You are on page 1of 24

8

FILIPINO 8
Unang Markahan – Modyul 4:
Ang Panitikan sa Panahon ng
Katutubo: Epiko
Filipino – Baitang 8

Alternative Delivery Mode


Unang Markahan – Modyul 4: Ang panitikan sa panahon ng mga katutubo – Si Tuwaang
at ang Dalaga ng Buhong na Langit (Epiko) / Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga
Pangayari Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang SI TUWAANG AT ANG DALAGA NG BUHONG NA LANGIT - EPIKO ay ginamit


sa modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod,


Lunsod Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MELISSA D. MALTO


Editor: Name
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo, Jesus H. Malto
Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8
FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 4:

Ang Panitikan sa Panahon ng


Katutubo: Epiko

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga


ng mga Pangyayari
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Epiko

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Epiko!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan


sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o


balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o
talata upang maprosesokung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan ang
lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang sa lubos mong pagkatuto. Ito ay
sadyang nikha upang matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang
pampanitikan sa panahon ng katutubo. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay
pahintulot na magamit sa iba’t ibang pagkakaton sa iyong pagkatuto. Ang wikang
ginamit sa modyul ay kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng mga mag-
aaral. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod sa pamantayang daloy ng mga
paksa sa aralin ng bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito kung saan mo
mababasa ay maaaring mabago sa batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:

Aralin 4 – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo:


Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit (Epiko) / Mga Hudyat ng Sanhi
at Bunga ng mga Panyayari

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. Nakikinig nang may pang-unawa upang mailahad ang layunin ng
napakinggan
2. Naipaliliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
3. Nauuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

Subukin
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.
Isulat ang letra ng tamang kasagutan sa sagutang papel.

1. Ito ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing


tauhan.
A. Tula C. Alamat
B. Epiko D. Maikling kuwento

2. Alin ang HINDI katangiang taglay ng Epiko? A. Kuwento ito ng kabayanihan


B. Panitikan ito sa panahon ng katutubo
C. Nagaganap sa totoong buhay ang lahat ng pangyayari rito
D. Ang mga pangunahing tauhan ay may kapangyarihang taglay

3. Saan nagmula ang Epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong sa Langit

A. Ilokos C. Visayas
B. Ifugao D. Mindanao

1
4. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.

A. Sanhi C. Opinyon
B. Bunga D. Katotohanan

5. Dumarami ang bilang ng pasyenteng may COVID-19 kaya ipinatupad agad ni


Pang. Duterte ang Enhanced Community Quarantine.

Sa pangungusap, Ano ang pahayag na nakasalungguhit?

A. Palagay C. Sanhi
B. Bunga D. Opinyon

Aralin
4 Ang Panitikan sa Panahon
ng Katutubo: Epiko

Balikan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng iyong sagot.

__________1. Ang akdang ito ay naglalahad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.

__________2. Sa bahaging ito inilalahad ang kakalasan at katapusan ng kuwento.

__________3. Nakasaad sa bahaging ito ang mga tauhan, tagpuan at suliranin ng

kuwento.

__________4. Sa bahaging ito inilalahad ang kasiglahan, tunggalian at

kasukdulan.

__________5. Isa sa mga halinbawa ng akdang alamat.

A. Simula B. Epiko C. Alamat

D. Alamat ng Lansones E. Gitna F. Wakas

2
Tuklasin
Gawain1:

Larawan ng Kabayanihan

Bago natin paunlarin at palawakin ang inyong kaalaman sa ating paksang


tatalakayin, masdang munang mabuti ang mga larawan. Pamilyar ka ba sa
kanila? Kilala mo ba sila? Kung gayon, sagutin ang mga tanong tungkol sa
kanila.

1. Sino-sino ang mga tauhan/karakter na nasa larawan? __________________


____________________________________________________________

2. Paano sila naging iba sa karaniwang tao? __________________________


___________________________________________________________________

3. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit? ___________________________


_____________________________________________________________

Pokus na tanong:

1. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na


lumaganap sa panahon ng katutubo?

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga salitang hudyat ng sanhi at


bunga sa pagsulat ng mga napakinggang pangyayari?

3
Suriin
Talasalitaan
Panuto: Piliin sa ibaba, sa HANAY B ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalunguhit sa bawat bilang na nasa HANAY A. Isulat sa patlang ang MALAKING
LETRA na iyong sagot.

