You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Region XI
Division of Davao City
Sta. Ana National High School
D. Suazo St. Davao City

PAKSA Ekonomiks
BAITANG 9
TIME ALLOTMENT 3 hours
TEACHER Mr. Richard Franz L. Cabarse
I. MGA LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw napamumuhay

Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto
ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pangaraw-araw na
pamumuhay

Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competency)


Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang araw-araw na pamumuhay.

Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakakapagpaliwanang kung ano ang dahilan ng Kakapusan at kakulangan.
b. Nakapagpapakita ng pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan sa pang araw-
raw na pamumuhay gamit ang Venn Diagram.
c. Nakakagawa ng infographics na may kaugnayan sa kakapusan sa pang araw-
araw na pamumuhay.

Code
AP9MKE-Ia1

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa
Kakapusan

B. Konsepto
Konsepto ng Kakapusan at ang Kaugnayan nito sa Pang- araw- araw na Pamumuhay.

C. Kasanayan
Republic of the Philippines
Region XI
Division of Davao City
Sta. Ana National High School
D. Suazo St. Davao City

• Pagsusuri at interpretasyon ng impormasyon


• Komunikasyon
• Pagsasaliksik
• Pagsisiyasat

D. Sanggunian
• EASE IV Modyul 3
• Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV. 2012. pp.
60- 66.
• Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012.
pp. 20- 23.
• Ekonomiks (Batayang Aklat) IV. 2000. pp. 66

E. Kagamitan
• Laptop at Projector
• Libro
• Marker
• Cartolina na may Venn Diagram

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Pagsasaayos ng Silid
b. Pagdarasal
c. Pagtatala ng Liban
d. Balik-aral

B. Engagement
Bago sisimulan ang panibagong aralin ay may ipapakita na larawan sa mga
magaaral. Ang mga larawan ay nagpapakita ng kakapusan at kakulangan.
Ipapatukoy sa kanila kung ang nasabing larawan ba ay isang kakapusan o isang
kakulangan. Angkop ito upang malaman ang mga dating kaalaman nila sa bagong
aralin.
Republic of the Philippines
Region XI
Division of Davao City
Sta. Ana National High School
D. Suazo St. Davao City

C. Exploration
Upang mas malaman ng mag-aaral ang kaibahan ng Kakapusan at Kakulangan sa
araw-araw na pamumuhay ng tao ay ihambing natin ang dalawa sa pamamagitan ng
Venn Diagram. Hahatiin ang klase sa limang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng
cartolina na may Venn Diagram. Bibigyan lamang sila ng sampung minuto upang mag
brainstorm. Pipili sila ng isang mag-uulat ng kanilang nagawa.

Kakapusan kakulangan

Pagkatapos makagawa ng venn diagram, Bawat grupo ay pipili ng isang


representante upang iulat ang kanilang nagawa. Pagkatapos ng presentasyon, ang
mag-aaral ay tatanungin ng mga pangunahing katanungan:

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit may kakapusan at kakulangan?
2. Batay sa inyong naging sagot sa venn diagram, ano ang pinagkaiba at
pagkapareho ng kakapusan at kakulangan?
3. Paano mo maiuugnay ang kakapusan sa araw-araw na pamumuhay ng
tao?
Republic of the Philippines
Region XI
Division of Davao City
Sta. Ana National High School
D. Suazo St. Davao City

D. Explanation
Pagkatapos ang maikling pagbalik tanaw at pag-alam sa kanilang mga nalalaman
tungkol sa panibagong aralin, sisimulan nang ibahagi ang aralin sa isang talakayan at
diskurso at ito ay bibigyang linaw at malalimang pag-unawa ng konsepto. Upang mas
malaman ang dahilan, kaibahan, at pagkakapareho ng kakapusan at kakulangan at
importansya nito sa araw-araw nilang pamumuhay.

E. Elaboration
Pagkatapos ng malalimang diskurso at talakayan ng mga konsepto ng kakapusan,
Hahatiin ang klase sa apat na grupo, bawat grupo ay gagawa ng infographics ng
kakapusan na may kaugnayan sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Nilalaman Ang impormasyon ay 10
wasto at makatotohanan.

Nakakatulong upang
masolusyonan ang
Kakapusan.
Kaangkupan Madaling maunawaan ang 5
ginamit na mga salita,
mga larawan at simbolo.
Pagkamalikhain Nakakapukaw ng 5
atensyon ang ginawang
infographics dahil sa
ginamit na mga larawan at
salita na nakakahikayat at
nakakatulong upang ito ay
bigyang pansin.
Kabuuan 20
F. Evaluation
Republic of the Philippines
Region XI
Division of Davao City
Sta. Ana National High School
D. Suazo St. Davao City

Pagkatapos na maunawaan ang aralin. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng sagutang


papel.

Maramihang Pili. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng produkto sa pamilihan.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Produksyon d. Pagkonsumo
2. Ito ay tumutukoy sa limitadong dami ng pangkalahatang pinagkukunang-
yaman.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Produksyon d. Pagkonsumo
3. Ito ay tumutukoy sa pang-matagalang gamit ng likas na yaman
. a. recycling b. reducing c. reusing d. sustainable use
4. Ano ang problemang pinagmumulan ng kakapusan at kakulangan?
a. alokasyon at likas na yaman c. pagkonsumo at alokasyon b. pagkonsumo at
produksyon d. likas na yaman at produksyon
V. TAKDANG ARALIN
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na aralin:
1. Pangagailangan
2. Kagustuhan
3. Pagkonsumo
4. Produksyon

You might also like