You are on page 1of 116

Cainta Catholic College

Basic Education Department


A.Y. 2019-2020
Daily Learning Plan

Grading Period: Unang Markahan Date: June-Opening of classes


Subject: Filipino 5
Teacher: Gng. Rose Ann S. Garcia
Activity Title: Orientation
Learning Targets: Nakabubuo ng mga alituntunin sa loob ng silid-aralan
June 6-7, 2019 (Shorten Period)
 Walang palitan ng klase
June 10, 2019
 Isulat ang Pagkasunod-sunod ng mga aralin sa Filipino 6
 Talakayin ang Grading System
June 11 – 12 ( Walang pasok)
 Araw ng lalawigan ng Rizal
 Araw ng Kalayaan
June 13,2019
 establish basic classroom rules and regulation.
 Isulat ang Panalangin sa Ispirito Santo.
 Diagnostic Exam
June 14-
 Item Analysis
 Reading Assessment
Cainta Catholic College
Basic Education Department
A.Y. 2019-2020
Daily Learning Plan

Grading Period: Unang Markahan Date: Hulyo 21-25, 2019


Subject: Filipino 6
Teacher: Bb. Rose Ann S. Garcia
Activity Title: Gamit ng Pangngalan

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

1. Nasusuri ang gamit ng pangngalan sa bawat pangungusap.


2. Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalita/ pagsulat na paraan.
3. Napapanatili ang kagandahan at kalinisan ng mga Anyong-tubig

II. PAKSANG-ARALIN:

Pagbasa: Ang Prinsesa ng Karagatan

Wika: Gamit ng Pangngalan

Kagamitan: tsart kung saan nakasulat ang mga pangungusap, larawan ng mga anyong tubig

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. PACU

2. Balik-aral

Piliin ang mga pangngalan sa mga sumusunod na pangungusap:


a. Ang bansang Pilipinas ay maliit lamang.
b. Dapat nating pangalagaan ang ating kalikasan.
c. Sa Luneta park kami madalas pumunta.

3. Pagganyak

Sino sa inyo ang nakapunta na sa dagat? Ano ang masasabi mo rito? Paano mapanatili
ang kagandahan nito?
B. Paglalahad

Basahin ang Seleksyon: “Ang Prinsesa ng Karagatan ”

C. Pagtalakay

1. Tungkol saan ang seleksyon?


2. Ano ang nangyayari sa mga taong hindi nagpapahalaga at nagmamalasakit sa dagat?
3. Paano nakakaapekto sa dagat ang pangingisdang ginagamitan ng dinamita?

D. Panglinang na Kasanayan

Ipabasa,talakayin at Ipaliwanag ang Isaisip Natin tungkol sa ibat ibang gamit ng


pangngalan

E. Paglalahat

Ano- ano ang ibat-ibang gamit ng pangngalan sa pangungusap?

IV. PAGTATAYA:

1. Ang president ng klase ay talagang masipag.

2. Ang mga nagkakalat ay mga taong nakasisira sa ating kapaligiran.

3. Aming Ingat Yaman sa klase, salamat sa iyong tapat at responsableng pagseserbisyo.

4. Bigyan natin ng pagkakataon si Angelo na makapagsalita.

5. Makakatanggap ng gantimpala ang taong may mabuting puso.

6. Ang mga mamamayan ay gumagawa ng paraan para makatulong.

7. Si Anika,isang mag-aaral ay nakibahagi sa paglutas ng problema sa basura.

8. Gumawa ng mga batas upang masagip ang kagubatan ng bansa.

9. Sinusunod ng mga mag-aaral ang utos ng kanilang ama’t ina.

10.Bata,ikaw ay tunay na kahanga-hanga.


a.Natutukoy ang dalawang uri ng Pangngalan.

b.Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng bawat uri ng pangngalan.

c. Napapahalagahan ang mga nilikha ng Panginoon na may ngalan.

II.Paksa:Uri ng Pangngalan

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga: Juan 13:34


Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo,ganon din
naman mag-ibigan kayo.
III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang ating huling paksang pinag-aralan?


Ano-ano ang ibat ibang uri ng pangungusap?
Magbigay ng halimbawa sa bawat uri ng pangungusap.

IV.Talakayan

Pagpapakilala ng Aralin (Pangngalan)

Pagkuha ng mga datos ng ilang mag-aaral.

Pangalan:________________________________

Paboritong lugar:__________________________

Paboritong kulay:__________________________

Paboritong Pagkain:________________________

Paborotong okasyon:________________________
Libangan:_________________________________

Concept Note

Pangngalan-bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari.

Dalawang uri ng Pangngalan

Pangngalang Pantangi-tumutukoy sa tiyak o eksaktong katawagan.

Halimbawa:Jimmy HBW browny

Adidas Tagaytay red ribbon

asul Pangasinan Jolibee

Pangngalang Pambalana- tumutukoy ito sa pangkalahatan o di-tiyak na katawagan sa isang pangngalan.

Halimbawa: guro Ballpen cake

Aso sapatos probinsya

Bayan bag kulay

Uri ng Pambalana

 Tahas o konkreto- mga pangngalang manakikita o nahahawakan.


Halimbawa: mesa,martilyo,hayop,halaman,tao

 Basal o Di-Konkreto-mga pangngalang hindi nahahawakan subalit nadarama tulad ng diwa


at kaisipan.
Halimbawa:pangarap,pagkakaisa,galit,saya,buti

 Palansak- pangngalang patungkol sa pangkat o kalipunan ng isang pangngalan


Halimbawa: Deligasyon,lahi,lupon,pamilya,asosasyon

V.Analysis

Sagutan ang pahina 23-25

VI.Abstraksyon

Mahalaga ang pangngalan dahil ito ang paraan para makilala ang isang tao,bagay,hayop at iba pa.Bawat nilikha
ng panginoon ay may ngalan kaya nararapat lang na igalang at pahalagahan.Nilikha ito ng panginoon sapagkat
makatutulong ito sa ating pang-araw-araw na buhay.Bawat bagay na nandito sa mundo ay mahalaga,may ngalan
man o wala kaya bigyan ito ng importansya.
Day 5

VII.Pagtataya

I.Isaayos ang mga sumusunod na ngalan sa loob ng kahon sa wastong uri ng pangngalan.

Nanay Ms.Ilang-Ilang Pusa Bohol Chowking

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

II.Isulat ang katumbas na Pangngalang Pambalana at Pangngalang Pantangi ng mga sumusunod.

11.bayani 14. Kamag-aral

12. pula 15. pasko

13.guro

III.Tukuyin kung anong uri ng Pangngalang Pambalana ang mga sumusunod.Isulat kung ito ay Tahas,Basal o
Palansak.

16. pag-ibig

17.telebisyon

18.pamilya

19.awa

20. mansanas
Cainta Catholic College
Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan

Grading Period: Unang Markahan Date: June 27-July 01,2017

Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title: Paggamit ng Magagalang na Pananalita

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang mga halimbawa ng mga magagalang na pananalita.


b.Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa paggawa ng maikling dula-dulaan.

c. Naipapamalas ang pagiging magalang sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang na pananalita sa


pakikipagkomunikasyon.

II.Paksa:Paggamit ng Magagalang na Pananalita

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga: Pagrespeto/Paggalang sa Iba

Mateo 7:12

Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises
at ng turo ng mga propeta.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang gamit ng Diksyunaryo?


Ano ang mga hakbang sa paggamit ng Diksyunaryo?
IV.Talakayan

Pagpapakilala ng Aralin (PAGGAMIT NG MAGAGALANG NA PANANALITA)Pagpapanood ng maikling video


tungkol sa pagiging magalang.

Mga Tanong:

1.Tungkol saan ang video na napanood?

2.Bakit mahalaga ang paggalang sa mga nakatatanda?

Concept Note

Ang paggalang at pagrespeto sa nakatatanda ay maipapakita sa paggamit ng mga magagalang na


pananalita tulad ng po at opo na nagagamit sa ibat ibang sitwasyon tulad ng paghingi ng
pahintulot,pasasalamat,at maging mga Gawain sa labas ng tahanan.

V.Analysis (Group Activity )


Hahatiin ang klase sa limang grupo at bawat grupo ay magpapakita ng maikling dula-dulaan na gumagamit ng
magagalang na pananalita.Huhulaan ng bawat grupo kung anong sitwasyon ang ipinapakitang dula-dulaan sa
harap ng klase.

VI.Abstraksyon

Mahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita tulad ng po at opo dahil nagpapakita ito ng paggalang
sa mga nakatatanda at ito ay likas sa mga Pilipino.Maaaring gamitin ang mga magagalang na pananalita sa kahit
anong sitwasyon,anumang oras at saang mang lugar ito.

Day 5

VII.Pagtataya

Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga sumusunod na sitwasyon?

1.Kulang ang sukli sa iyo sa tindahan,ano ang sasabihin mo sa tindera?

2.Magpapaalam ka sa iyong guro na liliban ka sa klase sa susunod na araw dahil may importante kayong
pupuntahan ng iyong magulang.Paano mo ito sasabihin sa iyong guro?

3.Hindi ka pinayagan ng iyong ina na dumalo sa kaarawan ng iyong kaklase dahil gabi na ito.Paano mo sasabihin
sa iyong ina na naiintindihan mo siya

4.May kailangan kang ipabiling kagamitan na dadalhin sa iyong paaralan.Paano mo ito sasabihin sa iyong
magulang?

5.Nakita mong naghahanap ng pagkain ang iyong lola dahil gutom na ito.Ano ang sasabihin mo sa kanya?

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2019-2020
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikalawang Markahan Date: September 03-07, 2018


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title: Panghalip at Panghalip Panao

I.Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Nabibigyang kahulugan ang Panghalip at Panghalip Panao.

b.Natutukoy ang kahulugan,panauhan at kailanan ng panghalip at panghalip Panao.

c. Naipapakita ang pagmamahal kapalit ang sakripisyo ng mga magulang sa mga anak.

II.Paksa: Panghalip at Panghalip Panao

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Tungkuling Panlipunan

Romans 13:1Ang bawat tao’y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan.Sapagka’t walang pamahalaang hindi mula
sa Diyos at ang mga pamahalaang umiiral ay itinatatag ng Diyos.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano-ano ang mga paksang ating pinag-aralan sa Unang Markahan?


IV.Talakayan

Mga pangganyak na tanong:

1.Ano ang mararanasan ninyo kapag ang ulam ninyo buong lingo ay itlog/hotdog?

2.Ano ang ginagawa niyo para mapalitan ang sakripisyo ng magulang niyo sa pagtatrabaho?

Concept Note

Panghalip-ang panghalili o pamalit sa ngalan ng tao,bagay,hayop lugar o pangyayari.

Panghalip Panao-unang uri ng panghalip na pamalit sa ngalan ng tao.

Panauhan ng Panghalip Panao

Una-Panghalip panao na tumutukoy sa taong kumakausap.

