You are on page 1of 20

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8:
Pagmamahal at Pagmamalasakit
sa Kapamilya, Ipadama Ko!
Edukasyon sa Pagpapakato – Unang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 8: Pagmamahal at Pagmamalasakit
sa Kapamilya, Ipadama Ko!

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Meriam A. Rahim, Liezel B. Españo,


Editors: Rebecca Sambas, Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Meriam A. Rahim
Tagalapat: Maria Fe C. Linao
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Telefax: Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyong


kaalaman at pagkatuto sa mga aralin upang umunlad at
lumago ang iyong natatanging kakayahan o potensyal na
maisagawa nang may pagmamahal at pagmamalasakit
ang anumang kilos at gawain na magpapasaya at
magpapatibay sa ugnayan ng mga kasapi ng pamilya.
Ang mga gawaing nasa modyul ay pinadali para lubos
mong maunawaan ang iyong leksyon.

Sa araling ito malalaman mo ang mga kilos na


magpapakita ng pagmamahal at malasakit ng mga
pamilya sa mga kasambahay at pag-aalaga ng maysakit.

Most Essential Competencies


1. Nakatutukoy ng mga kilos at gawain na
nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit
ng mga kasapi ng pamilya
Hal. 1. Pag-aalala sa mga kasambahay 2.Pag-
aalaga sa nakababatang kapatid at
kapamilyang maysakit
(EsP1PKP - Ii– 8)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Naipapakita ang mga gawain sa pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamilya

1
Subukin

Panuto A: Basahin ang sumusunod na pangungusap sa


ibaba at suriing mabuti ang angkop na larawan ayon sa
inilalahad nito. Isulat ang tiitik ng tamang sagot sa
inyong kuwardernong panggawain.

a. b. c.

d. e. f.

1. Ang nanay at ang ate nagluluto.


2. Ang tatay at kuya ay nangunguha ng prutas sa bukid.
3. Si ate ay naghuhugas ng pinggan habang si kuya ay
nag-iigib ng tubig.
4. Si kuya ay nagunguha ng kahoy kasama ang
kanyang nakababatang kapatid.
5. Si bunso ay naglalaro kasama si ate.

2
Panuto B: Isulat sa inyong kuwadernong paggawain ang
tsek (/) kung ang kilos ay nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kasambay at pag-aalaga ng
maysakit at ekis(X) kung hindi.

1. Sinamahan ni Ana ang kanyang Lola sa klinika para


magpa mapatingin sa doktor.

2. Niligpit ni Karla ang kanyang pinagkainan kahit silay


may katulong sa bahay.

3. Sinusubuan ni Amy ang kanyang Lolong maysakit.

4. Mahilig magkalat si Ron dahil may tagalinis naman sa


bahay nila.

5. Binantayan ni Ken ang kanyang nakababatang


kapatid na may sakit.

3
Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap na


nasa ibaba at iguhit sa inyong kuwadernong
panggaawain, ang hugis kung nagpapakita ng
pagmamalasakit sa pamilya at hugis kung hindi.

1. Binabantayan ni ate Lea ang kanyang bunsong


kapatid habang natutulog.

2. Tumutulong sa paghuhugas ng plato si Rea sa


kanilang kasambahay.

3. Nagliligpit ng higaan si Mia kahit sila ay may katulong


sa bahay.

4. Inabutan ng gamot sa sakit ng ulo ni Nat ang


kanilang katulong sa bahay para itoy gumaling.

5. Makalat sa kanyang mga laruan si Roy dahil may


nagliligpit para sa kanya.

4
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento at isulat sa


kwadernong panggawain ang iyong sagot sa mga
sumusunod na mga tanong.

“Ang Mapagmalasakit na Magkapatid ”


Isinulat ni: Meriam A. Rahim

Gumagawa ng takdang aralin sa Edukasyong


Pagpapakatao sina Carlo at Carla. Habang natutulog sa
kama ang kanilang lolong maysakit. Maya-maya ay
narinig nila ang iyak ng kanilang bunsong kapatid na si
Camille. Alam nilang nagugutom ito. Agad na nilapitan ni
Carlo si Camille at si Carla naman ang nagtimpla ng
gatas. Ayaw nilang magambala sa iyak ng kapatid ang
natutulog na lolo.
Nasiyahan si nanay sa ginawa ng magkapatid.

