You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IVA- CALABARZON
DIVISION OF LAGUNA
District of Alaminos

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III
TALAAN NG ESPEKULASYON
S.Y. 2019-2020

Pamantayan sa Pagkatuto Bilang ng Bilang ng Kinalalagyan ng


Araw Aytem Aytem
1. Nakapagpadarama ng
malasakit sa kapwa na
may karamdaman
tulad ng:
 Pag-aalaga 15 10 1-10
 Pagdalaw
 Pag-aliw sa
pamamagitan
ng pagkukwento
 Pagdadala ng
pagkain o
anumang bagay
na kailangan
2. Nakapagpapakita ng
malasakit sa may mga
kapansanan sa
pamamagitan ng
 Pagbibigay ng 15 10 11-20
upuan
 Pagbibigay
halaga
 Pagsali sa mga
gawaing kayang
gawin tulad ng
laro,programa
sa
paaralan,paligsa
han at iba pa.
3. Naisasaalang-alang
ang
katayuan/kalagayan/pa 10 10 21-30
ngkat etnikong
kinabibilangan ng
kapwa bata sa
pamamagitan ng
 Pagbabahagi ng
pagkain,laruan,
damit,gamit at
iba pa.

4. Nakapagpapakita
ng may kasiyahan
ang pakikiisa sa
mga gawaing 10 10 31-40
pambata
halimbawa:
 Paglalaro
 Programa sa
paaralan
(paligsahan,pag
diriwang at iba
pa)
Total 50 40 40

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IVA- CALABARZON
DIVISION OF LAGUNA
District of Alaminos

Ikalawang Panahunang Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III
S.Y. 2019-2020

Pangalan: Nakuha: _______


Baitang/Pangkat: Petsa _________

I Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Alin ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman.
a. Pagtulong sa pagpapainom ng gamot.
b. Hindi pagbisita sa taong may sakit
c. Pagtawanan ang taong may karamdaman.
d. Pang –bubully sa taong may sakit.

2. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Pabayaan lamang siyang umiyak.
b. Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin
c. Samahan siyang nagpunta sa dentist upang magamot ang sumasakit na ngipin.
d. Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.

3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong maitulong sa iyong kaklase na may sakit?
a. Pagtawanan ang kaklaseng may sakit
b. Pagdalaw at pagbibigay ng prutas sa kaklaseng may sakit
c. Pag –aaya sa kaklaseng ay sakit na maligo at maglaro sa ulan.
d. Wala kang gagawin.

4. May sakit ang nanay ni Samuel kaya hindi ito makagawa ng gawain sa bahay. Ano ang dapat
gawin ni Samuel?
a. Umalis ng bahay
b. Manood ng sine at mamasyal sa mall.
c. Makipag laro sa kapit-bahay.
d. Gumawa ng gawaing bahay at alagaan ang kanyang nanay.

5. Nagpapakita ng malasakit sa taong may karamdaman o kapansanan.


a. Paminsan-insan
b. Palagi
c. Hindi
d. Pagmay nakakakitang guro.

6. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga may


kapansanan?
a. Nahihiya
b. Nalulungkot
c. Masaya
d. Wala sa nabanggit

7. Alin ang dapat mong gawin kapag nabalitaan mong may sakit ang iyong guro.
a. Mag-iingay at mang-gugulo sa klase
b. Pupulungin ang buong klase at sasbihing dalawin ninyo ang guro.
c. Hindi na lang papasok sa klase.
d. Hihintayin na lamang na pumasok ang guro.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin kung nabalitaan mong nagkasakit ang
kaibigan mong nasa malayong lugar.
a. Papadalhan ng get-well soon card.
b. Dadalawin siya sa kanilang lugar.
c. Ipagdarasal ko siya sa madali niyang paggaling.
d. Wala kang gagawin.

9. May sakit ang iyong nakababatang kapatid, Ano ang dapat mong gawin upang mapagaan ang
kanyang pakiramdam?
a. Babasahan ng nakakatakot na kwento.
b. Iiwan ang kapatid at makikipaglaro sa mga kaibigan.
c. Kukwentuhan ng nakaka-aliw ang kapatid.
d. Manood ng T.V. at hahayaag mag-isa sa kwarto ang kapatid.