Halimbawa:ako,ko,akin,kita,tayo,natin,atin,kami,naming,amin

Ikalawa-panghalip panao na tumutukoy sa taong kausap


Halimbawa:ikaw,ka,mo,kayo,ninyo,inyo

Ikatlo-panghalip panao na tumutukoy sa taong pinag-uusapan

Halimbawa:siya,niya,kaniya,sila,nila,kanila

Kailanan ng panghalip panao

Isahan-isang ngalan ng tao ang pinapalitan ng panghalip panao.

Halimbawa:ako,ko,akin,ikaw,ko,siya,niya,kaniya,mo,iyo

Dalawahan-dalawang ngalan ng tao ang pinapalitan ng panghalip panao.

Halimbawa:kita,tayo,natin,atin,kayo,ninyo,inyo,sila,nila,kanila

Maramihan-higit sa dalawang ngalan ng tao ang pinapalitan ng Panghalip Panao.

Halimbawa:kami,naming,amin,kayo,ninyo,sila,nila,kanila

V.Analysis

Sagutan ang pahina 60

VI.Abstraksyon

Kailangan nating palitan ang sakripisyo na ginagawa ng ating magulang upang mapawi ang kanilang pagod
at paghihirap upang ganahan sila sa pagtatrabaho parang sa mga pangngalan lang,kailangan din natin sila palitan
upang hindi magsawa ang mga makikinig o magbabasa at ang tawag sa mga pamalit na ito ay mga panghalip.

Day 5

VII.Pagtataya

Test I.Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1-3.Ano ang Panghalip?

____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

4-5.Ano ang paghalip panao?


______________________________________________________________________________

Test II.Tukuyin ang Panauhan at Kailanan ng mga sumusunod na Panghalip Panao.

Panauhan Kailanan

1. Ikaw _________ _________

2. kayo _________ _________

3. natin _________ _________

4.kanila _________ _________

5. sila _________ _________

6. ako _________ _________

7. kaniya _________ _________

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2018-2019
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikalawang Markahan Date: September 10-14, 2018


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title: Uri ng Panghalip

I.Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Naiisa at nabibigyang kahulugan ang ibat-ibang uri ng Panghalip.

b.Natutukoy ang ibat ibang uri ng mga panghalip na ginamit sa mga pangungusap.

c. Naipapakita ang pagmamahal kapalit ang sakripisyo ng mga magulang sa mga anak.

II.Paksa: Uri ng Panghalip

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Tungkuling Panlipunan

Romans 13:1Ang bawat tao’y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan.Sapagka’t walang pamahalaang hindi mula
sa Diyos at ang mga pamahalaang umiiral ay itinatatag ng Diyos.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang panghalip?
Ano ang Panghalip Panao?
IV.Talakayan

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

1.Kami ay pupunta ng Tagaytay para magbakasyon.

2.Lahat ng Pilipino ay nagluluksa sa nangyari sa Davao.

3. Sino ang pangulo ng bansang Pilipinas?

4.Doon nakatira ang bahay ng kaibigan ko.

Mga Pangganyak na tanong

1.Sa pangungusap 1,aling salita ang panghalip panao?

2.Sa pangungusap 2,anong salita ang tumutukoy sa maraming tao?

3.Sa pangungusap 3,anong salita ang nagtatanong?


4.Sa pangungusap 4,alin ang nagtuturo ng lugar?

Concept Note.

Uri ng Panghalip

Panghalip Panao-unang uri ng panghalip na pamalit sa ngalan ng tao.

Hal:ako,kami,sila,kaniya,ikaw

Panghalip Panaklaw-sumasaklaw sa isahan,dami o lahatan ng Pangngalan.

Hal:lahat,madla,isa,tanan,sinuman

Panghalip Pananong-ginagamit upang maglahad ng tanong na ang magiging sagot ay Pangngalan.

Hal:saan,sino,ano,alin

Panghalip Pamatlig-panghalili sa Pangngalan na may itunuturo.

V.Analysis

Sagutan ang pahina 61 at 74.

VI.Abstraksyon

May ibat ibang uri ng Panghalip na maaaring gamitin upang ipalit o panghalili sa Pangngalan.Makatutulong
ang mga Panghalip na ito upang di na kailangan ulit-ulitin ang ibat ibang Pangngalan.Sa paggamit ng
Panghalip,mas lalong maiintindihan at gaganahan ang makikinig at magbabasa ng mga salaysay o kwento.

VII.Pagtataya

Test I

Tukuyin kung ang mga sumusunod na panghalip ay Panao,Panaklaw,Pamatlig o Pananong at gamitin ito sa
pangungusap.

1.ikaw

2.sino

3.dito

4.madla

5.kaniya
6.alin-alin

7.tayo

8.tanan

9.hayun

10.ano-ano

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2018-2019
Daily Learning Plan
Grading Period: Ikalawang Markahan Date: September 17-21, 2018
Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title: Uri ng Panghalip

September 12,2018-walang pasok

Review Quiz

TEST I.Tukuyin ang mga ss. na pahayag.Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

Pamatlig Panghalip Panao Pananong Panaklaw


__________________1. Tawag sa panghalili sa pangngalan na mayroong tinuturo.

__________________2. Pamalit o Panghalili sa ngalan ng tao.

__________________3. Pamalit o panghalili sa ngalan ng tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari.

__________________4. Ginagamit upang maglahad ng tanong na ang sagot ay Pangngalan.

__________________5. Sumasaklaw o tumutukoy sa isahan,dami o lahatan ng Pangngalan.

TEST II. Bilugan ang panghalip na ginamit sa pangungusap at tukuyin ang panauhan at kailanan ng mga
sumusunod na panghalip panao.

PANAUHAN KAILANAN

6. Ako ang inatasang maglinis ngayon. 7. ________________ 8.________________

9. Magbabakasyon sila sa Bicol. 10.__________________ 11._______________

TEST III. Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap,Tukuyin kung ito ay
PANAO,PANAKLAW,PAMATLIG at PANANONG.

________________ 12-13.Ano-anong pagkain ang iluluto mo para sa pista?

_________________14-15. Hayan na si nanay para maglinis ng bahay.

_________________16-17. Ang madla ay nagtutulungan sa paglinlinis ng kapaligiran

_________________18-19. Magbabasa kami sa silid aklatan mamaya.

20.Kumpletong pangalan ng guro mo sa FILIPINO:_________________________________

September 14,2016-Activity day (Card day)

September 15-16,2016-Second Monthly Test

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2018-2019
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikalawang Markahan Date: September 24-28, 2018


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title: Pandiwa at Aspekto nito

August 19,2018-Test Evaluation

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,


a.Nabibigyang kahulugan ang pandiwa at mga aspekto nito.

b.Nakapagbibigay ng ibat ibang halimbawa sa bawat aspekto ng pandiwa.

c. Nakagagawa ng kilos na maipapakita ang pagmamahal sa pamilya.

II.Paksa: Pandiwa at Ibat ibang Aspekto nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga: Pananagutan
Mateo 12:36
Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom,pananagutan ng tao ang bawat salitang walang kabuluhan na sinabi
niya.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang panghalip?
Ano-ano ang ibat ibang uri ng panghalip?

IV.Talakayan

Kakantahin at sasayawin ng mga mag-aaral ang kantang “Kung Ikaw ay Masaya”

Mga Pangganyak na tanong

1.Ano-ano ang dapat gawin kapag masaya ayon sa kanta?

2.Bukod sa nabanggit sa kanta,paano niyo naipapakita na masaya kayo?

2. Ano ang tawag sa salitang nagsasaad ng kilos o galaw?

Concept Note.

Pandiwa-bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.


3 Aspekto ng Pandiwa

1.Pangnagdaan (Imperpektibo)

- pandiwa na nagpapahayag ng aspektong nakalipas na kilos o Gawain na nasimulan na o natapos ng gawin.

Halimbawa: tumakbo,kumain,naglakad.sumayaw,kumanta

2.Pangkasalukuyan (Perpektibo)

- pandiwa na nagpapahayag ng aspektong kasalukuyang ginagawa at isinasakatuparan.

Halimbawa:tumatakbo,kumakain,naglalakad,sumasayaw,kumakanta

3.Panghinaharap (Kontemplatibo)

- pandiwa na nagpapahayag ng aspektong hindi pa naisasakatuparan o nasisimulan at gagawin pa lamang.

Halimbawa:tatakbo,kakain,naglalakad,sasayaw,kakanta

V.Analysis

Magbigay ng limang (5) pandiwa kung saan maipapakit ninyo ang inyong pagmamahal sa inyong pamilya.

Sagutan ang pahina 109-110

VI.Abstraksyon

Sa bawat araw ng ating buhay, may ibat ibang bagay tayo na ginagawa na kinakailangan ng kilos o galaw.Ang
tawag sa salita na nagsasaad ng kilos o galaw ay PANDIWA.May mga gawain tayo na natapos na,ginagawa pa
lang o gagawin pa lang at ito ay nagpapakita ng ibat ibang aspekto ng pandiwa.Pag natapos o nagawa na ang
kilos,ito ay tinatawag na PANGNAGDAAN,kung ginagawa pa lang ngayon ang kilos,ito ay nasa aspektong
PANGKASALUKUYAN, at kung ang kilos ay hindi pa nagagawa o nangyayari,ito ay nasa aspektong
PANGHINAHARAP.

VII.Pagtataya

Pangalan:_______________________________________
Iskor:
Guro:__________________________________________ Petsa:______________
Activity Title:Pagkilala sa pandiwa
T.A:QUIZ
Learning Target: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
Test I:Tukuyin ang mga pahayag.Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.
Panghinaharap Pandiwa Pangnagdaan Pangkasalukuyan

_________________ 1. Aspekto ng pandiwa na ginagawa at isinasakatuparan pa lang ang kilos


o galaw.
_________________ 2.Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

_________________ 3. Aspekto ng pandiwa na nagpapahayag ng nakalipas na kilos o Gawain.


_________________ 4.Aspekto ng pandiwa na nagpapahayag na gagawin o hindi pa nagaganap
ang kilos.

Test II.Bilugan ang pandiwang ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin ang aspekto ng
pandiwa.Isulat sa patlang kung ito ay PANGNAGDAAN,PANGKASALUKUYAN o PANGHINAHARAP.

_________________________5. Maagang nagising si Gloria dahil sa malakas na tilaok


ng tandang.
_________________________6. Si Ate Maria ay naghahanda ng almusal sa kusina.

_________________________7. Si Itay ang maghahatid kina Boyet at Gloria sa


paaralan.
_________________________8. Si Binibining Santos ang magtuturo ng Science
ngayong araw.
_________________________9. Narinig ni Boyet ang ingay ng mga sasakyan sa labas.

_________________________10. Ang mga alagang aso ay masayang naghahabulan sa


bakuran.
_________________________11. Ang mahiyain na kuting ay nagtatago sa likod ng
aparador.
_________________________12. Sabay-sabay kumain ng almusal ang mag-anak.

_________________________13. Ang bagong eksperimento ay gagawin sa laboratoryo.

_________________________14.Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si Gloria.

_________________________15. Ang dalawang bata ay nagpaalam sa kanilang


magulang.

