You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Negros Occidental
District of Valladolid
VALLADOLID ELEMENTARY SCHOOL
S.Y.2020-2021

Filipino 6
Kwarter 1
LAGUMANG PAGSUSULIT Blg. 5
Layunin Panahong Bigat Kabu- Ki-
Itinakda uang nalalagyan
Bilang ng Bilang
- Nagagamit ang magagalang na
pananalita sa iba’t ibang sitwasyon
4 50% 10 1-10
 Sa pagpapahayag ng saloobin
 Pagbabahagi ng obserbasyon sa
paligid
 Pagpapahayag ng ideya
 Pagsali sa isang usapan
 Pagbibigay ng reaksyon
F6PS-Id-12.22
F6PS-IIc-12.13
F6PS-IIIf-12.19
F6PS-IVg-12.25
F6PS-IVh-12.19

- Nagagamit nang wasto ang mga pang-


halip na panao, paari, pamatlig, panaklaw 4 50% 10 11-20
sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
8 100% 20

Republic of the Philippines


Department of Education
Division of Negros Occidental
District of Valladolid
VALLADOLID ELEMENTARY SCHOOL
S.Y.2020-2021

Filipino 6
Kwarter 1
LAGUMANG PAGSUSULIT Blg. 5

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot na nagpapakita ng paggalang
sa pakikipag-usap sa iba’t ibang uri ng sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng iyong kapangkat at ikaw ang nakakaalam ng tamang
paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?
A. Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito
B. Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.
C. Dapat ako ang gumawa niyan.
D. Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?
2. Lalabas na sana si Rolly sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang kaniyang mga guro sa may pintuan. Ano ang
nararapat niyang sabihin?
A. Umalis nga kayo diyan.
B. Makikiraan po sa inyo.
C. Padaan nga.
D. Huwag kayong humarang sa pintuan
3. Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pag-awit. Ano ang tama mong isasagot?
A. Wala iyon, Sir.
B. Magaling po talaga ako.
C. Maraming salamat po, Sir.
D. Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.
4. Isang umaga, nakasalubong mo ang guro. Ano ang sasabihin mo?
A. Magandang hapon po.
B. Magandang umaga po.
C. Magandang gabi po.
D. Magandang tanghali po.
5. Ang kaibigan ng tatay ni Marissa ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?
A. Naku, umalis na kayo.
B. Tay, nandito ang kaibigan niyo.
C. Wala po dito si Tatay, umalis na kayo.
D. Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Tatay.

Panuto: Iguhit ang ☺kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at ☹ kung hindi.

6. “Naniniwala po ako na mas magiging matagumpay ang programa kung magtutulungan taayong lahat” wika ni
Kapitan Ambo.
7. “Maaaring tama po kayo, pero hindi po kaya makabubuti kung kausapin muna natin ang ating mga kabarangay?”
tugon ni Mang Jose.
8. “Hindi ko kailangan ang opinion mo,” galit na sabi ni Mila.
9. “Iminungkahi ko pong maglinis tayo ng ating paligid upang hindi dumami ang lamok,” sabi ni Paolo.
10. “Maaari po ba akong pumunta sa parke kasama ang aking mga pinsan?” ang paalam ni Jun sa kanyang mga
magulang.

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip na angkop gamitin sa sumusunod na pangungusap.

___________11. (Siya, Niya, Kanya) ang unang nilalalang na aking nakilala nang tunay
___________12. (Kailanman, Sinuman, Anuman) ay hindi ko siya ipagpapalit hanggan sa walang hanggan.
___________13. (Dito, Diyan, Doon) ko siya sa Boracay ipapasyal upang lalo niyang madama ang pag-ibig dahil sa
ganda ng paligid doon.
___________14. Bukod sa iyong ina (ilan-ilan, sino-sino, ano-ano) pa ang nakapagpakulay ng buhay mo?
___________15. (Anumang, Ilanmang, Paanumang) bagay na hihiram ay kailangang isauli.

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod.

16. ako
______________________________________________________________________.
17. ganito
______________________________________________________________________.
18. ano
______________________________________________________________________.
19. lahat
______________________________________________________________________.
20. daw
______________________________________________________________________.

Inihanda ni:

ANACLETA G. BORROMEO
Master Teacher 2

You might also like