You are on page 1of 3

Lesson Plan in ESP 5 & 6

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahang:

a. Malalaman sa Grade 5 ang kahulugan ng espirituwalidad at Grade 6 ang mga ibat-ibang paraan ng
pasasalamat sa Diyos.
b. Maisasadula, maikakanta, at maisasayaw ang esperituwalidad ng Grade 5 pupils at ang mga ibat-
ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos ng Grade 6 pupils.

II. PAKSANG ARALIN


a. Grade 5 (Espirituwalidad) Grade 6 (Ibat-ibang paraan ng Pasasalamat sa Diyos)
b. Source : Self Instructional Material
c. Materyales: Telebisyon, Visual Aids
d. Metodolihiya: 4A’s

III. PAMAMARAAN

a. Panalangin
b. Motibasyon
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga pangyayaring nagawa ng mga grupo na tao mula sa
United Arab Emirates. Ang mga taong ito ay bumisita sa isang paaralan ng Bag-ong Anonang
Diut Elementary School upang magbigay ng tulong sa mga bata.
Questions:
1. Ano-anong mga pangyayaring hindi ninyo makakalimutan tungkol sa
nangyaring pagbisita ng mga pribadong indibidwal sa ating paaralan?
2. Ano kaya ang layunin ng kanilang pagpunta?
3. Ano ang inyong masasabi sa mga taong ito?
4. Bilang mga bata, handa niyo ba silang tularan? Sa anong paraan?

c. Activity

-Activity 1: Pagsasadula
Grade 5: Pagsasadula ng pagiging magalang Grade 6: Pagsasadula ng Pagtulong sa Kapwa
Guided question: May nakita kang matanda Guided Question: Maraming mga street
Na nakasalubong mo. Nais niyang children na nakatira sa iyong
tumawid sa daanan na maraming sasakyan. Barangay. Ano ang gagawin mo?
Ano ang gagawin mo?

Guided Question: Paano mo makukumbinsi Guided question: May nakita kang


ang mga grupo ng kabataan na ayaw pumunta sa classmate na hindi marunong
simbahan? magsaulo ng multiplication table.
Ano gagawin mo?

- Activity 2: Pagkakanta
(Grade 5 at 6): Pagdarasal sa pamamagitan ng pagkakanta. Ang mga bata ay kakanta ng Give
Thanks.

- Activity 3: Pagsasayaw
(Grade 5 at 6): Pagsayaw gamit ang guided video na nasa telebisyon
d. Analysis

- Ang guro ay maglalahad ng kahulugan at halimbawa ng espiritwalidad at mga ibat-ibang paraan ng


pasasalamat sa Diyos.

For Grade 5

1. Panalangin
2. Pagninilay
3. Pagsisimba
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos
5. Pagmamahal sa Kapuwa
For Grade 6
1. Pagsabi ng salamat
2. Paggawa ng liham para sa mga taong mahal mo.
3. Pagyakap
4. Pagbigay ng tulong
5. Pagbabahagi ng kabutihang loob at mga salita ng Diyos.
e. Abstraction

- Ang guro ay maglalahad ng kabuuang tawag tungkol sa mga halimbawa ng espirituwalidad at mga
ibat-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.

f. Application

- Ang guro ay magbibigay ng mga activity sheets.

IV. EBALWASYON

Grade 5`

Panuto: Isulat sa papel ang tsek ( ) kung ang sitwasyon ay


nagpapakita na nagpapaunlad ng ispiritwalidad ng isang tao
at ekis (x) kung hindi.
_____1. Pagpapasalamat sa Panginoon sa mga natanggap na biyaya.
_____2. Hindi marunong magpatawad sa nagkasala.
_____3. Pagtulong sa kapwa tao.
_____4. Pagtulong sa paglinis ng bakuran.
_____5. Pakikisama sa ibang tao.

Grade 6

Panuto: Biluganang titik ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang nagpapakita ng paghingi ng paumanhin?
a. Bahala na! b. Patawad. c. Buti nga sa’yo!
2. Ano ang gagawin mo kapag ikaw ay isang pasaway na bata, lagging naglalakwatsa at galit na
galit ang nanay mo?
a. Lalaban ako.
b. Hihingi ako ng tawad sa pagkakamaling aking nagawa.
c. Ipagwalang bahala ko nalang.
3. Si Mateo ay magaling sa klase pero sinisiraan siya ng iba niyang kaklase. Kung kayo si Mateo,
ano ang dapat ninyong gawin?
a. Iiwasan ko nalang sila para hindi na ako makasakit sa kapwa.
b. Susuntukin ko sila.
c. Sisiraan ko rin sila.
4. Kung ikaw ay sinasabihan at binibiro na mataba na parang aparador, ano ang iyong
mararamdaman?
a. wala lang b. masasaktan c. masaya
5. Kung ikaw ay nanalo sa paligsahan sa pag-awit, paano mo maipapakita ang pasasalamat sa
Diyos?
a. Magyayabang ako!
b. Tatanggapin ko ng buong puso ang aking pagkapanalo.
c. Maliitin ang aking mga katunggali.

V. TAKDANG ARALIN
Grade 5
Panuto: Pumili ka ng limang pahayag na nagsasabi ng mga gawaing napapaunlad ang ispiritwalidad ng tao.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Pinatawad ni Rose ang kanyang kaklase na nakasakit sa Kanya
B. Binugbog ni Rey nang husto ang kapatid niya dahil nahulog nito ang kanyang cellphone.
C. Nagsisimba ako tuwing Linggo.
D. Ginawa ko nang mahusay ang aming aralin sa Matematika.
E. Hindi ako tumutulong kapag walang suhol.
F. Humihingi ako palagi ng paumanhin sa tuwing ako ay nagkamali.
G. Nagsusumikap si Nene sa pag-aaral.
H. Sinisigawan ni Allan ang pilay na naglalakad sa daan.

Grade 6
Isulat ang √ sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos at Х kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang dumarating sa pamilya
_____2. Iginagalang ang mga panrelihiyong paniniwala ng ibang tao
_____3. Tumutulong sa mga sinalanta ng kalamidad
_____4. Sinikap na makatulong sa iba sa abot ng makakaya
_____5. Sinusunod ang mga paniniwala at gawi ng relihiyong kinabibilangan

You might also like