HANAY A

1. Ngumuya ng nganga ang magkapatid.


= _______________________

2. Dala ni Tuwaang ang kanyang sibat at kalasag sa kanyang paglalakbay.

= _______________________

3. Naupo ang datu sa kanyang gintong salumpuwit.

= _______________________

4. Nagregalo siya ng gintong gong sa babaeng ikakasal

= _______________________
5. Pinatay nya ang kanyang kalaban gamit ang kanyang patung.

= ____________________________
HANAY B

A. upuan
B. mahabang bakal
C. nginunguya ng mga katutubo
D. panangga
E. antigong tambol

4
Unawain
Panuto: Basahin at Unawaing mabuti ang Epiko mula sa Mindanao.

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang.


Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala
ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ngnganga. Sinabi ni Tuwaang na may
dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sakaharian ni Batooy, isang
bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya
nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga
kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa
gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring
mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi
ni Bai.
Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas.
Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin
siya sa lugar ng Pinanggayungan. Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay
ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa
kaniyang paglalakbay. Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si
Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog.
Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang
dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay ang dalaga ng Buhong
na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang
higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan
ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok."Nagalit ang binata at sinunog ang
bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at
sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang
dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos magkuwento ang dalaga
kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at
pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy. Naglaban si Tuwaang
at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. "ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng
Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y
kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni
Tuwaang angkaniyang kanang bisig at namatay ang apoy.

5
Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patungat ibinato sa binata. Lumiyab ito at
namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na
tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay
ng kidlat. Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating
si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama
sa paglalakbay niya at tinanggap naman ito ng Gungutan.

Tumuloy na sila sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa


kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit,
ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna,
ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng
Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado kailangang bisita)
ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani sa
okasyon). Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-
anakang ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot
na pagkain na inaalay ng mga kamaganak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal,
hanggang may naiwangdalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna
na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang
gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong
gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.

Lumabas ang dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal paramagbigay ng


nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng
nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon
ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na
ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang
dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang
Binata ng Sakadna. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog
siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim.
Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong
ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang
kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na
nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginustong binata na mamatay kaysa
mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay
unti-unting namatay.

Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari


habambuhay.

6
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong
kasagutan sa nakalaang patlang.

1. Sino si Tuwaang? Ano-ano ang mga katangian niyang tinataglay?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ilahad ang naging resulta ng mga sumusunod na pangyayari.


a. Nilawayan ni Tuwaang ang mga namatay na taong bayan.
________________________________________________________________
b. Ayaw magpakasal ng dalaga sa lalaking Pangumanon
________________________________________________________________
c. Sinira ni Tuwaang ang plawta.
___________________________________________________________

3. Isa-isahin ang mga pamumuhay, tradisyon at kaugaliang Pilipino na


inilahad sa akda.
a. ____________________________________________________________
b. ___________________________________________________________
c. _________________________________________________________________

4. Maituturing mo bang bayani si Tuwaang.Bakit? Patunayan.


_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Kung ikaw si Tuwaang, isusuong mo ba iyong buhay kahit pa may bantang


panganib, mailigtas lamang ang iba? Bakit?
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
Alam mo ba na….

1. Ang Epiko ay kuwentong nagpapakita ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.


2. Ang ilan sa mga pangyayari rito ay mga kababalaghan at hindi kapanipaniwa
ngunit nagbibigay-aral
3. Nasasalamin dito ang pamumuhay, kaugalian at tradisyon ng ating mga
ninuno.
4. Napatutunayan ng mga ganitong uri ng akda na ang mga Pilipino ay likas na
matulungin at nagpapakita ng kabayanihan sa anumang panahon at pagkakataon 5.
Nakatutulong ang mga akdang gaya nito upang mapahalahagahan natin ang ating
pakikipagkapwa-tao, pagmamalasakit sa iba at maging bayaning buhay ng ating
bayan

Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangayayari

Bahagi ng ating buhay ang Sanhi at Bunga, hindi lamang natin ito
mapapansin. Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita
sa maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap.
Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga na may mga hudyat
na ginagamit upang maipahayag ito ng may kalinawan.