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2018-2019
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikatlong Markahan Date: October 1-5, 2018


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title:Kaukulan ng Pandiwa

I.Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Naiisa ang ibat-ibang kaukulan ng pandiwa.

b.Nakabubuo ng pangungusap sa bawat kaukulan ng pandiwa.

c. Nakagagawa ng kilos na maipapakita ang pagmamahal sa pamilya.

II.Paksa: Kaukulan ng Pandiwa

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga: Pananagutan
Mateo 12:36
Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom,pananagutan ng tao ang bawat salitang walang kabuluhan na sinabi
niya.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano-ano ang mga aspekto ng Pandiwa?
Magbigay ng halimbawa sa bawat aspekto ng pandiwa?

IV.Talakayan

Babasahin ng mga Mag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap.

1.Mas nakakaawa ang mga nangungutya kay Aya.

2.Si Aya ay nagdasal sa Panginoon.

3.Namamalimos ng pera si Aya sa palengke

Concept Note

Kaukulan ng Pandiwa
Payak- nasa anyong payak ang kaukulan ng pandiwa kapag gumaganap itong paksa o
pinag-uusapan sa pangungusap.
Katawanin-ang pandiwa ay nasa kaukulang katawanin kung sa isang pangungusap ay
mayroon itong paksa ngunit walang layong tumatanggap.
Palipat-ang pandiwa ay nasa kaukulang palipat kung sa isang pangungusap ay mayroon
itong paksa at layong tumatanggap.Pinangungunahan ang layong ito ng mga katagang
ng,sa o kay.
V.Analysis

Magbigay ng halimbawa sa bawat kaukulan ng Pandiwa.

Sagutan ang pahina 120

VI.Abstrksyon

May tatlong kaukulan ang pandiwa;Payak,Katawanin at Palipat.Payak kapag ginamit ito bilang paksa o ito
ang pinag-uusapan.Katawanin kung ipinahayag lamang ang kilos na ginawa ngunit wala nmng tumatanggap dito
at palipat kung kumpleto ang pahayag.may paksa,may pandiwa at may layong tumatanggap.

VII.Pagtataya

Pangalan:_______________________________________

Guro:__________________________________________ Petsa:______________

Activity Title:Kaukulan ng Pandiwa


T.A:Exercise
LearningTarget: Natutukoy ang kaukulan ng pandiwa sa mga pangungusap.

Test I: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1.Kaukulan ng pandiwa kapag gumaganap itong paksa o pinag uusapan sa pangungusap.

a.Palipat c.Payak
b.Katawanin d.Kontemplatibo

2.Kaukulan ng pandiwa kapag mayroong itong paksa at layong tumatanggap.

a.Palipat c.Payak
b.Katawanin d.Kontemplatibo
3.Kaukulan ng pandiwa kung sa isang pangungusap ay mayroon itong paksa ngunit walang layong
tumatanggap.
a.Palipat c.Payak
b.Katawanin d.Kontemplatibo

Test II:Tukuyin ang kaukulan ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. Kulayan ang kahon ng
akmang kulay nito.

PULA kung PAYAK ASUL kung KATAWANIN DILAW kung PALIPAT

4.Ang mga magulang ay magbibigay ng pabuya sa mga makahahanap sa anak.

5. Ang nagdidilig ng halaman ay nagpapaganda ng kapaligiran.

6. Si Luisa ay nagkikinig kay Ms. Aquino.

7.Ang aking tatay ay nagtatrabaho araw-araw.

8.Ang nagdadasal ay isang mabuting Gawain.

9.Ang mga guro ay magbabakasyon.

10. Ang natutulog ng maaga ay nakabubuti sa katawan.

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2018-2019
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikatlong Markahan Date: October 8-12, 2018


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title:Sanhi at Bunga

I.Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Matutukoy ang pagkakaiba ng sanhi at bunga sa mga salaysay.

b.Maibibigay ang mga sanhi at bunga sa mga sumusunod na salaysay.

c. Nakaipapakita ang pag-iingat sa sarili,sasabihin o sa mga kilos na gagawin.

II.Paksa: Pandiwa at Ibat ibang Aspekto nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Mateo 7:12

Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises
at ng turo ng mga propeta.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang pandiwa?
Magsagawa ng halimbawa ng mga pandiwa?

IV.Talakayan

Pagpapakita ng ibat ibang larawan.


Mga Pangganyak na tanong

1.Ano ang kabutihan kapag kakain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng prutas?

2.Bakit kaya masakit ang ulo ng bata na nasa larawan?

Concept Note.

Sanhi-dahilan o pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.

Halimbawa:Naligo sa ulan ang bata kaya masakit ang ulo nito.

Sanhi:naligo sa ulan ang bata

Bunga-ito ang resulta o kalalabasan ng ginawa mong kilos o Gawain.

Halimbawa:Naligo sa ulan ang bata kaya masakit ang ulo nito.

Bunga:masakit ang ulo

V.Analysis

Sagutan ang pahina 109-110

VI.Abstraksyon

May mga kilos o Gawain tayo na tayo din ang gumagawa ng sanhi at bunga.Magiging maganda at maayos ang
bunga kung gagawa tayo ng magandang sanhi dahil ito ang dahilan ng mga pangyayari at kung maganda at
maayos ang pinagmulan,asahan din natin na maganda ang magiging resulta at kalalabasan nito.Kaya matutong
mag-ingat sa mga kilos o Gawain natin upang ang magandang sanhi at magandang bunga na gusto natin ay
makamtan natin.

VII.Pagtataya.Isulat ang sanhi at bunga ng mga sumusunod na larawan.

1-2.

SANHI:__________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________.
3-4.

SANHI: ___________________________________

____________________________________________

____________________________________________.

5-6. SANHI:____________________________

________________________________________

________________________________________.

7-8. BUNGA: _________________________________

__________________________________________

________________________________________.

9-10.

BUNGA:________________________________

________________________________________

_______________________________________
11-12. BUNGA: ________________________________

_________________________________________

_________________________________________.

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2018-2019
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikatlong Markahan Date: October 15-19,2018


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rose Ann P. Sabordo
Activity Title:Maikling Kwento at Bahagi nito
I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Maiisa ang mga bahagi ng maikling kwento.

b.Makagagawa ng sariling kwento na may aral na mapupulot.

c. Mabibigyang halaga ang bawat kwento ng buhay ng kapwa tao.

II.Paksa: Maikling kwento at mga Bahagi nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:

Juan 13:34
Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo,ganon din naman
mag-ibigan kayo.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?
Magbigay ng isang salaysay na may sanhi at may bunga.Tukuyin kung ano ang sanhi at
bunga sa sinabing salaysay.
IV.Talakayan

Pagbabasa ng isang maikling kwento


Learning Target/s: Nakikilala ang iba’t-ibang sanggunian.

Textbook: Komunikasyon 5, p. 74

References: Binhi: Wika at Pagbasa 5, p. 133-134, p. 143-144


____________________________________________________________________________________

I-Konsepto

Iba't ibang Sanggunian

1. ATLAS
Ito ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rito
ang mga anyong-tubig at anyong lupa na matatagpuan sa isang lugar.

2. DIKSYUNARYO
Ito ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig, at bahagi ng pananalita na
kinabibilangan ng salita. Maaari rin itong magbigay ng iba’t ibang mga kahulugan ng isang
saita.Nakahanay nang paalpabeto ang mga salita rito.

3. ALMANAC
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng
mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog
ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa.

4. ENCYCLOPEDIA
Ang encyclopedia ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng ekonomiya,
teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin dito ang mga artikulong
nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari.

II-Pagsasanay sa Batayang Aklat

 Sagutin ang “Paggamit ng Iba’t-ibang Sanggunian”, p. 74


 Pagtatama ng sagot

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan
Grading Period: Ikalawang Markahan Date: September 11, 2015
Subject: Filipino 5
Teacher: Bb.

Type of Activity: Konsepto/Pagsasanay

Activity Title: Iba’t-ibang Sanggunian

Learning Target/s: Nakikilala ang iba’t-ibang sanggunian.

Textbook: Komunikasyon 5, p. 74

References:Sanghaya: Wika at Pagbasa 5, p. 78-79

____________________________________________________________________________________

I-Konsepto

Kahalagahan ng Sanggunian

Malaki ang maitutulong ng iba’t-ibang uri ng sanggunian. Napadadali nito ang pagkuha ng
impormasyong kailangan para sa paggawa ng ulat o sa pagsagot sa mga takdang aralin. Nakatitipid sa
oras at panahon ang isang mag-aaral kung gumagamit ng mga sanggunian.

II-Pagsasanay
A. Anong saggunian ang tinutukoy sa bawat bilang?
____________ 1.Aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw.
____________ 2. Aklat na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa lahat ng sanggay ng karunungan.
____________ 3. Aklat na naglalaman ng wastong pagbabaybay ng mga salita.
____________ 4. Aklat ng mapa na nagsasaad ng lawak at distansya ng isang lugar.
____________ 5. Aklat na nagbibigay ng iba’t-ibang kahulugan ng salita.

B. Isulat kung anong sangguniang dapat gamitin.


____________ 6.Ang wastong bigkas ng “santé”.
____________ 7.Ang nagging MVP ng NBA noong 2004?
____________ 8. Ang mga disyerto sa mundo.
____________ 9.Kahulugan ng salitang “bigwas”.
____________10.Kasaysayan ng watawat ng Pilipinas.

I-Konsepto

Panghalip na Pananong – ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa mga pangngalan.

Mga Panghalip na Pananong

Isahan Maramihan Pangngalang itinatanong


sino sinu-sino Tao
ano anu-ano bagay, hayop, pangyayari, gawa
alin alin-alin pangngalang pinagpipilian maliban sa
tao
saan saan-saan pook-lugar
ilan ilan-ilan bilang-dami
kailan Kai-kailan petsa, panahon
magkano magka-magkano Halaga
kanino Kani-kanino taong nagmamay-ari
nino ninu-nino taong nagmamay-ari
gaano gaa-gaano sukat o timbang

II-Pagsasanay
A. Panuto: Salungguhitan ang angkop na panghalip pananong sa pangungusap at isulat sa
patlang kung isahan o maramihan.
_____________ 1-2. (Gaano, Ilan, Magkano) ang baon mo araw-araw?
_____________ 3-4. (Alin, Kanino, Sino) iniabot ng guro ang tropeo?
_____________ 5-6. (Sino, Sinu-sino, Ano) ang mga kaibigan mo sa paaralan?
_____________ 7-8. (Anu-ano, Sinu-sino, Alin-alin) ang tatlong gusto ni Mark sa mga laruang
ito?

B. Punan ng wastong panghalip pananong ang patlang.

9. ____________ ang mga gustong-gusto mong pagkain?


10. ____________ supot ng kendi ang itinago ni Inay sa basket?
11. ____________ ang mga kinita ng mga tinder noong isang lingo?
12.___________ kalaki ang bahay na itinayo sa tapat ninyo?
13. ___________ sa dalawang kwintas ang pinili ni Sarah?
14. ___________ ang guro mo sa Filipino?
15. ___________ ang mga kamag-aral mong kasali sa programa?

