You are on page 1of 3

Department Of Education

Region V

Division Of Camarines Sur

San Jose District

Salogon Elementary

SEMI- DETAILED LESSON PLAN

IN ARALING PANLIPUNAN 5

I. LAYUNIN
1. Naipapahayag ang sariling saloobin hinggil sa kahalagahan ng pagganap ng sariling
tungkulin sa pagsulong ng kamalayang Pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang
isang nasyon.
2. Nakasusulat ng isang maikling talata na naglalahad ng sariling saloobin sa pagganap ng
sariling tungkulin upang maisulong ang kamalayang Pambansa.
3. Napapahalagahan ang sariling tungkulin sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang nasyon.

II. NILALAMAN : Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo ng Nasyon


III. Kagamitang Panturo: A. Sanggunnian TG
Textbook, LM P.252

IV. PAMAMARAAN:
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin
Ipakita ang larawan ng watawat ng Pilipinas.
Ano ang nasa larawan?
Ano ang isinisimbolo ng watawat ng Pilipinas?
Paano mo ipinapakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas?
Bakit kailangan natin itong igalang? Ito ay tungkulin natin bilang isang Pilipino.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Idikit sa pisara at ipabasa sa mga bata.

TUNGKULIN

Pananagutan
C. Paguugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ipabigkas ng wasto ang Panatang Makabayan sa mga bata.
Itanong:
Ano ang mga tungkulin na nabanggit sa Panatang Makabayan na dapat nating isagawa
Bakit mahalagang gampanan natin ang mga tungkuling ito.?

D. Pagtatalakay

Ipabasa at muling balikan ang linyang ito sa Panatang Makabayan.


“ Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas.”
Ipakita ang larawan nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Felix Hidalgo.
Sino sila? (bayani)
Ano ang kanilang dakilang nagawa sa bansa? ( ipinagtanggol nila ang kalayaan ng bansa
gamit ang panulat)
Sabihin: Sila ay mga ilustrado o nakapag-aral na mga Pilipino na nasa panggitnang uri sa
lipunan sa panahon ng kolonyalismo. Dahil sa natamo nilang karunumgan at kaalaman
ay lumawak ang kanilang pang-unawa sa kahulugan ng kalayaanna dapat ipaglaban.

Ikaw bilang isang batang Pilipino, ano ang mga tungkulin mo sa iyong sarili?
(magbahaginan ng kaalaman)

 mag-aral ng Mabuti
 paunlarin ang kakayahan
 at iba pa

E. Pagsasanay
Ibahagi ang inyong sariling saloobin / damdamin patungkol sa sumusunod na sitwasyon.
1. Si Kris ay nakapagtapos ng nars sa Pilipinas ngunit pinili magtrabaho sa Amerika dahil
mas mataas ang sahod dito.
2. Ayaw na ayaw ni Kim na pumasoj sa paaralan dahil tinatamad itong gumising ng
maaga.
3. Nais matapos ni Rico ng kursong abogasya upang matulungan niya ang kanyang
kapwa na hindi nakakamit ang hustisya dahil walang pambayad sa magtatanggol sa
kanila.
4. Nais turuan ni Cindy ang mga batang Aeta kaya siya nagtapos sa pagiging guro.
5. Isang manunulat si Troy at halos lahat ng isinusulat niya ay patungkol sa ganda ng
Pilipinas.

F. Paglilinang sa Kabihasnan ( Tungo sa Formative Asssessment)


Ano ang tungkulin?
Ang pagpapaunlad ba sa sarili ay kinakailangan sa pagtupad ng iyong mga tungkulin?
Mahalaga ba na isinasagawa ang mga tungkulin na iniatang sa iyo? Bakit?

G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay.


Bilang bata, mahalaga ba ang makapagtapos ka sap ag-paaral? Bakit?

Ano sa palagay mo ang magagawa mo para sap ag-unlad ng bansa?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang mga tungkulin mo sa iyong sarili na dapat mong gampanan?
*pagpapaunlad ng sariling kakayahan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

I. Pagtataya
Sumulat ng talata patungkol sa iyong sariling saloobin kung paano mo maisasagawa ng
iyong tungkulin sa iyong sarili upang maisulong ang ating bansa sa pag-unlad?

V. Takdang Aralin

Ano ang iyong tungkulin sa bansa bilang isang mamayang Pilipino?

Inihanda ni:

LEA S. PARCIA
Teacher- I

Iniwasto ni:

MARE-GRACE C. CILO-CILO
Master Teacher-II

You might also like