You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Quezon
GUINAYANGAN SOUTH DISTRICT
Guinayangan, Quezon

SCHOOL San Isidro Elementary School Grade Level Four


NAME Wanda Merced M. Landicho Quarter Four

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga


PANGNILALAMAN sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino
(CONTENT STANDARDS)
B.PAMANTAYAN SA Ang mag-aaral ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
PAGGANAP pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng
(PERFORMANCE
STANDARDS) kanyang karapatan.

C.MGA KASANAYAN SA Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng


PAGKATUTO kaunlaran ng bansa (AP4KPB-IVf-g-5)
(LEARNING COMPETENCIES)
II. PAKSANG-ARALIN IKAPITO AT IKAWALONG LINGGO
(CONTENT) Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagtataguyod ng Kaunlaran ng
Bansa
SANGGUNIAN (References) CG page 99 AP4KPB-IVf-g-5
Learners Packet , Fourth Quarter (Week 7-8)
KAGAMITAN: Larawan, Video, mga kagamitang pangsining, PowerPoint
PAGPAPAHALAGA: Pagiging bahagi sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa
SUBJECT INTEGRATION: Arts: Gawaing Pagkukulay/Paggawa ng Poster
Filipino: Panghalip
Edukasyon sa Pagpapakatao: Pagiging bahagi sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa
Math: Pagbilang
ICT: Paggamit ng powerpoint
Physical Education: Pagsayaw
Music: Pag-awit ng Community Song
III.PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. DRILL Flashcard ng mga termino tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan
2. BALIK-ARAL Ating uriin kung ang sumusunod na mga gawain ay nagpapahayag ng pagpapahalaga
SA NAKARAANG sa kagalingang pansibiko o hindi. Kung ang aking babanggitin ay gawaing
ARALIN AT/O nagpapamalas ng pagpapahalaga piliin ang masayang mukha at kung hindi namay
PAGSISIMULA NG piliiin ang malungkot na mukha. (ICT Integration)
BAGONG ARALIN.
1.Lumilikha ng maraming hanapbuhay ang pagtangkilik sa sariling produkto.
2. Nakakapagtibay ng katawan ang pag-inom ng softdrink.
3. Nakakabuti sa kapaligiran ang quarrying.
4. Pinangangalagaan ang kapaligiran.
5.Nagbibigay ng dugo si Alice sa Red Cross.
3. PAGGANYAK Community singing ng “Ako, Ikaw, Tayo ay isang komunidad”
(P.E and Music Integration)
Isulat ang P kung palagi, M kung minsan at H kung hindi sa iyong sagutan papel ng
naaayon sa iyong gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
(ESP Integration)
Sabihin: Kung palagi mo itong ginagawa, ikaw ay nakatutulong sa pag-unlad ng iyong
komunidad o pamayanan. Sa pamamagitan ng gawaing pansibiko napaglilingkuran lalo
na ang mga nangangailangan sa lipunan.

B. GAWAING PAGPAPAUNLAD
1. PAGLALAHAD Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan. (HOTS)

Tanong:
1. Alin sa mga larawan sa itaas ang nagpapakita ng kaunlaran?
2. Ano ang kahulugan ng kaunlaran ayon sa iyong kaalaman?
Sabihin : Ngayon ay iyong alamin ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan
sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Basahin ang teksto sa susunod na pahina.
2. PAGTALAKAY Gamit ang Powerpoint Presentation at ang paraang Focus group Discussion talakayin
ang bahaging ginagampan ng mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.

3. PANGKATANG Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Hayaang ang mga miyembro ng pangkat ang
GAWAIN pumili ng kanilang lider.
Bago ibigay ang takdang gawain ng bawat pangkat, ilahad muna ang mga
pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.
 Pangkat 1
Gamit ang graphic organizer, ilahad ang mga gawain ng mga mamamayan na
nagpapaunlad sa lipunan.

 Pangkat 2 (Filipino Integration)


Suriin ang mga larawan sa ibaba. Sumulat ng dalawa (2) o tatlong (3)
pangungusap kung paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.

 Pangkat 3 (Arts Integration)


Gumawa ng poster na nagpapakita ng ginagampanan ng mga mamamayan sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Gamitin ang rubrik sa ibaba sa
pagtataya ng natapos na gawain.

4. PAGLALAHAT Gabayan ang mga mag-aaral sa paglalahat ng kanilang natutunan sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.
1. Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng isang bansa?
2. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga gampanin sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa? (HOTS)
5. PINATNUBAYANG Suriin ang mga pahayag sa Hanay A at hanapin sa Hanay B kung anong katangian ng
GAWAIN produktibong mamamayan ang tinutukoy sa bawat bilang.

6. PAGLALAPAT Nakita mong sinusulat ng iyong kaibigan ang pader ng inyong silid-aralan. Ano
ang dapat mong gawin?

IV.PAGTATAYA NG Basahin ang bawat pangungusap na nagsasaad ng mga gawain ng mga mamamayan sa
ARALIN pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

A. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakanyahan


B. Pagsunod sa batas
C. Pagiging produktibo
D. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi
E. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino
F. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar

_____1. Makabubuting linangin ng bawat isa ang sariling galing at talento.


_____2. Kung hindi igagalang ang batas, magugulo ang kaayusan sa ating bayan.
_____3. Pangalagaan ang mga gusali at impraestruktura tulad ng mga kalsada at tulay,
paliparan at iba pa.
_____4. Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling
pangangailangan at makatulong sa iba.
_____5. Kung ang bawat Pilipino ay susuporta sa isa’t isa at hindi maglalamangan,
magiging masagana ang ating bayan.
V. TAKDANG- Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa iyong panata sa sarili para sa
ARALIN kaunlaran ng bansa. Palamutian ito ng iyong mga simbolo at iba pang representasiyon
sa sarili. Gawin ito sa isang malinis na papel. Gamitin ang rubrik sa ibaba sa pagtataya
ng natapos na Gawain.
Prepared by:

WANDA MERCED M. LANDICHO


Teacher II

Observed by:

RAMON Z. ALANO
Teacher-in-Charge

You might also like