You are on page 1of 22

Nakasusunod sa Utos, Paalala

at Bilin ng Magulang at
Nakatatanda
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikaapat na Markahan-Unang Linggo

CHRISTINE B. MINONG
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon . Sangay ng Mga Paaralan ng Benguet


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:

Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum


Learning Resource Management Section

KARAPATANG SIPI
2020
 

Isinasaaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293; Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring
gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad
na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12
Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay
pinahihintulutang kopyahin kung para sa pag-aaral ngunit kailangang
kilalanin ang may-ari nito.
 

i
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay pinaunlad para matulungan ang mga mag-aaral sa


ikalawang baitang para maintindihan o maunawaan kung paano maipakikita ang
pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan. Ang materyal na ito ay nangangailangan ng
superbisyon ng magulang o face to face na pagtuturo. May mga gawain naman na
ikaw lamang ang gagawa. Ang materyal na ito ay pwedeng magamit sa ibang paraan
ng pagtuturo. Pwede rin na gamitin para sa home schooling, regular na harap harapan
na pakikipag-ugnayan sa guro at ito rin ay pwedeng gamitin para sa remedyong
pagtuturo.
Ang modyul na ito ay bahagi ng proyekto ng Curriculum Implementation
Division - Learning Resources Management Section.Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet bilang tugon sa implementasyon ng K to 12
Curriculum. Inaasahang makakatulong ito sa pagpapaunlad ng kakayahan sa
pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao sa
ikalawang Baitang.

Petsa ng Paggawa: Marso 2021


Lokasyon ng Mapagkukunan: Schools Division of Benguet,
District of Itogon I
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
Antas ng Baitang: 1
Uri ng Mapagkukunan ng Pagkatuto: Modyul
Daluyan ng Pagtuturo: Filipino
Bahagi/ Linggo/Oras: Ikaapat na Kwarter/Linggo 1
Markahan: Ikaapat na Markahan
Kasanayang Pampagkatuto at Kowd Nakasusunod sa Utos ng
Magulang at Nakatatanda
EsP1PD-Iva-c-1

ii
PASASALAMAT
 

Lubos na nagpapasalamat ang debeloper sa lahat ng mga taong tumulong


upang ang modyul na ito ay maisagawa;
Sa Itogon I District Quality Assurance Team sa kanilang gabay at suporta;
 

Sa kanyang Ulong Guro, Agnes L. Manzano sa lahat ng suporta na siyang


naging daan upang ang debeloper ay mabigyan ng pagkakataong maisama sa mga
ganitong gawain;
 

Sa mga kasamahang debeloper ng modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao at


ibang asignatura para sa mga suhestiyon;
 

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal na patuloy na nagbibigay ng patnubay,


kalakasan, karunungan, walang hanggang biyaya, at magandang kalusugan para
matapos ang modyul na ito.

DIVISION LRMS STAFF

MELVIN L. ALFREDO ANTIONETTE D. SACYANG


Librarian II Project Development Officer II

SONIA D.DUPAGAN, Ed.D. EPS


Education Program Supervisor– Learning Resource

ERLINDA C.QUINUAN
Education Program Supervisor - EsP

RIZALYN A. GUZNIAN, EdD


Chief-Curriculum Implementation Division

SAMUEL T. EGSAEN,JR. EdD


Assistant Schools Division Superintendent

GLORIA B. BUYA-AO, EdD


Schools Division Superintendent
iv
TALAAN NG NILALAMAN

Karapatang Sipi……………………………………………………………. ii
Paunang Salita…………………………………………………………….. iii
Pasasalamat…………………………………………………………. …….iv
Talaan Ng Nilalaman………………………………………………………v
Pamagat ng Pahina
Alamin………………………………….......................................................2
Subukin………………………………………………………………………3-4
Balikan………………………………………………………………….. …....5
Tuklasin…………………………………………………………………... …. 6
Suriin……………………………………………………………………………7
Pagyamanin
Pinatnubayang Gawain 1…………………………………..……......8
Pagtatasa1……………………………………......................................9
Pinatnubayang Gawain 2……………………………………………10
Pagtatasa 2…………………………………………………..................11
Isaisip…………………………………………………………….. …….........12
Isagawa………………………………………………………….. …………13
Panapos Na Tayahin…………………………………………………..14-15
Karagdagang Gawain………………………………………………..….16
Susing Sagot…………………………………………………………………17
Sanggunian………………………………………………………………….18