Sanhi – ito ang tawag sa dahilan kung bakit nangyayari ang isang pangyayari.
Mga hudyat na nagpapahayag ng sanhi:
- Sapagkat -Dahil / dahil sa - Dahilan sa
- Palibhasa - Ngunit - At kasi
Mga Halimbawa:
1. Ipinatupad ng pangulo ang Enhance Community Quarantine sapagkat
nais niyang maging ligtas ang mga mamamayan mula sa COVID-19,
2. Namigay ng ayuda ang gobyerno bilang tulong sa mga tao kasi halos
tatlong buwang silang hindi pinagtrabaho.

8
3. Pinipilit ng ibang tao na sila ay lumabas at magtrabaho dahil sa wala
na silang pantustos sa araw-araw nilang pagkain.

Bunga – ito ay ang tawag sa resulta o kinalabasan ng isang pangyayari.


Mga hudyat na nagpapahayag ng bunga:

- Kaya / kaya naman - kung/ kung kaya


- bunga nito - tuloy
Mga halimbawa:
1. Sa dami ng mga pasaway na tao tuloy tumaas ang bilang ng mga
biktimang may COVID-19.
2. Ang mga doctor at nars ay direktang gumagamot sa mga taong may
COVID-19 kaya naman ang ilan sa kanila ay nahawa na rin.
3. Babagsak ang ekonomiya sa pagtutuloy –tuloy ng epedemya kung kaya
napilitan ang gobyernong buksan ang insdustriya at kalakalan.
Pagsasanay 1

Panuto: Pakinggan ang rap na awiting “Dear Duterte” ni Hambog na Sagro sa


youtube https://www.youtube.com/watch?v=-4DPY7YCnuM. Narito ang piniling mga
lyrics. Suriin ang mga pahayag na nakasalungguhit kung ito ay SANHI o
BUNGA. Isulat lamang ang BILANG sa talaan sa ibaba.

Dear Duterte
Ni: Hambog na Sagpro

Dear Duterte, ikaw na po aming pangulo ikaw


huling pag-asa na limutin ang pagsuko Pinas ay
napasubo, ngunit ikaw ang sugo upang pigilan
aming mga luha sa pagtulo
(1) sino ba naman kasi ang di maiiyak?
(2) ipapakain sa pamilya namin ay hindi rin tiyak
kung meron ba o wala? kulang ba o sapat?
(3) pondo para sa ‘min napunta kase sa di tapat
pinaghirapan ng mahirap napunta sa kanila
pero sayo kami tiwala, di ka ganoon di ba?
ang tiwala at ang puso ng Pinoy nasa ‘yo po
(4) kaya nga ikaw ang binoto namin para maupo
na kami ay itayo mula sa pagkakadapa
abot mo sa ‘min pag-unlad na di pa namin nakapa
aming pagpili sa iyo sana kami’y may mapala
sa mga dating umupo kasi kami ay nadala
at alam ko po pangulo na makikita mo
(5) pamilya nasisira (6) dahil lang sa bawal na
bato hindi na kakaiba to, mapipipigilan mo ba
to?

9
sasaluhin mo ba problema na sayo ibabato?
dahil alam mo naman Pinas madaming suliranin
taghirap na nga kami lahat pa ay kukunin sa ‘min
swerte na kami kapag may isasaing na bigas
ang mahirap pinahihirapan, ganyan sa Pinas
dahil ba walang trabaho? tingin ko di ganon
may trabaho ngunit di sapat (7) dahil sa
korapsyon
(8) mga bilihin mamahalin habang maliit ang sahod
di makatarungan kapalit ng aming mga pagod
(9) dahil dyan nag-aabroad ibang Pinoy ng
sapilitan paghihirap o pangungulila lang
pagpipilian
(10) pagbalik mga anak di na kilala ang
magulang di sana ito nangyari kung gobyerno
di magulang sana wag magkulang iyong
pamamalakad
sana sa iyong kamay na bakal maging mapalad
bawat buhay namin mga Pinoy at Pinay dahil
pagbabago kay tagal na kaming hinihintay
SANHI BUNGA

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin at unawain ang tula. SALUGGUHITAN ang SANHI at


BILUGAN ang BUNGA.

10
Online Learning
ni Melissa D. Malto

Dahil sa CoVid, pagbubukas ng klase napospon

Kaya online learning ang naisip na solusyon

para ang pandemya ay hindi kumalat nang gayon.

