You are on page 1of 24

1

Filipino
Ika-apat na Markahan – Modyul 3:
Natutukoy ang Kahulugan ng
Salita Batay sa
Kasingkahulugan at Nagagamit
ang mga Natutuhang Salita sa
Pagbuo ng mga Simpleng
Pangungusap
Fiipino – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ika-apat na Markahan– Modyul 3: Natutukoy ang Kahulugan ng Salita Batay sa
Kasingkahulugan at Nagagamit ang mga Natutuhang Salita sa Pagbuo ng mga
Simpleng Pangungusap
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judy Mae L. Macapagal
Editor: Jackie A. Ochinang, Edsubaina K. Angeles, Ronald A. Pelitro
Tagasuri: Mary Ann C. Umadhay
Tagaguhit:
Tagalapat: Ronald A. Pelitro
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, CESO V – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente- OIC- LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. - Division ADM Coordinator
Mary Ann C. Umadhay – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education –SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Filipino
Ika-apat na Markahan – Modyul 3:
Natutukoy ang Kahulugan ng
Salita Batay sa Kasingkahulugan
at Nagagamit ang mga Natutuhang
Salita sa Pagbuo ng mga Simpleng
Pangungusap
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng Self-
Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Natutukoy ang
Kahulugan ng Salita Batay sa Kasingkahulugan at Nagagamit ang
mga Natutuhang Salita sa Pagbuo ng mga Simpleng
Pangungusap!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 1ng Self-Learning Module


(SLM) Modyul ukol sa Natutukoy ang Kahulugan ng Salita Batay sa

1
Kasingkahulugan Nagagamit ang mga Natutuhang Salita sa
Pagbuo ng mga Simpleng Pangungusap.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mongmaunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

3
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

4
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong


kaisipan o kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging
bihasa sa araling itinakda para sa Unang Baitang na may
pamagat na Natutukoy ang Kahulugan ng Salita Batay sa
Kasingkahulugan Nagagamit ang mga Natutuhang Salita
sa Pagbuo ng mga Simpleng Pangungusap.Ang kabuuan
ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t
ibang paraan ng pag-aaral. Ang diyalekto o lenggwahe
ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo ng
isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na
iyong binasa ngayon ay maaaring magbago para
tumugma sa batayang aklat na gagamitin ng isang mag-
aaral.

Most Essential Learning Competency


• Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa
kasingkahulugan. F1PP-IIIh1.4
• Nagagamit ang mga natutuhang salita sa pagbuo
ng mga simpleng pangungusap. F1PP-IIIj-9

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang


isang mag-aaral na natutuhan ang araling ito:
1. Matukoy ang kahulugan ng salita batay sa
kasingkahulugan.
2. Magagamit ang mga natutuhang salita sa pagbuo
ng mga simpleng pangungusap.
6
Subukin
Gawain A.
Panuto: Buuhin ang crossword puzzle sa tulong ng mga
salitang kasingkahulugan nito sa loob ng kahon.
Patayo Pahalang
1. mahabagin 3.matatag
2. makisig 4. masigasig
5. magiting

1.
3.m a k s

4. m s i 2. g w
a

5. a t p n g
o

Gawain B
Panuto: Mula sa Gawain A, pumili ng isang salitang
maaari mong ihalintulad sa iyong ama at gamitin ito sa
isang simpleng pangungusap.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

7
Natutukoy ang Kahulugan ng Salita
Aralin
Batay sa Kasingkahulugan at

1 Nagagamit ang mga Natutuhang


Salita sa Pagbuo ng mga Simpleng
Pangungusap

Sabihin sa Bata: Mahusay! Masaya akong


napagtagumpayan mong nasagutan ang mga aytem sa
itaas. Ngunit, bago natin malaman ang mga angkop na
kasagutan nito babalikan muna natin ang isa sa mga
pukos sa nakaraang Modyul.

Balikan

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, babalikan ng bata


kung ano ang kanyang natutunan sa nakaraang leksyon.
Sabihin sa Bata: Ngayon, susubukin natin ang iyong
kaalaman tungkol sa nakaraang aralin.

Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na salitang kilos ang bawat
patlang upang mabuo ang pangungusap.

1. Si Nanay at Dino ay ____________.

2. Si Kiko ay ______________ ng plato.


8
3. Sina Emi at Anton ay _______ ng halaman.

