You are on page 1of 4

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level V

Quarter 3 Week No. 1


Date Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE Pagpapakita ng mga Kanais-nais na Kaugaliang Pilipino


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang
COMPETENCIES (MELCs) Pilipino
a. nakikisama sa kapwa Pilipino
b. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
c. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
EsP5PPP- IIIa – 23
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita
ng mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para
sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga
ng kapaligiran.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito ay iyong matutuhan ang mga kanais-nais na
Panimula kaugaliang Pilipino. Tumulong at makilahok sa mga gawaing
pampamayanan na nagpapakita ng kabutihan sa kapuwa at pati
na rin ang pagtanggap sa mga panauhin sa tahanan. Mahalagang
matutunan ito upang maipakita ang pagiging mabuting Pilipino hindi
lamang sa sarili pati na rin sa ibang tao.

Mag-isip ng mga salita na maaring tumukoy sa larawan na nasa


ibaba upang maipakita ang tamang pag-uugali bilang Pilipino.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Tanong:
Makakatulong din ba ang mga katangiang ito sa iyong sarili upang
maging mabuting pilipino? Ipaliwanag ang sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

B. Development 50 minuto Ang pagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino ay


Pagpapaunlad nakatutulong sa atin upang maging mabuting tao sa kapuwa.
Pagtutulungan o pakikilahok sa bayanihan sa pamayanan ay lagi
nating isabuhay.

Gawain sa Pagpapakatao Bilang 1. Basahin sa Matuto sa Iba sa


pahina 125-126 sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon –
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Ikalimang Baitang – Ikatlong Markahan at basahin ang kuwento.
Tingnan kung paano nakikilahok si Kyle sa mga gawaing
pampamayanan. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang
papel.

Sama-samang Paggawa, Tungo sa Iisang Adhikain

Isang araw ng Agosto, masayang ibinalita ng gurong si Bb.


Danielle Ramos sa kaniyang mag-aaral na magkakaroon ng
International Coastal Clean-up. Ito ay taunang gawain upang
maglinis ng mga kalat at dumi sa Roxas Boulevard. Tuwang-tuwa ang
mga bata lalo na si Kyle. Alam niya na isa na naman itong mabuting
gawain ng kanilang paaralan at ng mga organisador nito.

Sabi ni Kyle, “ Ma’m kailan po ito?” “Sa ikatlong sabado ng


Setyembre,” tugon ni Bb. Ramos. “Lahat ba kayo ay sasama?”
tanong ng guro. “Ako po sasama!” mabilis na tugon ni Kyle. Sumunod
na ring sumagot ang ibang mga mag-aaral.

“Mabuti naman! Natutuwa ako at sasama kayo. Ano ba ang


ating matutuhan sa gawaing ito? Alam ba ninyo ang mararanasan
at matutuhan ninyo sa gawaing ito?” tanong ni Bb. Ramos. “Opo,
Ma’m. Katulad po ng ginawa ng klase natin noong nakaraan taon sa
barangay na malapit sa ating paaralan. Kami po ay makatutulong
sa ating bansa upang mabawasan ang mga basura. Magiging
malinis ito ng kahit na kaunti,”tugon ng isang babaeng mag-aaral.

“Maipapakita ko kung paano ako makatutulong sa ating


bansa. Mahihikayat ko ang iba pang mga bata na tularan ako,”
nagmamalaking sagot ni Kyle.

“Mabuti naman at alam ninyo ang layunin ng ating


pagpunta roon. Matapos ang ating gawain, pasusulatin ko kayo ng
isang journal ng inyong naging karanansan,” pahayag ni Bb. Ramos.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang gawaing lalahukan ng mga mag-aaral ni Bb. Ramos?


2. Ano ang layunin ng gawaing ito?
3. Ano ang ipinakita ni Kyle at ng kaniyang mga kamag-aral?
4. Paano natutuhan ng buong klase ang kanilang gampanin sa
pamayanan?