10. May sakit ang iyong lolo at lola sa probinsya, sinabihan ka ng nanay mo na dadalawin nyo sila
sa araw ng Sabado. Ano ang gagawin mo?
a. Sasama sa nanay sa pagdalaw sa mga lolo at lola.
b. Magdadahilan na marami kayong gagawin sa paaralan.
c. Sasama sa nanay ngunit masama ang loob
d. Hindi na lang sasama.

11. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang
kaklase mong pilay ay nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng
bakanteng upuan. Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil wala siyang upuan.
b. Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan.
c. Mananatili ako sa aking upuan at hahayan ko siyang nakatayo hanggang matapos ang
palatuntunan.
d. Nagpapanggap akong di ko siya nakita.

12. Palabas ka na ng paaralan para umuwi na ng makita mo ang iyong kamag-aral na pilay na
nahihirapan sa pagtayo sa upuan . Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan na lamang na mag-isa itong tumayo
b. Aalis na parang walang nakita.
c. Lalapitan ko siya at pagtatawanan.
d. Lalapitan ko siya at tutulungang tumayo.

13. Nakasakay si Tricia sa sasakyan. Sa isang kanto,umakyat ang isang matandang babae. Wala
ng bakanteng upuan. Ano kaya ang maaring gawin ni Tricia?
a. Hayaan niyang nakatayo ang matanda.
b. Pababain na lamang niya ang matanda.
c. Ibigay niya ang kanyang upuan sa matanda.
d. Hintaying may bumaba saka paupuin ang matanda.

14. Anong ugali ang ipinakikita mo sa pagtulong sa mga matatanda na may kapansanan sa
pagtawid sa daan?
a. Pagkamagalang
b. Pagkamatulungin
c. Kagandahang-loob
d. Katapatang-loob

15. May paligsahan sa pagsayaw ang inyong paaralan,alam mong marunong sumayaw ang
kaibigan mong si Roy .Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan.
b. Hihikayatin kong sumali si Roy dahil alam kong mahusay siyang sumayaw.
c. Hindi ko sasabihin kay Roy na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.
d. Wala akong gagawin.

16. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may kapansanan . Ito ba ay
nagpapakita ng malasakit sa taong may kapansanan?
a. Oo
b. Hindi
c. Ewan
d. Wala sa nabanggit

17. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo
masyadong naunawaan ang kanyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
b. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.
c. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
d. Pagtatawanan ko siya dahil hindi maintindihan ng buong klase ang sinabi niya.

18. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang
nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa
kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya.
Kung ikaw ay isa sa mga manonood,ano ang dapat mong gawin?
a. Tatawanan ko si Jano.
b. Tatawagin ko na siya para umupo na.
c. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.
d. Sisisihin ko siya at sasabihan n asana hindi na lang sumali sa palatuntunan.

19. Simbang gabi. Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan . Isang babaeng pilay ang
nakasandal sa dingding. Ano ang nararapat mong gawin kung isa ka sa mga nakaupo.?
a. Palabasin ang babae.
b. Magpapanggap na hindi nakita ang babaeng pilay.
c. Hayaang nakatayo ang babaeng pilay.
d. Ibibigay ang upuan sa babaeng pilay.

20. Pumasyal si Aling Meding sa paaralan upang dumalo sa isang pulong. Paano mo
maipapakita ang iyong kabutihang –loob?
a. Yayayain siyang lumabas
b. Hahayaang nakatayo.
c. Bigyan siya ng upuan.
d. Itago ang mga upuan.

21. Mayroon kayong pagsusulit sa Filipino. Napansin mo ang bago mong


kaklase na Aeta hindi mapakali sa kanyang upuan,dahil wala itong lapis at papel. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Hindi papansinin ang bagong kaklase.
b. Lalapitan ko ang kaklase kong Aeta at papahiramin ng lapis at papel.
c. Tutuksuhin ko ang kaklase ko.
d. Pagtatawanan ko siya dahil sa siya ay Aeta at walang gamit.

22. Sinabi ng inyong guro na ang kamag-aral ninyong Tausug ay nasunugan,at kinakailangan
ninyong tumulong.Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi papansinin ang ibinalita ng guro.
b. Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang pakinabangan, upang makatulong sa
aking kamag-aral.
c. Sasabihan ang mga kamag-aral na hindi dapat tumulong dahil hindi nila ito kauri.
d. Makikinig sa guro ngunit hindi tutulong.

