You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
Zamboanga del Norte National High School
Dipolog City 7100

FILIPINO 8
Summative Test 3, Quarter 2
Module 5 & 6

Pangalan: _ Baitang at Seksyon:

I. Panuto: Kilalanin kung anong uri ng paglalahad ang ginamit sa sumusunod na mga pahayag. Piliin sa
kahon ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik sa puwang bago ang bilang.

a. Pag-iisa d. Sanhi at Bunga


b. Paghahambing at
Pagsasalungatan e. Pagbibigay Halimbawa
c. Pagsusuri

1. Taglay ng taong tunay na malaya ang mga katangiang kagaya ng sumusunod:


 pinapaunlad ang sarili upang maging kapakipakinabang sa bayan
 sumusunod sa mga alituntunin ng pamayanan
 handang tumulong sa mga nangangailangan
2. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas ang mga tao mula sa kanilang mga
bahay.
3. Ang pagsuot ng face mask, pananatili ng social distancing at pagpapabakuna ay ang mga paraan
upang masugpo ang COVID-19.
4. Ang pagkamakabayan ay pagpapahalagang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

5. Maraming brand ng bakuna ang nagawa upang makatulong sa pagsugpo ng COVID-19. Ang mga
sumusunod ay ang iilan sa mga kilalang brand: Pfizer, Sinovac, Moderna at Astrazenica.
6. “Mas nakakaaliw ang paglalaro ng mga larong lahi kaysa sa sa paglalaro ng mga video games”
ayon sa nakapanayam ng isang tagapanayam.
7. Ang isang taong makabayan ay handang magsakripisyo
8. Malayo sa kabihasnan ang baryong tinitirahan ni Susan kaya mahirap itong puntahan.
9. Ang pagtawid sa tamang tawiran, pagsunod sa batas trapiko sa daan at pati ang paglagay
ng basura sa tamang basurahan ay isang halimbawa ng taong nagpapakita ng pagkamakabayan.
10. Malaki nga ang sahod sa Japan kaysa sa Pilipinas ngunit palagi mo namang hinahabol ang
iyong oras.
PERFORMANCE TASK (Kinakailangang Sagutan)

PANUTO: Gamit ang graphic organizer isulat ang ang mga kultura ng mga Pilipino na nabasa mula sa
akdang “Walang Sugat”

WALANG SUGAT

Inihanda ni:

Vanette Aisa S. Barinaga Lagda ng Parent/Guardian:


Teacher I

_
Sinuri ni:

Michel P. Enero
Master Teacher I

You might also like