You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools
Zamboanga del Norte National High School
Dipolog City 7100

FILIPINO 8
Summative Test 3, Quarter 3
Module 5 & 6

Pangalan:____________________________________ Baitang at Seksyon:________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang luha at saka tumayo.
Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama.
Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa(na
kiming inabot naman ito agad sa kaniya,tulad ng nararapat).
-bahagi ng kwentong Ang Ama
na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

1. Mahihinuhang ang ama ay magiging______________.


a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin
2. Ipinahiwatig ng teksto na ang ama ay______________.
a. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalaha

“Huling sabado ng Pebrero ang Ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan . Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay
namatay ang aking anak. Ilang sandali matapos sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik
ngmata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko aking mga bisig. Hinintay
lamang niya ang akingpagdating. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko palang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahati
siyang naghirap.Nabulag,nanigas,nilabasan ng maraming dugo sa bibig at naghabol nang naghabol ng kaniyang
hininga”.
3.) Masasalamin sa teksto na ang nagsasalita ay labis na____________.
a. natuwa b. nag-aalala c. nabahala d. nalungkot
4.) Layunin ng teksto na_______________.
a. mangatuwiran b. maglahad c. magsalaysay d. maglarawan
“Kaibigan, pinaparusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay
tuladng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang namatay sa
pakikipaglaban,kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.’’
5) Ano ang damdamin o tono na nangingibabaw sa binasang pahayag na ito
a. nagsisi b. nalulungkot c. nahihiya d. natatakot .“
6.“Kung magsikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.” Anong kaugnayang lohikal ang ipinakita sa pahayag
a. Dahilan at Bunga b. Paraan at Resulta c. Paraan at Layunin d. Kondisyon at Resulta
7 . Nagtuturo siyang mabuti________binigyan siya ng gantimpala.
a.kaya b.kasi c.sapagkat d.dahil
8. Ito ay isang midyum sa larangan ng broadcasting na pinanood ng mga tao na naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
a.Radyo b. Telebisyon c.Telepono d.Cellphone
9. _________marunong kang magtiis sa trabaho maging maganda ang takbo ng buhay mo.
a.Dahil b.Kaya c.Kung d.Pagka
10. Bakit pangarap ng may-akda sa “Kislap ng Bituin” na maging isang tagapaglingkod ng mamamayan?
a.Dahil pangarap niya na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat
paglaanan ng higit na atensiyon.
b.Dahil gusto ng kanyang mommy na maimulat ang kanyang isipan sa tunay na takbo ng buhay.
c.Upang maging tanyag siya sa mga mata ng mga tao.
d..Dahil gusto niyang magkaroon ng maraming pera.
PERFORMACE TASK (KINAKAILANGANG SAGUTAN)
Panuto: Maghanap ng dokumentaryong pantelebisyon. Sumulat ng isang talataan upang ipahayag ang katotohanan ng
buhay ,kultura at pamumuhay na tinatalakay

____________________________________________
Pamagat

Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Balita/Komentaryo


Pamantayan 5 3 1

Organisasyon Maayos at malinaw ang Hindi masyadong Lumihis sa


organisasyon ng mga malinaw ang ipinapagawao sa dapat
ideya organisasyon ng mga ipapahayag na
ideya. mensahe ng gawain.
Gramatika: Nagagamit nang wasto May 1-5 mali sa paggamit May 6 o higit pang mali
Paggamit ng ang mga pahayag ng ng mga pahayag ng sa paggamit ng mga
mga pahayag Kaugnayang lohikal. kaugnayang lohikal pahayag ng
ng kaugnayang kaugnayang lohikal
lohikal.
Mekaniks Walang pagkakamali sa Kakikitaan ng 1-5 Kakikitaan ng 6 o higit
mga bantas at pagbaybay. pagkakamali ng bantas at pang pagkakamali sa
pagbaybay. mga bantas at
pagbaybay.

Inihanda ni: Sinuri ni:

MICHEL P. ENERO LUCITA V. CADAVEDO


Master Teacher I Head Teacher -Filipino

Lagda ng magulang/guardian:
______________________________.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT

You might also like