You are on page 1of 5

TAGUM DOCTORS COLLEGE, INC.

Mahogany St., Rabe Subd., Tagum City


Telefax: (084) 655-6971 E-Mail: tdci_007@yahoo.com
Website: tagumdocollege.com

MASINING NA PAGPAPAHAYAG
PALER, NELJEAN S. BS MLS 2-A
Pagsasanay 3

Kabanata 16

1. Ano ang sinisimbolo ng Radyo sa buhay ng nagsasalaysay?


-Sa buhay ng nagsasalaysay, ang radyo ay nagsisimbolo ng saya at pag-asa. Una saya,
sapagkat tuwing umaga nagsisilbi itong orasang de-alarma sa kanilang lugar. Pagdating naman
ng tanghalian, nandiyan ang drama na puno ng iyakan, bakbakan na nagsisigawan, at pakontes
gaya ng kantahan. Sa gabi ay maririnig ang mga lumang tugtugin na talagang mapapatulog ka
sa ganda ng himig. Ang radyo ay naging bahagi na sa bawat araw ng nagsasalaysay kung kaya
naman ay ibang saya ang dulot nito sa kanyang buhay.
Sa kabilang banda, ang radyo ang nagsisilbi ring pag-asa sapagkat ito ang naging susi
upang sila ay hindi lubusang maghirap. Napilitan silang isanla ang radyo upang mayroong makain
sa pang-araw-araw. At sa oras na nawala ito, ang kanilang tahanan ay naging matahimik na
parang tumalilis ang mga tugtog at awit. Pakiramdam nila ay iniwan sila ng mga iyakan, bakbakan,
at panambitan.
2. Ilahad ang pangyayari sa kwento na nagpapatunay na likas sa ating mga Pinoy ang
pagtatago ng totoong nararamdaman o nararanasan sa buhay?
-Likas sa ating mga Pinoy ang pagtago sa totoong nararamdaman o nararanasan sa
buhay sa kadahilanan na ayaw nating makadisturbo sa ibang tao, mayroon ding hindi kaya
ibahagi ito sa kanila, o di kaya’y nahihiya na malaman ang katotohanan. Batay sa salaysay,
naitago ng nagsasalaysay ang kaniyang tunay na nararamdaman katulad ng pagkamahiyain,
pagiging-duwag o kulang ang tiwala sa sarili.
Para sa akin, ang pagtatago ng totoong nararamdaman o nararanasan sa buhay ay
mayroong kalamangan at kawalan. Nakakatulong ito upang ipakita sa ibang tao na ikaw ay
matapang o hindi duwag sa mga suliranin sa buhay pero sa totoo lang, ikaw ay sumisigaw ng
tulong sa madilim na sulok sa iyong silid; nagbabakasakaling may umabot na kamay upang ikaw
ay samahan sa iyong laban. Minsan ang pagtatago ng iyong totoong nararamdaman ay
nakakatulong upang hindi makasakit sa ibang tao at pati narin sa iyong sarili. Ito ay nagsisilbing
kalakasan ng ibang tao kasi minsan kinakailangan mong magpanggap para sa ikakabuti ng mga
taong malapit sa iyong buhay.
Sa kabilang banda, nagbibigay rin ito ng kawalan sa tao, dahil hinahayaan nito na dalhin
ang iyong buhay sa puno ng kasinungalingan. Mas mabuti na ating yakapin ang totoo nating
nararamdaman at huwag magpanggap lalong lalo na pagdating sa iyong sarili. Kinakailangan na
maging tunay ka sa iyong nararamdaman at huwag kalimutan na mayroong tamang tao na
masasandalan mo, makikinig at tutulong sa mga nararanasan mo sa iyong buhay.
3. Patunayan na kaya nating mga Pinoy na takasan ang problema sa buhay sa
pamamagitan ng mga simpleng paglilibang?
-Ang mga Pinoy ay kilala bilang mga masayahing tao sa kabila ng unos o hirap na
dumating sa buhay. Ilan sa mga libangan na ginagawa ng mga Pinoy upang matakasan ang
problema sa buhay ay ang panonood ng paboritong comedy show, makipagkwentuhan sa mga
kaibigan at pagpasyal sa malapit na parke, Ang paglilibang sa sarili ay isang paalala sa tao na
hindi masama ang paghinto sa kabila ng iyong mga problema na hinaharap. Hindi dapat natin
kalimutan na ngumiti sa kabila ng hirap na dala ng buhay. Ito ay nagpapaalala sa atin na ayos
lang magpahinga o guminhawa sa isang gabi at sa pagsikat ng araw ay may panibagong pag-
asa na gagamitin mo bilang sandata sa pagharap ng iyong mga problema.

