You are on page 1of 23

8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pagbibigay ng Opinyon at
Katuwiran
Filipino – Baitang 8
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagbibigay ng Opinyon at Katuwiran Tungkol sa
Paksa ng Balagtasan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang Modernong Teknolohiya o Kalikasang Pawala Na – Balagtasan ay ginamit


sa modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MA. CRIZIA S. OBEÑA
Editor: RODOLFO F. DE JESUS, PhD
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE, ROSALIE I. ZINGAPAN, PAMELA O. DESCARTIN,
DULCE S. VALENZUELA, NERISA M. ROXAS, BERNARDITA T. MORON

Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo


Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 3:

Pagbibigay ng Opinyon at
Katuwiran Tungkol sa Paksa ng
Balagtasan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Modyul para sa araling


Pagbibigay ng Opinyon at Katuwiran Tungkol sa Paksa ng Balagtasan

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka ng gurong
tagapagdaloy. Upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Modyul ukol sa Pagbibigay ng Opinyon at


Katuwiran Tungkol sa Paksa ng Balagtasan

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay, tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

ii
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Al amin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Bal ikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tukl asin
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay s a iyong panibagong


Karagdagang Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi sa Pagwawasto
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha


Sanggunian
o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng sagutan lahat
ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay narito upang
matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na mula sa
Malaysia. Ang saklaw ng modyul ay nagbibigay pahintulot na magamit sa iba’t ibang
pagkakataon sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul ay kinikilala ang iba’t
ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng bawat baitang. Ngunit
ang ayos ng modyul na ito, kung saan mo mababasa ay maaaring mabago na batay sa
batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang nilalaman ng modyul na ito ay:

 Aralin 3 – Pagbibigay ng Opinyon at Katuwiran Tungkol sa Paksa ng


Balagtasan
Modernong Teknolohiya o Kalikasang Pawala na

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang:

1. Nakikilala ang kahulugan at iba’t ibang elemento ng Balagtasan.

2. Naibibigay ang opinion at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.

3. Naipapakita ang kasanayan sa pagbibigay ng opinion at katuwiran sa isang


paksa sa paraang pasulat o pabigkas.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Tagapamagitan o tagapagbigay hatol ayon sa katuwirang inilalahad tungkol sa
paksa, tikas, tinig at kakayahang umakit ng mga nakikinig..

A. manonood C. paksa
B. mababalagtas D. lakandiwa

2. Ideya at damdaming nais iparating ng kabuuan ng anumang sasabihin, teksto o


akda tulad ng balagtasan.

A. mensahe C. pinagkaugalian
B. lakandiwa D. paksa

3. Tumutukoy sa taong kasali/kalahok sa isang balagtasan.

A. mesahe C. paksa
B. mambabalagtas D. pinagkaugalian

4. Natutunghayan nila ang pagtatanghal ng isang balagtasan.

A. manonood C. mambabalagtas
B. tugma D. saknong

5. Elemento ng balagtasan na tumutukoy sa kaisipan na pagtatalunan o


tatalakayin ng dalawang panig upang ganap na maipaliwanag at maunawaan
ang konteksto nito.

A. saknong C. manonood
B. tugma D. paksa

2
Aralin
Balagtasan
3

Balikan

Panuto: Isulat sa loob ng FISH BONE diagram ang pagkakaiba ng katangian ng


Duplo at Karagatan batay sa nakaraang aralin. Mabigay ng tatlong katangian ng
duplo at tatlong katangian ng karagatan.

KATANGIAN NG DUPLO

KATANGIAN NG KARAGATAN

3
Tuklasin

Gawain1:
Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon sa mga pahayag na makikita sa
ibaba.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel

Ang tao ay dapat maging bathala o panginoon ng kanyang


sarili dahil sa kanyang mga katangiang ibiniyaya ng Diyos. Ang
mga katangiang ito ay matitibay at malalakas na kalasag upang
mangibabaw ang kanyang pagkabathal o pagkapanginoon sa ano
pa mang kalagayan at sa ano pa mang tuksong susubok sa
kanyang pagkatao.
Bahagi ng akdang “Ang Tao sa Kanyang Sarili” ni Alejandro Perez

Ang aking opinyon tungkol sa nabasang pahayag ay:


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________

Pokus na Tanong

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagbibigay ng opinion at katuwiran


tungkol sa paksa ng balagtasan?

2. Paano sinasalamin ng akdang tulad ng balagtasan ang ating kulturang


Pilipino?

4
Suriin

Tandaan na ang Kasingkahulugan ay tumutukoy sa kaparis, katulad o kawangis na


kahulugan ng isang salita samantalang ang Kasalungat ay tumutukoy sa kabaligtaran
na kahulugan ng salita o kontra sa panig ng pagbibigay-kahulugan.