4. Ang magkakapatid ay __________.

5. Si Nena ay ______________ ng mga laruan.

Gawain 2
Panuto: Tingnan ang larawan sa loob ng kahon. Sumulat
ng isang maikling panuto tungkol dito.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

9
Tuklasin
Magaling! Ikaw ay isang katangi-tanging mag-aaral.
Ngayon ay babasahin natin at pag-aralan ang tulang
anagramni Bb. Judy Mae L. Macapagal na
pinamagatang, “Ama”. Tara! Samahan mo akong
tumuklas ng mga bagong salita at alamin ang
kasingkahulugan nito.
AMA
Isinulat ni: Judy Mae L. Macapagal

Sikat ng araw ay sasalubungin,


Dala ang lambat, tikas ang tayo sa buhangin,
Sakit ng katawan sana ay pawiin,
ng tasik ng dagat at simoy ng hangin.

Kahirapan ang taal ng paghihinagpis,


Tala ang saksi ng pangang nagtatagis,
Hindi alintana ang alat ng pawis,
basurang lata, walang pinalampas kahit mintis.

Ang batik ng paghihirap ay nakaguhit sa mukha,


Bakit masaganang ani’y ipinagkait sa dukha?
Sa bawat bitak ng lupa ay may pag-asa,
Sa puso’y kabit ang pangarap sa pamilya.

Ginawa ang lahat para sa mga anak,


Gawain ay tiniis kahit patuloy ang pawis sa pagpatak,
Pangarap sa pamilya ay pinagsisikapang wagian,
Dahil sa dulo,
ang pagpupunyagi’y ‘di kayang agawin ng sinuman.

10
Tangi niyang nais at makita,
Ang anak na pinapalakpakan sa gitna,
ingat at marahang pag-abot ng diploma,
bilang ganti ng sakripisyo niya.

Ang aking ama ay mangingisda sa laot,


Ang aking ama ay basura ang pinupulot,
Ang aking ama, damo ang binubunot,
Ang aking ama ang proteksyon ko sa anumang lungkot.

Sabihin sa Bata: Mahusay! Ngayong natapos na nating


basahin ang tula, subukin mong sagutin ang mga
katanungan tungkol dito.

Panuto: Bilugan ang kasingkahulugan ng salitang


nakapahalang at may salungguhit batay sa tulang
binasa.

1. “Sikat ng araw ay sasalubungin”, ano ang


kasingkahulugan ng salitang sikat?
a. dilim
b. liwanag
c. kislap
d. kilala

2. “Kahirapan ang taal ng paghihinagpis”, ano ang


kasingkahulugan ng salitang taal?
a. pinagmulan
b. bulkan
c. tuktok
d. inspirasyon

11
3. “Sa bawat bitak ng lupa ay may pag-asa”, ano
ang kasingkahulugan ng salitang bitak?
a. buo
b. bato
c. biyak
d. buhangin

4. “Pangarap sa pamilya ay pinagsisikapang


wagian”, ano ang kasingkahulugan ng salitang
wagian?
a. mapagtagumpayan
b. matalo
c. magsakripisyo
d. maiangat

5. “Tangi niyang nais at makita”, ano


angkasingkahulugan ng salitang tangi?
a. marami
b. pangarap
c. nag-iisa
d. gusto

Suriin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito ay babalikan natin
ang mga bagong salitang ating nabasa sa tulang “Ama”
at pagbibigay ng mga kasingkahulugan nito.

Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita


na pareho ang kahulugan o ibig sabihin. Mahalagang
malaman natin ang kahulugan ng bawat salita upang
maunawaan ang mga binasang teksto at magamit natin
ito nang tama sa pangungusap.
12
Mga Bagong Salita Kasingkahulugan
1. Sikat Liwanag, sinag
2. Tikas Tindig, postura
3. Taal Pinagmulan
5. Tala Bituin
6. Batik Dungis, mantsa
7. Bitak Biyak, pagkabasag
8. Wagian Mapagtagumpayan
9. Tangi Nag-iisa
10. Dukha mahirap

Sabihin sa bata: Magaling! Ngayon ay marami ka ng


natutunang mga bagong salita. Gamitin naman natin ito
sa pangungusap.

Ang pangungusap ay mga salita na nagsasabi ng buong


diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa
isang bantas gaya ng tuldok (.), tandang pananong (?)
at tandang padamdam (!).

Mga Salita:
1. sikat 3. batik
2. tikas 4. tangi

Pangungusap:

1. Napapikit si Lino dahil sa sikat ng araw.


2. Nag-eehersisyo siya kaya maganda ang kanyang tikas.
3. Ang balahibo ng aming aso ay maraming batik.
4. Tangi kong hiling ay mawala na ang Covid-19.

