You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ANILAO, LIPA CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANGALAN:________________________________________________ ISKOR:______/50
PANGKAT & SEKSYON: _____________________________________ PETSA:_______________

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. Lagyan ng shade ang
bilog sa bubble sheet na katumbas ng letra ng iyong napiling sagot.

1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
A. maghusga B. mag-isip C. makaunawa D. mangatwiran

2. Ang tao ay may kakayahang maging kritikal at mapanuri. Ano ang taglay ng tao na nagbbigay sa kanya
kaalaman sa kung ano ang mabuti sa masama.
A. damdamin B. isip C. kilos-loob D. pagkatao

3. Malayang piliin ng tao ang gumawa nang mabuti o masama. Sa pamamagitan nito, ang tao ay
nakapagpapasiya at naisasakatuparan ang pinili. Ito ay tumutukoy sa ________________.
A. damdamin B. isip C. kilos-loob D. pagkatao

4. Inilarawan ni Santo Tomas ang kilos-loob bilang isang makatuwirang pagkagusto. Alin ang itinuturing na
mataas na tunguhin ng kilos-loob ng tao?
A. magmahal B. makaunawa C. malaman ang katotohanan D. pumili

5. Ang tao ay may katangiang natatangi sa ibang nilalang. Bakit itinuturing na tao ang pinakamataas sa lahat
ng uri?
A. Ang tao ay may kakayahang mag-isip at piliin ang kilos.
B. Ang tao ay nakapag-aaral.
C. Huling nilikha ng Diyos bago siya nagpahinga.
D. Maaaring alagaan ng tao ang iba pang nilalang.

6. Sa paghubog ng kanyang pagkatao ay may mga kilos na isinasagawa ang tao. Isa sa mga kilos na ito ay
ang kilos ng tao o act of man. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kaugnay ng konseptong ito?
A. Ang kilos ay gawain na malayang pinili mula sa paghuhusga
B. Ang kilos na ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
C. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob
D. Ang kilos na isinasagawang ito ng tao sa panahon na siya ay responsable.

7. Ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. Alin sa sumusunod ang bunga sa
ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan.
A. isip B. damdamin C. kilos-loob D. pagkatao

8. May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga
ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi. Isa na rito ang tinatawag na layunin. Alin sa
sumusunod ang hindi nagpapakita ng tamang pahayag sa salik na ito?
A. Hindi ito nakikita o nararamdaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos
B. Ito ay panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
C. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos loob.
D. Ito ay tumutukoy sa tao na gumagawa ng kilos

ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Anilao, Lipa City
Contact No. 0917.173.0075/ (O43) 783.2008
Email Address: 301486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ANILAO, LIPA CITY

9. Ibinibigay ng isip ang ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwesyahan ang kilos-loob. Alin
sa mga sumusunod na kilos ang hindi nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob?
A. Si Erwin na ginamit ang kanyang allowance upang makapagbigay ng relief goods sa mga nawalan ng
trabaho dahil sa pandemyang COVID-19.
B. Si Nurse Charie na patuloy na inalagaan ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID sa kabila na maaari
siyang mahawaan nito.
C. Si Mang Rudy na ibinalik ang walong libong natanggap na SAP dahil una ng nakatanggap ito.
D. Si Carlo na hiniram ang quarantine pass ng kanyang kuya upang makalusot sa checkpoint.

10. Bawat isa ay may tungkulin na dapat gamapanan. Sa paanong paraan mo maipapakita ang wastong
paggamit ng isip at kilos-loob?
A. Maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon.
B. Maging mapanuri at mapili sa mga taong pakikisamahan.
C. Alamin ang katotohanan at maglingkod ng may pagmamahal sa kabutihan.
D. Maging bukas ang isipan at sumabay sa mga nagaganap na pagbabago sa kapaligiran.

