You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
UWISAN ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. UWISAN, CALAMBA CITY

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4


Talaan ng Ispesipikasyon
SY: 2022-2023

NUMBE
NUMBE
OBJECTIVES R OF
PERCENTAGE R OF ITEM
DAYS
ITEMS PLACEMENT
TAUGHT

1. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa
damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
1.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at
pagtutuwid nang bukal sa loob
5 12% 5 1,2,3,4,5
1.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang
maluwag sa kalooban
1.3. pagpili ng mga salitang dinakakasakit ng
damdamin sa pagbibiro

2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o


makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng 6,7,8,9,10
5 12% 5
pangunawa sa kalagayan/pangangailangan ng
kapwa.

11, 12, 17, 18,


3. Naisasabuhay ang pagiging bukaspalad sa
13 30% 12 19, 20, 21, 28,
3.1. mga nangangailangan
29, 30, 31, 32
3.2. panahon ng kalamidad

4. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa


mga sumusunod na sitwasyon:
4.1. oras ng pamamahinga
13, 14, 15, 16,
4.2. kapag may nag-aaral 5 12% 5
34
4.3. kapag mayroong maysakit
4.4. pakikinig kapag may nagsasalita/
nagpapaliwanag

4.5. paggamit ng pasilidad ng paaralan nang


may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
22, 23, 24, 25,
4.5.1. palikuran 7 16% 6
26, 27
4.5.2. silid-aklatan
4.5.3. palaruan

4.6. pagpapanatili ng tahimik, malinis at


kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng 8 18% 7
pakikipagkapwa-tao

43 100% 40
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
UWISAN ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. UWISAN, CALAMBA CITY

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4

I.Piliin at itiman sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan
sa inyong paaralan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man madalas mong naririnig na
may pumipintas sa iyo.
A. iirapan sila
B. tatanggapin ang mga sinasabi at lalo pang pagbubutihin
C. pagsasalitaan na wala silang pakialam
D. hindi na sasali sa anumang paligsahan

2. Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall. Bigla ninyong naramdaman na


yumanig?
A. Tatakbo palabas ng mall C. Duck Cover and Hold
B. IIyak na malakas D. lalapit sa information area

3. Pinakisuyo mo na hawakan ng iyong kaklase ang iyong bag subalit ibinagsak niya ito.
A. magagalit C. isusumbong sa guro
B. kukunin ang bag at magpapasensya D. ibabagsak din ang bag ng kaklase.

4. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kaklase ang iyong lapis.
A. sisigawan ang kaklase C. sasabihin sa kuya
B. iiyak ng malakas D. ipahihiram na lang ang lapis

5. Pinakiusapan ka ng nanay na ang bunso mong kapatid na lang ang bibigyan ng baon.
A. magtatampo sa nanay C. uunawain si nanay
B.magagalit sa kapatid D. magpapakabusog na lang bago pumasok

6. Sa kagustuhan mo na makasama sa palatuntunan ng paaralan kahit luma ang iyong damit ay


nakilahok ka pa rin. Pinagtawanan ng iyong kaklase ang iyong suot.
A. pagbubutihan na lang performance sa palatuntunan
B. magdadabog pagdating sa bahay upang malaman ni nanay na ikaw ay napahiya
C. humanap na kakampi
D. gantihan ang kaklase na nagtawa

7. Ang ____________________ ng paaralan ay makatutulong upang maipaliwanag sa mga


mag-aaral ang kahalagahan ng pag unawa sa damdamin ng kapuwa
A. Punong-guro B. Janitor C. Canteen Teacher D. Guidance Counselor

8. Paano mo maipapakita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-usap sa kapuwa?


A. Magsasalita ng malakas
B. Gumamit ng mga salitang nakakasakit ng damdamin
C. Mahinahon ang pagsasalita at gumagamit ng mga salitang hindi nakasasakit ng damdamin
D. Hindi na lang kakausapin

9. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa?


A. Bumababa ang pagpapahalaga st tiwala sa sarili
B. Walang pakialam kung anu ang sabihin
C. Lalong lalakas ang loob
D. Ang panlabas ng kaanyuan ay naapektuhan ng masasakit na salita

10. Napansin mo na binibiro ng iyong mga kaklase ang inyong bagong kaklase gamit ang mga
masasakit na salita. Ano ang iyong gagawin?
A. Makikisali ako sa pambibiro para masaya.
B. Hindi ko sila papansinin para iwas gulo.
C. Sasabihin ko sa maayos na paraan na mali ang kanilang ginagawa at maaaring
nakakasakit sila ng damdamin
D. Hihikayatin ko ang bago kong kaklase na lumayo sa kanila at huwag ng makipag kaibigan.

11. May nakita kang umiiyak na bata kasi siya ay nawawala. Ano ang maaari mong maitulong
sa kanya maliban sa isa?
A. Dadalhin ko siya sa barangay para matulungan siya.
B. Tatanungin ko siya kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Tutulungan ko siyang makabalik siya sa kanyang pamilya.