Agad nag-alala ang mga magulang

kasi iniisip ang gadgets na kailangan na dapat nilang pagsikapan.

Ang pagkakaisa ng gobyerno, paaralan at tahanan ang tanging daan

nang hindi mahinto ang anak sa pag-unlad ng kaalaman.

Kaya naman mag-aral ng mabuti, ito ang panawagan

Sapagkat yan ang tanging paraan upang lahat ay hindi masayang.

Gawain 1:

Panuto: Bumuo ng pahayag na ginagamitan ng SANHI at BUNGA ayon sa mga


sumusunod na paksa.

1. PAKSA: Mga OFW sa panahon ng COVID-19

Sanhi: ______________________________________________________________

Bunga: _____________________________________________________________

2. PAKSA: Naluging negosyo

Sanhi: ______________________________________________________________

Bunga: _____________________________________________________________

3. PAKSA: Online learning approach

Sanhi: ______________________________________________________________

Bunga: ______________________________________________________________
Gawain 2:

Sagutin ang Pokus na Tanong!

1. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na lumaganap


sa panahon ng katutubo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11
2. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga salitang hudyat ng sanhi at
bunga sa pagsulat ng mga napakinggang pangyayari?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isaisip
Panuto: Kung sina Darna at Kapten Barbel ay nagbabago at nagiging
tagapagligtas matapos nilang buhatin ang barbel at lunukin ang bato. Ikaw, pano
nagbago ang iyong kaisipan, pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito?
Dugtungan ang mga pahayag.

Napatunayan ko na ang pag-aaral sa mga Epiko


ay……

_______________________________________________________
_______________________________________________________
________________________________________

Natuklasan ko na kinakailangang bigyan ng kahalagahan


ang mga hudyat ng sanhi at bumga ng mga pangyayari
upang ……

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________

Ako kahit walang kapangyarihang taglay ay maaring


maging bayani at maging super hero dahil……

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________

12
Isagawa
PaSIKATIN natin yan!

Ang iyong barangay ay may timpalak sa pagguhit ng isang


SIMBOLO NG KABAYANIHAN hango sa mga napakinggang rap/awitin sa
YouTube ng mga ordinaryong tao na may tema ng kanyanihan kaya
PaSIKATIN natin sila.. Ikaw bilang isang mag-aaral ay nais makibahagi sa
timpalak na ito dahil sa napag-aralan at nabasa mo ang epiko na nagpapakita
ng kabayanihan ang akdang Si TUWAANG AT ANG DALAGA NG BUHONG NA
LANGIT. Ang isa sa mga magiging hurado sa timpalak na ito ay ang apo ng
isang tanyag na mangguguhit na si Fernando Amorsolo at comedian actor rin
na si Paolo Ballesteros.

Ang malilikhang pagguhit ng Simbolo ng Kabayanihan mula sa


napakinggang awitin ay matataya sa sumusunod na pamantayan:
Mga Pamantayan sa Pagguhit ng SIMBOLO NG 5 4 3 2 1
KABAYANIHAN

Kaangkupan ng simbolong iginuhit mula sa


awiting napangkinggan.
Pangingibabaw ng kaisipan o pangyayari sa
napakinggang awitin
Kahusayan sa pagguhit

Pagiging malikhain

Kagandahan, Kalinisan at Kaayusan

Kabuoan ng puntos ng Gawain

5 – Nakasunod sa 5 pamantayan sa pagguhit ng simbolo ng Kabayanihan


4 - Nakasunod sa 4 pamantayan sa pagguhit ng simbolo ng Kabayanihan
3- Nakasunod lamang sa 3 pamantayan sa pagguhit ng simbolo ng Kabayanihan
2 - Nakasunod lamang sa 2 pamantayan sa pagguhit ng simbolo ng Kabayanihan
1 - Nakasunod lamang sa 2 pamantayan sa pagguhit ng simbolo ng Kabayanihan

13
Tayahin
PANUTO: Isulat sa nakalaang patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Nagbayad ng savakan ang mga kamag-anak ng lalaki sa babaeng ikakasal.


