You are on page 1of 5

Modyul 1

Paunang Pagsubok
1. B
2. C
3. B
4. C
5. A
6. B
7. D
8. D
9. A
10. C

Gawain 1:
Panuto: Sa isang papel ay isulat ang istorya ng iyong buhay na hinding-hindi mo makakalimutan,
ang yaong tumatak at nagbigay-aral sa iyong buhay. Pagkatapos ay ibahagi ito sa klase upang
magsilbing gabay ang mga aral na mapupulot dito.

Ang Kwento ng buhay ko!


Ang buhay ko ay di perpekto. Maraming pangyayari sa aking buhay na hindi ko makakalimutan.
Maaaring ito ay masama o masayang pangyayari pero ito ay tumatak sa aking buhay.
Nakakatawa lang isipin na yung mga karanasan ko dati ay tinatawanan ko nalang ngayon kapag
ito’y aking naiisip. Pero lahat ng mga karanasang ito ay naging gabay ko sa aking buhay.
Highschool palang ako ay marami akong katarantaduhan na ginawa. At ang hindi ko
makakalimutan ay umabot ako sa paglalayas. Nagawa kung maglayas dahil sa impluwensiya ng
aking mga kaibigan. Nung highschool ako ay marami akong naging kaibigan dahil siguro sa
palakaibigan akong tao. Sa pag sama ko sa aking mga kaibigan ay di ko naisip na sumasama na
pala ako sa mga kaibigan na masama ang impluwensiya sa akin. Hindi ko namalayan na
napapabayaan ko na pala ang aking pag aaral dahil sa pagliliban namin sa klase para pumanta
kung saan nila gusto. Sa mga panahong iyon ay madali nila akong nauuto dahil wala sa aking
gumagabay. Ang nakakatatanda kung kapatid ay palaging busy dahil sa trabaho at ang ina ko
naman ay may iba ng pamilya kaya hindi niya na ako naaasekaso. Ang mga kaibigan ko lang
noon ang nagpapasaya sa akin kaya hindi ko naisip na hindi na pala mabuti ang pagsama ko sa
kanila pero huli na ng malaman ko ang mga bagay na iyon. Umabot muna ako sa paglalayas
dahil sa pagsulsul nila sa akin. Masaya nung una pero habang tumatagal ay nalalaman ko na ang
kanilang tunay na ugali. Dahil sa aking mga nalaman sa kanila ay napagdesisyunan ko na umuwi
sa amin. Napagtanto ko na mas masaya kapag pamilya mo ang kasama kasi sila ang tunay na
nagmamalasakit at nagmamahal sa atin. Pero hindi parin maiiwasan na may mga taong pag
uusapan ka dahil sa karanasang ito. Sabi nga ng iba na hindi daw ako makakapagtapos ng pag
aaral pero binalewa ko lang yun kasi alam ko naman na hindi sila titigil hanggat wala akong
napapatunayan.
Lumipas ang mga taon at ito parin ako nagpapatuloy sa aking pag aaral. Lahat ng mga
pangyayari sa aking buhay ay nag bigay sa akin ng aral. Ito ang nagpatatag sa akin kaya patuloy
akong lumalaban para sa aking pangarap at para sa aking pamilya. Natutunan ko na dapat hindi
tayo magpadala sa ating mga problema. Sabi nga ng iba na hindi niya ibibigay ang ganung pag
subok kung alam niyang hindi natin kaya.