Kabanata 17
1. Bakit pinarangalan si Botong Francisco bilang isa sa Pambansang Alagad ng
Sining sa Pilipinas? Magbigay ng ilang pagpapatibay.
-Sa pamamagitan ng paggawa ng debuho ng mga karosa, arko at entablado, si Carlos
“Botong” Francisco ay pinarangalan ng Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas. Natanggap
niya ang karangalan na ito noong siya ay pinakiusapan ni Bb. Irene Floriza na magdisenyo ng
stage para sa isang programa nila sa Angono Elementary School. Iginuguhit niya ang kaniyang
mga sketch sa kartolinang puti at nakapako ito sa katawan ng kahoy o arko. Si Botong ay kilala
rin bilang isang mahusay na pintor. Ang kaniyang mga likha ay higit na nagtatampok ng disenyo
at ritmo, pakurbang linya ng nagpapanggap at pumupuna sa bawat espasyo, at lalong lalo na ang
pagpapakita ng makabagong idyoma sa pamamagitan ng matingkad na kulay ng isang
karaniwang tao.
2. Nararapat ba na siya’y tumanggap ng gayong parangal? Patunayan ang iyong
kasagutan?
-Oo, sapagkat ang mga taong katulad ni Botong ay dapat na ipagmalaki at pasalamatan.
Karapat-dapat lang na bigyan siya ng gayong parangal dahil ipinakita niya ang kaniyang katangi-
tanging kadalubhasaan at mahalagang idinagdag sa Sining sa pamamagitan ng pagguhit at
pagpipinta. Isa pa, ang kaniyang mahusay na pagbuo ng mga disenyo ay talagang kahanga-
hanga at iilan lang ang may kakayahan na makalikha ng mga ganito. Ito ay nagpapatunay na si
Botong nga ay isang tunay na henyo!
3. Bakit binansagang “ Bayan ng mga Alagad ng Sining” ang Angono sa Rizal?
-Ang Angono sa Rizal ay binubuo ng mga galeriya at museo na pinupuntahan ng mga
kolektor, estudyante, turista, matataas na opisyales ng bansa, at lahat ng uri at estado ng tao.
Binansagang “Bayan ng mga Alagad ng Sining” ang Angono sa Rizal sapagkat dito isinilang ang
mga tanyag sa Sining kagaya nina Carlos V. Francisco at Dominador G. Tiamson. Mayroon rin
silang organisasyon na binubuo ng mga mahuhusay na mga artists sa Angono at ito’y
pinalanganan nilang Angono Ateliers Association na ang unang nagtatag ay si Carlos V.
Francisco.
4. Lumikha ng isang Tula na parangal kay Botong bilang isang katangi-tanging Pinoy
sa larangan ng pagpipinta.

“Botong”
Tula ni: Neljean Paler

Ika-labing-dalawa ng Hunyo na ika’y unang nakita.


Sa mahuhusay mong kamay, atensyon ko’y nakuha.
Tinititigan bawat alon ng iyong daliri
Na parang ako’y madadala at iyong kinikiliti.

Sa unang tingin, agad na nahuhumaling.


Mga gawa mo’y hindi ko maihahambing.
Kapaligiran ko’y ang sigaw, “Mahusay ka, Botong!”
Habang ako dito'y namamangha lang ng pabulong.