v
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at inihanda para sa pagpapatuloy ng pag-


aaral sa kabila ng sinasabing “bagong normal na panahon” dulot ng covid-19
pandemic. Ang mga gawaing naisulat ay lilinang sa inyong kakayahang
umintindi, magsuri, magkulay, gumuhit at bumilang. Napapaloob sa modyul na
ito ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto.
a. Nakasusunod sa utos ng Magulang at Nakatatanda;

b. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagkamasunurin sa magulang at


nakakatanda

Ang mga gawain sa iba’t-ibang kasanayan ay inaasahang matapos mo sa


gabay o tulong ng iyong magulang/ nakakatandang kapatid o taga pangalaga
maging ang iyong guro sa pagsagot dito. Basahin at unawaing mabuti ang mga
panutong nakasaad sa bawat gawain.

Tinatalakay sa modyul na ito ang mga paraan na nagpapakita ng


pagkamasunurin sa mga magulang at nakakatanda.

Subukin
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
nararapat mong gawin upang maipakita ang pagiging
masunurin sa magulang at nakakatanda. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.
_____ 1. Naglalaro ka ng bola nang bigla kang tawagin ng iyong
nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Pupunta ako agad sa kinaroonan niya.
B. Magbibingibingihan ako at ipagpapatuloy ko ang
paglalaro.
C. Lalayuan ko siya.
_____ 2. May pupuntahan ang iyong magulang. Ibinilin nila na kayo ng
kuya mo ay maglinis sa bahay. Sinabi ng kuya mon a ikaw ang
magwawalis sa tatlong kwarto at siya naman sa sala at labas. Ano ang
gagawin mo?
A. Tatakbuhan ko siya at ako ay makikipaglaro sa
kapitbahay.
B. Manonood na lang ako ng telebisyon upang siya lang ang
maglilinis
C. Gagawin ko ang sinabi niya
_____3. Kararating ng lolo mo mula sa bukid, pinagsabihan
kang ikuha siya ng tubig na maiinom. Ano ang gagsawin mo?
A. Pagsasabihan mo siyang kumuha kung gusto niya.
B. Ikukuha mo siya ng tubig na maiinom.
C. Hindi mo siya papansinin at lalayo sa kanya.
______4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging masunurin?
3
A. Gumagamit ni Nick ng facemask at face shield sa tuwing
siya ay lumalabas ng bahay.
B. Nakikipagsiksikan si Joey sa pagbili sa palengke.
C. Lumalabas ng bahay si Jena upang mamasyal kahit ang
payo ng pamahalaan ay bawal muna ito.
_____5. Palaging pinapaalala ng nanay ni Jessa na bantayan niya ang
kanyang kapatid lalo na kung may ginagawa ang nanay niya.
Naglalaba ang kanilang nanay nang biglang umiyak ang kapatid ni
Jessa. Ano ang dapat gawin ni Jessa?
A. Puntahan ang kanyang kapatid at alamin kung bakit
ito umiiyak.
B. Magkunwaring hindi niya narinig ang iyak ng kapatid.
C. Lalayo siya sa kinaroroonan ng kanyang kapatid.

Paalala! Kung ang puntos mo ay 100% tama (puntos ay 5/5) –Binabati kita.
Ipagpatuloy pa rin ang pagsagot ng modyul.
Pero kung 50% - 99% ang tama (puntos ay 4 pababa), huwag kang malungkot
kasi may tutulong o gagabay sa iyo upang madagdagan ang iyong kaalaman o
malinang ang kakayahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

Balikan
Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng
pagkamagalang? Kulayan ito.
5

Tuklasin
Buuin ang parirala sa pamamagitan ng paglalagay ng titik sa
kahon sa ibabaw ng bilang. Gamitin ang alpabetong may katumbas
na bilang sa ibaba upang mabuo ang kaisipan. Gawin ito sa
sagutang papel. Naibigay na ang ibang letra para sa iyo.