____________________________________________________________________________________
Date: October 05, 2015 (Mon.)

Sagutin ang “Pagsuri sa Panghalip na Pananong, titik A.,B.,at C.”, p.123-124


Pagtatama ng sagot

____________________________________________________________________________________

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikalawang Markahan Date: October 06, 2015


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rachelle C. Romero

Type of Activity: Konsepto

Activity Title: Panghalip Panaklaw

Learning Target/s: Pagsulat ng maayos at wasto ng konsepto.

Textbook: Komunikasyon 5,

Reference: Kamalayan 5, Wika at Pagbasa , p. 129

____________________________________________________________________________________

I-Konsepto

Panghalip Panaklaw– sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatan ng tao, hayop, lugar at
pangyayari.

1. Mga panaklaw na tiyakan


a. nagsasaad ng kaisahan
bilang, bawat,isa, bawat isa, tungkol, dilag
b. nagsasaad ng dami o kalahatan
panay, ilan, pulos, pawing, lahat,madla

Hal. *Ang ilansa mga mag-aaral ay maagang umuwi.


*Nagbunyi ang lahatsa ginawang pagre-recycle.

2. Mga panaklaw na di-tiyakan


anuman kaninuman
sinuman alinman
saanman kailanman

Hal. *Sinuman ang magkasala ay papatawan ng kaparusahan.


*Susundan kita kahit saanman.
Cainta Catholic College
Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan

Date: October 07, 2015


Pagsagot sa batayang aklat
Sagutin ang “Paggamit ng Panghalip na Panaklaw, titik A.,B.,at C.”, p.133
Pagtatama ng sagot

____________________________________________________________________________________

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan

Grading Period: Ikalawang Markahan Date: September 17, 2015


Subject: Filipino 5
Teacher: Bb. Rachelle C. Romero

Type of Activity: Konsepto/Pagsasanay

Activity Title: Panghalip Patulad

Learning Target/s:

Textbook: Komunikasyon 5, p. 85

____________________________________________________________________________________

I-Konsepto

Panghalip na Patulad – ay ginagamit sa paghahambing o pagtutulad ng mga pangngalan.

Malapit sa Malapit sa kausap Malayo sa nag-uusap


nagsasalita
Ganito Ganyan Ganoon
ganire (gaya niyan) (gaya noon,
(gaya nito, gaya niyon)
Gaya nire)

3rd Monthly Test


First Day
7:00 -7:30 Homeroom
7:30- 8:10 GMRC
8:10- 8:50 Christian Formation
8:50- 9:20 RECESS
9:20- 10:00 Science
10:00- 10:40 Hekasi
10:40- 11:20 EPP/HELE
11:20- 11:30 Cleaning Time

Friday

3rd Monthly Test


Second Day

7:00 -7:30 Homeroom


7:30- 8:10 Math
8:10- 8:50 Filipino
8:50- 9:20 RECESS
9:20- 10:00 English
10:00- 10:40 Mape
10:40- 11:20 Cleaning time

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan

November 30, 2015 - No classes – Holiday


December 01, 2015 - No classes – Town Fiesta
December 02, 2015 - Family Day Fieldtrip Grade 5
December 03, 2015 - Review Lessons
December 04, 2015 - No classes (DACSA Family Day)

December 7-8, 2015 - 4th Monthly Test

4th Monthly Test


First Day

7:00 -7:30 Homeroom


7:30- 8:10 GMRC
8:10- 8:50 Christian Formation
8:50- 9:20 RECESS
9:20- 10:00 Science
10:00- 10:40 Hekasi
10:40- 11:20 EPP/HELE
11:20- 11:30 Cleaning Time

4th Monthly Test


Second Day

7:00 -7:30 Homeroom


7:30- 8:10 Math
8:10- 8:50 Filipino
8:50- 9:20 RECESS
9:20- 10:00 English
10:00- 10:40 Mape
10:40- 11:20 Cleaning time

December 09,2015 - Christmas Around the World


December 10,2015 - Test Evaluation
December 11,2015 - Completion
December 14,2015 - Students’ Christmas Party
December 15, 2015 – January 4, - Christmas Vacation
January 5, 2015 - Classes Resume
Cainta Catholic College
Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan
January 11 – 15, 2016
January 11-12, 2016
- Pagbabalik-aral

January 13-15, 2016


- Third Periodical Test

Unang Araw

7:00 – 7:30 - Homeroom


7:30 – 8:30 - GMRC
8:30 – 9:30 - CF
9:30 – 10:00 - RECESS
10:00 – 11:00 - English
11:00 – 11:10 - Cleaning Time
11:10 - Dismissal Time

Ikalawang Araw

7:00 – 7:30 - Homeroom


7:30 – 8:30 - Science
8:30 – 9:30 - Hekasi
9:30 – 10:00 - RECESS
10:00 – 11:00 - EPP/HELE
11:00 – 11:10 - Cleaning Time
11:10 - Dismissal Time

Ikatlong Araw

7:00 – 7:30 - Homeroom


7:30 – 8:30 - Math
8:30 – 9:30 - Filipino
9:30 – 10:00 - RECESS
10:00 – 11:00 - MSEP
11:00 – 11:10 - Cleaning Time
11:10 - Dismissal Time

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan
January 18, 2016 – Test Evaluation

January 19-22, 2016 – Grades School Intramurals

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan
February 1-5, 2016

Monday – Wednesday

Review Lessons :

Thursday
5th Monthly Test
First Day

7:00 -7:30 Homeroom


7:30- 8:10 GMRC
8:10- 8:50 Christian Formation
8:50- 9:20 RECESS
9:20- 10:00 Science
10:00- 10:40 Hekasi
10:40- 11:20 EPP/HELE
11:20- 11:30 Cleaning Time

Friday

5th Monthly Test


Second Day

7:00 -7:30 Homeroom


7:30- 8:10 Math
8:10- 8:50 Filipino
8:50- 9:20 RECESS
9:20- 10:00 English
10:00- 10:40 Mape
10:40- 11:20 Cleaning time

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan
February 8, 2016 – No Classes

February 9, 2016 – Test Evaluation

February 10-13, 2016 – 56th Foundation Day

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan
February 15-19, 2016
I. OBJECTIVES
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy at nagagamit sa pangungusap ang mga pang-angkop.
b. Nagagamit ng wasto ang pang-angkop sa pangungusap at pakikipag-usap
c. Natutukoy ang wastong gamit ng mga pang-angkop
d. Nagagamit sa pangungusap ang pang-angkop na na, -ng at -g
II. SUBJECT MATTER
A. Topic : Gamit ng Pang-angkop
B. Reference: Haraya: Pagbasa at Wika 5, pp. 324-337, Susana U. Zacarias
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/ang-pang-angkop-ligatures.html
C. Skills :
D. Values Integration:

III. PROCEDURE
A. Priming Activities
-Prayer
-Attendance
-Cleanliness
-Uniform
B. Review Lessons
-Pang-abay
-Uri ng Pang-abay
C. Motivation
Napapansin ba ninyo na kung kayo ay nakikipag-usap, may mga paraan upangmapabilis bigkasin
ang magkakasunod na mga salita?
D. Presentation of the Lesson
Paggamit ng Pang-angkop
E. Presentation of Objectives

F. Lesson Proper
Suriin
Bigkasin ang sumusunod na parirala:

Maliit kapilya puti mantel nakaraan bagyo

 Maganda bang pakinggan ang mga binigkas na parirala? _________________________


 Bakit? __________________________________________________________________
 Paano natin mapapaganda ang pagbigkas sa mga ito? ___________________________
 Ano ang tawag sa mga kataga na dapat nating idagdag upang maging madulas o tuloy-
tuloy ang pagbigkas nito?
Pang-angkop

Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap


upang maging madulas o magaan ang pagbigkasng mga ito. Ito ay maaaring matagpuan sa
pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

1. Pang-angkop na -NA – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita
ay nagtatapos sa mga katinig (consonant) maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa
mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
1. malalim – bangin = malalim na bangin
2. mataas – tao = mataas na tao
3. feel – feel = feel na feel
4. yamot – yamot = yamot na yamot
5. tulay – bato = tulay na bato

2. Pang-angkop na -NG – Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig
(vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya – isipan = malayang isipan
2. malaki – bahay = malaking bahay
3. buo – buo = buong-buo
4. madamo – hardin = madamong hardin
5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n


Halimbawa:
1. aliwan – pambata = aliwang pambata
2. balon – malalim = balong malalim
3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan

ABSTRACTION

Punan ng wastong pang-angkop ang mga parirala upang maging madulas ang pagbigkas ng mga
salita. Ipaliwanag

1. Bukas_____bintana
2. Puso_____nagmamahal
3. Bag_____pula
4. Balon_____malalim
5. Mahaba_____prusisyon
6. Pagkain_____masarap
7. Malayo_____bahay
8. Pangarap_____natupad
9. Mahusay_____guro
10. Marami_____pagkain

Pangkatang Gawain:
Ang klase ay mahahati sa apat, pipili ang bawat grupo ng lider na siyang mag-uulat at ng
sekretarya upang magtala sa manila paper.

Mula sa larawan na inyong dala bumuo ng mga pariralang may wastong pang-angkop. Ihanay
sa tamang kolum ng pang-angkop ang ginamit.
Pang-angkop na (na) Pang-angkop na (-ng) Pang-angkop na (-g)

APPLICATION:

Bilang isang mag-aaral, natutuhan mo ang masamang epekto ng patuloy na pagdumi at


pagsira n gating kapaligiran. Paano ka makakatulong para hindi na madaragdagan pa ang mga
suliraning nagdudulot na ng kalamidad sa atin? Ipakita sa pamamagitan ng komiks strip…

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y. 2015-2016
Daily Learning Plan

February 26-27- Review for the Final Examination


Feb.28- March 1-2, 2017
-Final Examination of Prospective Outstanding Students
-Completion of requirements
March 5-7
- Final Examination

Unang Araw

7:00 – 7:30 - Homeroom


7:30 – 8:30 - GMRC
8:30 – 9:30 - CF
9:30 – 10:00 - RECESS
10:00 – 11:00 - English
11:00 – 11:10 - Cleaning Time
11:10 - Dismissal Time

Ikalawang Araw

7:00 – 7:30 - Homeroom


7:30 – 8:30 - Science
8:30 – 9:30 - Hekasi
9:30 – 10:00 - RECESS
10:00 – 11:00 - EPP/HELE
11:00 – 11:10 - Cleaning Time
11:10 - Dismissal Time

Ikatlong Araw

7:00 – 7:30 - Homeroom


7:30 – 8:30 - Math
8:30 – 9:30 - Filipino
9:30 – 10:00 - RECESS
10:00 – 11:00 - MSEP
11:00 – 11:10 - Cleaning Time
11:10 - Dismissal Time

March 8, 2017
- Evaluation of exams

March 9, 2016
- Farewell Day

March 12-15- Practices for Recognition Day


16- Baccalaureate Mass @ 9:00am
19- Pre-School Recognition Day
20- AM, Grade School Recognition Day
21- Grade School Graduation Day

Cainta Catholic College


Basic Education Department

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4


Maikling Kwento at Bahagi nito

October 6-7,2016

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Maiisa ang mga bahagi ng maikling kwento.

b.Makagagawa ng sariling kwento na may aral na mapupulot.

c. Mabibigyang halaga ang bawat kwento ng buhay ng kapwa tao.

