You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
Zamboanga del Norte National High School
Dipolog City 7100

FILIPINO 8
Summative Test 4, Quarter 2
Module 7 & 8

Pangalan:____________________________________ Baitang at Seksyon:________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang bago
ang bilang.

____1. Ano ang iyong sariling simbolo sa saranggola?

a. kahinaan ng loob c. kapighatian


b. katatagan ng loob d. kalumbayan

____2.Ano ang ibig ipahiwatig sa akdang saranggola?

a. iasa sa mga magulang ang buhay c.maging matatag sa buhay


b.ipagwalambahala ang buhay d.maging mahina sa buhay

____3. Maawa ka na, Manong!


Tulungan Mo ako!
Pagalingin Mo ako!
Baguhin Mo ako!

Bahagi ng tulang “Sandalangin” na isinulat ni Joey A. Arrogante

Ano ang iyong sariling interpretasyon sa saknong na ito?

a. nakikiusap sa Diyos c. nagmamahal sa Diyos


b. nagmamakaawa sa Diyos d. nagmamalimos sa Diyos

____4. “Sandalangin” “Ang Guryon”


Ang laki ng naging kapalit Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
sa binalewala kong pakikisama Mo, na yari sa patpat at papel de Hapon;
nasugapa lalo ang buhay ko, magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Isinulat ni Joey A. Arrogante

Isinulat ni lldefonso Santos


Ano ang kaibahan sa anyo ng tulang “Sandalangin” sa tulang “Ang Guryon”?

a. parehong tradisyunal c. di-magkapareho ang anyo


b. parehong blangko berso d. parehong malayang taludturan
____5.Sa pahayag na ito “Kung gusto Mo, para mabawasan ang galit Mo, pulbusin Mo ang dibdib ko”. Ano kaya ang
ibig ipakahulugan sa salitang sinalungguhitan?

a. palambutin ang puso c.paamuhin ang dibdib


b.pagalitin ang puso d.parusahan ang puso

Panuto (bilang 6-10.) : Tukuyin ang sukat ng bawat tula na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
puwang bago ang bilang.

____6. Pumipintig lagi sa aking unawa,


Ang habilin ninyo sa aking gunita,
Hindi mahalaga itong gantimpala,
Higit na mainam - itong ating kapwa.

Bahagi sa “Ang habilin ni Ama” ni Avon Adarna


a. wawaluhin c. lalabing-animin
b. lalabindalawahin d. lalabingwaluhin

____7. Ang sariling kabutihan ay kanilang


nililimot,
pinapatay ang damdamin nitong
dibdib sa pag-irog,
sa gawaing pagtuturo ang diwa ay
nakabalot,
at ang pintig nitong puso’y di
pansin ang lumuluhog.

Bahagi sa “Guro, Nasa Langit Ang Iyong Paraiso” ni B.del Valle

a. wawaluhin c. lalabing-animin
b. lalabindalawahin d. lalabingwaluhin

____8.
Minsa’y nakita ko ang isang bulaklak sa aking lagwerta
Sa siwang ulap ay mata ng Birheng malamlam tumingin;
Ang aking ginawa puso’y idinungaw sa pinto ng dibdib
Saka ang bituin ay kinulayaw sa suyo ng halik
At nang itinanong ko sa kanya ang aking mga panaginip
Ay sinagot akong ang panaginip ko’y Pag-ibig! Pag-ibig!

Bahagi ng “Hantungan ng Palad” ni CH Panganiban


a. wawaluhin c. lalabing-animin
b. lalabindalawahin d. lalabingwaluhin

____9.
Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
paung nalilimbag ang lalong dakila,
narito rin naman ang masamang gaua,
na ikaaamiis ng puso’t gunita.

Bahagi ng “ Isang Tula sa Bayan” ni Marcelo H. Del Pilar


a. wawaluhin c. lalabing-animin
b. lalabindalawahin d. lalabingwaluhin
Ating dapat alagaan
____10. Nag iisang Kalikasan
Para may kinabukasan
Ating mga kabataan

a. wawaluhin c. lalabing-animin
b. lalabindalawahin d. lalabingwaluhin

PERFORMACE TASK (KINAKAILANGANG SAGUTAN)


Panuto: Sumulat ng isang ORIHINAL na tula tungkol sa pagmamahal sa kapwa na binubuo ng dalawang saknong at
may lalabindalawahing sukat.

____________________________________________
Pamagat

Rubriks
Pamantayan Puntos Natamong puntos
Orihinalidad 10
Tamang baybay at gramar 10
Kabuuan 20 pts.
Inihanda ni: Sinuri ni:

Vanette Aisa S. Barinaga Michel P. Enero


Teacher I Master Teacher I

Lagda ng magulang/guardian:

_______________________________

You might also like