Talasalitaan

Panuto: Palawakin ang mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng mga


kaugnay na konsepto.

1. teknolohiya

_______________________________________________

2. kalikasan

__________________________________________

3. talastasan

__________________________________________

4. katunggali

__________________________________________

5. tagisan ng talino

______________________________________________________

5
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balagtasan.

Modernong Teknolohiya o Kalikasang Pawala Na

LAKANDIW A: Sa panahon ngayon, kalikasa’y


Magandang umaga po sa mga maaring mawala na
panauhin
Ako po ang inihalal na sa inyo’y ROY :
magbibilin Magandang umaga po sa mga
Ang lakandiwa na may gustong panauhin
sambitin
Ako po ang lalaking nagmula pa
Na ang lahat ng bagay sa mundo
ay may katapusan din. sa Camiguin
Ngayon ay nasa harap niyo at
Itong balagtasa’y akin ng handang sagutin
binubuksan Mga katanungan patungkol sa
Nang ang dalawang panig ay kalikasan natin
magsimulang magtagisan
Tagisan ng talino patungkol sa Aking katunggali , kung hindi mo
kalikasan mamarapatin
Halina kayo’t dito’y Ang makabagong teknolohiya ay
magtalastasan may maitutulong rin
Nais kong ipahatid na ito’y kasa-
NENA :
kasama rin natin
Magandang Umaga po sa inyo
Lalong higit , sa pang araw-araw
Ako po ang babaeng nagmula pa
sa Antipolo na gawain
Nais magbilin sa mga taong
matitigas ang ulo NENA :
Na ang kalikasan ay Oo nga’t ang mga yan ay may
pangalagaan ninyo naitutulong
Ngunit ang mga tulong ay saan
Hindi ba kayo naawa sa ating ba hahantong?
kalikasan? Pagkasira ng kalikasa’y muli
Ang mga ibong malaya, ngayo’y nanamang uusbong
nasa kulungan Modernong teknolohiya, hatid sa
Mga ilog at dagat na may pawang tao’y pagkalulong
katahimikan
Hindi n’yo ba napapansin, ROY :
ngayo’y naging tambakan Kung para sa iyo’y, ito’y
nagsisilbing droga
Hindi nga baga ito’y dahil Ngunit para sa akin ito’y isang
Sa makabagong teknolohiya malaking biyaya
Makabagong teknolohiya na Biyaya na ang hatid sa tao ay
ngayo’y naninira ligaya
Madalas gamitin at usong-uso Bawas na sa pagod kapalit ay saya

6
LAKANDIW A :

Marahil nararapat ng wakasan


Itong inyong tagisan at talastasan
Sapagkat maaaring ito’y walang patunguhan
Lalo’t ang mga tanong ay nabigyang kasagutan

Ngayo’y narinig na ang panig mo Roy at Nena


Napagtanto ko na si Nena ang tama
Kalikasan nati’y nasisira na nga
Dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

http://venusalamag2science.blogspot.com/2012/07/sariling-
likhang-balagtasan.html

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong
kasagutan sa sagutang papel.

1. Ano ang paksa sa pagtatalo sa balagtasan? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2. Ano ang magkaibang opinyon ni Roy at Nena?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Mula sa dalawang panig. Kanino ka mas sumasang-ayon? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

4 Ilahad ang mga naidulot ng modernong teknolohiya sa atin buhay at sa


kalikasan.
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

5 Sa iyong palagay tama lang ba na ang panig ni Nena ang nagwagi sa


balagtasan? Ipaliwanag.

7
_______________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Alam mo ba na….

BALAGTASAN – isang pagtatalo ng dalawang magkaibang panig tungkol sa isang


paksa. Binubuo ng tatlong magtatanghal – dalwang panig na magkaiba ang pananaw
at isang tagapamagitan – lakandiwa kung lalaki o lakambini kung babae. M ay mga
hurado rin na magdedesisyon kung sinong panig ang magwawagi.

M GA ELEM ENTO NG BALAGTASAN

1. TAUHAN –
LAKANDIWA O LAKAMBINI – ang tagapamagitan sa dalawang
mambabalagtas

MAMBABALAGTAS – makata, may angking talino sa balagtasan


maging sa pagbuo o pagsulat ng piyesa

MANONOOD – ang mga tagapakinig sa pagtatanghal ng balagtasan.


Nasusukat ang kahusayan ng mambabalagtas sa reaksyon ng mga
manonood
2. PAKSA – kaisipan o isyu na pinag-uusapan, tinatalakay o
pinagtatalunan para ganap na maipaliwanang at mauunawaan ang
konteksto nito.
3. PINAGKAUGALIAN –
SUKAT – ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
TUGMA – ang pagkapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa
panulaan
INDAYOG – tono o damdamin
4. MENSAHE – ideya o kaisipan na nais iparating ng akda o ng sumulat
ng akda

8
Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA

Pagpapahayag ng opinyon o katuwiran

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiwasan ang pagsalungat o


pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat igalang ito
man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging malumanay sa pagbibigay ng
opinyon upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin.
Sa pagbibigay ng opinyon , makabubuti kung tayo ay may sapat na
kaalaman sa pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga
bagay at maging katanggap-tanggap an gating mga opinyon.