II.Paksa: Maikling kwento at mga Bahagi nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:

Juan 13:34
Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo,ganon din naman
mag-ibigan kayo.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?
Magbigay ng isang salaysay na may sanhi at may bunga.Tukuyin kung ano ang sanhi at
bunga sa sinabing salaysay.
IV.Talakayan

Pagbabasa ng isang maikling kwento?

Pamagat:Kaibigan? Ni Aurora E.Batnag

Mga Pangganyak na tanong


1.Sino-sino ang mga taong nagsiganap sa kwento?

2.Saan at kalian nangyari ankg kwento?

3.Anong bahagi ng kwento ang pinakagusto mo?Bakit?

Concept Note.

Maikling kwento-naglalarawan ng mga gawa-gawa o mga totoong pangyayari ng buhay ng tao.

Bahagi ng Maikling Kwento

Tauhan-ang nagsisiganap sa kwento.


Tagpuan-lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari sa kwento.
Tunggalian-pagpapakita ng paglaban ng tauhan sa ibang pwersa na siyang
nagpapatakbo ng kwento.
Banghay-pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
V.Analysis

Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod.

Maikling kwento Tauhan Tagpuan Tunggalian Banghay

VI.Abstraksyon

Kalimitan sa sa mga kwento sa bansa ay maituturing na salamin ng ating pang-araw-araw na


buhay.Nailalarawan nito ang aktuwal na at mga totoong pangyayari sa buhay ng mga tao.dahil sa nakapaloob na
damdamin sa kwento,mas magiging makulay at makatotohanan ang bawat pangyayari . Mas makabuluhan din
ang isang kwento kung buo ang mga bahagi nito.Ang isang kwento dapat ay may tauhan na nagsisiganap sa
kwento,lugar at panahon,labanan at maayos dapat ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari upang maraming
malibang sa pagbabasa at pakikinig ng kwento.

VII.Pagtataya

Maghanap ng kwento sa silid-aralan at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1.Sino-sino ang mga tauhan?

2.Saan at Kailan ang tagpuan?

3.Ano ang tunggalian sa kwentong binasa mo?

4.Ilahad ang banghay ng kwento.


October 6,2016-Performance in Filipino

Cainta Catholic College


Basic Education Department

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

October 10-14,2016

October 10,2016-Pilgrimage of Grade 4 pupils in Laguna

October 11,2016-No classes

October 12,2016-Activity day

Review Quiz

Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.Piliina ng sagot sa loob ng kahon.

Sanhi Katawanin Panghiharap

Payak Bunga Tauhan Pangkasalukuyan


Pangnagdaan Tunggalian Tagpuan

_______________________1.Pandiwa na nagpapahayag sa aspektong kasalukuyang ginagawa.

_______________________2.Pandiwa na nagpapahayag ng aspektong nakalipas o natapos ng Gawain.


_______________________3.Pandiwa na nagpapahayag ng aspektong hindi pa naisasakatuparan o naisasagawa
ang kilos o Gawain.

_______________________4.Ang pandiwa ay gumaganap bilang paksa o pinag-uusapan sa


pangungusap.

_______________________5. Mayroon ito paksa at may layong tumatanggap ng pandiwa.

_______________________6. Ito ang dahilan o pinagmulan ng isang pangyayari.

_______________________7. Ito ang magiging resulta o kalalabasan ng isang ginawang pangyayari.

_______________________8.Inilalahad ang lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari
sa kwento.

_______________________9.Sila ang nagsisiganap sa kuwento.

_______________________10. Pagkakasunud-sunong pangyayari sa kwento.

Test II.Guhitan ang pandiwa at tukuyin ang aspekto nito.Isulat sa patlang kung ito ay
PANGNAGDAAN,PANGKASALUKUYAN o PANGHINAHARAP.

_______________________11-12. Si Lyca ay pupunta sa palengke.

_______________________13-14. Nagdilig ng halaman si Paolo.

_______________________15-16. Kumakanta sa entablado ang aking kaibigan.

II.A.Tukuyin kung PAYAK,KATAWANIN o PALIPAT ang kaukulan ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
______________________ 17. Nagdarasal sa simbahan ang aking lola.

______________________ 18.Nagtatrabaho ang aking mga magulang.

______________________ 19. Ang natutulog ng maaga ay nakabubuti sa kalusugan.

III. Lagyan ng sanhi at bunga ang mga sumusunod na larawan.

20-21.Sanhi:__________________________________________

___________________________________________________.

22-23Bunga:_________________________________________

___________________________________________________.

Cainta Catholic College


Basic Education Department
A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

October 17-21,2016

October 17,2016-Unang araw ng Ikalawang Markahang Pagsusulit

GMRC

CHRISTIAN FORMATION

ENGLISH

October 18,2016-Ikalawang araw

SCIENCE

ARALING PANLIPUNAN

E.P.P

October 19,2016-Ikatlong araw

MATHEMATICS

FILIPIN0

MAPEH

October 20,2016-walang pasok

October 21,2016

Culminating Activity
ARALING PANLIPUNAN,CHRISTIAN FORMATION at MATH

October 24-November 2,2016-Semestral break

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pang-uri at mga Uri Nito

November 3-4,2016

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Nakapagbibigay ng mga pang-uri mula sa larawan.

b.Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang pang-uri mula sa video.

c. Maipapakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kalikasan.


II.Paksa: Pang-uri at mga Uri nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:

AWIT 24:1
Ang lupa ay sa panginoon at ang buong naririto,ang sanlibutan at silang nagsisitahan dito

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang pandiwa?
Magbigay ng mga halimbawa ng pandiwa at isagawa ito sa klase.
IV.Talakayan

Pagpapakita ng ibat ibang larawan at ilalarawan ito ng mga mag-aaral.

Concept Note.

Pang-uri-bahagi ng pananalita na naglalarawan ng Pangngalan at Panghalip.

Halimbawa:maganda,makulay,malinis,mabilis,mataas

2 uri ng pang-uri

Panlarawan-likas na paglalarawan ng katangian ng pangngalan at panghalip.


Halimbawa:mainit,masarap,payat,mabait,matapang,mabango atbp

Pamilang-nagpapahayag ng bilang,dami o halaga ng Pangngalan at Panghalip.

isa,marami,iilan,sampu,kakaunti,lima,tatlo,dalawampung piso atbp

V.Analysis

Bumuo ng pangungusap na may pang-uri mula sa larawan na ipapakita.

VI.Abstraksyon

Ano ang pang-uri?

Sagot:Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng pangngalan (tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari ) o Panghalip


(ako,siya,sila,kayo,tayo atbp).

Ano ang dalawang uri ng pang-uri?

Sagot:Panlarawan at Pamilang

Ano ang panlarawan?

Sagot:Panlarawan ay likas na paglalarawan ng katangian ng pangngalan at panghalip.

Pamilang-nagpapahayag ng bilang,dami o halaga ng pangngalan o panghalip.

VII.Pagtataya

Hahatiin ang klase sa anim na grupo.May ipapanood na video “Masdan mo ang kapaligiran’’. Bawat pangkat ay
bubuo ng sampung pangungusap na naglalarawan sa napanood na video.
Cainta Catholic College
Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pang-uring Pamilang at mga Uri nito

November 7-11,2016

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Nabibigyang kahulugan ang bawat uri ng pang-uring pamilang.

b.Natutukoy ang mga halimbawa sa bawat uri ng pang-uring pamilang.

c. Maipapakita ang pagiging mapagkumbaba.

II.Paksa: Pang-uri na Pamilang at mga Uri nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Santiago 4:10

Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang huling paksa na ating pinag-aralan?


Ano ang pang-uri?
Ano ang dalawang uri ng Pang-uri
Tukuyin kung Panlarawan o Pamilang ang mga Sumusunod:

-mataas -payat -kapat


-sampu -malalim -bago

-ikawalo -ikalima -limampu

IV.Talakayan

Basahin ang mga sumusunod:

1.Bumili ako ng sampung piraso. 3. Ikalima ako sa magkakapatid.

2.Hinati ni nana yang pizza sa kapat na piraso.

Concept Note.

Pamilang-nagpapahayag ng bilang,dami o halaga ng Pangngalan at Panghalip.

 Uri ng Pang-uring Pamilang


Panunuran- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng Pangngalan o
Panghalip. Gumagamit ng mga panlaping pang- at ika-.
Halimbawa: una,pangalawa,pangatlo

Pamahagi- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati sa kabuuan


ng pangngalan o panghalip.Gumagamit ng panlaping ika- at ka-.
Halimbawa: ikatlong bahagi,ikaapat na bahagi,katlo (1/3) kapat (1/4)

Pahalaga- ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng pangngalan o panghalip.Gumagamit ditto


ng mga panlaping ma- at tig-.
Halimbawa: tig-apat,mamiso,tigpito

V.Analysis

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod.

-ikalawa -kalima -dalawampu

-Isang daang piso -ikatlong markahan - tigpito

VI.Abstraksyon

Ang mga salitang naglalarawan na nagsasaad ng bilang o halaga ay tinatawag na pang-uring Pamilang.Ang pang-
uring ito ay nahahati sa tatlong uri;panunuran na tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng pangngalan o
panghalip,pamahagi na nagpapahayag ng pagkakahati sa kabuuan ng pangngalan o paghalip at pahalaga na
tumutukoy sa pera o halaga ng Pangngalan o Panghalip.
VII.Pagtataya:Bilugan ang pang-uring pamilang sa mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin kung
panunuran,pamahagi o pahalaga ang mga ito.

1.Si Ana ay ikalimang matatangkad sa kanilang klase.

2. Binigyan ako ng aking kaibigan ng sampung piso.

3.binigyan ng guro ang kanyang mag-aaral ng tiglimang piraso ng papel.

4.Napanood ko sa balita na apatnapung piso na ang isang kilo ng bigas.

5. Nasa ikahuling markahan na kami sa aming aralin sa Filipino.

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

November 14-15,2016

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang pagkakaiba ng Pang-uri sa Pang-abay.

b.Nakapagbibigay ng halimbawa ng pang-uri at pang-abay mula sa larawan.

c. Maipapakita ang paggalang sa pagkakaiba ng mga tao.

II.Paksa: Pang-uri na Pamilang at mga Uri nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:

Santiago 4:10
Magpakababa kayo sa paningin ng Panginoon at kaniyang itataas kayo.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

piliin sa kahon ang pang-uring panunuran,pmahagi at pahalaga.

Sampung piso tigsiyam ikatlo

Ikaanim limang piraso mamiso

IV.Talakayan

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

Si Christian ay malakas kumain. Malakas ang pangangatawan ni Christian.

Masarap ang adobong niluto ni nanay. Masarap magluto ang aking nanay.

Ang aso ay mabilis. Mabilis tumakbo ang aso.

Concept Note.