Gawain 2:
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na mga pahayag upang mabuo ang diwa o kaisipan
hinggil sa PANITIKAN.
Ang Panitikan ay parang/katulad ng isang… produkto na walang humpay na paglikha at
paglalapat-damdamin sa mga bagay-bagay upang maging inspirasyon.
Ang Panitikan ay mahalaga sapagkat… ito ay parang ginto kung ituring ng mga tao na may
pagpapahalaga sa buhay, sa kapwa, at lipunan.
Ang Panitikan ay dapat na pagyamanin dahil… Malaki ang impluwensiya nito sa tao lalo na sa
lipunan sapagkat ito ang humuhubog sa damdamin at isipan ng sino man sa pamamagitan ng
kanilang mahahalagang mga karanasan sa buhay.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat sa patlang ang iyong kasagutan.
1. Ano/ano-anong kahalagahang panlipunan ang tinataglay ng ating panitikan?
 Ang panitikan ay mahalaga sa ating lipunan, dahil ito ay sumasalamin sa ating
mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas. Kaya naman bilang
miyembro ng lipunan tayo ay napag-iisa ng panitikan.
2. Bakit mahalagang Pag-aralan ang panitikan? Isalaysay ang iyong sagot.
 Mahalagang pag aralan ang panitikan kasi ito ay tradisyong Pilipino na dapat
pagyamanin at ibahagi sa iba upang hindi ito mawala sa ating kultura.
3. Gaano kahalaga ang panitikan sa buhay ng tao bilang isa sa mga instrumentong
nagpapabago sa lipunan?
 Mahalaga ang panitikan sa buhay natin kasi dito tayo nakakakuha ng mga
impormasyon na nagbibigay inspirasyon sa atin. Dahil sa mga karansan ng iba ay
nakakakuha tayo ng mga aral na ating inaapply sa ating mga buhay.
4. Bakit sinasabing hindi mapaghihiwalay ang panitikan sa kultura at tradisyon?
 Ang panitikan ay sumasalamin sa mga paniniwala, kultura at tradisyon. Malaki
ang kontribusiyon ng panitikan sa kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung
ano ang buhay ng mga tao noon.
5. Bilang isang mag-aaral at mamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga at pagmamahal sa ating panitikan sa ngayong humaharap tayo sa hamon
ng bagong kadawyan o “New Normal”?
 Maipapakita ko ang aking pagpapahalaga at pagmamahal sa ating panitikan sa
pamamagitan nang paggamit dito. Kahit na humaharap tayo sa bagong new
normal ay pwde ko parin ito magamit sa pang araw araw na pamumuhay tulad
ng pagbibigay opinion sa aking kapatid or magulang. Sa simpleng pagbibigay ko
ng opinion sa aming tahanan ay hindi mawawala ang kayaman ng panitikan.

Panuto: Palawakin ang iyong ideya hinggil sa mga sumusunod na mga pahayag gawin ito sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag ng tatlo hanggang limang pangungusap.
“Ang Panitikan ay kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.”
Ang panitikan ay isang instrumento na nag papahayag sa mga karanasan ng ating lahi. Sa
pamamagitan ng mga karanasan ay nakapagbibigay ito ng magagandang aral at inspirasyon sa
atin.
“Ang Panitikan ay hulmaan ng mapanlikhang-isip.”
Ang panitikan ang gumagabay sa atin upang maipamalas natin ang ating taglay na katalinuhan
na galing sa ating pinagmulan. Dahil dito ay naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa
pamamagitan ng pagpapakikita ng malasakit sa panitikan.
“Ang panitikan ay bunga ng mga diwang mapanlikha ng diwang naghehele.”
Ang panitikan ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan maging ang mga guni-guning
likhang-isip lamang. Pinupukaw nito ang nahihimbing nating kamalayan. Lahat ng ito’y
nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy
sa ating katawan, diwa at damdamin.
“Ang Panitikan ay tagapaglantad sa mamisteryong lipunan.”
Ang panitikan ay ang naglalantad sa mga tunay na pangyayari sa ating lipunan. Ito ang
nagtuturo sa atin kung ano ang dapat natin gawin sa mga pangyayari na ating hinaharap.

Gawain 3:
Panuto: Magsaliksik ng mga impormasyon hinggil sa mga realidad na nangyayari sa lipunan
ngayon at sumulat ng isang sanaysay hinggil dito. Buuin ang nasabing gawain sa loob ng 500-
700 na salita.