Ang salitang savakan ay nangngahulugang?
A. suhol B. alay C. kaloob D. utang

_____2. Saan nagmula ang epikong binasa?


A. Ifugao B. Ilocos C. Mindanao D. Visayas
_____3. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal. Anong
ibigsabihin ng mga salitang nakasalungguhit? A. Paalisin ang pari at ministro
B. Paalisin ang mga matataas na tao ng lipunan
C. Paalisin ang mga Ninong at Ninang
D. Paalisin angmga bisitang hindi imbitado

_____4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng epiko?

A. May kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan.


B. Hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari ngunit nakapagbibigayaral.
C. Naglalahad ng mga pamumuhay, tradisyon at kaugaliang Pilipino.
D. Nagaganap sa tunay na buhay ang lahat ng pangyayari rito.

_____ 5. Aling pangyayari sa kuwento ang HINDI nagaganap sa tunay na buhay?

A. Pagnguya ng nganga
B. Hindi pakikipag-usap ng babae sa mga kalalakihan
C. Lawayan ang mga patay upang muling mabuhay
D. Pagligtas at pagtulong sa kapwa kahit mapanganib

_____ 6. Umupo sa tabi ni Tuwaang ang Dalaga ng Monawon. Alin ng kinalabasan


ng pangyayaring ito?

A. Nagalit ang Binata ng Sakadna at hinamon si Tuwaang na sila ay


magpangbuno
B. Napangasawa Tuwaang ang dalaga ng Monawon
C. Umalis si Tuwang upang hindi magalit ang binate ng Sakadna
D. Binali ni tuwaang ang plawta na siyang buhay ng Binata ng Sakadna
_______7. Sa halos tatlong buwang sarado ang mga tindahan tuloy maraming
negostante ang nalugi. Anong hudyat ng bunga ng pangyayari ang ginamit sa
pangungusap
A. tuloy C. nalugi
B. sa halos D. marami

14
_______8. Maaaring magka-COVID-19 ang isang tao dahil sa humihina ang
resistensya at immune system ng kanyang katawan. Anong hudyat ng sanhi ng
pangyayari ang ginamit sa pangungusap?

A. maaari C. immune system


B. dahil sa D. COVID-19
________9. Maraming ang nanghihinayang sa pagkamatay ng ilang Frontliners
sapagkat sila ang higit nating kailangan sa panahon ngayon. Ano ang pahayag na
nakasalungguhit?
A. Sanhi C. Bunga
B. Opinyon D. Katotohanan
________10. Humihingi ng saklolo ang mga OFW sa ating pamahalaan kasi gusto na
nilang umuwi sa kanilang mga mahal sa buhay. Ano ang pahayag na
nakasalungguhit?
A. Sanhi C. Bunga
B. Opinyon D. Katotohanan

Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng sariling kuwento ng kabayanihan sa pamamagitan ng
BIOPOEM.
(Ang biopoem ay isang simpleng tula tungkol sa tao kung saan ilalarawan ang
uri ng pagkatao ng pinatutungkulan ng tula. Ang anyo nito ay madali lamang
hulaan, sapagkat maaring may tugma o wala ang tula gagawin at kadalasan
ito ay parang talambuhay.)

Narito ang nilalaman o hakbang sa pagbuo ng BIOPOEM:


Unang saknong: Sino ang tao na maituturing mong bayani (Maaring
magulang, kaibigan, kapatid o hinahangaang tao o kung sino pa)?
Ipakilala. (panglan, edad at kaugnayan / relasyon mo sa kanya)

Ikalawang saknong: Isa - isahin ang kanyang mga katangian na iyong


hinahangaan.

Ikatlong saknong: Bakit siyang ang tinuturing mong bayani? Gumamit ng


hudyat ng SANHI

Ikaapat na saknong: Paano siya naging bayani sa iyo? Magsalaysay ng


isang sitwasyong o pangyayari o iyong karanasan na magpapatunay
dito. Gumamit ng hudyat ng BUNGA

Ikalimang saknong: Ito ang pagkakataon mo para sya ay pasalamatan.


Mensahe mo sa kanya.

Isulat dito ang iyong BIOPOEM (Magdikit ng inyong larawan)

15
Sanggunian
1. Blanca, Celeste D. et.al (2019). PITAK 8. Quezon City. Educational
Learning Resource Publication.
2. Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/140430#readmore 3.
youtube video song compilelation

16
4. https://dokumen.tips/documents/si-tuwaang-at-ang-dalaga-
ngbuhong-na-langit.html
5. https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-mga-hudyat-
ngsanhi-at-bunga-ng-mga-pangyayari

17

You might also like