Pang-uri-salitang naglalarawan sa katangian ng Pangngalan at Pang-uri.

Halimbawa:Mabait na bata si Ian.

Matalino sa klase si Christian.

Pang-abay-salitang nagbibigay turing sa pandiwa.

Halimbawa:matalinong sumagot si Christian sa klase.

Malakas tumawa ang aking kaibigan.

V.Analysis

Bumuo ng pangungusap na may pang-uri at pang-abay mula sa larawan.


VI.Abstraksyon

Ang pang-uri at pang-abay ay parehong salitang nagbibigay turing o naglalarawan ngunit ito ay may
pagkakaiba.Sa pang-uri,ang inilalarawan nito ay katangian o paghalip samantalang ang binibigyang turing ng
Pang-abay ay ang pandiwa o mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

VII:Pagtataya

Guhitan ang salitang panuring sa pangungusap.Tukuyin kung pang-uri o pang-abay.

_____________________1-2.Malakas tumahol ang mga aso.

_____________________3-4.Matarik ang bundok na inakyat ng aking kaibigan.

_____________________5-6. Si Mang Ben ay malakas mag-ehersisyo.

_____________________7-8.Nagsiawitan ng magagandang musika ang mga bata.

_____________________9-10.Masipag magtanim ang mga magsasaka.

November 16-18,2016-Ikatlong Markahang Pagsusulit

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department
Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Bahay na Bato ni Ingkong Kiko

November 21-25,2016

UNANG ARAW-TEST EVALUATION

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang pangunahing paksa sa kwentong binasa.

b.Nasasagutan ang mga tanong patungkol sa kwentong binasa.

c. Maipapakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga kasaysayan ng ating mga ninuno.

II.Paksa: Bahay na Bato ni Ingkong Kiko ( maikling kwento ni Aurora E. Batnag)

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Mateo 25:19

Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang Panginoon ng mga aliping iyon,at pinapagsulit sila.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang pagkakaiba ng pang-uri sa pang-abay?


Tukuyin kung pang-uri o pang-abay ang mga sumusunod:

Magaling kumanta si Aika.


Malakas sumutok si Christian.
Mamahalin ang sasakyan ng tito ko.
Magbigay ng halimbawa ng pang-uri at pang-abay.Gamitin ito sa pangungusap.

IV.Talakayan

Mga pangganyak na tanong:

1.Sino na rito ang nakapasok sa isang museum.


2.Ano ang makikita sa loob nito?

Concept Note

Ang kwentong “Bahay na bato ni Ingkong Kiko ay tungkol sa bahay na puno ng kwento ng ating mga ninuno.Dito
makikita ang mga lumang kagamitan,kasuotan o mga alaala ng mga sinaunang panahon.

Kasaysayan –ito ang pag-aaral sa mga alaala o kwento ng mga sinaunang tao o ating mga ninuno noong
panahon.Tinatalakay ditto ang mga kaugalian,,kultura o pamumuhay ng ating mga ninuno.

Ang bahay na bato ay ginawang museo Hilario upang malaman at Makita ng mga tao higit lalo sa mga kabataan
ngayon ang mga pinagdaanan ng mga tao noon.Matatagpuan rito ang mga lumang kagamitan o mga
kasangkapan na ginamit ng mga tao noon..Ang museo na ito ay pag-aari ng mga Pilipino na pinamamahalaan ng
gobyerno.

V.Analysis

Sagutan ang pahina 162.

VI.Abstraksyon

Ang bahay na bato ay nagpapaalala na kailangan nating pangalagaan,igalang at pahalagahan ang mga alaala
ng ating ninuno.Malalaman natin ang buhay,ugali at kultura ng mga tao noon sa pagdalaw o pagpunta sa mga
museo sa Pilipinas.Sa paraang ito madadagdagan ang iyong kaalaman sa kung ano ang kasaysayan at kung ano
ang mayroon noon na kailangan mong malaman at maisabuhay ngayon.

VII:Pagtataya

Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa kwentong binasa.

1.Paano inilarawan ng bata ang kanyang “Ingkong Kiko”?

_____________________________________________________________________________.

2.Ano ang ginawa sa bahay ba bato ni Ingkong kiko?

_____________________________________________________________________________.

3.Ano ang matatagpuan sa bahay na bato ni Ingkong Kiko?

_____________________________________________________________________________.

4.Ano ang ibig sabihin ng Kasaysayan?


_____________________________________________________________________________.

5.Bilang bata,paano mo maipapakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kasaysayan?

_____________________________________________________________________________.

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pagkakaiba ng Katotohanan at Opinyon

November 28-30,2016

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng katotohana at opinyon.

b.Natutukoy ang mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan at opinyon.

c. Pagsasabi ng katotohanan at pagpapakita ng paggalang sa opinyon ng ibang tao.

II.Paksa: Katotohanan at Opinyon

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:

Juan 8:32

Makikilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral
Saan patungkol ang kwentong “Bahay na bato ni Ingkong Kiko?
Anong bahagi sa kwento ang tumatak sa iyong isipan?
Anong aral ang iyong napulot sa kwentong ito?
IV.Talakayan

Magsabi ng pahayag patungkol sa larawan.

Basahin

1.Si Duterte ang ating bagong pangulo.

2.Si duterte ay magaling na pangulo.

3.Si duterte ay nakatira sa Davao.

4.Si duterte ay mabagsik at matapang na pangulo. Alin sa


mga pahayag ang nagsasabi ng totoo at nagsasabi ng pananaw o paningin ng isang tao?

Concept Note

Katotohanan- isang kaalamang nagpapahayag ng totoong detalye o impormasyon.

Halimbawa:

Ang Hawaii ay bahahi ng Estados Unidos.


Ang Epikong Biag ni Lam-Ang” ay mula sa mga Ilokano.
Opinyon-pahayag na nakabatay lamang sa pananaw ng isang tao.

Halimbawa:

Mas masaya ang mga Pilipino noon kumpara ngayon.


Lalaking matalino ang kapatid ko.
V.Analysis

Sagutan sa aklat ang pahina 275.

VI.Abstraksyon

Maraming pahayag tayong na sinasabi at naririnig . Sa mga pahayag nararapat lang na magsabi tayo ng
mga totoong impormasyon o detalye upang masabi na ang pahayag na ito ay isang katotohan.Katotohanan ito
kapag mayroong tayong mga batayan para mapatunayan ito.May mga pahayag naman na nanggaling lamang sa
paningin o paniniwala ng isang tao ngunit wala itong matibay na batayan para mapatunayan na totoo ito at
tinatawag itong Opinyon. Nararapat lang na ang isang tao ay magsabi ng katotohanan ngunit dapat din nating
igalang ang mga opinyon ng ibang tao.
VII.Pagtataya

Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan o opinyon.

__________________ 1. Si ms. Aquino ang guro namin sa Filipino.

__________________ 2. Si coco martin ay magaling na artista.

__________________ 3.Mayroon tayong 365 na araw sa isang taon.

__________________ 4. Binubuo ang Pilipinas ng 7 107 na pulo.

__________________ 5. Si Anthony ay matalinong bata.

__________________ 6. Labindalawa ang disipulo ng ating panginoon.

__________________ 7.Magagaling ang mga Pilipino sa ibat ibang larangan.

__________________8.Ang mga ikaapat na baitang ay mga mapagmahal na bata.

December 01,2016-Cainta Fiesta Day

December 02,2016-DACSA DAY

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Kaantasan ng Pang-uri

December 5-7,2016

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Naiisa-isa ang ibat ibang kaantasan ng Pang uri.

b.Nakapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap sa bawat kaantasan ng Pang-uri.

c. II.Paksa: Katotohanan at Opinyon

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12


May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Romans 13:1

Ang bawat tao’y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan.Sapagka’t walang pamahalaang hindi mula sa Diyos at
ang mga pamahalaang umiiral ay itinatatag ng Diyos.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon?


Magbigay ng pahayag na nagsasaad ng katotohan tungkol sa iyong pamilya? Opinyon naman tungkol sa
iyong kaibigan.
IV.Talakayan

Magpapakita ng gamit ang guro na may ibat ibang sukat at laki. Sa bawat bagay,bubuo ang mag-aaral ng
pangungusap na naglalarawan ditto. (Lapis at aklat)

Basahin ang mga pangungusap.

Maliit ang lapis ni Noel. Mas maliit ang lapis ni Marina kaysa sa lapis ni Noel.

Pinakamaliit ang lapis ni Siony sa kanilang magkakapatid.

4. Makapal ang dalang aklat ni Chris nginit.Magkasing kapal sila ng aklat ni Ian ngunit pinakamakapal ang librong
binili ni Christian sa kanilang tatlo.

-Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng ibat ibang kaantasan ng pang-uri?

Concept Note

Kaantasan ng Pang-uri

Lantay-payak na paglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang


pinaghahambingan.
 Halimbawa: Kahanga-hanga ang aking ama.
Pahambing-naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
 Halimbawa: Mas matangkad si Chris kaysa kay Ian.
Pasukdol-paglalarawang nagpapakita ng ng pamumukod o pangingibabaw ng pangngalan o
Panghalip sa lahat ng pinaghahambingan.
 Halimbawa:Walang kaparis na ganda si Tonya .
V.Analysis

Sagutan sa aklat ang pahina 96-98.

VI.Abstraksyon

Ang kaantasan ng Pang-uri ay nagpapakita ng antas ng paglalarawan o pagbibigay turing ng pang-uri sa


Pangngalan o panghalip sa isang pangungusap.Ito ay nahahati sa tatlo;Lantay kung naglalarawan ka lang ng wala
kang ikinukumpara rito;Pahambing kung ikaw ay nagpapahayag ng pagkakaiba ng dalawa o higit pa at pasukdol
kung ang inilalarawan ay ang nangunguna o nakakahihigit sa pinagkukumparaan.Kailangan mong malaman ang
ibat ibang kaantasan ng pang-uri upang mailarawan mo na maayos ang mga pangngalan o panghalip na gusto
mong ilarawan.

VII.Pagtataya

Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Lantay Pahambing Pasukdol

____________________1. Naghahambing dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

____________________2.Naglalarawan na nagpapakita ng pamumukod o pangingibabaw ng pangngalan o


panghalip sa pinaghahambingan.

____________________3.Payak na paglalarawan ng pangngalan o panghalip.

II.Tukuyin kung Lantay,pahambing o pasukdol ang mga sumusunod na pangungusap.

_____________________ 4.Makapal ang aklat na nabili ko.

_____________________ 5.singlaki ni Jimmy ang aking kapatid.

_____________________ 6.Napakalayo ang lugar na tinatanaw ng aking kaibigan.


_____________________ 7.Makinis ang kutis ni Anne Curtis.

_____________________ 8. Si Coco ay mas gwapo kaysa kay Joaquin.

_____________________ 9. Madilim ang daan na aking tatahakin.

_____________________ 10.Pinakapayapa ang bansang Pilipinas sa lahat ng bansa.

III.Bumuo ng pangungusap na tutugon sa kaantasan ng pang-uri na nasa kahon gamit ang mga salita sa bawat
bilang.