Bilang isang Pilipino, ang magiliw na pagtanggap ng mga panauhin


ay likas na sa ating sarili dahil ito ay ating nakasanayan at dapat
ugaliin ng may ngiti at maluwag sa kalooban. Ito ay may
magandang kaugalian na dapat nating matutuhan sapagkat ang
pagpapakita ng kaugaliang Pilipino ay isang susi upang magkaisa
para sa kabutihan ng lahat.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gawain sa Pagpapakatao Bilang 2. Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon kung paano maipakita ang iyong pakikilahok sa gawaing
pampayanan. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.

1. Napansin mong nasasayang ang tubig sa inyong gripo na nasa


harapan ng inyong bahay. Natatapon ito sa kalsada habang hindi
pa dumarating ang mga magkukumpuni nito. Ano ang gagawin mo?

2. Nabalitaan mong maraming bahay sa kabilang barangay ang


nasira dahil sa kakatapos lang na bagyo. Ano ang gagawin mo?

3. Pauwi na ang iyong mga magulang. Nagbilin sila sayo na parating


ang mga pinsan mo upang bumisita sa inyong tahanan. Ano ang
gagawin mo?

C. Engagement 50 minuto Ano-ano ang mga kanais-nais na gawaing Pilipino?


Gawain sa Pagpapakatao Bilang 3. Lagyan ng puso (♡) ang kolum
Pakikipagpalihan
na tumutukoy kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na
gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Palagi Madalas Bihira Hindi


Kailanman
1. Pagsunod sa mga
alituntuning
pangkaligtasan sa aming
tahanan at pamayanan.
2. Pagbibigay ng tinapay
sa kaibigan ko na
nagugutom.
3. Pagtulong sa paglilinis
ng kanal upang
maiwasan ang pagbaha
at pagdami ng lamok.
4. Pagsama sa mga lakad
ng pinsan kapag may
pahintulot ang aking
magulang.
5. Magiliw na
pagtanggap sa mga
panauhin ng aking mga
magulang o kapatid.
6. Pagtulong sa aking
kapatid na nasaktan sa
loob ng tahanan.
7. Pagbabahagi ng aking
talento kapag
nagsasama-sama ang
pamilya.
8. Paghahanap ng
paraan upang
magkasundo ang
dalawang magkaibigang
nagkakagalit.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Gawain sa Pagpapakatao Bilang 4. Pag-aralan ang tsart sa Gawain


C sa pahina 129 sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon –
Ikalimang Baitang – Ikatlong Markahan. Tukuyin kung paano
makikilahok ang kabataang katulad mo sa mga gawaing
bayanihan sa pamayanan. Isulat ang mga paraan sa iyong
sagutang papel.

Gawaing Bayanihan sa Paraan ng Pakikilahok


Pampayanan

1. Paglilinis ng kanal o estero.

2. Pagbabahagi ng relief
goods.

3. Pagdedekorasyon kapag
may kaarawan.

D. Assimilation 20 minuto Sa iyong sagutang papel, buoin ang mahalagang kaisipang ito.
Paglalapat
Bilang isang Pilipino, ang magiliw na ____________________ ng mga
panauhin ay likas na sa ating sarili dahil ito ay ating nakasanayan at
dapat ugaliin ng may ngiti at maluwag sa __________________. Ito ay
may magandang epekto na dapat nating matutuhan sapagkat
ang pagpapakita ng kaugaliang Pilipino ay isang susi upang
magkaisa para sa kabutihan ng ___________________.

VI. REFLECTION Sumulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o


realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

Prepared by: Patrick O. Opeña Checked by: Elizabeth C. Mira


Teacher III ESP - Key Administrator
Maduya Elementary School Carmona District
Municipality of Carmona Josephine P. Monzaga
SDO Cavite Province EPS-EsP
SDO Cavite Province
Reviewed by: Philips T. Monterola LeaPEsPG6-Wk1-2 For Release
EsP Regional Coordinator 20210224-V01
Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 124-129.

You might also like