5
Suriin
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento.
Isulat ang iyong sagot iyong kuwadernong panggawain.

1. Sino-sino ang mga batang nag-aaral ng leksiyon


sa kuwento?
a. sina Camille at Carlo
b. sina Carlo at Carla
c. sina lolo at Carlo
2. Sino ang natutulog sa kama?
a. si Camille
b. si Carlo
c. Si Carla
3. Ano ang nangyari sa kanilang lolo?
a. maysakit kumain
b. nadapa maysakit
c. naglaro
4. Ano ang narinig ng dalawang magkakapatid?
a. tumatawa
b. umiiyak
c. sumisigaw
5. Anong pag-uugali ang ipinakit ng magkapatid na si
Carlo at Carla?
a. mapagbigay
b. pagmamalasakit
c. pagpapabaya

6
Pagyamanin

Panuto A: Alamin kung ano ang ginagawa ng mga tao


sa larawan. Iguhit ang kung nagpapakita ng
pagmamalasakit ang nasa larawan at kung hindi. Iguhit
ang sagot sa inyong EsP kuwadernong panggawain.

1.

2.

7
3.

4.

5.

8
Panuto B: Alamin kung ano ang ginagawa ng mga tao sa
larawan. Isulat sa kuwardenong panggawain ang tsek (/)
kung ang larawan ay nagpapakita ng pagmamalasakit
sa pamilya at ekis (X) naman kung hindi.

1.

2.

9
3.

4.

5.

10
Isaisip

Panuto A: Basahin at unawain ang sitwasyon. Sagutin ang


tanong sa iyong kwadernong panggawain.

1. Inutusan ka ng iyong nanay upang bumili ng asin


sa tindahan. Ano ang iyong gaagawin?

_______________________________________________

2. Nakitang mo ang iyong tatay na nahihirapan sa


pagdala ng mga kahoy panggatong. Ano ang
gagawin mo? Ano ang gagawin mo?

_______________________________________________

Panuto B: Isulat sa iyong kwaderno ang sagot. Galing ka


sa paaralan, naabutan mo ang inyong kasambahay na
nagwawalis, ano kaya ang maaari mong gawin upang
maipakita ang pagmamalasakit mo sa kanya?

11
Isagawa

Panuto A: Isulat ang Tama kung ang larawan ay


nagpapakita ng pag-aalala sa kasambahay at kasapi ng
pamilya at Mali kung hindi.

1.

2.

12
3.

4.

5.

13
Panuto B: Pagtambalin ang larawan sa Hanay A at mga
pahayag sa Hanay B. Isulat ang titik ng inyong sagot
kuwadernong panggawain .

Hanay A Hanay B

1.
a. Tumulong kay nanay sa
paghuhugas ng pinggan.

. b. nag-abot ng tsinelas
kay sapatos
2.
c. tinulungan ang
nanay maglaba
3.
d. nagwawalis ng
bakuran

4. e. tinulungan tumawid
si lola

f. nag-igib ng tubig
5.
para kay ate

g. tumulong kay
kuya sa pagkuha ng
kahoy

14
Tayahin

Panuto: Sa inyong kuwadernong panggawain,iguhit ang


masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit at
malungkot na mukha naman kung hindi.

1. Pagtitimpla ng gatas sa bunsong kapatid.


2. Lakasan ang radyo habang
nagpapahinga ang lola na maysakit.
3. Iasa sa yaya ang pagbabantay
sa nakababatang kapatid.
4. Tulungan ang kasambahay sa pamamagitan
ng paghugas ng pinggan.
5. Bantayan ang kapatid habang natutulog
sa duyan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong kuwadernong panggawain,magdikit ng


larawan ng pamilya kasama ang inyong kasambahay o si
lolo at lola sa loob ng isang bahay. Isulat sa ilalim ng
larawan ang pangalan ng bawat isa.

15
Susi sa Pagwawasto

.5 bata .5 tama
Dependi sa sagot ng
.5 e .5 tama
B .4 tama
.4
.4 f 4. tama
.3 tama
mag walis..
.3 .3 g .3 tama Tutulungan ko siyang
A .2 mali
.2 a .2 mali Isaisip
.2 .1 tama
.1 b .1 tama
Isagawa
.1
B A

Tahayin Isagawa
.5

.4

f .5 .5 /
.5 / 5.
3.

.4 d .4 X

.4 / 4. 2.
.3 b .3 /

c .2 .2 /
.3 / 3. .1

.5 b .1 a .1 /
Balikan
.2 / 2. .4 b
B A
.3 a
Subukin .2 c
.1 / 1.
.1 b

B A
Pagyamanin Suriin

Sanggunian
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan,
Rolan Baldonado Catapang, Isabel Montezero-
Gonzales. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Tagalog, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog,
Patnubay ng Guro. Unang Edisyon.

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod
naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education –
SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Koronadal Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228
1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like