11.Pasukdol maganda kwento Aison

12. Lantay lambing nanay

13. Pahambing laki Aya Mona

______________________________________________________________________________

December 8-9,2016- Ikaapat na Buwanang Pagsusulit December 12,2016-Test Evaluation

December 13,2016-Hulk and Herald( Highschool Choir Presentation)

December 14-Christmas Party December 15-January 3,2017-Christmas Vacation

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pang-uri

January 4-6,2017

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Nakabubuo ng kanta tungkol sa pagdiriwang pasko gamit ang pang-uri.

b.Nakakanta sa harap ng klase ang nabuong kanta na may pang-uri.

c.Naipapakita ang tunay na diwa ng Pasko.

Alintunin sa Paggawa

Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang kanta tungkol sa pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas.Sa kanta dapat
gumamit ng mga Pang-uri.Makikita rin dito ang ibat ibang kaantasan ng Pang-uri.

Rubriks

10 8 5

Presentasyon Maayos ang Pagkanta Katamtaman ang ayos Hindi maayos ang
ng pagkanta pagkakanta

Lakas at ganda ng Malakas at maganda Hindi gaanong kalakas Mahina at hindi


boses ang boses at kaganda ang boses maganda ang boses

Nilalaman ng kanta Maraming pang-uri ang Hindi ganoon karami Kakaunti ang ginamit na
ginamit sa kanta ang ginamit na pang-uri pang-uri sa kanta
sa kanta

Kabuuan
Cainta Catholic College
Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pahambing na Magkatulad at Di Magkatulad

January 9-10,2017

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang pagkakaiba ng Pahambing na Magkatulad at Di Magkatulad.

b.Nakapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap sa dalawang uri ng Pahambing.

c.Pagpapakita ng Paggalang at Pagtanggap sa pagkakaiba ng mga tao.

c. II.Paksa: Pahambing na Magkatulad at Di Magkatulad

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Mateo 7:12
Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises
at ng turo ng mga propeta.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang mga kaantasan ng Pang-uri?


Magbigay ng halimbawa ng pangungusap sa bawat antas ng Pang-uri?
IV.Talakayan

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

1.Mas maganda si Angel Locsin kaysa kay Marian Rivera.

2.Magkasing talino si Justine at Anthony.

3.Mas mataba si Theo kaysa kay Arriane.

4.Kasinggwapo ni Gabriel si Coco Martin.

Pangganyak na tanong.

Alin sa mga pangungusap na pareho ang pinaghahambing?


Alin naman ang pangungusap na magkaiba ang pinaghahambing?
Concept Note

Pahambing-naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan.


 Dalawang Uri ng Pahambing
Pahambing na Magkatulad-ipinapakikilala rito ang pagkakapantay na katangian ng dalawang bagay na
pinaghahambing .Karaniwang gumagamit dito ng mga panlaping ka-,ga-,sing/kasing,magkasing-/magsing-.

Halimbawa:Magkasingtangkad sina Althea at Ameera.

Singgwapo ni Gabriel si Coco Martin.

Pahambing na Di-Magkatulad-ito ay ginagamit kung hindi magkapantay ang mga katangiang


pinaghahambing.

Halimbawa:Mas maliit tignan si Mahal kaysa ka Mura.

Mas Mataas ang Bulkang Mayon kaysa sa bundok na Pulag.

V.Analysis

Paghambingin ang mga sumusunod gamit ang dalawang uri ng Pahambing.

Kaklase at kaibigan Kuya at ate


Nanay at tatay Guro at magulang
VI.Abstraksyon

May mga bagay tayo na pinaghahambing,minsan pareho at minsan magkaiba.Sa paghahambing.dapat


wasto ang gagamiting panlapi at salita upang maiparating ang pagkakapareho o pagkakaiba ng tao o bagay na
pinaghahambing.Ngunit lagi lang tatandaan na sa bawat paghahambing dapat alam din nating tanggapin at
igalang ang pagkakapareho higit lalo ang pagkakaiba ng kaantasan,kaugalian at katangian ng tao at ng mga
bagay.

VII.Pagtataya:Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung Pahambing na Magkatulad o Di-


Magkatulad.Isulat ang sagot sa patlang.

____________________________ 1. Mas bago ang sapatos ni Aika kaysa kay Lira.

____________________________ 2.Singkinis ng kutis ni Aya si Anne Curtis.

____________________________ 3.Magkasinglakas si Superman at si Batman.

____________________________ 4.Higit na Mayaman si Duterte kaysa kay Noynoy.

____________________________ 5.Mas mabait si nanay kaysa kay tatay.

January 11-13,2017-Ikatlong Markahang Pagsusulit

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Ang Alamat ng Papaya

January 16-20,2017

Unang Araw-Test Evaluation

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang pangunahing paksa sa kwentong binasa.

b.Nasasagot ang mga tanong patungkol sa kwento..

c.Naipapakita ang pagmamahal,pagtulong at pagmamalasakit sa damdamin ng ibang tao.

II.Paksa: Katotohanan at Opinyon


Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Mateo 7:12
Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises
at ng turo ng mga propeta.
III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

-Ano ang dalawang uri ng Pahambing

-Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na magkatulad at di magkatulad?

IV.Talakayan

Pangganyak na tanong

1.Sino sa inyo ang mahilig kumain ng papaya?Alam niyo baa ng kwento kung saan nagmula ang papaya?

2.Ano ang ginagawa mo kapag may nakita kang tao na may karamdaman,kapansanan o may problema sa
kanyang panglabas na kaanyuan?

Concept Note

Alamat ng papaya ay kwento ng isang batang may sakit.Siya si Aya.Siya ay may maiitim na butlig sa kanyang
mukha ngunit hindi ito nakahahawa.Dahil sa sakit na ito,nilalayuan at inaapi siya ng mga tao. Kailanmay hindi
nagtanim ng galit si Aya sa kanyang bagkus hindi niya na lang ito pinapansin at kusa na lang siyang
lumalayo.Isang araw,dumating ang tagtuyot at taggutom sa kanilang lugar at nais ni Aya na matutlungan ang
kanyang mga kababayan.Siya ay nananalangin sa panginoon,siya ay natumba sa isang lugar.Kinabukasan may
tumubong puno sa lugar na ito.Agad itong kinain ng mga tao.Matamis at may mga itim na buto na gaya ng mga
butlig ni Aya,simula noon tinawag na ang prutas na ito na PAPAYA.

V.Analysis

Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1.Sino si Aya?

_____________________________________________________________________________.

2.Ano ang ginagawa ni Aya pag nilalait at inaapi na sya ng mga tao?
_____________________________________________________________________________.

3.Anong klaseng tulong ang ginawa ni Aya para sa kanyang kababayan?

_____________________________________________________________________________.

4.Paano inilarawan ng mga tao ang prutas na kanilang nakita?

____________________________________________________________________________.

5.Bakit tinawag nilang PAPAYA ang prutas na ito?

____________________________________________________________________________.

VI.Abstraksyon

Ang kwento ni aya ay nagpapakita ng ibat ibang uri ng ugali ng mga tao.May mga tao na sa panglabas na
kaanyuan tumitingin kaya sila ay mahilig manglait at manghusga at may mga tao rin na kahit anong panghuhusga
mo sa kanila hindi nila magawang magalit dahil naghahari ang kabutihan sa kanilang puso.Ipinakita sa ALAMAT
NG PAPAYA na wag manglait ng kapwa tao bagkus dapat natin silang tulungan at igalang dahil darating ang
panahon na sila din ang makatutulong sa atin.Ano mang panahon at kahit sinuman dapat nating tulungan.

VII.PagtatayaIguhit ang aral na napulot sa “ALAMAT NG PAPAYA”.Ipaliwanag at bigyang kulay ito.

Rubriks: Pagguhit-4 pagpapaliwanag-4 kalinisan-2 kabuuan-10

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pang-abay at mga Uri nito

January 23-24,2017
I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a. Nabibigyang kahulugan at naiisa ang ibat ibang uri ng Pang-abay.

b.Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakita ng ibat ibang uri ng pang-abay.

c. II.Paksa: Pang-abay at mga uri nito

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Juan 14:23
Sumagot si Hesus” Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita ; iibigin siya ng aking Ama,at kami’y
sasakanya at mananahan sa kanya.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang mga kaantasan ng Pang-uri?


Magbigay ng halimbawa ng pangungusap sa bawat antas ng Pang-uri?
IV.Talakayan

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap :

 Magaling magturo si Ms.Onisa sa aming klase.


 Magbabakasyon ang pamilya Dalmacion sa Bulacan.
 Manonood ng sine sina Tonya at Christian bukas ng gabi.
 Limang dipa ang layo ng aming paaralan mula sa bahay.
Sagutin ang mga tanong.

Paano magturo si Ms.Onisa? Saan magbabakasyon ang pamilya Dalmacio?

Kailan manonood sina Christian at Tonya ng sine? Gaano kalayo ang paaralan sa bahay?

Concept Note

Pang-abay-nagbibigay turing sa pandiwa.


4 na uri ng Pang-abay

-Pamaraan-isinasaad kung paano ginawa,ginagawa o gagawin ang kilos.

-Pamanahon-isinasaad kung kailan ginawa,ginagawa o gagawin ang kilos.

-Panlunan-isinasaad kung saan ginawa,ginagawa o gagawin ang kilos.

-Panggaano-isinasaad kung gaano ang sukat o timbang na ginawa,ginagawa o gagawing kilos.

V.Analysis

Sagutan sa aklat ang pahina 131-132.

VI.Abstraksyon

Ang pang-abay ang naglalarawan sa kilos na ginawa ng isang pangngalan o panghalip.Nahati sa apat na uri
ang pang-abay.Kapag tumutukoy sa paraan kung paano ginawa ang kilos,ito ay tinatawag na PAMARAAN,kung
tumutukoy sa araw o panahon,ito ay PAMANAHON,kung tungkol ito sa lugar ito ay PANLUNAN at kung
tumutukoy naman sa sukat.timabang,layo o bigat ito ay tinatawag na PANGGAANO.

VII.Pagtataya

Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Pamanahon Panlunan Pamaraan Pang-abay Panggaano

___________________1.Isinasaad kung kailan ginawa,ginagawa o gagawin ang kilos.

___________________2.Isinasaad kung saan ginawa,ginagawa o gagawin ang kilos.

__________________ 3.Bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa.

___________________4.Isinasaad ang sukat o timbang ng kilos na ginawa,ginagawa o gagawin.

___________________5.Isinasaad kung paano ginawa,ginagawa o gagawin ang kilos.

II.Bilugan ang pang-abay na ginamit at tukuyin kung PAMARAAN,PAMANAHON,PANLUNAN o PANGGAANO ang


mga sumusunod na pangungusap.