A B C D E F G H I J K L M N O
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15

P Q R S T U V W X Y Z

16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
P S U D A

16 1 7 19 21 14 21 4 19 1

21 20 15 19

Anong mga salita ang nabuo ninyo mula sa puzzle?


______________________________________________

Suriin
Basahin at intindihin ang diyalogo sa ibaba. Sagutin ang
tanong sa ibaba.

Ano
ang ipinapakita ng larawan?

Ano ang iniutos ng nanay?


Ano ang ang isinagot ng kanyang anak?

Ang pagsunod sa paalala, bilin at utos ng mga magulang at


nakakatanda ay isang mabuting ugali na dapat gawin ng batang tulad
mo. Ito ay pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila. Kung
ikaw ay inuutusan ng iyong mga magulang o kung sinumang
nakakatanda, sundin kaagad ito. Huwag magbingi-bingihan at gawin
nang maluwag sa dibdib ang kanilang ibinibilin, pinapaalala, at
iniuutos.

Ang batang masunurin sa tahanan at paaralan ay magiging


mabuting mamamayan.

7
Pagyamanin

Pinatnubayang Gawain 1

Isulat sa patlang ang T kung tama ang sitwasyon o nagpapakita ng


pagiging ehemplo ng pagkamasunurin at M naman kung hindi.

________1. Tinatapos ni Deo ang kanyang takdang-aralin


bago matulog dahil ito ang bilin ng kanyang ina.

________2. Nagpatuloy sa paglalaro si Mira nang siya ay


utusan ng kanyang nanay na tumulong sa
pagdidilig.

________3. Tahimik na tinatapos ng mga bata ang


ipinagawa sa kanila ng kanilang guro.

________4. Sinunod ni Miko ang utos ng Kapitan ng barangay na


pulutin ang mga nakakalat na basura na may lamang tubig
na maaring pangitlugan ng lamok.

________5. Tumalima agad si Lorna nang siya ay inutusan


ng kanyang ate na bumili sa tindahan.
8
Pagtatasa 1
Lagyan ng bituin ( ) ang larawan na nagpapakita ng pagsunod sa utos o
pagkamasunurin sa paaralan. Nagawa na ang una para sa iyo.
9

Pinatnubayang Gawain 2

Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga sitwasyon sa ibaba sa


bahay? Lagyan ng tsek  ang iyong sagot.

Palagi Paminsan- Hindi


minsan
1. Tumatalima ako agad kapag ako
ay inuutusan.

2. Hindi ako sumasagot kung ako ay


tinatawag ng aking ate/kuya.

3. Ginagawa ko ang mga gawain ko


sa bahay.

4. Nagtutulog-tulugan ako pag ako ay


pinagsasabihan ni nanay na gumising
na.

5. Sinusunod ko ang iniuutos ng


aking mga magulang.
10

Pagtatasa 2
Gumuhit ng puso ( )sa tabi ng sitwasyong nagpapakita ng
pagkamasunurin sa simbahan o sa mga lugar kung saan may gawaing
pangrelihiyon. Gumuhit naman ng parihaba ( )kung hindi.
_________ 1. Tahimik na nakikinig si Jem tuwing siya ay
nakikimisa dahil ito ang palaging bilin ng
kanyang nanay.

_________ 2. Pinagpapatuloy ni Nika ang paglalaro at pag-


iingay kahit alam niyang nasa pananalanging
parte na ang programa sa kanilang paaralan.

__________3. Sinusunod ni Lara ang payo ng kanyang


nanay na umayos sa tuwing may misa o may
gawaing panrelihiyon sa kanilang paaralan.

__________4. Pinagpapatuloy ni Ben ang pagsasalita ng


malakas kahit alam niyang nanalangin ang
kanyang kamag-aral.

__________ 5. Masayang ginagawa ni Kaylee ang mga


pinapagawa sa kanya sa simbahan.
11

Isaisip

Buuin ang pahayag. Piliin ang wastong sagot sa kahon.

Nararapat lamang na sundin at gawin ang mga mabuting


masunurin bilin utos paalala
u_____, b______ at p_______ ng mga mga magulang at iba pang
nakakatanda. Ang mga ito ay para rin sa iyong ikabubuti.