12. Naglalakad ka sa kalye. Sa madilim na bahagi ng ng daan, nakita mo ang isang batang
marungis na natututlog sa malamig na semento gamit ang isang karton. Ano ang dapat mong
gawin upang hindi maabala ang kaniyang pamamahinga?
A. Gigisingin at bibigyan ng kumot
B. Dadahan dahanin ang paglakad upang hindi magising
C. Mag iingay at magtatawanan
D. Gigisingin at sasabihan na bawal matulog sa daan

13. Namamasyal ka sa isang lugar na maraming puno. Napansin mo sa itaas ng puno ang isang
ibon na nakalimlim sa kaniyang pugad. Ano ang iyong gagawin?
A. Aalis na lang sa puno at lilipat sa ibang puno
B. Aakyatin ang puno at kukunin ang pugad
C. Kukuha ng pamaltik at papaltikin ang ibon
D. Mag-iingay

14. Naiwan mo sa loob ng silid tulugan ng iyong magulang ang baon mo sa pagpasok sa
eskwelahan. Alam mo na ang iyong nanay na may sakit ay natutulog sa silid.Ano ang iyong
gagawin?
A. Babalikan ang baon
B. Hindi na lang magbabaon
C. Babalik at kukunin ang baon ng hindi nag iingay
D. Hindi na lang papasok

15. Sabi nga sa kasabihan, kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa
iyong kapuwa tao. Ito ay hindi lamang naipakikita sa salita kundi sa ____________.
A. Bunganga B. Kilos C. Pagtingin sa kapuwa D. Wala sa nabanggit

16. Ang iyong nakatatandang kapatid ay masakit ang ulo, biglang dumating ang iyong mga
kaibigan at sinabi na sa bahay nyo kayo magpapraktis ng sayaw para sa nalalapit na programa
sa inyong paaralan.Ano ang gagawin mo?
A. itutuloy ang pagpapraktis sa bahay
B. mapapraktis ng sayaw ng mahina nag tugtog
C. magpapraktis ng walang tugtog
D. sasabihan ang mga kaibigan na sa ibang araw na lang magpraktis dahilan na may
sakit ang iyong kapatid

17. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para s mga biktima ng lindol. Ang nais
ng mga hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at
pangalan ng mga bibigyan. Anong uri ng pagbibigay ang ipinapakita sa sitwasyon na ito?
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay ng bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

18. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit at higaan para sa
mga biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng
susunod na pagdalaw sa mga ito. Anong uri ng pagbibigay ang ipinapakita sa sitwasyon na ito?
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay ng bukal sa kalooban
C. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
D. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
19. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng releif goods sa covered
court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang naligtas na gamit ang mgs ito.
Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang
mga de latang malapit nang masira. Anong uri ng pagbibigay ang ipinapakita sa sitwasyon na
ito?
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
C. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
D. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.

20. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo.
Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga
damit. Anong uri ng pagbibigay ang ipinapakita sa sitwasyon na ito?
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay ng bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

21. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang


tumutulong sa mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa
inyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral. Anong uri ng
pagbibigay ang ipinapakita sa sitwasyon na ito?
A. Nagbigay ng bukal sa kalooban
B. Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
C. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
D. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.

22. Maingat kong ginagamit ang palikuran ng aming silid-aralan.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

23. Sinusulatan ko ang mga pader sa paaralan.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

24. Isinasalansan ko sa tamang lalagyan ang mga aklat sa silid-aklatan.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

25. Iniwan kong madumi ang gymnasium matapos ko itong gamitin sa paglalaro.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

26. Kapag recess ay itinatapon ko sa tamang basurahan ang aking pinag kainan.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

27. Tumutulong ako sa paglilinis ng palaruan sa aming paaralan.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

28. Ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbigay ng payo.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

29. Hindi lamang material na bagay ang maaari nating ibigay sa ating kapuwa kundi ang oras.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

30. Ang pagsama sa pagsasaya ay isa ding uri ng pagtulong.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

31. Mahihirap lamang ang nangangailangan ng tulong.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

32. Walang taong nabubuhay ng para sa sarili lamang.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

33. Nakikinig ako kapag may nagsasalita.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

34. Ibinabalik ko nang tahimik ang gamit na aking hiniram lalo na kapag nag-aaral ang may-ari
nito.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

35. Iniiwasan kong makagawa ng ingay na makagagambala sa taong nagtatalumpati sa harap.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

36. Iniiwasan ko na makipag-usap sa aking katabi kapag nagsisimba.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

37. Hinihintay ko muna na matapos manood nang telebisyon ang aking kapatid bago ito ilipat sa
ibang channel dahil mahalaga ito sa kanyang takdang-aralin.
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

38. Iniiwasan ko ang pag-istambay sa harapan ng silid-aralan.


A. Tama B. Mali C. Siguro D. Maaari

39. Napansin ka ng isang guro na maingay ka sa koridor habang may klase. Pinuna ka sa iyong
maling ginawa. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Sisimangot ako sa kanya.
C. Patuloy pa rin ako sa pag-iingay
D. Hihingi ako ng sorry sa aking maling ginawa.

40. Sa iyong pagpasok sa paaralan ay napansin mong may mga nakakalat na balat ng pagkain
sa iyong daraanan ano ang iyong gagwin?
A. Magkukunwari na hindi nakikita ang mga kalat.
B. Iuutos sa kasabay ko sa paglalakad na pulutin ang mga kalat.
C. Titigil saglit sa paglalakad para pulutin ang mga kalat.
D. Isusumbong sa principal ang mga bata na nagkalat.

You might also like