You are on page 1of 2

Ang “Sa Kambas ng Lipunan” ay isang dokumentaryong nilikha ni Joey Velasco,

isang bihasang pintor. Tungkol ito sa mga kabataang nakararanas ng matinding


kahirapan na kanyang binisitahan para maipakita sa pamamagitan ng pagpipinta
tungkol sa kanilang mga karanasan sa buhay. Bawat mukha nila’y nakapinta katabi
ang Panginoong Hesukristo habang nagsasalu-salo sa hapag-kainan. Bawat kulay
ng panibagong bukas ay mabusising nilalagyan ng pinta ang kambas. Ang kanyang
obra maestra na pinta ay nagngangalang “Hapag ng Pag-asa” na nagpapakitang sa
kabila ng pagiging dukha nila, matatamo pa rin nila ang pag-asa.

Sadyang nagpaluha sa akin ang maikling pelikulang ito. Naramdaman ko rin ang
pagkaawa sa kanilang buhay na nararanasan. Hindi biru-biruan ang magtulak ng
karton para may pantustos sa pamilya. Hindi biru-biruan ang maglinis ng
sementeryo at hindi biru-biruan ang maging batang ina. Bawat isa sa kanila ay
may ganitong pamumuhay. Napaisip tuloy ako na mapalad akong bata. Pinalaki
ako nang maayos. Kumakain ako nang tatlong beses sa isang araw at hindi ako
nagbubungkal ng mga pagkakakitaan sa basura. Nagpapasarap lang naman ako,
pero, MALI AKO! MALI AKO! Nakita ko ang tunay na kahulugan ng buhay sa kanila.
Ang buhay ay ibinigay sa atin ng Panginoon, hindi para mabuhay sa ating mga
kagustuhan lamang kundi mabuhay na naaayon sa buhay na ating tinatamasa.

Ngayong napagtanto ko na ang tunay na buhay, alam ko na ang dapat kong gawin.
Sa dokumentong “Sa Kambas ng Lipunan” ako nabigyan ng hamong magpapabuti
sa aking buhay. Ang hamon sa akin ay MATUTONG GUMALAW SA BUHAY NA
TINATAMASA. Hindi ito mahirap, at hindi na rin kailangang magpagutom,
manirahan sa sementeryo, at mabuntis nang maaga. Kailangan ko lang
pagpursigihin ang pag-aaral para mas mapabuti ang aming buhay at tuluyan kong
maunawaan at maintindihan ang tunay na pananaw sa buhay. Magdarasal rin ako
sa Panginoon para matulungan Niya ako kapag nahihirapan ako sa buhay.
Ang dokumentong ito ay magbibigay, hindi lang sa akin, pati na rin sa lahat ng
Pilipino ng aral. Tiyak, giginhawa ang buhay ng mga maralita kung iintindihin natin
ang kanilang sitwasyon at matututo tayong kumilos sa nararanasan nating buhay,
higit sa lahat, uunlad ang ating bansa.

You might also like