay sa mga matatanda
2. Pag-alok ng upuan sa mga matatanda
3. Pagdiriwang ng mahahalagang okasyon.
4. Pagpapanatili ng ugnayan habang tumatawid sa kalsada ng mga miyembro ng pamilya.
5. Magiliw na pagtanggap at pag - asikaso sa mga bisita
6. Boluntaryong pagtulong sa mga nangangailangan.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad (I do)
Pakinggan ang kwento tungkol sa Alamat ng Makopa. (https://www.youtube.com/watch?v=5rwtIRYRXT)

Alamat Ng Makopa
Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan
ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar.Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan,
ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy
paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay.Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong.
Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga
tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na
nawawala).Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga
kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng
puno. Totoo nga!Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may
matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.
2. Ginabayang Pagsasanay (We do)
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang kwento?
2. Sino ang nagbigay sa mga tao ng gintong batingaw?
3. Paano ipinakita ng mga taga Pulang Lupa ang kanilang pasasalamat kay Bathala?
4. Bakit ipinagmamalaki ng mga tao ang gintong batingaw?
4. Sa panininwala ng mga tao, bakit gayon na lamang ang kanilang paghanga sa gintong batingaw?
5. Bakit pinatago ng mga matatanda ang gintong batingaw?
6. Paano nagapi ang mga masasamang loob?

3. Malayang Pagsasanay (You do)


Group Activity
1. Hatiin sa apat ang klase.
2. I-set ang standard sa rubrics sa paggawa ng group activity.

Group 1:
Iguhit mo paborito mong eksena sa kwento.
Group 2:
Gumawa ng isang kanta nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos.
Group 3:
Magpakita ng isang eksena mula kwento na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa
Group 4:
Gumuhit ng isang simbolo mula s akwento ang nagpapakita ng pagkakaisa sa kanilang baryo or barangay.
IV. Pagtataya:
Panuto: Iguhit ang masayang mukha :) kung nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at malungkot naman :( kung hindi.

______1. Pagtulong sa barangay upang malinis ang kanal sa aming lugar upang maiwasan ang baha sa panahon ng tag-ulan.
______2. Tumutulong lang sa mga tao at kapitbahay kung binabayaran o binibigyan ng pabuya.
______3. Pagtatanim ng mga puno sa aming pamayanan upang magkaroon ng preskong simoy ng hangin at may sisipsip ng tubig baha sa
panahon ng tag-ulan.
______4. Naniniwala na nagtuturo lang ng katamaran at pagiging palaasa sa iba ang madalas na pagtulong sa tao.
______5. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila anuman ang kanilang relihiyon.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Prepared by: Checked by: Noted by:

MA. RONAVIE M. TERNIDA ANALIZA H. YEPES NANCY M. ECLARINAL


Teacher III Master Teacher II Principal IV

You might also like