Ang batang m________ ay malayo sa kapahamakan.

12
Isagawa
Iguhit sa mga kahon ang gagawin sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon A- Inutusan kang magdilig ng halaman ng iyong nanay. Iguhit ang


gagawin mo.

Sitwasyon B – Palaging paalala ni tatay na gawin mo ang iyong nakatakdang


gawaing-bahay. Isa rito ang pagpapakain ng mga manok. Iguhit ang gagawin mo.

13

Panapos na Tayahin
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik na
nararapat mong gawin upang maipakita ang pagsunod sa
paalala, bilin at utos. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
_____1. Ibinilin ng nanay ni Jess na bantayan niya ang kanyang
nakakabatang kapatid kapag may ginagawa ang nanay niya. Aling
pangungusap ang nagsasabi ng pagsunod niya rito?
A. Nagbibingi-bingihan si Jess sa tuwing umiiyak ang
kanyang nakakabatang kapatid.
B. Nilalapitan ni Jess ang kanyang umiiyak na kapatid at
inaasikaso ito.
C. Lumalayo si Jess sa tuwing umiiyak ang kanyang
kapatid.
____2. Naglalaro si Niko nang siya ay tinawag ni kuya. Inutusan siyang
bumili na asukal sa tindahan. Ano ang dapat gawin ni Niko?
A. Umalis at makipaglaro sa kapitbahay.
B. Huwag niyang pansinin ang kanyang kuya.
C. Tumalima agad at pumunta sa tindahan.

14

_____ 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng HINDI pagsunod sa


paalala, bilin at utos ng magulang at matatanda?
A. Palaging gumagamit si Jena ng face mask at face
shield sa tuwing siya ay lumalabas.
B. Nakikipagsiksikan si Nika sa tuwing siya ay namimili sa
palengke.
C. Hindi naghuhugas si Mira ng kanyang kamay kahit

alam niyang marumi ang kanyang kamay.

_____ 4. Pinag-utos ng Barangay sa mga mamamayan na dapat alisin


ang mga nakakalat na bagay sa bakuran na maaring pangitlugan ng mga
lamok na maaring magdala ng dengue. Ano ang nararapat ninyong
gawin sa inyong bakuran?
A. Maglinis sa loob ng bahay ng aming bahay.
B. Pabayaan ang mga nakakalat na bagay.
C. Alisin ang mga nakakalat na bagay sa bakuran.
______5. Alin ang nagpapakita ng resulta ng pagiging masunurin sa
paggawa ng proyekto?
A. Maayos na nagawa ni Hera ang kanyang proyekto.
B. Magulo ang natapos ni Mika na proyekto.
C. Hindi gumagana ang proyekto ni Lita.

15

Karagdagang Gawain

Gumupit ng larawang nagpapakita ng pagkamasunurin o


pagsunod sa utos, bilin at paalala ng magulang mula sa mga
lumang magazine, pahayagan o poster. Idikit ito sa kahon sa ibaba.
16

Susing Sagot

Subukin

a, 3.
1. T,1.2. M, 2. T,
C,4.3.T,B,5.4.T A, 5. A

Balikan

Tuklasin

Pinatnubayang Gawain 1

Pagtatasa 1
Pinatnubayang Gawain 2

Magkakaiba
Pagtatasa 2 ang sagot ng mga bata

Isaisip

Isagawa
1. 4.

2. 5.
Panapos na Gawain
3.
Karagdagang Gawain
1. B, 2. C, 3. A, 4. C, 5, A

Magkakaibaang
Magkakaiba angsagot
sagotng
ngmga
mgabata
bata
17

Sanggunian

Aral Pan- Unang Baitang Kagamitan ng


Guro at Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang


Baitang
Kagamitan ng Guro at Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013

ESP PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong


Markahan Unang Edisyon, 2021

K-12 ESP MELC, 2020-2021


18
Para sa mga puna at mungkahi sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon

Sangay ng mga Paaralan ng Benguet

Wangal, La Trinidad, Benguet

Telepono: 074-422 6570

Email Add: benguet@deped.gov.ph

You might also like