You are on page 1of 3

ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL

PANGALAN: __________________________________________________ ISKOR: ___________


BAITANG AT SEKSYON: ______________________ PETSA: ________________ 10

FILIPINO 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PASULIT
MODYUL 5 & 6

PANUTO: Basahin at suriin ang sumusunod na mga pahayag na nasa loob ng kahon at tukuyin kung anong
damdamin at motibo ng tauhan ang nangingibabaw. Itiman ang bilog ng titik ng wastong sagot.

A B C D
OOOO 1. “Halina, Laura aking kailangan, Ngayon ang lingap mo nang naunang araw
Ngayon hinihingi ang iyong pagdamay – Ang abang sinta mo’y nasa kamatayan”

Anong damdamin ng tauhan ang nangingibabaw sa saknong?


a. Kawalan ng pag-asa c. Pag-aalinlangan
b. Nagmamakaawa d. Pananalig

OOOO 2. “Ang mga mata mo ay ititig, Dini sa anyo kong sakdalan ng sakit
Upang di mapigil ang takbong mabilis, Niring abang buhay sa ikapapatid.”

Anong damdamin ng tauhan ang nangingibabaw sa saknong?


a. nagsusumamo c. nangangailangan ng suporta
b. naiinggit d. naiinis

OOOO 3. “Wala na Laura’t ikaw na nga lamang; Ang makalulunas niring kahirapan
Damhin ng kamay mo ang aking katawan, At bangkay man ako’y muling mabubuhay!”

Anong damdamin ng tauhan ang nangingibabaw sa saknong?


a. Kawalan ng pag-asa c. paghugot ng lakas
b. Nagsusumamo d. nagtatampo

OOOO 4. “Ngunit sa aba ko’y, sa laking hirap, Wala na si Laura’y aking tinatawag
Napakalayo-layo’t di na lumiliyag, Ipinagkanulo ang sinta kong tapat

Anong damdamin ng tauhan ang nangingibabaw sa saknong?


a. Nagseselos c. Nagagalit
b. Naiinis d. Pinagtaksilan

OOOO 5. “Sa ibang kandunga’y ipinagbiyaya, Ang pusong akin na at ako’y dinaya
Buong pag-ibig ko’y ipinang-anyaya, Nilimot ang sinta’t sinayang ang luha

Anong damdamin ng tauhan ang nangingibabaw sa saknong?


a. Naghihinagpis dulot ng kabiguan c. naiinis dahil sa pagtataksil
b. Nanghihina dahil sa matinding nararamdaman d. nagtiis para sa pag-ibig
PANUTO: Itiman ang bilog ng titik ng wastong sagot.

A B C D
OOOO 6. Saan ginagamit ang mga salitang nanghihikayat?
a. Sa pangungumbinsi ng isang tao
b. Sa panghihikayat ng isang mambabasa o tagapakinig na sumang-ayon sa iyo
c. Sa pang-iimpluwensiya sa isang tao
d. Lahat ng nabanggit
OOOO 7. “Tunay nga na ikaw ay isang dakilang manunulat”. Alin ang salitang nanghihikayat?
a. Tunay nga b. ikaw c. dakila d. manunulat
OOOO 8. Alin dito ang hindi nabibilang sa salitang nanghihikayat?
a. Datapwat b. ngunit c. pero d. sana
OOOO 9. “Kung susuriin natin….” Ang pangungusap na ito ay isang halimbawa ng …
a. Pagbibigay diin sa paninindigang isyu c. pagtutol
b. Pagsang-ayon d. pagsalungat
OOOO 10. “Naniniwala akong may magagawa tayo para masugpo ang CoVid-19.” Ito ay
pangungusap na nanghihikayat.
a. Mali b. tama c. depende d. ewan

PERFORMANCE TASK: iskor: ___________


10

Gawain: Gumuhit ng isang tagpo sa mula sa Kabanata 5: Halina, Laura. Hikayatin ang mga mambabasa na
basahin ang kabanata 5 gamit ang iginuhit mong larawan. Gamitin ang mga salitang nanghihikayat.

Tagpo mula sa Kabanata 5 Panghihikayat


“Halina, Laura”

Rubrik:
Krayterya Puntos
Makulay at mahusay na iginuhit ang larawan na nagpapakita ng pagiging malikhain sa 5
pamamagitan ng pagkamit ng iba’t ibang paraan ng pagguhit.
Mahusay ang pagpapaliwanag at gumamit ng mga salitang nanghihikayat. 5
Kabuuan: 10

Inihanda ni: Sinuri:

RONNA B. LARANJO MICHEL P. ENERO


Teacher I Master Teacher I

Lagda ng magulang/guardian:

You might also like