23. May outreach program ang inyong barangay nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga
batang nasa malalayong lugar.Ano ang dapat mong gawin?
a. Sasama ako,ngunit hindi tutulong
b. Hindi ako sasama at magkukulong na lamang sa aming bahay.
c. Sasama ako at buong pusong tutulong.
d. Wala sa nabanggit.

24. Alin ang dapat mong gawin kung nakakita ka ng batang nagugutom?

a. Pagtatawanan ang batang gutom.


b. Hindi papansinin ang batang gutom.
c. Bibigyan ng panis na pagkain
d. Lalapitan ko at pakakainin ang batang gutom.

25. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang damit, ano ang dapat mong gawin?
a. Lalapitan ko siya ,bibigyan ng damit na di ko na ginagamit at makikipaglaro.
b. Paaalisin ko siya sa lugar naming.
c. Ipapahabol ko sa aso naming.
d. Pagtatawanan ang bata.

26. May isang batang nakatingin sa inyo habang kumakain kayo sa isang restawran ,Ano ang
gagawin mo?
a. Itutuloy pa rin ang pagkain,habang nakatingin ang bata sa amin.
b. Hindi papansini ang bata at magkukunwaring walang nakita
c. Pagtatawanan at iingitin ang bata.
d. Lalapitan ang bata at bibigyan ng pagkain.

27. Nakita mo ang isang batang katutubo na putol ang isang kamay at hindi kayang dalhin ang
kanyang gamit. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi ko papansinin ang bata.
b. Tutulungan ang bata na dalhin ang kanyang gamit.
c. Magkukunwaring hindi nakita ang bata.
d. Walang gagawin.

28. Ilang araw ng hindi pumapasok ang kamag-aral mong Bicolano,nalaman mo na sila pala ay
kasama sa mga nag evacuate dahil sa masamang lagay ng bulkang Mayon.Ano ang dapat
mong gawin?
a. Hahayaan na lamang dahil malayo na siya sa inyo.
b. Magkukunwaring hindi alam ang nangyari sa kamag-aral.
c. Magbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya.
d. Wala sa nabanggit.

29. Marami kang laruan sa bahay ninyo na hindi mo na ginagamit. Hinimok kayo ng inyong guro
na mag donate ng mga gamit para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihi sa guro na mag dodonate ngunit hindi magbibigay.
b. Hindi papansinin ang sinabi ng guro.
c. Buong pusong i- dodonate ang mga laruan, para mapakinabangan ng ibang bata.
d. Magbibigay ngunit hindi na maaring pakinabangan.

30. May palatunyunan sa inyong paaralan,nakita mong ang isang batang Aeta ay sumali,bilang
manonood ano ang gagawin mo?
a. Panonoorin ko siya at susuportahan sa kanyang talent.
b. Lalapitan ko siya at sasabihang huwag na siyang sumali.
c. Pagtatawanan ko siya dahil sumali siya sa palatuntunan.
d. Hindi ko na lamang siya papansinin.

II. Suhestiyong Rubrics sa ESP

31-40.Sumulat ng isang talata kung paano ka nakapagpapakita ng may kasiyahan sa mga


gawaing pambata tulad ng paglalaro,programa sa paaralan(paligsahan,pagdiriwang at iba pa.)

Descriptive Rating Criteria Numerical Rating


Excellent Maayos na naipahahayag ang kaalamang natutunan 10
sa paksang aralin sa pamamagitan ng talata.
Very Good Maayos na naipahahayag ang kaalamang natutunan 8-9
sa paksang aralin sa simula ng talata subalit hindi
naging maayos ang pagwawakas dito.
Good Nakasulat ng 4-5 pangungusap subalit hindi naging 6-7
malinaw at maayos ang kaisipang nais ip
Fair Nakasulat ng 2-3 pangungusap malayo sa 4-5
hinihinging kaisipang kinakailangan.
Needs Isang pangungusap ang naisulat kaugnay ng 0-3
Improvement paksang kinakailangan.

ANSWER KEY
SECOND PERIODICAL TEST ESP III
2019-2020

1. A 16. A
2. C 17. B
3. B 18. C
4. D 19 D
5. B 20. C
6. C 21. B
7. B 22. B
8. D 23. C
9. C 24. D
10. A 25. A
11. B 26. D
12. D 27. B
13. C 28. C
14. B 29. C
15. B 30. A
31-40- Pagpapasya ng guro

You might also like