11. Alin ang tumutukoy sa kahulugan ng pahayag na, “Ibinibigay ng isipan ang katuwiran bilang isang
kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob”?
A. Magkaugnay ang isip at kilos-loob
B. Mahalaga ang isip kaysa kilos-loob
C. Makapangyarihan ang isip kaysa kilos-loob.
D. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.

12. Tukuyin ang angkop na salita para sa analohiya: Isip: Katotohanan, Kilos-loob: ______________________
A. Kabutihan B. Kamalayan C. Katuwiran D. Karunungan

13. Ang moral na kilos ay nagtatapos na sa ikawalong yugto – ang pagpili. Kinakailangan ng masusing
pagninilay bago isagawa ang pagpapasya mula sa iyong pinili. Sa iyong palagay, bakit kailangang isaisip at
timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pagpapasya?
A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
B. Dahil dito nakasalalay ang anomang maaaring kahihinatnan nito.
C. Dahil ang pagpapasya ang magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay.
D. Dahil ang pagpapasya ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pinili.

14. Bawat segundo ng ating buhay, tayo ay kumikilos na nagbubunga ng pagbabago sa ating sarili. Alin sa
sumusunod ang proseso na magbubunga ng kilos sa isang indibidwal?
A. pagkilos B. pamimili C. pagpapasiya D. pagmumuni-muni

15. Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Sa pagpapasiya, ano ang mahalagang instrumento na
kakailanganin mo?
A. isip at damdamin C. isip at kilos-loob
B. isip at katotohanan D. isip at pagmamahal

16. Napakahalaga na dumaan sa proseso bago magsagawa ng pagpapasiya. Ano ang isang pamamaraan
upang magkaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa pagpapasiya?
A. Pakinggan ang sarili C. Pagkatiwalaan ang instinct
B. Magkalap ng impormasyon D. Timbangin ang mga pagpipilian

17. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na oras. Paano
ka magpapasya sa pagitan ng dalawang magandang pagpipilian?
A. Maaari akong mag-toss coin. C. Susundin ko ang aking damdamin.
B. Titimbangin ko ang mga pagpipilian. D. Hihingi ako ng payo sa mga kaibigan.

ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Anilao, Lipa City
Contact No. 0917.173.0075/ (O43) 783.2008
Email Address: 301486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ANILAO, LIPA CITY
18. Sa pagsasagawa ng mahirap na pagpapasiya, ano ang unang dapat mong gawin?
A. Magtiwala sa Diyos C. Tingnan ang mga pagpipilian
B. Pakiramdaman ang sarili D. Unawain ang problema

19. 19. Minsan dumarating sa buhay ng isang tao na nahihirapan agad makapag-isip ng nararapat na
pagpapasya sa isang sitwasyon. Sa iyong palagay, bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang isang
tao sa pagpapasya?
A. Sapagkat nagsisilbing gabay ito sa kaniyang buhay
B. Sapagkat nagsisilbing paalala sa kanyang mga gawain
C. Sapagkat nagkakaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin
D. Sapagkat pinagninilayan niya ang bawat panig sa isinasagawang pagpili

20. Ang konsensiya ay itinuturing na pinakamalapit na pamantayan ng isa sa mga sumusunod. Ano ito?
A. Isip B. Kilos-loob C. Integridad D. Moralidad

21.
22.
23. Ano ang nais ipahatid sa atin ng munting tinig sa ating mga tainga?
A. Nagtatakda ng ating kilos
B. Nagsisilbing gabay sa pagtahak ng buhay
C. Nagtatakip sa mga maling ating nagagawa
D. Nag-oobliga sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama

24.

ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Anilao, Lipa City
Contact No. 0917.173.0075/ (O43) 783.2008
Email Address: 301486@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
ANILAO, LIPA CITY

Inihanda nina:

GERALDINE MATIAS ZARINA A. CAPE


Guro ng Asignatura EsP 10

Binigyang-pansin:

DIANA M. CAMACHO
Punonggguro I

ANILAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Anilao, Lipa City
Contact No. 0917.173.0075/ (O43) 783.2008
Email Address: 301486@deped.gov.ph

You might also like