Ang mga isyu sa Takot sa Pandemya

Ang kasalukuyang isyu na hinaharap ng ating lipunan ay tungkol sa corona virus. Lahat
tayo ay may kanya-kanyang pananaw at takot hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.
Pano ngaba natin maiiwasan ang ganitong uri ng problema sa ating bansa na kahit ang ating
mga eksperto ay di rin alam kung pano solusyunan ang suliraning ating hinaharap? Alam naman
natin na walang pinipiling estado sa buhay ang virus na ito, mayaman kaman o mahirap ay
pwde kang mahawaan. Pero bilang mamamayan dapat alam natin ang ating pweding mai-
ambag at maitulong para maiwasang hindi lumala ang pandemyang ito.

Ilang buwan na ang lumipas at tayo ay humaharap parin sa nakakamatay na sakit ang
corona virus. Marami ang nawalan ng trabaho at marami rin ang nagutom at isa na kami sa mga
pamilya na nakakaranas ng ganito. Mahirap ang ganitong karanasan, nang dahil sa pandemyang
ito ay nagkukulang kami sa pagkain. Minsan nga ay kumukuha ako ng gulay upang meron
kaming ulam. Pero hindi parin maiiwasan na tayo ay mangamba kasi hindi natin alam kung
kailan tayo madadapuan ng sakit na ito. Pero kahit mahirap ay tinitiis natin wag lang tayo
mahawaan ng virus. Nagsusuot tayo ng mask at face shield at sumusunod tayo sa mga protocol
na dapat naman talaga nating gawin. Sa panahon ngayon ay dapat ingatan natin ang ating mga
sarili. Katulad ko na isang estudyante, marami akong pangarap sa buhay para sa aking sarili at
para rin sa aking pamilya. Sino ba naman ang hindi matatakot na parami ng parami ang
naapektuhan ng virus na ito. Mabuti sana kung lahat nakakaligtas kaso hindi. Pero mayroon ring
naman positibo na dinulot ang covid 19. Dahil sa pandemiyang ito ay nagkaroon kami ng oras
na makapagbonding nang aking pamilya di tulad nang dati na minsan lang. Nang dahil sa
panitikan ay lumalabas ang ating mga mabubuting asal na galing sa ating pinagmulan. Tulad
nalang nang ginagawa ng mga frontliners na pagtulong sa atin. Sa kabila ng pandemiyang ito ay
nagagawa parin nilang tayong tulungan. Tinutulungan nila tayo na gumaling sa sakit, mabigyan
ng pagkain at iba pa. Dahil sa pagtutulungan ay nakikilala ang ating pagiging Pilipino at ito ay
nakatatak na sa ating kultura.

Tunay nga talaga na hindi mapapaghiwalay ang lipunan sa panitikan. Dahil ang
panitikan ang humuhubog sa ating pagkatao. Bilang isang mamamayan ay dapat gampanan
natin ang ating mga tungkulin. Sabi ko nga kanina na dapat sumunod tayo sa mga protocol at
tulungan natin ang ating mga frontliner. Sa simple nating pagsunod sa kanila ay malaking tulong
ito upang mapagaan ang kanilang kalooban kasi alam naman natin na nakakaramdam rin sila ng
takot at pagud sa kanilang trabaho.

Gawain 4:
Panuto: Magsaliksik ng mga impormasyon at ideyang makatutulong sa pagpapahalaga sa ating
panitikan, sa pamamagitan nito’y gumawa ng isang “video campaign material” na tiyak na
biihag at makakatawag pansin sa mga makapanood nito. Isagawa ang gawaing ito ng pangkatan
na binubuo ng tigtatlong tao bawat pangkat.

Panghuling Pagsubok
1. B
2. C
3. B
4. C
5. A
6. B
7. D
8. D
9. A
10. C

You might also like