Sabihin sa bata: Ngayon, ay ikaw naman ang susubok sa


pagbuo ng simpleng pangungusap gamit ang mga
salitang iyong natutunan. Punan ang patlang upang

13
makabuo ng simpleng pangungusap gamit ang mga
salitang ibinigay.

Mga Salita:
1. Tala
2. Dukha
3. Bitak

Mga Pangungusap:
1. Kumikinang ang tala ________________________.
2. Dumami ang bilang ng mga dukha dahil _____________.
3. Nagkaroon ng bitak ang pader ______________________.

Pagyamanin
Panuto sa Magulang: Panuto: Sa bahaging ito, hahayaan
na ang bata na sumagot sa mga gawain. Gabayan na
lamang ang bata sa pagsagot ng mga gawain sa
pamamagitan ng panutong ibibigay.

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek ( )ang patlang kung ang
magkapares na salita ay magkasingkahulugan,
ekis(X)kung hindi.

_____1. masaya- maligaya


_____2. mabait- masungit
_____3. masipag- tamad
_____4. marunong- matalino
_____5. magaling- mahusay

14
Gawain 2: Punan ang patlang upang makabuo ng
simpleng pangungusap.

1. Si Ana ay maligaya dahil _____________________________.


2. Mabait ang ________________________________________.
3. Masisipag ang mga ________________________________.
4. _________________________ ay matalino.
5. _______________________________ dahil siya ay mahusay.

Isaisip

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, itanong ang mga


sumusunod sa bata upang malaman mo kung hanggang
saan ang kaniyang natutunan.

Mga Katanungan:
1. Ano ang kasingkahulugan?
2. Paano sumulat ng simpleng pangungusap?

Isagawa

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, gabayan ang


bata sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
kanyang pag-unawa sa mga kasanayan.

15
Panuto: Alamin ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit upang mabuo ang pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang aking ama ay isang magiting na sundalo. Siya ay


________.
a. duwag
b. matapang
c. lampa
d. masungit
2. Ang aking ama ay laging wasto sa pagtulong sa
pagsagot ng aking modyul. ________ ang kanyang
sagot.
a. mali
b. pasang-awa
c. tama
d. huli
3. Matangkad ang tatay ko kaya sabi nila ako rin ay
magiging ________.
a. bansot
b. mababa
c. maliit
d. mataas
4. Masarap magluto si Tatay. Naparami ang kain ko ng
adobo dahil ito ay _______.
a. malinamnam
b. mapakla
c. matamis
d. mapait
5. Ang sapatos ni tatay ay makislap. Ito ay______
a. madilim
b. malabo
c. malinis
d. makinang

16
Tayahin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang talata sa loob ng kahon.
Pagtambalin ang salitang nasa Hanay A sa
kasingkahulugan nito sa Hanay B.

Ang Aking Ama


ni Judy Mae L. Macapagal

Ang aking ama ay may matibay na paninindigan


sa buhay. Inuuna niya kami kaysa sa kanyang sariling
kapakanan. Siya rin ay mabait at mapagkumbaba
kaya marami siyang kaibigan. Kinagigiliwan rin siya
sapagkat siya ay masayahin. Kami ay maralita ngunit
maligaya naman dahil tinuruan niya kaming
makuntento sa biyayang aming natatanggap araw-
araw.

Hanay A Hanay B
1. matibay a mabuti

2. mapagkumbaba b mahirap

3. kinagigiliwan c grasya

4. biyaya d kinaaliwan

5. maralita e. matatag

17
Gawain 2
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang may
salungguhit na nabasa sa talatang “Ang Aking Ama”.

1. matibay - _____________________________________
2. mapagkumbaba - ____________________________
3. kinagigiliwan - _________________________________
4. maralita - _____________________________________
5. biyaya - ______________________________________

Karagdagang Gawain
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, may ibibigay sa
bata na panibagong gawain upang pagyamanin ang
kaniyang kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa


bawat bilang. Gamitin ito sa pangungusap.

1. Maganda-________
Pangungusap:__________________________________________
2. Malinis-________
Pangungusap:__________________________________________
3. Mabango-________
Pangungusap:__________________________________________
4. Mabait-________
Pangungusap:__________________________________________
5. Mahinhin-________
Pangungusap:__________________________________________

18
Susi sa Pagwawasto

19
Sanggunian
• https://www.pinterest.ph/pin/481322278900978441/
• https://webstockreview.net/explore/chores-clipart-black-and-white/
• http://clipart-library.com/free/help-clipart-black-and-white.html
• https://webstockreview.net/explore/chores-clipart-cleaning/
• https://www.pinterest.ph/pin/246149935867008125/

20
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like