You are on page 1of 5

Filipino 9

Unang Markahan – Linggo 5.1

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ____________ Petsa: ________

Paksa: Pag-uugnay ng Sariling Damdamin sa Napakinggang Tula

Learning Competency at Code:


 Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula
(F9PN-Ie-41).
 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng
bansang Asya (F9PU-Ie-43).

Konsepto o Ideya:

“Ang wastong pagbigkas ay paggamit ng tamang mga tunog upang bigkasin “ang
mga salita, pagdiriin ng tamang pantig, at pagbibigay ng wastong pansin sa mga tuldik.
“Ang wastong pagbigkas ay nagdaragdag ng dignidad sa mensahe na ating
ipinangangaral”. Itinutuon nito ang pansin ng nakikinig sa mensahe na ating ipinangangaral
sa halip na sa anumang pagkakamali sa pagbigkas.

Layunin ng tula ay (a) magpakilos tungo sa isang pagsasagawa (b) manghikayat (c)
magbigay ng impormasyon (d) magbigay-aliw at iba pa. Mahalagang maunawaan ng
bibigkas ang tunay na layunin ng tula. Hindi kailanman mabibigyang buhay ang piyesa kung
hindi malinaw sa bibigkas ang layunin nito.
Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang nanonood. May
malakas siyang hikayat sa madla kung nagagawa niya itong patawanin o paiyakin sang-
ayon na rin sa diwang isinasaad ng tula.
Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang
nauunang paa. Ngunit kung patag ang tayo, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.
Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula.
Kaya’t ang tinig ay maaaring magbagu-bago ayon na rin sa diwang isinasaad nito. Maaari rin
namang pabulong o paanas. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kailan niya
hihinaan o lalakasan ang tinig ayon sa diwang ipinaaabot ng tula.
Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata. Dapat
itong maiwasan. Nagiging mabisa ang bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng
kanyang paningin. Karaniwang ang paningin ay nagsisimula sa gitna sa gawing likuran.
Maaari itong igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.
Sanggunian: https://www.coursehero.com

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Gawain 1
Panuto: Makinig nang mabuti sa tulang ipaparinig ng guro sa iyo na pinamagatang “Kultura:
Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Hinaharap”,
Pagkatapos, Sagutin ang kasunod ng mga tanong. Isulat ang salita na iyong sagot
sa sagutang papel.

Sabihin ang nadarama mo sa bawat pahayag kapag


1. Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan…
A. Katuparan sa sarili
B. Nagbibigay pag-asa
C. Kaluwagan sa puso
D. Naghihinayang sa panahon

2. Sumibol ang kay raming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan…


A. Nagpapasalamat sa lahat
B. Nagpapasalamat sa nakaraang panahon
C. Nagpapasalamat sa mga kultura
D. Nagpapasalamat sa mga taong nagpamana nito noon

3. Inalay sa mga bagong sibol ng panahon anumang kulay,anumang lahi, anumang


edad, anumang kasarian ang kulturan’y pinayayabong nang may halong sigla at
tuwa…
A. Ipagmamalaki
B. Payayabungin pa
C. Pakaingatang Mabuti ang pamana
D. Pagyamanin at payabungin nang may tuwa sa labi

4. Bukas, ang kulturang itinudla ng nakaraan at iniregalo ng kasalukuyan ay


bubuhayin ng kinabukasan
A. Nakapanghinayang
B. Nahahamon
C. Nakalulungkot
D. Natutuwa

5. Magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan habang patuloy na


humhakbang upang galugarin pa ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
A. Natatakot
B. Naiinis
C. Nalulumbay
D. Nahahamon

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang damdaming namamayani sa sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Nang sa tarangkahan, akoy makabagtas


Pasigaw ang sabing “Magbalik ka agad”
Ang sagot ko’y “Oo hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag….
A. Nagpapahiwatig ng hindi deretsahang damdamin
B. Nagsasaad ng tiyak na damdamin
C. Nagpapahayag ng may padamdam
D. Mga maikling sambitla

2. Naku! Ikaw yata ang takot


Sa pagbabago ikaw ay natatakot
A. Nagpapahiwatig ng hindi deretsahang damdamin
B. Nagsasaad ng tiyak na damdamin
C. Nagpapahayag ng may padamdam
D. Mga maikling sambitla

3. “Sige, maraming Salamat sa apat na taon. Mahal ka naming, paalam”


A. Pagpapalaya sa isang minamahal
B. Pagkaawa sa dinaranas na sakit
C. Pagmamalasakit at pagmamahal sa isang mahal
D. Pagpapasalamat sa isang masayang samahan

4. “Nakita mo na? ang hirap kasi sa iyo di mo ginagamit ang ulo mo, hindi tulad ko,
mautak.”
A. pagkatuwa C. pagmamagaling
B. pagpapakumbaba D. pagtulong

5. “Wala ka na bang naisip na kumustahin kundi ang iyong mga kaibigan? Tila mahal
mo pa ang iyong mga kaibigan kaysa akin.
A. pagsasaya C. pagkatako
B. pagseselos D. pagkagalit

6. “Yehey! Nakuha ko ang unang ganitmpala sa paligsahang ginanap sa aming


paarlaan”
A. nagdududa C. nagmamaktol
B. nagugulat D. natutuwa

7. “Hindi ako natutuwa sa iyo! Nagsisinungaling ka, Mark!


A. nagagalit C. nagpapaaalam
B. nagpapaalala D. nagtatampo

8. “Kaawa-awa kong anak!”


A. pagsisisi C. pagkalungkot
B. pagkaawa D. panghihinayang

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
9. Noon, ang bawat pagkhakbang ay isang pagtalunton,
Isang pagtahak sa matuwid na landas ipang marating ang paroroonan
A. pag-asa C. pagkadismaya
B. pagsusumikap D. panghihinayang

10. Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan


Ang bawat paghakbang ay may mararating
Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
A. pagkasaya C. pagiging positibo
B. pagkalungkot D. pagiging pagkatuwa

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng tatlong saknong ng tula na may tig-aapat na taludtod na
nagpapahalaga sa pagiging mamamayan mo sa bansang Asya. (Bilang gabay mo
sa pagsulat narito ang Rubrik sa pagmamarka)

Rubrik sa Pagmamarka:
Organisasyon - 5 puntos
Kaisahan ng mga ideya - 5 puntos
Kaangkupan - 5 puntos
Kaayusan - 5 puntos___
Kabuuan - 20 puntos

Sanggunian

“Panitikang Asyano 9, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino”, Department of Education, Unang


Edisyon 2014, Muling Limbag 2016, 2017,blr.lrpd@deped.gov.ph

Copyright © 2021. Course Hero, Inc. https://wol.jw.org

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale
Susi sa Pagwawasto

Gawain 2 Gawain 1

1. B 1. Naagbibigay pag-asa
2. C 2. Nagpapasalamat sa mga taong
3. A nagpamana nito noon
4. C 3. Pagyamanin at payabungin nang
5. B may tuwa sa labi
6. D 4. Nahahamon
7. A 5. Nahahamon
8. B
9. A
10. C

Inihanda ni:

FE D. JUMALIN
Digos City NHS

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not For Sale

You might also like