M GA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG M ATATAG NA OPINYON


(buong igting kong sinusoportahan ang; kumbinsido akong; lubos kong
pinaniniwalaan; labis akong naninindigan na)

M GA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG NEUTRAL NA OPINYON


(Kung ako ang tatanungin; kung hindi ako nagkakamali; sa aking palagay; sa
tingin ko; sa totoo lang )

9
Pagsasanay 1

Panuto: Sumulat ng opinyon kaugnay ng ilang makabago at makalumang


kaugaliang bahagi ng kulturang Pilipino batay sa hinihingi ng bawat bilang.
Gamitin ang mga pahayag sa pagbibigay ng matatag na opinyon.

1. Magiliw na pagtanggap sa mga panauhin. Ang mga gamit at magagandang


kubyertos ay karaniwang ipinagagamit lamang sa mga bisita.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Pagsasama-sama ng buong pamilya lalo na kapag may mahalagang
okasyon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Pagpapabukas ng mga gawaing maaari sanang gawin o tapusin na ngayon.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Inaalalayan sila o inaalok ng


upuan lalo na sa mga pampublikong lugar o sasakyan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Paggamit ng gadgets sa harap ng kainan.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagsasanay 2

Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap at gamitin ang


mga pahayag sa pagbibigay ng matatag at neutral na opinyon.

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________

10
Gawain 1:
Sagutin ang Pokus na Tanong.

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagbibigay ng opinion at katuwiran


tungkol sa paksa ng balagtasan?
_____________________________________________________________________

2. Paano sinasalamin ng akdang tulad ng balagtasan an gating kulturang


Pilipino? Bakit kailangan ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang
Asyano?
___________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Bumuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagdurugtong.

Napatunayan ko na ang pag-aaral sa balagtasan ay…..

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Natuklasan ko na sa pagpapahayag ng opinyon ay kinakailangang…..

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
Isagawa

OPINYON MO, IPAGLABAN MO!


Ikaw ay isang mag-aaral at manunulat na nagnanais sumali sa isang timpalak - Festival of
Talent sa pagsusulat/ pagbigkas ng balagtasan. Upang makasali sa patimpalak ay kailanga n
mo munang magsulat ng talata tungkol sa mga isyung panlipunan at napapanahong paksa.
Pumili lamang ng isang isyu na nais mong talakayin at ilahad ang iyong opinyon at katuwiran.
Maari kang magsaliksik, magbasa ng mga pahayagan, manuod/makinig ng balita o kaya ay
kapanayamin ang mga nakatatanda sa inyong tahanan upang madagdagan pa ang iyong
kaalaman sa isyung napili isyu o paksa.

M aaring pumili sa mga sumusunod na paksa

1. Pagpapalaya kay US Marine Pemberton sa kabila ng kasong Murder.


2. Korapsyon sa Philhealth
3. Pagtanggal ng ABS-CBN franchise
4. Anti-Terrorism Act of 2020
5. Pagtatanggal ng Filipino sa Kolehiyo

Pamantayan sa Pagsulat ng Talata


Pamantayan Napakahusay M ahusay Nal il inang (3 puntos) Nagsisimul a (2
(5 puntos) (4 puntos) puntos)
Nilalaman Kumpleto at komprehensibo Kumpleto ang May ilang kakulangan sa Maraming
ang nilalaman ng talata. nilalaman ng nilalaman ng talata. May ilang kakulangan sa
Wasto ang lahat ng talata. Wasto ang maling impormasyon sa nilalaman ng
impormasyon lahat ng nabanggit. talata.
impormasyon.
Presentasyon Malikhaing nailahad ang Maayos na Hindi gaanong maayos na Hindi maayos na
nilalaman ng talata. Maayos nailahad ang nailahad ang talata. Hindi nailahad ang
ang daloy ng mga ideya. talata. gaanong naunawaan ang talata. Hindi
Nauunaw aan ang nilalaman Nauunaw aan ang nilalaman. gaanong
ng talata. nilalaman. nauunaw aan ang
nilalaman.
Organisasyon Organisado, malinaw, simple Malinaw at Maayos ang presentasyon ng Hindi maayos
at may tamang maayos ang mga pangyayari at ideya. May ang presentasyon
pagkakasunod-sunod ang presentasyon ng bahaging di gaanong malinaw. ng mga ideya.
presentasyon ng ideya sa mga ideya sa Maraming bahagi
talata. Malinaw ang daloy at sulat. Malinaw ang hindi
organisado ang paglalahad ang daloy ng malinaw sa
ng kaisipan . paglalahad ng paglalahad ng
kaisipan. kaisipan.
Baybay ng mga sal ita at Malinaw, maayos at tama T ama ang baybay Malinaw, maayos at tama ang Hindi maayos
gramatika (grammar), ang baybay ng mga salita, ng mga salita, baybay ng mga salita subalit ang gramatika at
wastong gamit ng gramatika, capitalization at gramatika, may kaunting kamalian sa pagbabantas
malaking titik pagbabantas. Maayos ang capitalization at gramatika, capitalization at Hindi maayos
(capitalization) at pagkakasulat. pagbabantas. pagbabantas. Hindi gaanong ang
pagbabantas at gaw i ng Maayos ang maayos ang pagkakasulat. pagkakasulat.
pagkakasul at pagkakasulat.
Kabuuang Iskor
(20 puntos)