_____________________ 6-7.Magdiriwang ako ng aking kaarawan sa susunod na araw.

_____________________ 8-9.Tuwang-tuwa naglalaro ang mga ikaapat na baitang.


___________________ 10-11.Kumain kami ng aking pamilya sa tabi ng dagat.

____________________12-13.Limang dipa ang layo ng aking bahay sa paaralan.

____________________ 14-15.Marami kaming handa noong bagong taon.

____________________ 16-17.Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagdarasal.

Halimbawa ng Pang-abay

Quiz # 2

Isaayos ang mga salita na nasa loob ng kahon sa wastong uri ng pang-abay.

sa palengke pabulong limang kilometro

noong isang taon kina Christian sa Pangasinan

takot na takot bukas ng umaga isang pulgada

PAMARAAN PAMANAHON

PANGGAANO
January 25-26,2017-Intramurals
January 27,2017-Teachers Day
January 30,2017-Continuation of INTRAMURALS
Cainta Catholic College
Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

SASAYA NA SI GINA

January 3-February 1,2017

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang pangunahing paksa sa kwentong binasa.

b.Nasasagot ang mga tanong patungkol sa kwento..

c.Naipapakita ang pagmamahal,pagtulong at pagmamalasakit sa damdamin ng ibang tao.

II.Paksa: SASAYA NA SI GINA

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido


Pagpapahalaga:
Mateo 7:12
Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises
at ng turo ng mga propeta.
III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang Pang-abay?


Ano ang ibat ibang uri ng pang-abay?
Magbigay ng mga pangungusap sa bawat uri ng pang-abay?
IV.Talakayan

Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon?

Unang araw ng pasukan,napansin mo ang iyong kaklase na luma ang lahat ng


kagamitan at kasuotan at sa oras ng recess,wala itong baon na pera o pagkain.
May pasok sa paaralan ngunit Maysakit ang iyong nanay .
Ang pamilya mo ay mayaman,may kaibigan ka na mahirap,walang kakayahang
magkaroon ng bagong kagamitan,maysakit ang ina at walang trabaho ang mga
magulang.
IV.Concept Note

Si Gina ay mahirap na bata.Unang araw ng pasukan,luma ang kanyang kagamitan at kasuotan. Oras ng
reses,wala siyang baong pera o pagkain.Lumapit sa kanya ang kanyang kamag-aral na si Darlene.Binigyan siya
nito ng pagkain.Kinabukasan hindi pumasok si Gina dahil maysakit ang kanyang nanay,hinahanap siya ni Darlene
kung saan nagtanong siya sa kanilang kamag-aral na si Eloisa at Melissa na walang ginawa kundi laitin si
Gina.Ipinagtanggol ni Darlene ang kanyang kaibigan.Kinuha ni Darlene ang tirahan ni Gina ay dumalaw siya rito
kasama ang amang Doktor.Pgkauwi sinabi ng ama ni Darlene na ipapagamot nila ang nanay ni Gina at
tutulungan nila si Gina sa Pag-aaral.

V.Analysis

Ilarawan ang bawat tauhan sa kwentong Sasaya na si Gina.

Gina Darlene at amang Doktor Melissa at Eloisa

VI.Abstraksyon

Ang mga tauhan sa kwentong “Sasaya na si Gina” ay nagpapakita ng ibat ibang kaugalian. SI Gina ay
nagpakita ng pagiging matatag.Matatag sapagkat si Gina ay ipinanganak na mahirap ngunit hindi ito naging
hadlang para tumigil siya sa kanyang pag-aaral at sa pagkamit sa kanyang pangarap bagkus ginamit niya itong
inspirasyon para magpatuloy sa buhay. Si Darlene at ang amang Doktor ay nagpakita ng pagiging Matulungin at
mapagkumbaba dahil ipinakita ng mag-ama na kahit sila ay mayaman at may kaya sa buhay,hindi sila
nagmamalaki bagkus sila ang tumulong sa pamilya ni Gina para maipagamot ang nanay at matulungan sa pag-
aaral si Gina.Samantalang ang dalawang mag-aaral na si Eloisa at Melissa ay hindi dapat tularan sa pagkat
naghahari sa kanilang puso at isipan ang masamang ugali na ang alam lang gawin ay manghusga at magmaliit ng
kapwa.Ang dapat tularan ay ang mag-ama na naghahari sa puso ay ang kabutihan.

VII.Pagtataya

Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1.Anong klaseng bata si Gina Santos?

2.Anong trabaho ng magulang ni Gina Santos?

3.Sino ang dalawang mag-aaral na nangungutya kay Gina Santos?

4.Sino ang mga tumulong sa pamilya ni Gina?

5.Anong klaseng tulong ang naibigay ng mga taong ito?

February 2-3,2017- Ikalimang Markahang Pagsusulit

Cainta Catholic College


Cainta,Rizal

A.Y 2015-2016

Elementary Department

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pang-abay na Panang-ayon at Pananggi

February 6-7,2017

I.Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Natutukoy ang pagkakaiba ng Pang-abay na Panang-ayon at Pananggi.

b.Nakagagawa ng isang maikling dula-dulaan na ginagamitan ng mga pang-abay.

c.Natututunan ang pagsasabi ng OO at HINDI sa ibat ibang sitwasyon.

II.Paksa: PANG-ABAY NA PANANG-AYON AT PANANGGI


Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:
Juan 8:32

Makikilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

-Bakit pinamagatang “SASAYA NA SI GINA” ang kwento ni Gina Santos?

-Sinong tauhan sa kwento ang nais niyong tularan?Bakit?

IV.Talakayan

Pagbabasa at pagsasaganap ng maiksing diyalogo

Ian,pupunta ka ba Oo pupunta
ako,Ikaw ba
Sa kaarawan ni pupunta ka ba?
Jimmy?

Ganun ba.Sige
Hindi e,di ako ibabati na lang kita
pinayagan ng aking sa kanya.
nanay.

IV.Concept Note

Iba pang halimbawa ng Pang-abay

Pang-abay na Panang-ayon-salitang isinasama sa pangungusap upang mas maipakita ang pagpayag o pagiging
pabor tungkol sa isang paksang pinag-uusapan.Ilan sa mga salitang ito ay :oo,opo,tama,tunay,talaga,at siyempre.

Halimbawa: Tunay ngang masayahin ang mga Pilipino kahit may mga problema.

Talagang magaling na boksingero si Manny Pacquiao.


Pang-abay na Pananggi-salitang isinasama sa pangungusap upang mas maipakita ang pagkontra o hindi
pagpayag sa isang suhestiyon at panukalang isinasaad sa isang usapan.Ilan sa mga salitang ito ay;di/hindi at
ayaw.

Halimbawa: Hindi na kailangang lumiham sa Mayor.Maaari nang bumista sa kanyang opisina.

Ayaw ng mga ibang Pilipino sa pamamalakad ng ating pangulong Duterte.

V.Analysis

Sagutan ang pahina 154-155

VI.Abstraksyon

May mga salita tayong ginagamit sa pakikipag-usap.Kapag pabor sa isang paksa,maaari kang gumamit
ng Oo,tama,tunay,talaga at iba pa upang maiparating sa iyong kausap na sumasang-ayon ka sa pinag-uusapan at
tinatawag itong pang-abay na panang-ayon. Kapag di ka naman sang-ayon at kumukontra ka sa sinasabi o sa
paksang pinag-uusapan,gagamitin ang mga salitang mali,ayoko,ayaw o di at tinatawag itong pang-abay na Pang-
abay na Pananggi`

VII.Pagtataya:

Bilugan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.Tukuyin kung Panang-ayon o Pananggi.

________________1.Siyempre,gagalingan ko sa pagsusulit bukas.

________________2.Magagaling na tuna yang mga Pilipino sa ibat ibang larangan.

________________3.Dahil sa nangyari,ayaw ko ng manood ng mga nakakatakot na palabas.

________________4.Nagkasunog sa lugar natin,dahil ditto hindi na ako gagamit ng kandila.

________________5.Tiyak na magsasaya ang mga bata sa inihandang palaro.

________________6.Dahil mababa ang iyong marka,di ka maglalaro ng kompyuter.

________________7.Oo susundin ko ang utos ng mga bilin ng mga matatanda.

PANG-UKOL

February 8-10,2017

I.Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang ,

a.Nabibigyang kahulugan ang pang-ukol.

b.Natutukoy ang dalawang salitang pinag-uugnay at pang-ukol na ginamit sa pangungusap.

c.Naipapakita ang pagsunod sa mga batas bilang mabuting mamamayan.

II.Paksa: PANG-UKOL

Sanggunian:Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig,Edisyong K-12

May-akda: Ares B. Gonzales at Jake Mancenido

Pagpapahalaga:

Romans 13:1

Ang bawat tao’y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan.Sapagka’t walang pamahalaang hindi mula sa Diyos at ang mga
pamahalaang umiiral ay itinatatag ng Diyos.

III.Pamamaraan:

A.Panimulang Gawain (PACU)

B.Pagbabalik-Aral

Ano ang Pang-abay na Panang-ayon?


Ano ang Pang-abay na Pananggi?
Ano-ano ang mga salita na halimbawa ng Panang-ayon at Pananggi?
IV.Talakayan

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

1.Gumawa ng mga panibagong batas alinsunod sa kagustuhan ng mga Pilipino.

2.Nagprotesta ang mga Pilipino laban sa gobyerno.

3.Nag-alay ng dasal ang mga Pilipino para sa pangulo.

4. Maraming namamatay sa droga ayon sa balita.

IV.Concept Note

Pang-ukol- bahagi ng pananalita na ginagamit upang pag-ugnayin ang Pangngalan at iba pang mga salita.
Halimbawa ng mga Pang-ukol

Ayon sa/Ayon kay tungkol sa/tungkol kay

Ni para sa/para kay dahil sa/dahil kay laban sa/laban kay

Alinsunod sa Ng ukol sa/ukol kay

V.Analysis

Magbigay ng limang pangungusap gamit ang mga Pang-ukol.

Sagutan ang pahina 201-203

VI.Abstraksyon

Mapag-uugnay ang Pangngalan at mga salita gamit ang mga Pang-ukol.Magiging makabuluhan ang isang
pangungusap kapag gagamit ng mga Pang-ukol.Sa isang pangungusap dalawang salita ang pinag-uugnay,sa gitna
ng dalawang salitang ito,ditto matatagpuan ang Pang-ukol na ginamit.

VII.Pagtataya

Bilugan ng kulay dilaw ang dalawang salitang pinag-uugnay at kulay asul ang pang-ukol na ginamit sa mga
sumusunod na pangungusap.

1. Nagtipon ang mga kababaihan para sa programang pangkabuhayan.


2. Tumaas ang dolyar ayon sa balita.
3. Ang lolo ni Akihany ay mayaman.
4. Bumili ng mamahaling relo si Gab para kay Luisa.
5. Nag-usap ang mga magkakaibagan tungkol sa nalalapit na reunion.
6. Ang pangarap ng magulang ko ay malapit ng matupad.
7. Nahimatay ang matanda dahil sa narinig na balita.
8. May kumakalat na tsismis tungkol kay Angel Locsin.
9. Maraming makukulong sa drogra ayon kay Duterte.
10. Nagprotesta ang mga Pilipino laban sa gobyerno.
February 13,2017-Valentines Card Making

February 14,2017-Valentines Day

February 15-17,2017-CCC Foundation Day

You might also like