Nang malapit ng matapos ang iyong obra maestra,


pintig ng puso ko’y nasisiyahan sa iyong pagpipinta.
Pambansang Alagad ng Sining ang iyong Gantimpala,
O Botong, laking gulat ko, mukha ko ang ‘yong nilikha.
Kabanata 18
1. Ano ang magagawa mo upang hindi na magkaroon ng inferiority complex ang isang
Tsinoy?
-Mayroon akong tatlong epektibong magagawa upang hindi na magkaroon ng inferiority
complex ang isang Tsinoy. Una ay ang pagtanggap sa isa’t isa. Lahat tayo ay may iba’t ibang
natatanging taglay katulad sa mga Tsinoy, mayroon silang kakayahan at kultura na hindi nila
nakikita sa atin at ganoon din tayong mga Pinoy. Ipapalala ko sa kanila ang kahalagahan ng
pagtanggap at pag respeto sa bawat isa. Pangalawa, pakikipaghalubilo. Ang pakikipaghalubilo
ay nakapagbibigay ng malalim na relasyon sa isa’t isa. Ito ay nagpapaalala sa atin na hindi
hadlang ang pagkakaiba ng ating lahi upang tayo ay magkaisa. Sa huli ay ipapaalala ko sa mga
tao na hindi mahalaga kung ikaw ay may lahing Tsinoy o lahing Pinoy sapagkat ang mahalaga
ay kung paano ka magiging mabuting tao o mabuting Pilipino.
2. Kung ikaw ay isang Tsinoy, Paano mo tatayain/kikilalanin ang sariling mo bilang
isang Pilipino?
-Kung ako ay isang Tsinoy, tatayain o kikilalanin ko ang sarili ko bilang isang Pilipino sa
pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga tradisyon at kultura katulad ng pagmamano bilang
pagrespeto sa mga nakakatanda at pagsabi ng “po” at “opo”; pag-aaral sa kanilang mga salita;
at pakikisama o pakiki-isa sa mga Pilipino. Sa ganitong paraan ay masaya ‘kong maipagmamalaki
at masasabi na “Ako’y Tsinoy na may pusong Pinoy.”
3. Buuin ang pahayag na “ Ang Tsinoy ay Pinoy din kung………….”
-Ang Tsinoy ay Pinoy din kung ito ay marunong ngumiti sa kabila ng problema o pagsubok
na dala ng buhay.”

Kabanata 19
1. Paano madaling makita ang tinatawag na kaakuhan sa isang akda?
-Upang madaling makita ang tinatawag na kaakuhan sa isang akda, kinakailangan na
marunong tayong kumilatis sa kung anong paraan ibinahagi ng akda ang kwento o salaysay
sapagkat dito natin malalaman ang kaniyang kakayahang taglay sa paglilikha o pagbubuo ng
kwento, at nagbibigay ito ng ideya sa mga mambabasa upang sila ay makilala ng lubusan.
Nakakatulong din ang pagbasa ng maayos at pag-unawa sa kwentong binasa. Dahil dito, madali
nating makuha kung ano ang mensahe na nais ipahayag ng manunulat o akda sa mga
mambabasa tungkol sa kanyang kaakuhan.
2. Anu-ano ang mga responsibilidad ng isang manunulat bilang isang tagahatid ng
mensahe sa kanyang awdyens?
-Ang mga sumusunod ay mga responsibilidad ng isang manunulat bilang isang tagahatid
ng mensahe sa kanyang awdyens:
• May malinaw na layunin. Nakakatulong ito upang matagumpay na maiparating ng isang
manunulat ang kanyang mensahe o salaysay.
• Maging responsible sa mga napiling salita, maging ito man ay katanggap-tanggap o hindi.
• Iwasan ang paggamit ng jargon o mga espesyalisadong salita at cliches o mga salitang
gasgas na sa sobrang paggamit o di kaya’y paulit-ulit.
• Maging sistematiko sa paghahanap ng mga materyales na kailangan at maayos na pag-
iiskedyul ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng iyong salaysay o pananaliksik.
• Kapag ito ay nagbabagi ng mga pangyayari o balita, kinakailangan na piliin ng manunulat
ang mga datos batay sa katotohanan.
• Handang tumanggap ng mga negatibong komento galing sa awdyens.
3. Manaliksik ng mga kwentong kakikitaan ng kaakuhan at bilang tinig ng karamihan.
Pamagat at Buod ng kwento
“Si Mariang Mapangarapin”
Magandang dalaga si Maria. Siya ay masipag at masigla. Masaya at malatino rin siya.
Masasabing siya ay ulirang dalaga, ngunit siya ay pamangarapin. Umaga o tanghali man ay
nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap ng gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang mapangarapin. Hindi siya
nagalit bagkus ikinatiwa pa niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.
Tuwang-tuwa si Maria at inalagaan niyang mabuti ito. Nagpagawa ng kulungan, pinatuka, at
pinaiinom ang mga ito. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. Pangarap niyang
magkaroon ng mga inahing manok.
Lumipas ang ilang buwan, labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap. Inipon ni Maria ang itlog ng mga
inahing manok sa araw-araw hanggang nabuo ito sa limang dosenang itlog. Isang araw ng linggo
ay pumunta sa bayan si Maria at sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay
nangangarap ng gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos,
bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida, at saka lumakad siya ng
pakendeng-kendeng. Pinaganda ni Maria ang kaniyang lakad at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria. Umiyak siya nang
umiyak. Naguho ang kaniyang pangarap kasavay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na
kanyang sunung-sunong.

You might also like