Pagbibigay ng Marka ng Guro


Pamantayan Markang ibinigay ng guro
Nilalaman
Presentasyon
Organisasyon
Baybay ng mga salita at gramatika (grammar), wastong gamit ng malaking titik
(capitalization) at pagbabantas at gawi ng pagkakas ulat
Kabuuang Iskor

12
Tayahin

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig tungkol sa
isang paksa.
A.tunggalian B. balagtasan C. mambabalagtas D. lakandiwa
2. Tagapamagitan sa dalawang panig na magkaiba ang opinyon at pananaw
tungkol sa paksa ng balagtasan.
A. lakandiwa C. paksa
B. lakambini D. pinagkaugalian

3. Sa paanong paraan binibigkas ang balagtasan?


A. pasalaysay B. pagtatalo C. patula D. pormal

4. Ang bagay na pinag-uusapan, tinatalakay, o pinagtatalunan para ganap


na maipaliwanag at mauunawaan ang konteksto nito .
A. tema B. paksa C. pinagkaugalian D. balagtasan

5. Ang mga tagapakinig sa pagtatanghal ng balagtasan .


A. manonood B. mambabalagtas C. lakandiwa D. hurado

6. Ang pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat taludturan.


A. pinagkaugalian C. tono
B. mensahe D. tugma

7. Ideya o kaisipan na nais iparating sa mambabasa o manonood ng


Balagtasan .
A. pinagkaugalian C. tono
B. mensahe D. tugma

8. Ang tono kung paano binibigkas ang mga taludturan.


A. pinagkaugalian C. indayog
B. mensahe D. tugma

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pahayag na naglalahad sa


pagbibigay ng matatag na opinyon?
A. Buong igting kong sinusuportahan ang
B. Kung hindi ako nagkakamali
C. Kumbisido akong
D. Labis akong naninindigan na

13
10. Sa aking palagay, tama lang na sundin ang mahigpit na paalala ng DOH
upang makaiwas sa sakit na Covid 19. Alin sa mga salita ang
nagpapahayag ng pagbibigay ng neutral na opinion?

A. tama lang C. mahigpit na paalala


B. sa aking palagay D. tama

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsasaliksik o sumipi sa mga aklat ng iba pang halimbawa o piyesa ng


balagasan. Suriin kung ang mga elemento nito at kumpleto. Ilagay ang iyong
kasagutan sa hiwalay na sagutang papel.

Isulat ang pamagat ____________________________________


Sino ang manunulat_____________________________________
Suriin ang mga Elemento:
1. Tauhan -
2. Paksa -
3.Pinagkaugalian
Sukat -
Tugma -
Indayog -
4. Mensahe

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian
1. Baisa-Julian, Aileen G. et. Al. (2015). Pinagyamang Pluma 8. Quezon City.
PHOENIX Publishing House.
2. Blanca, Celeste D. et.al (2019). PITAK 8. Quezon City. Educational
Learning Resource Publication.
3. Almario, Virgilio S. (2010). UP- DIKSYUNARYONG FILIPINO. Pasig City. ANVIL
Publishing Incorporated.
4. Department of Education. https://commons.deped.gov.ph/melc
5. Brainly. https://brainly.ph/question/175584
6. Blogspot http://venusalamag2science.blogspot.com/2012/07/sariling-likhang-
balagtasan.html
7. Philnews https://philnews.ph/2019/09/04/elemento-ng-balagtasan-ano-ang-mga-ibat-
ibang-mga-elemento- nito/
8. Slideshare https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-pahayag-na-ginagamit-sa-
pagbibigay-ng-opinyon-at- mga-wastong-gamit-ng-salita?next_slideshow=1
9. Slideshare https://www.slideshare.net/divinabumacas98/pagkilala-sa-mga-opinyon-o-
katotohanan?next_slideshow=1

16

You might also like